Kabanata 33: Pagpapakilala sa mga anak ng amang hari

3263 Words
(Sa kabundukan ng Websa'a) "Neroz, Neroz!!" humahangos na dumating si Pando at hinanap agad ang kaniyang kaibigan. "Bakit ka nagsisisigaw Pando, anong mayroon?" takang tanong ni Adan. "Paumahin, pinuno. Ngunit nasa'n ang iyong anak? Si Neroz! May kailangan akong sabihin sa kan'ya!" hinihingal na sagot ni Pando na pawisan pa. "Anong kailangan mo, bansot?!" pagdating ni Neroz na bumaba mula sa isang baging. "Kaibigan! Kaibigan! Mabuti at natagpuan na kita hehe!" bati ni Pando na may nakaka-lokong ngiti at pilit inakbayan itong isa. "Anong mayroon d'yan sa ngiti mo ha? Mukha kang cerapal." biro ni Neroz at binatukan ang kaibigan. "Aray ko naman, kaibigan! 'Wag mo kong saktan! May dala nga akong magandang balita para sa 'yo 'no!" sabi ni Pando at sinundan si Neroz. Kumuha ng isang mansanas ang binata at kinain ito habang nakatanaw sa magandang sikat ng araw na nasa kalangitan. "Kay aliwalas na umaga!" ngumunguyang sabi nito. "Neroz! Neroz! Ang hirap mong habulin! Alam mo namang hindi kahabaan ang mga hita ko! Pinagod mo ako paghabol sa 'yo, apmevento ka!" hinihingal pa rin na sabi ni Pando at napaka kapit kay Neroz, "masyadong maliit ang mga hakbang ko kung ikukumpara sa 'yo hay!" "Kung ano man ang sasabihin mo ay sabihin mo na, 'wag mong sayangin ang oras ko 'pagkat muli kong bibisitahin ang—" "Ayon nga Neroz — hoah!" pagputol agad ni Pando, "nabalitaan ko na may magaganap raw na piging mamaya sa Goltus, at ang lahat ay ina-anyayahang dumalo!" Natigil sa pagnguya si Neroz at napatingin agad sa kaibigan— "Anong sabi mo?!" "Hindi mo ba ako narinig?!! Ang sabi ko — may gaganaping piging mamaya sa palasyo ng mga sorsero at ang lahat ay inaanyayahang dumalo!" galit na ulit ni Pando at inagaw na ang hawak na mansanas ng kaibigan at s'ya ang kumain nito. "Totoo ba?! Saan mo nasagap iyan?" pag-uusisa ni Neroz. "Sa kaibigan kong sisne! Pero sandali — bago ka umasa na makikita mo doon ang hinahangaan mong sorsero ay uunahan na kita, hindi kasali ang mga mandirigma!" "ANO?!" gulat na bulyaw ni Neroz at napalakad, "sabi mo'y imbitado ang lahat?! Ano't ngayon ay hindi imbitado ang mga mandirigmang 'gaya natin?" "Inaanyayahan ang lahat, oo! Ang mga taga bayan at mga nasasakupan ng Goltus, maging sa mga karatig pang lupain at kaharian. Pero tayong mandirigma ay hindi, sapagkat nanaiisin ba ng amang hari na looban sila o di kaya'y masalisihan??" paliwanag ng bansot. "At bakit naman iyon ang agad na iisipin ng hari ng mga sorsero? Hindi n'ya ba alam na gusto lang rin ng mga kagaya natin na mag-saya, na makaranas ng magarbo at masayang piging?!" tanong ni Neroz na halatang naiinis. "Nag-iisip ka ba talaga, kaibigan?!" irita nang tanong sa kaniya ni Pando, "kilalang may malilikot na kamay ang mga mandimigmang katulad natin! Mapanlamang pa nga at makasarili, kaya ano pang pagtatakhan mo d'yan? Tss!" tanong nito. "Ah basta! Magtutungo ako doon at makikita ko'ng muli ang sorsero!" sumpa ni Neroz at dali-daling umalis. "Sandali kaibigan, hintayin mo ako, HOY!!" pagtawag ni Pando. ... (Goltus) Naghahanda na ang buong kaharian, ang paligid ay puno na ng mga disensyo at mararangyang palamuti. Ang bawat panig ay may kanya kanyang hora na naatasang maglinis upang matiyak ang kagandahan ng piging mamayang gabi. Sa punong bulwagan