Kabanata 51: Masamang pahiwatig

2096 Words
Ipinalaganap na sa buong Goltus ang sumasamang panahon, inutusan na rin ni Axus ang mga kawal-sorsero sa pangunguna ni Adro na mag-ikot sa mga pamayanan na nasasakop nila upang abisuhan ang bawat majezan ukol sa maaaring maganap sa mga darating na araw. Ang lahat ay mahigpit nang pinapanatili sa kanilang mga tahanan at gayun din ay ipabatid sa kanila na bukas ang kaharian para sa lahat ng mangangailangan ng tulong o sa mga lilikas. Habang isinasagawa nila iyon ay mas dumilim pa nga ang kalangitan at nagsisimula na ring umambon! Sa palasyo ay sinindihan naman ang lahat tsiminea dahil lumalamig na ang pasok ng hangin at ipinakandado na rin ng hari ang lahat ng hindi gaanong ginagamit na daanan, maging mga bintana upang hindi ito maging dahilan ng anumang kapahamakan sa paparating na bagyo. Talagang nakahanda na ang buong Goltus para sa babalang ibinigay ng serpyenteng nagpakita, marahil ay ang bagyo na nga iyon. Kasalukuyang nakasilip sa bintana ng punong bulwagan si Axus at s'ya ay nakasuot na rin ng pampainit na kausotan dahil nakakaramdam na ng ginaw. "Nagsisimula nang umulan, kamahalan." pagtabi ni Lawag sa kanya. "Nais mo ba ng maiinit na maiinom?" alok nito. "Ayos lang ako, Lawag! Salamat." pagngiti ni Axus, "kumusta ang iyong ama? Nasabihan mo na ba s'yang manatili na muna sa inyong tahanan?" "Oo naman, kamahalan. Naroon na s'ya at nagpapahinga kaya agad akong pinapunta rito upang tumulong pa sa paghahanda." sagot ng kawal. "Magaling kung gano'n!" sambit ni Axus, "malakas-lakas na bagyo ito, Lawag — nararamdaman ko." may pangamba nitong sabi. Sa kabundukan ng Websa'a, ang lahat rin ng mandirigma ay nagsi-likas na sa pangunguna ng mag-amang Adan at Neroz, sila ay nagtungo sa isang ligtas na kweba at doon na muna sisilong hangga't hindi pa dumadaan ang malakas na bagyo. Mabuti at kabisado ni Adan ang kweba kaya tiyak niya ang lawak nito at nagawa niyang mai-ayos ang lahat ng kaniyang kasama upang magkaroon ang mga ito ang kani-kanilang pwestong pagtutuluyan. Sina Neroz, Pando at Almer naman ang namamahala sa bawat sulok upang matiyak na maayos ang lahat. "Nag-aalala ako para kay Sype..." sambit nitong si Neroz, "kanina pa ako nababahala rito, Pando... Iniisip ko kung kumusta ang lagay ni Sype sa Goltus." "Oh anong gagawin mo? Tatakas ka at puntahan siya ha?" tanong ni Pando. "Oo — humahanap lang ako tyempo." pag-amin nitong si Neroz. "Nahihibang ka na talaga, Neroz! Bumabagyo na't lahat, Sype pa rin?!" dismayadong sabi ng kaniyang kaibigan, "alam mo, tiyak ang kaligtasan n'ya sa kanila! Aba, sa palasyo kaya s'ya nakatira ano!?" "Aalamin ko lang ang lagay niya! Sinasabi ko sa 'yo, wala namang makakapansin na aalis ako, tsk!" pagpipilit ni Neroz. "Bahala ka nga d'yan!" at itong si Pando ay iniwan na kaagad siya. Maging sa Derrohny ay dama na rin ang masamang lagay ng panahon, mabuti nalang dahil kahit papaano'y nabuo na ang panangga ng kaharian kaya hindi na ito basta-basta tatablan ng anumang unos. Nananatili namang nagtatrabaho ang lahat ng kawal, patuloy silang gumagawa ng maraming sandata na tiyak nilang magagamit sa mga susunod na digmaan. Sinasamantala na nila ang sandaling nananahimik