"What!? anong ibig mong sabihin? are you out of your mind, Dave!? pakawalan niyo ako!" galit na galit na wika ni Hilda sa kanya. "You need mental advice, Hilda, for yourself and not for me. Hindi na normal noon pa na pagbantaan mo ang sarili mo at kung hahayaan kita ay ikakapahamak mo ito ng tuloyan." Wika ni Dave rito. Ipadala niya ngayon si Hilda sa kanyang sariling hospital at ihatid sa psychiatric ward o ikonsulta sa psychiatrist na nagtatrabaho doon. Bilang doctor, alam niya na kailangan ng propesyonal na espesyalista sa mental health para sa ganitong sitwasyon ni Hilda dahil di na talaga niya makakaya na laging ganito na lang na at wala siyang aksyon sa ganitong kalagayan. "How dare you! hindi ako baliw, Dave!! napakahayop mo!!" galit na sigaw ni Hilda na sobrang namumula na a