ay mas abala ang nakararami dahil dito magtitipon tipon ang lahat at dito rin ipakikilala ang anim na nagkikisigang mga anak na prinsipe ng amang hari. Ang mga kagamitan at pagkain, maging alak at marami pang inumin ay inilalatag na sa mga lamesa. Gayundin, ang mga bandera ng mga kahariang sakop ng Goltus ay itinaas na sa mga dingding! Pumasok si Axus sa silid ni Sype at nakita n'ya itong nananalamin, habang sinusubukan ang isang kapa na kulay asul at may magandang mga disenyo. "Sype?!" pagtawag n'ya. "Ahh, Axus! Tignan mo, bagay kaya s'ya para sa akin mamaya?" nakangiting tanong ni Sype. "'Yan ba ang susuotin mo?" tanong ni Axus. "Oo! Kaya ano sa tingin mo?" sabik na sagot nitong isa. "Ahmm... Masyadong pang babae, Sype?" nahihiyang bulong ni Axus dahil baka may makarinig sa kanila. "Tunay ba? — Ngunit gusto ko talaga itong isuot!" pagpipilit ni Sype. "May naisip na ako! Maisuot mo pa rin 'yan mamaya!" nakangiting sabi ni Axus. "Talaga?!" paninigurado ni Sype. "Oo! Magtiwala ka! Babagay sa 'yo yan! Sandali, ipakita mo muna sa akin ang iba mong kasuotan at ibagay na natin ang kapa na yan!" aya ni Axus at nagsimula na silang dalawa na mag-ayusan. Unti-unti nang bumababa ang araw at isa-isa na ring nagdadatingan ang mga panauhin na makikisaya sa palasyo ng mga sorsero. Ang mga magagarang karosa ay nakikita ni Neroz na dumadaan kaya hindi n'ya maiwasang malungkot at maisip na kung sana'y may dugong maharlika lang s'ya ay tiyak na makakapasok rin s'ya sa pagdiriwang na magagaganap. Sa labis na bugnot ay naglakad-lakad nalang s'ya sa kagubatan habang may hawak na mga bato at inihahagis ito sa paligid upang kahit doon man lang ay mailabas n'ya ang kaniyang labis na yamot. "Pag minamalas ka nga naman! Arg!" daing ng binata at muling bumato sa paligid. "Kung may magandang katayuan lang sana ako! APMEVENTO!!" At sa muling pagbato niya ay tinamaan n'ya ang isang cerapal na nasa itaas ng puno! "MEOW!!" sigaw ng cerapal at napatingin dito si Neroz. "Tss... Pusang ligaw." sabi ng binata at maya-maya ay biglang naglaho ang nilalang! "Sundarava!!" labis na nagulat si Neroz at kinabahan. "Isa atang diwata ang aking tinamaan!? O di kaya'y — engkanto?" pangamba niya at nilingon-lingon ang paligid. "P-paumanhin, kung sino ka man! Hindi ko sinasadyang matamaan ka!" sigaw pa niya— —nang biglang lumitaw sa harapan niya ang pusang naglaho kanina! "Salutem, ginoo!" bati nito na may malaki ngunit mapaglarong tinig. "HAHHH!!" sigaw ni Neroz, "isang varda'ng pusa?!!" ------------------------------------------- VARDA - nangangahulugang "kaluluwa" ------------------------------------------- Ang kaluluwang pusa na ito ay mataba, kulay lila ang balahibo at may mga guhit, asul ang mga mata at malaki ang bibig na may matatalim na ngipin kaya talagang nakakatakot kapag ito'y ngumingiti. Ang buong anyo nito ay gawa sa usok kaya marahil nagagawa nitong lumutang at maglaho, dagdag pa na may suot itong sumbrerong mataas o 'yung karaniwang sinusuot ng mga salamangkero. "Si-sino ka?! Anong kailangan mo sa 'kin? Parurusahan mo ba ako?" kinakabahang tanong ng mandirigma sa nilalang. "'Wag kang mag-aalala kaibigan, hindi ako nagagalit sa 'yo! Lalong hindi kita paparusahan dahil hindi naman ako nasaktan!" paliwanag ng pusa. "Ha? Eh 'di ba natamaan ka ng bato?!" "Mag-isip ka nga! Sa histura kong ito'y tingin mo ba masasaktan ako ng kahit na ano?" "Ahhh, oo nga, sabi ko nga! Hehe!" pagtawa ni Neroz at lumigid-ligid sa kaniya ang pusa na tila inaamoy s'ya mula ulo pababa. "Sa nababasa ko'y may inis kang kinikimkim sa iyo. Tama ba ako, Neroz?!" tanong nito. "Oo — oo? Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko?!" gulat na tanong ng binata. "Hindi mo na kailangang malaman, bata. Ang nais kong malaman mo ay ako ang hinahanap mo!" sagot ng varda. "Hinahanap?" pagkunot ng noo ni Neroz. "Eh 'di naman ako naghahanap ng aalagaang cerapal, lalo na kung katulad mong — pasaway." At binatukan bigla ng pusa si Neroz at muli s'yang inikutan. "Jatos! Ako ang hinahanap mong makakatulong sa 'yo! Kailangan mo ako upang makapasok ka sa Goltus, hindi ba?!" sabi nito at biglang naisip ni Neroz. --------------- JATOS - Ulol --------------- "Ha?! — Ikaw? P-paano naman ako matutulungan ng... pusa?!" may pag-aalinlangan na tanong nito at medyo natatawa. Ngumiti naman ang pusa at lumutang nang mas mataas... "Ayaw mong maniwala?!" tanong nito at si Neroz ay umiling-iling lang. At biglang naglabas ng makukulay na mga liwanag itong pusa at umabot ang mga ito sa kalangitan saka pumutok at kumalat! Nanlaki ang mga mata ng mandirigma habang nakatingala at talagang namangha s'ya sa ipinakita ng nilalang na iyon! "PAMBIHIRA!!" sambit n'ya, "paano mo ako matutulungan kung gano'n, ginoong pusa!?" biglang maamo n'yang tanong. "'Yan ganiyan nga! Maging magiliw ka! Lalo't ikaw nga 'tong may atraso sa akin, binato mo ako hindi ba?!" "Oo na, patawad na nga 'don! Ngayon, matutulungan mo ba ako?! Tulungan mo na ako, kailangan kong makapasok sa Goltus at mahanap ang — hinahangaan kong... sorsero." walang pag-aalinlangang samo ni Neroz sa cerapal na kaniyang kaharap. "Hmm... Sa nakikita ko'y... hindi magiging mahirap ang nais mo. Sandali, kailangan kitang isipan ng kaaya-ayang hitsura!" tugon ng pusa at muli na namang inikutan si Neroz. "Paano mo nga pala nalaman ang nais ko? At sigurado ka bang matutulungan mo ako?" may alinlangan pa rin na tanong ng binata sa pusa habang inaaral nito ang katawan niya. "Aha! Alam ko na!!" sagot ng pusa at muling binatukan si Neroz, "MATUTULUNGAN KITA! BAKIT BA AYAW MONG MANIWALA?!" "Ahh — hahahaha! Avenila, avenila, ginoong pusa! Tinitiyak ko lamang!" natatawang paumanhin ni Neroz. ----------------------------------------------- AVENILA - nangangahulugang "paumanhin" ----------------------------------------------- "Sancte! Tama na ang maraming usapan — oras na upang magpalit ka!!" pagngiti ng pusa kay Neroz at bumuga na ito ng salamangkang usok! Hanggang sa ikutan na nga ng usok na ito ang mandirigma at nagsimulang mag-iba ang gayak nito! ... Sa palasyo ng mga mga sorsero... Pumasok si Verdem sa silid ni Sype dahil naroon ang iba n'ya pang kapatid, sa silid nito nila naisipang magbihis nang sabay-sabay upang makita nila ang ayos ng isa't isa. Bihis na silang anim at talaga namang mararangya at makikisig ang ka-kanilang dating sa kanilang mga gayak pang regium! Magkakaiba ang anyo at disenyo ng kanilang kasuotan, na gawa pa ng mga mahuhusay na mananahi ng Goltus at ang bawat kasuotan ay may magkakaibang kulay na sila ring bumagay sa mga may suot na prinsipe. Si Axus ay payak lang ang kausotan na kulay melokoton at may suot siyang tiara na bumagay naman dahil