Hindi niya alam kung anong gagawin at kung paano makisabay sa pakikipag-usap ngayon sa lalaking kaharap niya. Hindi rin niya pweding iiwasan ang nasa harapan niya ngayong si Dave—ang lalaking minahal niya sa loob ng apat na taon, ang lalaking nagpapasakit at nagloko sa kanya sa araw mismo ng kanilang kasal.
Bigla siyang nakaisip ng idea, magpapanggap nalang siyang kunyaring di niya ito kilala dahil sa bouffant cap na suot nito at face mask, kahit ang totoo'y kilalang-kilala na niya ito.
"K-kumusta ang mama ko, Doc? at bakit inatake parin siya kahit na may maintenance naman siyang gamot para sa sakit niya?" mga tanong pa n'ya rito na na pinakalma ang kanyang sarili sa harap nito.
"Her situation is critical, but don't worry, I'll do everything possible to ensure she recovers.
At about sa maintenance niya ay nalaman kong di ito madalas nakainom ng gamot nito." tugon nito sa kanya sa malamig na boses habang nakatitig sa kanyang mukha.
Wala ng duda pa, si Dave talaga ngayon ang kanyang kaharap nang marinig niya ang boses nito. Si Dave pala ang Doctor ngayon ng kanyang ina! napalunok muna siya ng laway at di niya maiiwasang kabahan ng gano'n kalakas sa muling paghaharap nila ngayon. Hindi niya talaga inaasahan sa pagkakataong ito na muli niyang makakaharap at makakausap si Dave!
Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay dahil sa huling sinabi nito.
"Ano? hindi pala madalas na ininom ni mama ang gamot nito?" gulat niyang sabi.
"Pero bakit? posibleng nakakalimutan niya siguro ang pag-inom?" dugtong niyang tanong.
"Yes, kaya muli siyang inatake sa kanyang sakit ngayon." tugon pa nito sa kanya.
Sisikapin niyang maging kampante sa harap nito at patuloy na magkukunyaring hindi parin niya ito kilala.
"T-thank you, Doc. Nakikiusap akong h'wag mong hayaang may mangyaring masamà kay mama." ang sabi pa niya rito na simpleng iniwas ang mga tingin rito at ibinaling sa ibang direksyon.
Pakiramdam niya'y pati mga labi niya'y nangangatal iyon dahil sa tensyong namagitan sa kanila ngayon ni Dave.
"Para sa'yo ay gagawin ko ang lahat at hindi ko hahayaang may mangyari sa'yong ina, Helena." muling wika nito na binanggit na talaga ang kanyang pangalan.
Natigilan naman siya sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Para bang nais nitong ipaalam sa kanya na magkakilala lang sila nito. Muli namang nagtama ang kanyang mga mata nang mapatingin siyang muli sa mukha nito.
Nanatiling tikom ang kanyang bibig at dapat wala siyang ibang sasabihin rito. At kung pilit mang magpakilala ito sa kanya ngayon ay dapat na ipapakita niya ritong hindi siya apektado sa muling pagkikita nila ngayon.
"Thanks again, Doc." muli niyang pagpapasalamat rito na binalewala ang pagsambit nito sa kanyang pangalan.
"Do you know me, Helena? Do dou know me, who I am?" di na talaga napigilang tanong nito sa kanya.
Nabigla naman siya sa tanong nito sa kanya kung kilala ba niya ito!
"W-why, Doc? Who are you, anyway? If we used to know each other, I'm sorry, I don't recognize you. Nakatago kasi ang mukha niyo." pormal naman niyang tugon rito.
"Sigurado ka bang hindi mo talaga ako kilala, Helena? how about my voice, hindi mo rin ba pamilyar?" sabi pa nito sa kanya.
"H-ha? bakit? mahalaga ba talagang matandaan kita?" tanong naman niya ritong may himig na pamimilosopo sa tono.
Wala nang salitang hinuklas nito ang bouffant cap at face mask nito. Kaya tumambad sa kanya ang napakaguwapong mukha nito, ang dating mukha na kanyang kinababaliwan noon at minahal. Si Dave!
Nagulat parin siya kahit alam na niyang si Dave ang kanyang kaharap.
Mas naging guwapo pa ito ngayon kumpara dati. Ang mga mata nito ngayon ay tila nangungusap at laging nang-aakit habang nakatingin sa kanya.
Para bang may magnet ang mga mata nito na di niya maalis agad ang paningin rito nang muli silang magkatitigan ngayon.
"Kumusta ka na, Helena?" pormal namang tanong nito sa kanya.
Kitang-kita sa mukha nitong natuwa ito ng mga sandaling iyon na sila'y muling nagkita at nagkakausap.
Hindi naman siya nakapagsalita, dahil ang totoo'y hindi niya talaga alam kung paano ito pakikipag-usapan maliban nalang kung tungkol lang sa kanyang ina ang kanilang topic. Pero kapag tungkol na sa nakaraan nila ay hindi niya ito pweding papatulan sa pakikipag-usap nito sa kanya ngayon. Hindi niya gustong makipag-usap rito, kung hindi lang talaga ito Doctor ng kanyang ina ay never siyang mananatili sa harap nito.
"Siguro naman ay kilalang-kilala mo na ako ngayon, Helena?" seryoso paring tanong nito sa kanya.
Nanatiling tahimik siya at di na nakapag salita.
" Nang makita kita sa Garden cafe noong isang araw ay hindi mo rin ba ako nakilala doon?" tanong pa nito sa kanya.
"Ha? g-garden cafe? ewan ko. Bakit, nakita mo ba ako sa garden cafe?" nautal pa niyang tanong rito.
