Hindi rin ako nagtagal sa bahay ng mga Moonzarte dahil tumawag si kuya Andrew, may emergency raw na nangyari kina Daddy at Mommy Gumuho ang mundo ko sa nalaman galing sa kanya. Lubosan ang pag-alala ko sa balitang natanggap. Kinuha ako ni kuya sa labas ng malaking gate ng mga Moonzarte, kaya naman sabay kaming pumunta ng Hospital upang tingnan ang kalagayan ng magulang naming dalawa. Ang balitang natanggap ko galing sa kanya, ay ang nagpayanig sa lamang loob ko. Our parents faced an accident, na disgrasya raw sina Mommy at Daddy sa minamanehong sasakyan nito, may nakabanggaan silang malaking truck dahilan para matupi ang kanilang minamaneho. Ang mas malala pa roon tinakbuhan sila nang nakabangga sa kanila. Napamura na ako sa labis na galit doon sa walang awang nakabangga. Grabe ang a