umangat pa rin ang kaniyang kakisigan. Si Sype naman ay may kasuotang hawig din ng kay Axus, asul lamang ang kulay nito at may mahabang kapa na nakakabit sa mga balikat, ang mga buhok n'ya ay si Axus din ang nag-ayos kaya medyo magulo ito, habang si Verdem ay sa magaling na hora nagpa-ayos ng buhok dahil ibig niyang mas maging makisig sa kanilang anim. Ang kasuotan n'ya ang marangya, kulay berde at may mga kumikinang na dyamante! Si Xelcis naman ay nakasuot ng kulay pulang kasuotan na may dampi ng itim, may maliliit itong bato na kumikinang at ang buhok n'ya ang nakatumpok paitaas. Si Lerzia ay pinaghalong itim at lila naman ang kulay ng kasuotan, may suot pa itong sumbrerong mataas at may hawak na tungkod. May mga suot rin s'ya na mga mararangyang alahas 'gaya ng singsing at hikaw kaya ang kaniyang anyo ay talagang naging mapang-akit, ngunit may elemento ng pagiging "misteryoso". At itong si Adro, ay pinaghalong puti at kayumanggi ang kasuotan. Magara rin ngunit tila masisira pa ang ayos dahil mayroon siyang problema... "Oh Adro? Bakit nakasimangot ka pa riyan?" paglapit ni Axus sa tahimik na kapatid. "Eh kasi naman... 'di ko madadala si Cleya sa magaganap na piging mamaya." dismayadong sagot nitong si Adro at si Axus ay medyo natatawa naman. "Ha? Hindi ba't may lagayan ka naman sa kaniya? Ilagay mo s'ya roon at isukbit ito, tapos!" paliwanag nito. "Hindi! Hindi ko pwedeng isuot nalang ang lagayan dahil hindi babagay sa aking gayak!" reklamo nitong si Adro na talagang nababahala para sa kaniyang alaga. "Kung gano'n ay — iwan mo nalang muna s'ya dito... At balikan nalang pagkatapos ng sayawan?" mungkahi muli ni Axus. "Hindi maaari! Kailangan na nasa sayawan rin Cleya!" Nag-isip si Axus habang nasa lamesa ang lagayan ng alagang parkupino ng kaniyang kapatid... "Kung gano'n—" sabi niya at kinuha ang lagayan saka tumayo, "hayaan mong ako na ang magdala sa kanya!" at isinuot na ang maliit na lagayan. "Ayos na ba?" tanong pa niya. "Kakatuwa!? Umangkop sa iyong kasuotan ang lagayan!" pansin ni Adro nang makitang hindi nakasira ang lagayan ng kaniyang alaga sa ganda ng gayak ni Axus. Tumayo s'ya at hinawakan ito sa braso. "Ayan! Ayos na, maraming salamat, Axus! Ngayon ay masisiyahan na ako 'pagkat alam kong dadalo si Cleya sa piging!" "Handa na ba ang lahat?!" pagpasok ni Emprido sa silid ng mga regium. "Handa na!" sagot ng anim. "Kung handa na ang lahat ay heto, kuhanin n'yo na ang inyong mga maskara at tayo'y tumuloy na, 'pagkat hinihintay na kayo sa punong bulwagan!" Sabik nang nagsama sama ang magkakapatid at kinuha ang mga naka-talaga sa kanilang maskara at saka sila sabay-sabay na naglakad, sa pangunguna ni Emprido. ... (Sa kagubatan) Naglaho na ang salamangkang usok na bumalot kay Neroz at laking tuwa niya sa kaniyang nakita— Naka-gayak na siya nang pang maharlika! Kulay itim na kasuotan na napapalamutian ng mga kumikinang na diyamante at may kasama pang isang maskara. Talagang nag-iba ang kaniyang anyo at wangis, lalo s'yang kumisig at mas naging kaakit-akit! "Kagila-gilalas!!" manghang sabi niya habang tinitignan ng bawat piraso ng kausotan. "Ang ganda! Ka'y rangya!" "Binabasbasan rin kita upang hindi ka makikilala ng sinuman, Neroz! Upang malaya kang makapasok sa Goltus!" basbas pa ng pusa at may makikinang na liwanag ang sandali ring bumalot sa binata. Pumikit