Dumating naman ang order nito at nagsimula na rin itong kumain. Kahit anong bilis niya sa kanyang kilos para matapos niya agad ang kanyang pagkain ay di talaga niya iyon madaling maubos. Kahit ipinakita niyang malakas siyang kumain ay conscious parin ang kanyang mga kilos at laging maingat dahil nasa kanya lang nakatingin ngayon si Dave. Wala na siyang magagawa pa dahil naka order na rin siya. Kaya magtiis nalang talaga siyang kumain kasama nito. Parang nais niya tuloy makaganti kay Dave dahil sa pagpapasakit nito sa kanya noon. At isa lang ang paraan kung paano niya ito sasaktan—dapat na siyang magmahal ng iba. Kahit anong mangyari ay hindi na basta-bastang babalik pa ang pagmamahal at dating tiwala niya rito. Mahirap na maulit ang masakit na nakaraan na naging bahagi na ng bangungot