ang lahat para kung sakaling magakroon na naman ng labanan ay mas handa sila at hindi na madadaig pa! "Ano kaya'ng paghahanda ang ginagawa ng iyong mga kapatid sa Goltus?!" tanong ni Balrak sa apo habang nakadungaw ito sa bintana. "Heh — ngayon magkakaalaman kung anong klaseng pamumuno ang kayang ibigay ni Axus sa mga sorsero." walang emosyon naman na sagot ni Lerzia. "Tiyak na makakararaos sila, panginoon. Nasa kanila ang limang hiyas, hindi ba?" pagsali ni Guzma at si Lerzia ay halatang na-insulto. "Nakatitiyak akong hindi pa rin magiging madali ang kanilang pamamahala sa buong palasyo!" ani nito. "Masyadong bago si Axus sa pagiging pinuno. S'ya ang pinakabata sa aming magkakapatid kaya tiyak na hindi pa ganap ang kaniyang kaalaaman sa pagpapanukala o pagharap sa mga ganitong pangyayari!" "Anong ipinaglalaban ng inyong apo, panginoon?" pabulong na sabi ni Guzma sa hari. "Tumahimik ka, Guzma..." Matapos ang sandali nilang pag-uusap ay naghiwa-hiwalay na sila. Si Guzma na nagmamando rin sa mga pasilyo ng Derrohny ay nakita si Balrak na nakasuot ng roba at tila lalabas sa gitna ng nagngangalit na panahon. "Panginoon? Saan kayo patutungo?" taka niyang tanong. "Apmevento—" mahinang sabi ni Balrak, "huwag mong ipapaalam sa lahat, lalo na kay Lerzia na lilisan ako!" sagot nito at nagtalukbong. "Bakit panginoon? — N-nais mo bang samahan kita?" tanong pa ni Guzma. "Hindi na — sandali lamang akong mawawala kaya sundin mo ang aking utos. Ikaw lang ang nakakita sa akin at wala nang iba!" sagot ng hari. "Masusunod!" At si Balrak ay lumakad na, habang humakbang s'ya palayo ay bumakat kaniyang likuran ang tila isang armas na nakasukbit— "Saan kaya patutungo ang mahal na hari?!" nagtataka pa ring tanong ni Guzma sa sarili. Hanggang sa dumilim na sa buong Majezenty at ang ulan ay lalo pang bumuhos. Sa Goltus ay dama na ang lumalakas pang unos — tila paparating na nga ang bagyo! May ilang balkonahe ang palasyo na hindi gaanong nababasa ng ulan dahil iwas ang mga ito sa apyas ng mga tubig, doon napag-isipan ni Roman na pansamantalang magtungo habang kasama ang gising pa rin na apo, si Kahlim. "Tila lumalakas na ang ulan, Kahlim! Nilalamig ka ba?" matamis na tanong ni Roman sa paslit. "Ayos lang po ako, flaio. Pinasuot sa akin ni ama ang kaniyang pang-ginaw." sagot naman ni Kahlim at ipinakata ng suot na pag-aari ni Axus. "Aba! Kung gano'n ay itinabi pa rin ni Axus ang kasuotang iyan? Ako ang nagbigay sa kaniya n'yan!" kwento ni Roman nang sila'y magtungo sa may pasamano. "Totoo po?!" "Oo! At nakakatuwang naalala n'ya pa ang sinabi ko na kung sakaling magkaka-anak s'ya ay iyang pangginaw pa rin ang ipasuot n'ya!" Habang masaya silang nagkukwentuhan ay nakita sila ni Axus at napangiti ito ng labis dahil sa nakatutuwa nilang bukluran. Hindi ito nakisali sa kanila, bagkus ay pinanood lang sila sa malayo. "Kamahalan... Ano't naririto kayo?" tanong ni Emprido nang makita ang hari. "Hindi n'yo ba nais na magpalamig rin kasama nila?" "Hindi na, Emprido. Pagmamasdan ko na lamang sila mula rito dahil nakatutuwa sila! Ayokong abalahin ang masinsin nilang pag-uusap." sagot ni Axus na kita sa mga mata ang labis na kasiyahan at habang nagsasalita ang kaniyang ama ay