Nauwi si Helena na walang ibang nasa kanyang isipan kundi si Dave. Kahit anong pilit niya na h'wag itong isipin ay pilit itong sumisiksik sa kanyang isipan dahil sa nangyaring pagkikita nila kanina sa isang malaking boutique na pag-aari pala nito at ang pagsunod nito sa kanya sa Korean restaurant. Galit siya sa pang-uuto nito kanina sa kanya upang inumin lang niya ang order nitong Juice na dating palamig nila noon sa tuwing monthsary nila. Kaya naman ngayon ay tila na stress siya at nanggigil talaga sa ginawa nito. Sa lahat na pinaka ayaw niya ngayon ay ang ma stress lang siya sa mga taong nagtaksil sa kanya. Bago siya bumalik dito sa Pilipinas ay ipinangako niya sa sariling hindi na siya paaapekto sa mga ito at magpapaka stress, pero di pala talaga maiwasan lalo na't tulad ng nangya