si Neroz at nang dumilat s'ya ay naramdaman niyang nakasuot na siya ng maskara! "Ngayon ay handa ka na! Sige, magtungo ka na sa iyong itinatanging sorsero!" utos ni ginoong pusa. "Sandali, kaibigan! Wala ka man lang bang ibibigay na sasakyan sa akin? M-maglalakad lang ba ako? Masasayang naman ang ganda ng ayos ko ano!" pag-hirit pa ni Neroz. "Pranar!" sambit ng pusa, "akala ko'y sapat na sa 'yo ang magmukhang disente! Tsk, pasalamat ka at mapag-bigay ako ngayong oras!" --------------------------------------------- PRANAR - nangangahulugang "Pasaway" --------------------------------------------- At kumumpas ang pusa, naglabas s'ya ng makulay na liwanag at tumama ito sa kalangitan. Hindi rin nagtagal ay narinig ni Neroz ang atungal ng isang higanteng nilalang sa itaas! Ang Gargano! Isang uri ng dragon na maaaring gawing alaga dahil ang lahi ng mga ito ay maaamo at hindi mabangis. Marami ang mga ganitong uri sa malalayong lupain at isla, ngunit may matatagpuan ring malapit, sa saradong Falcodep pero iilan lang ang makikita gargano doon. Bumaba na ang higanteng cerapal sa harap ni Neroz at kitang maamo nga ito dahil nagpahimas kaagad ng balat sa mandirigma. "Kamangha-mangha!!" tuwang tuwang sabi ni Neroz. "Maamo ang isang 'yan, kung nanaiisin mo'y maaari mo s'yang kaibiganin!" saad ng pusa, "subukan mong sakyan!" "Kaibigan?!" sambit ng binata sa dragon at nang makita n'yang pumapayag ito na sakyan ay sumampa na agad siya sa likod ng leeg nito! "'Yan! Ganiyan nga! Ngayon ay lumisan ka na, madali!" utos ng pusa. "Sandali... May maaari ba ako ihandog bilang kabayaran man lang para sa kabutihan mong ito?" tanong ni Neroz. "Kung mayroon ka mang maaaring isukli, iyon ay ang maniwala..." sagot ng kaluluwang pusa, "...maniwala ka sa kapangyarihan at salamangka! Dahil walang hindi maaari hangga't naniniwala ka!" Ngumiti ng napaka tamis si Neroz at naisip ang talinhagang sinabi ng nilalang. "Ngayon ay lumisan ka na 'pagkat nararamdaman kong malapit nang mag-umpisa ang kasiyahan!" "Maraming salamat muli — salamat ng marami, ginoong pusa! Magkikita pa ba tayo?" tanong pa ng mandirigma. "Nasa tabi-tabi lang ako, bata... 'Wag kang mag-alala." pag-ngiti ng pusa. "Maraming salamat kung ganoon aking kaibigan, mauna na muna ako sa 'yo!" paalam ni Neroz. At tinapik na ng pusa sa buntot ng dragon upang lumipad na ito at nang lumisan nga ay kumaway-kaway pa si Neroz sa kaniya bilang pasasalamat! Naiwan na sa kagubatan ang misteryosong pusa at dito naman dumating si Fellian. "Anong ginagawa mo Febrer?" tanong nito, "bakit mo pinagdidikit ang dalawang hindi naman itinadhana?" "'Wag mong pagdudahan ang aking kilos, kaibigan." sagot ng pusa, "nakasulat na ang mga magaganap, kaya dapat ay batid mo na ang aking dahilan." at mabilis na itong naglaho. "HIHIHI!" ... (Goltus) Narating na ni Neroz ang tahanan ng mga sorsero at inilapag s'ya ng sinasakyang dragon malapit sa entrada ng palasyo, nang umapak na s'ya sa lupa ay inayos n'ya muna ang kaniyang sarili at saka tiningala ang napakarangyang kaharian. "Salutem, Goltus!" sambit niya. "Dito ka na muna kaibigan ha... papasok na ako sa loob!" paalam niya sa dragon at tinapik ang ulo nito, pagkatapos ay naglakad na s'ya palapit sa tarangkahan ng Goltus kung saan may mga kawal na sumasalubong sa mga panauhin. "Damhan ad vesperum, ginoo!" bati