napalingon ito sa kaniya. Parehong napangiti ang kanilang mga mata at tila ba kakaiba ang naramdaman ni hari — tila may kakaiba sa sayang nararamdaman n'ya nang matitigan ang mata ng ama sa maigsing sandali lamang. Dahil hindi naman makikihalubilo sa kaniyang ama't anak si Axus ay kinausap nalang nito si Emprido at inalam ang ulat ukol sa mga lagay ng kaharian ngayon na nagpaparamdam na ang masamang panahon. Habang nagsasalita ang taga-payo ay muling sinulyapan ni Axus ang kaniyang ama— —hanggang sa isang mabilis na sulyap ay biglang may balang tumagos sa puso nito! Tila bumagal ang oras nang mga sandaling iyon at labis na nagulat ang lahat!! "AMAAAAAA!" sigaw ni Axus at dali-daling tinakbo ang kaniyang ama. Muli na namang may nagpaputok at nang malapit na itong tumama ay inilayo ni Roman ang kaniyang apo upang hindi ito masaktan at s'ya — s'yang muli ang tinamaan! "AMAAA!!!" lalong lumakas ang pagsigaw ni Axus nang makalapit na sa dalawa. Napataob na ang kaniyang ama at mabilis itong naghabol-hininga dahil sa dalawang tama. "AMA!!! AMAAAAAA!" paghagulgol n'ya nang mahawakan ang ama. "Apmevento may kalaban sa paligid!" pagharang ni Emprido sa mga kamahalan at pinagmasdan n'ya ang malabong paligid dulot ng pag-ulan. "Emprido, ilayo mo si Kahlim!!" tumatangis na utos ni Axus. Agad na kinuha ni Emprido ang tumatangis rin na paslit at ito'y dinala sa ligtas na panig. "Ama, panatalihin mo ang iyong buhay — ililigtas kita!!" pagsamo ni Axus sa ama ngunit tila hindi na ito makakalaban pa. "A-Axus... Aking hari!" nauutal nang sambit ni Roman bago tuluyang pumikit!— "Ama!??? Ama!???" pagtapik ni Axus sa amang hari. "AMAAAAAAA!!!" sigaw nito. Nagbalik na si Emprido at kasunod na ang maraming kawal... "Pangalagaan n'yo ang amang hari!" galit na utos muli ni Axus at mabilis na tumayo, lumapit ito sa pasamano at tinignan kung saan maaaring nanggaling ang mga pagputok. Sa paglibot ng kaniyang mga mata ay natanaw n'ya sa kabilang tore, sa balkonahe rin ang isang kakaibang nilalang! Tila isang majezan na hunyango! Labis s'yang nagulat at tinitigang mabuti ang nilalang, magka-halong gulat at takot ang naramdaman n'ya dahil sa kaniya ba namang tanang buhay ang ngayon lang s'ya nakakita ng isang banyagang uri, isang hunyango na nakantindig na parang majezan! "Apmevento — anong nilalang ka?!" may luhang sambit ni Axus. At muling ikinasa ng nilalang na ito ang hawak na baril at s'ya naman ang pupuntiryahin! Pagkatapos ihanda ang baril ay agad na itong pinaputok ng hunyango! Nang malapit na ang bala sa mukha ni Axus ay tumigil na ito at tila ba nagkaroon pa ng panangga ang buong balkonahe!!— "HAAAAGHHH!" sigaw nito habang nagliliwanag ang mga mata. "Apmevento!!!" at pinihit ni Axus ang tungo ng bala PA-TAPAT SA PINAGMULANG PANIG NITO! "AAAAGGHHHHHH!" saka buong lakas itong ibinalik sa hunyango! May kasama nang enerhiya ang bumalik na bala kaya nang tumama ito sa kabilang tore ay talagang lumikha ito ng malakas na pagsabog, dahil doon kaya nadinig ng marami ang tila gulong nagaganap. Ang ibang regium na sina Verdem, Adro, Xelcis at Sype ay nadinig din ang ingay na iyon kaya dali-dali silang kumilos upang alamin kung ano ang mangyayari. Hindi ganap na tinamaan ang namaril na hunyango pero mabilis itong nag-ayos ng gamit at dali-daling tumakas!! "Mga kawal!! Ipabatid sa buong palasyo na may nakapasok na kalaban!" galit na utos ng hari at mabilis na naglaho! Humahagibis na pagtakbo ang salarin nang bigla s'yang harangin ni Axus! Lumitaw ito sa harapan n'ya na may hawak nang espada! "Sino ka!?" tanong ni Axus na naka-harap na nga ng malapitan ang banyaga. Nang hindi sumasagot ang nilalang ay hindi na s'ya nag-atubiling atakihin ito! Mabilis silang nag-tagisan sa labanan at nagulat si Axus na tila may kahusayan sa paghawak ng espada itong hunyango — tila ba bihasa rin at may kapareho ng mga galaw? Pero kahit na magaling itong makipagsabayan ay hindi pa rin s'ya nakatumbas sa galing ng hari. Walang pinagbago ang kilos nitong si Axus, mas pinahusay pa ito at magaling umiwas! Nahawakan ng hari ang espada ng kalaban at siniko ang braso nito upang mabitawan ang sandata, pagkatapos ay umikot s'ya para kumuha ng bwelo at saka sinipa nang napaka-lakas sa mukha ang hunyango! "AGGHHH!" napaatras ang nilalang at muntikan pa itong sumubsob sa sahig. Muli pa sanang lulusob si Axus pero laking gulat n'ya nang may magpaputok sa paligid! MAY MGA IBA PANG MANLOLOOB AT NAKASUOT NAMAN ANG MGA ITO NG MASKARA! "Apmevento!!" daing ni Axus at dahil sa nangyaring iyon kaya nakahanap ng pagkakataon ang salarin upang makatakas! Dali-dali itong bumangon at dinanggi si Axus saka humagibis muli sa pagtakbo! "HUWAG KANG TUMAKAS, CERAPAL!! HAAAAAGGHHH!" sigaw ng hari at itinaas ang kamay upang magpakawala ng malakas na enerhiya! Pa-takas na rin sana ang mga naka-maskarang dumating pero lahat sila'y tinamaan kaya wala sa kanila ang nakaligtas! "MGA APMEVENTO! Kayo ang dahilan kaya nakatakas ang nilalang!" galit na sabi ni Axus nang naka-latag na sa buong pasilyo ang mga nanlalambot na manloloob. "Kamahalan!!" pagdadatingan nina Capaste at kasama na ang mga kapatid ng hari. "Axus — anong nagaganap?!" tanong ni Sype at nakita nilang lahat ang mapungay nang mga mata ng kanilang hari. ... (Sa silid ni Roman) Malalim na ang gabi at ang magkakapatid ay nagtungo sa silid ng kanilang ama, doon ay labis na nagulat ang ibang regium nang masilayan ang kanilang ama — na wala nang buhay. "A-Axus?! Anong nangyari?!" nangangatog na tanong ni Sype sa hari at tila nag-aalinlangan pa itong lumapit. "AMAAAA!!" sigaw naman ni Verdem at dali-daling nilapitan ang kanilang ama at ito'y niyakap! Nagsi-paglapitan na rin ang iba pang regium patungo sa kanilang ama upang ito'y mayakap at si Axus ay muli ring napatangis habang lumalapit. "Anong nangyari, Axus?!" tumatangis na tanong ni Adro. "M-may isang hindi kilalang nilalang — a-ang bumaril sa kaniya..." sagot ng hari. "Amaaaa!!" patuloy na pagtangis ng mga regium. Habang bumubuhos ang ulan ay bumuhos rin ang luha ng magkakapatid, walang nag-akala na mangyayari iyon — talagang biglaan! Maging ang buong palasyo ay nag-luksa at nagulat nang ipabatid ang nangyaring masama sa ama ng mga regium, kaya naman kahit gabi pa ay nagsi-gisingan ang marami upang makiramay at sumagap ng balita patungkol sa naganap na pataksil na pagpaslang sa mahal na amang hari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD