Buong oras ng klase hindi ako mapakali, katabi ko lang naman si Harris, wala naman siyang ginawa buong oras kundi ang matulog. Pati mga kapatid niya nag-iingay lang ngunit hindi sinita, minsan nambabasag ng trip. Marami silang kalokohan sa class room na hindi ko akalain na magagawa nila. Akala ko seryoso ang mga kapatid niya pero tanging si Harris lang pala ang hindi talaga maloko, he is serious all the time. Pagkatunog ng bell, hudyat nang oras na ng lunch break. Mabilis gumising ang katabi kong lalaki. Pangatlong subject na ito, buntot pa rin siya nang buntot sa akin. Wala talaga siyang ginawa for the whole time kundi ang matulog lang naman. What a good man. Pagkagising niya agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Napatingin naman siya sa akin saka nagkusot ng mata. Hindi ko ipagkakail