Pagkapasok ko pa lang sa loob ng kwarto halos hindi ko na marinig ang t***k ng puso ko. Kanina noong sinusundan ko siya sa likuran, papasok ng room hindi na ako halos magkanda-ugaga sa pag-iiisip kung anong gagawin namin sa loob ng silid niya. Isang malamig na kwarto ang bumungad sa balat ko. Dim ang lights nang makapasok ako, kagaya lang ng sa labas pero rito mas ramdam mo ang tensyon sa aming dalawa gawa nang malamig na loob. Nasa may pintuan lang ako nakatayo, nagtatanong kung anong gagawin ko sa loob. Gusto kong magtanong sa kanya sa gagawin ko, ang kaso pumasok siya sa puting pintuan na sa tingin ko ay banyo. "Maglilinis din ako dito?" tanong ko sa sarili. Napanguso at napakamot na lang ako. Natatakot akong may maigalaw maski konti sa mga gamit niya rito sa kwarto, baka mapagali