"At y-yes, kilala na kita ngayon, sino bang hindi makakilala sa'yo, Dave?" dagdag pa niyang wika rito.
"Do you know how much I've been waiting for you to come back, Helena?" mahinang sabi nito sa kanya.
Mas lumakas pa ang kaba niya sa narinig mula rito. Kaba na may halong pagkakainis rito.
"Pero mas mahalaga sigurong magdinner muna kami ng kasama ko, Dr. Dela Torre.
Ate, Gemma, magdinner muna tayo sa labas." Baling niya sa kasamang katulong para lang maiiwasan niya ito.
" Okay, ma'am, kayong bahala." tugon naman ng katulong sa kanya.
"Maiwan ka muna namin Dr. Dela Torre, ang mahalaga ay naagapan si mama at kahit nasa critical ang kanyang kondisyon ay alam kong malalampasan niya ang lahat sa tulong ng panginoon at sa tulong niyo rin, Doc. At sa muli, thank you." ang sabi naman niya ritong
pilit na ipinakita ritong hindi siya apektado sa muling pagkikita nila ngayon nito.
Mabilis na niyang hinila ang katulong para sila'y aalis na.
Tumayo naman agad ito para susunod na sa kanya. Saglit pa niyang nasulyapan muli si Dave at nakita niyang nawaglit ang tuwa sa mukha nito sa kanyang pagtalikod agad.
"Helena, mag-usap pa tayo." narinig pa niyang tawag nito sa kanya.
Mas lalo siyang nainis nang tinawag siya nito at gusto nitong makipag-usap sa kanya. Hindi na niya ito pinakinggan pa.
Nang makaalis na sila at tuloyang iniwan ito ay di na niya ito muling nilingon man lang pero dumadagundong parin ang lakas ng kanyang kaba dahil sa di inaasahang pagkakaharap nilang muli nito.
Ayaw niyang magsalita o maghalungkat pa ito tungkol sa mga nangyari noon sa kanila. Hindi na iyon mahalaga pa sa kanya. At sa sinabi na niya sa kanyang sarili—ayaw rin niyang makipag kaibigan kina Dave at Hilda. Ayaw niyang maging plastic na tao na kahit hindi gusto ang mga ito ay magpapanggap na okay lang. Kahit naman siguro sino sa kanyang pinagdaanan ay wala ng gugustuhing makipag-ayos sa mga ito.
Umuwi na rin si Dave pagkatapos siyang naka over time sa kanyang trabaho dahil sa ina nina Helena at Hilda. Dumating na ang isang Doctor na papalit muna sa kanya. Sa isip ni Dave ay mukhang di pa alam ni Hilda ang nangyari sa ina nito. Mamaya pa siguro nito malalaman kapag makarating na siya sa mansion nila.
Hindi maintindihan ni Dave ang nararamdaman nang makitang muli kanina si Helena. At Hindi man lang siya binigyan ng oras nito upang saglit niya itong makakausap.
Sa inis ni Dave ay wala sa sariling naihampas niya ang isang kamay sa kanyang manibela. Natuwa siyang makita ito at di maipaliwanag ang kanyang naramdamang kaligayahan ngunit ito ay wala siyang nakikitang kasiyahan nang magkita sila nito kanina, kahit sa ngalan ng mga masayang alaala man lang sana nila. Kahit kunti ay wala na ba itong natitirang pagmamahal sa kanya? iniwan man lang siya nito noon na hindi man lang siya nito pinakinggan.
At sa galit niya nang umalis ito at lumayo ay nakipagsama siya ng tuloyan sa kapatid nito lalo na't nabuntis din niya noon si Hilda, ang purpose niya sa pakikipagsama kay Hilda ay makaganti kay Hilda sa pagsira nito sa kanila ng kapatid nito, gusto niyang magdusa ito sa kanyang piling upang pagsisihan nito ang ginawa nito noon sa kanila ng kapatid nito.
Kaya habang nagbuntis ito sa kanilang anak ay sinadya niyang mambabae siya kahit wala naman siyang gusto sa nagiging mga babae niya noon, sinadya lang talaga niya ang lahat para maramdaman ni Hilda ang sakit at padurusa nito sa kanyang piling. Subalit nang makunan ito dahil na stressed ito sa kanyang ginawa ay nakonsensya naman siya sa kanyang ginawa dahil nahulog ang kanyang anak.
Ilang beses na siyang nagtangkang iiwan ito ngunit nagtangka naman itong kitilin ang buhay nito.
Pagdating ni Dave sa Mansion ay nakaugalian na siyang salubungin ni Hilda ng halik sa labi. At napansin naman nitong wala siya sa kondisyon. Nilampasan muna niya ito at dumeretso sa ref para kukuha ng malamig na white wine para inumin agad.
"Dave? may problema ka ba, Love?" tanong ni Hilda na sinundan pala siya nito hanggang sa ref.
"Wala naman akong problema, pagod lang, Hilda." Pagsisinungaling ni Dave na kahit ang totoo'y sakop ni Helena ang kanyang buong isipan ngayon.
"Siguro ikaw ang may problema ngayon. Hindi ka ba tinawagan ng mga kapatid mo na nasa hospital ngayon ang mama niyo? ako ang nag-aasikaso sa kanya kanina sa emergency room." sabi ni Dave rito na muling humakbang pabalik sa lobby na bitbit na niya ang isang bote ng wine habang nakasunod parin si Hilda rito. Hanggang ngayon ay wala talaga itong kaalam-alam na adopted lang si Hilda ng pamilyang Alcantara.