ni Emprido kay Neroz nang makalapit ito. "Damhan ad vesperum!" bati din ni Neroz. "Maaari ko bang makita kung nasaan ang inyong liham paanyaya?" tanong ni Emprido at dito biglang bumilis ang t***k ng puso ng binata. "L-liham?" tanong nito. "Oo! Hindi ba't ang lahat ng dadalo ay binigyan ng liham? Saang kaharian ka ba nagmula?" tanong muli ng sorsero. "Ahh — eh..." at biglang napansin ni Neroz ang kumikinang na bagay sa bulsa niya. Agad n'ya itong dinukot at ayun! Mayroon s'yang liham paanyaya! "Heto! Heto ang aking imbitasyon!" mabilis n'yang inabot kay Emprido ang sobre. "Mainam! Maraming salamat ginoo, nawa'y maibigan mo ang aming palasyo!" at pinatuloy na nga ni Emprido si Neroz! Habang naglakakad si Neroz sa pasilyo ay hindi n'ya maiwasang mamangha, tunay ngang napaka ganda ng kaharian ng Goltus! Ang mag pagkain ay nasa paligid lang at ang mga naroroon ay pawang mga may matataas na katayuan, sa mga suot pa lamang nila ay kita na. Itong mandirigmang dayo ay agad na kumuha ng makakain niya upang habang hinahanap ang kaniyang pakay ay mayroon siyang mangunguya. At sa punong bulwagan ay nagtitipon na ang lahat ng mga dumalo sa piging, naroon na sila 'pagkat ipakikilala na ng amang hari ang kaniyang mga prinsipe! Matapos lang ang huling paghahandog ng regalo kay Roman ay pinaluwagan na niya ang gitnang bahagi dahil paparating na kaniyang mga anak! "Maraming salamat at nakarating ang lahat rito. Ikinatutuwa kong kayo ang aking makakasama sa pagdiriwang ng aking kaarawan!" pasasalamat ng hari sa mga majezan. "Ngunit bago ang lahat... Ay nais kong ipakilala sa inyo ang aking mga anak, ang anim na itinatatangi kong mga regium!" Hanggang sa pumasok sa bulwagan ang mga prinsipe na nakahanay batay sa kanilang mga tanda. Tumayo ang mga ito sa harapan ng mga panauhin, suot ang kanilang mga maskara! "Si Lerzia, ang aking pangay, sinundan naman ni Verdem, pagkatapos ay si Xelcis, si Sype, at si Adro. At ang aking bunso, na anak namin ng yumaong reyna Kaxandra... si Axus!" pagpapakilala ng amang hari at nagpalakpakan ang lahat na may kasama pang pag-iingay. Sabay-sabay na humarap ang magkakakapatid sa kanilang ama at nagsalita... "Maligayang kaarawan, aming amang hari!" bati ng mga ito at agad na yumuko bilang pagbibigay galang. "Nawa'y maiibigan mo aming munting handog." nakangiting sambit ni Lerzia. At biglang humatak ng babae mula sa paligid ang anim upang maging kapareha dahil may inihanda silang sayawan para sa kanilang ama! Umingay na ang punong bulwagan at dito nag-umpisang tumugtog at sumayaw ang anim na regium, kasama ang kanilang mga ka-sayaw! Si Neroz na tila naliligaw na sa palasyo ay nagawi sa bulwagang iyon at napansin nito ang dami ng mga majezan na naroon, wari bang may pinapanood ang mga ito kaya sa pagtataka ay pumasok na rin s'ya doon at nakihalo sa mga manonood. Dito niya nakita ang mga nag-sasayawang binata sa gitna at ang labis na paghanga mga manonood, kaya napaisip tuloy siya kung sino ang mga iyon— —hanggang sa makita ng kaniyang mga mata ang isa sa mga sumasayaw na naka kulay asul na gayak, at sa kakatuwang pakiramdam ay tila nakilala n'ya ito! Bumilog ang mga mata ni Neroz at napatigil sa kung saan s'ya nakatayo upang patuloy pa ring pagmasdan ang sumasayaw. Maaaring ayun na sorserong pakay n'ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD