Habang patuloy na inalo at nag-uusap sina Airah at Helena, ang mga katulong na kanina lang ay nakatingin sa kanila ay dahan-dahang lumapit sa mga nagkalat at nabasag na gamit. "E-excuse muna, Ma'am Helena, iligpit muna namin ang mga nabasag dahil delikado ito," kiming wika pa ni Miah. "O-oh sige, Miah," ang tugon naman ni Helena na pinahid ang mga luha sa mata. At dumating naman si Manang Gloria na dala ang walis, dustpan, at malalaking lalagyan para kolektahin ang mga piraso ng salamin, para maiiwasan na masugatan habang maglilinis ang mga ito. "Ma'am, l-linisin na muna namin dito ha?" ang sabi naman ni Manang Gloria—ang mayordoma. "O-okay po, Manang," tugon din ni Helena. Minsan pa ay tumitingin ang mga katulong kay Helena habang kasama si Airah na may kalungkutan sa mga mata at pa

