Kabanata 52: Araw ng pamamaalam

1997 Words
Kinaumagahan... Isang makulilim na umaga pa rin ang sumilay sa mga taga-Goltus. Lahat sila ay nagluluksa na para sa pagpanaw ng amang haring Roman at ang magkakapatid ay nagkanya-kanya muna upang makapag-handa sa pamamaalam sa kanilang ama — hindi pa rin nila lubos matanggap ang napaka bilis na pagkawala ng amang hari, lalo't bigo pa silang mahuli ang salaraning bumaril dito. Si Xelcis ay nagtungo muna sa dalampasigan, suot ang kaniyang roba upang doon pansamantala maglabas ng sakit, ngunit sa paglalakad-lakad niya roon ay natanaw n'ya si Verdem at waring may ginagawa ito gamit ang hiyas ng tubig. "Ano'ng iyong ginagawa?" nagtataka niyang tinabihan ang kapatid. "Pinag-aaralan ko ang galaw ng tubig, Xelcis — may kakaiba sa tunog ng mga alon, tila may nagbabadyang unos." sagot naman ni Verdem na nagliliwanag ang mga mata. Napatanaw na rin sa karagatan si Xelcis at nakita n'ya nga ang tila galit na galit na hampas ng mga alon sa gitnang bahagi, maya-maya pa ay nag-ahunan ang ilang maaamong uri ng cerapal at ito'y nakipag talastasan sa tagapangalaga ng tubig. "Anong sinasabi ng mga cerapal?" tanong muli ni Xelcis. "Ayon sa mga cerapal ay may aahong higante sa kailaliman ng tubig — at ito ang magdadala ng napaka lakas na bagyo dito sa Majezenty!" may kabang sagot ni Verdem at talagang nagulat silang dalawa! "Bagyo? H-higante?" pangamba ni Xelcis. "Mga regium?!" Mabilis na lumingon ang dalawa at bahagyang nagtaka sa kanila si Emprido dahil tila kinakabahan ang kanilang mga itsura. "Ahhh — ayos lang ba kayo, kamahalan?" tanong n'ya sa magkapatid. "Nakahanda na ang labi ng inyong ama, ipinatatawag na kayo ng mahal na hari para sa pamamalaam." ulat nito. "Ganu'n ba? Sige, susunod na kami!" sagot ni Xelcis at muling tinitigan sa mga mata si Verdem. ... Sa punong bulwagan ay nagtipon ang lahat ng taga-Goltus. Ang mga sorsero, mga Celestian, Falco, Galomian, mga Pyron at mga diwata, silang lahat na kapwa mga nakaranas ng pagtanggap at pagkilala sa mahusay na haring Roman. Nakapalibot silang lahat sa higaan kung saan nakalagak ang katawan ng yumaong hari, ang mga kababaihan ng Goltus at Falcodep ay may pandong sa mga ulo habang nakatungo at ipinapanalangin ang katiwasayan ng paglisan ng pumanaw. Sunod-sunod nang pumasok ang mga naiwang regium sa pangunguna ng haring Axus, at suot nito ang kaniyang korona ng palasyo, korona na minsan ring ipinutong sa ama ng kanilang mahal na ama. Pumalibot na silang magkakapatid sa kama, sina Sype at Xelcis sa kaliwa, sina Verdem at Adro naman sa kanan, at si Axus ang nasa ulunan. "Hindi ko inaasahan na sa ganito kabilis na pangyayari magwawakas ang buhay ng ating mahal na amang hari." sambit ni Axus. "Sa isang iglap ay naririto na tayo at binibigyan s'ya ng pamamaalam na kailan man sa aking buhay ay hindi ko naisip na maaari pa lang mangyayari." "Pagbabayarin ko ang apmeventong gumawa nito sa kanya." matigas na sabi ni Verdem habang may luha rin sa mga mata at titig lang sa nakahimlay. "Ni hindi ko man lang nabatid na ka'y bilis pala ng kaniyang magiging paglisan..." tumatangis na sa sabi ni Sype habang hawak ang kamay ng ama. "Paalam, amang haring Roman." tumatangis na sambit ni Axus. "Salamat sa iyong pagmamahal at mahusay na pag-gabay!" Verdem "Nakakalungkot isipin na hindi natin s'ya nakasama sa mga huling sandali niya." saloobin ni Adro, "ngunit hindi natin hawak ang lahat ng bagay kaya't kung ito ang kaloob ni Zanaa ay wala tayong magagawa kundi tanggapin nalang." "Wala tayong magagawa kundi palayain na siya at hayaang magpahinga." Sype "Ngunit magpaka-tapang tayo — dahil ngayong wala na ang ating sandalan ay tayo na ang tatayo sa sarili nating mga paa!" sambit naman ni Xelcis na s'yang nagpalakas sa loob nilang magkakapatid. "Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil sa wala na ang pinaka matibay sa atin, bagkus ay ipakita natin sa kan'ya — kay ama na karapat-dapat tayong tawaging mga anak niya!" dagdag nito. "Na isa s'yang tunay na katangi-tangi, 'pagkat ang mga iiwan n'ya ay mananatiling buhay; ang mga aral at kaniyang pamana na ating isasa-pusong lahat at gagamitin upang sa gano'n ay manatiling naririto ang kaniyang diwa at karunungan!" pag-sang ayon ni Axus. "Magpahinga ka na ama... Kami na ang bahala sa Majezenty." pabulong nitong sabi sa ama. "Sisikapin naming magkakapatid panatalihin ang kaayusan rito kagaya ng kung anong nais mo at nais nating lahat!" panunumpa ni Xelcis. At isa-isa na nilang ng hinagkan sa pinaka huling pagkakataon ang kanilang ama, pagkatapos ay nagtabi-tabi silang lima at ang mga nasasakupan naman ang nagbigay ng pamamaalam at pagkilala. Kalimitan ay nag-alay ng bulaklak sa tabi ng higaan at ang mga sisne ay nagsaboy ng makukulay na bulaklak. "Paalam, amang haring Roman." sambit ni Maro at itinaas ang tungkod na bigay sa kaniya ng yumao. "Nawa'y makarating ng payapa ang iyong diwa sa kandili ng ating mahal na bantay, paalam aming amang hari!" pagbabasbas nito at nagliwanag na ang katawan ni Roman! "Ito na!—" sambit ni Sype at humigpit na ang hawak sa mga kapatid. Nagdikit-dikit na silang magkakapatid upang ang isa't isa ang kanilang maging sandalan sa oras na kuhanin na ng langit ang kanilang ama. Sa huling pagkakataon ay hinaplos na nila ito at lalo pa silang naiyak. "Jesataime fras Estova!" bigkas ni Axus. ------------------------------------------------------------------------ Jesataime fras Estova - "Mapayapang paglalakbay patungo sa Estova!" ------------------------------------------------------------------------ "Paalam, amang hari!" sabay-sabay nilang lima na sinambit at tuluyan na ngang kinuha ng langit ang labi ng kanilang ama! Dito na itinaas ni Emprido ang kaniyang espada... "Pacen termi, amang hari!" pagpupugay niya at ang lahat ng mga kawal ay nagpa-ingay na ng kani-kanilang sandata habang binibigkas rin ng paulit-ulit ang salitang 'yon. "Pacen termi, amang hari!" "Pacen termi, amang hari!" ------------------------------------------------------------------- Pacen termi, amang hari! - "Kapayapaan para sa 'yo, amang hari!" ------------------------------------------------------------------- Habang umaakyat na sa itaas ang abo ay sinimulan nang lumisan ng lahat upang magtungo sa balkonahe dahil doon nila masisilayan ang huling pagpupugay gamit ang napakaraming mga kanyon. Ang limang regium lang naiwan sa bulwagan at lalo silang nagluksa nang magsimula nang magpaingay sa labas — iyon na ang pinaka huling maririnig ng kanilang ama. "Gabayan mo kami palagi, aming ama!" dalangin ni Verdem habang nakatingala at tinatanaw ang unti-unting pagkawala ng abo sa kalangitan. ... (Sa kuta ng mga mandirigma) Si Neroz ay nakatindig sa maatas na bato at tinatanaw ang lupain ng Goltus gamit ang teleskopyo, dito ay nakita n'yang tila may nangyayari doon dahil may mga pumuputok na kanyon, pagkatapos ay tinanaw n'ya ang kalangitan at nakitang mas dumidilim na! Pati ang mga ibon ay tila tumatakas na dahil mukhang nariyan na ang bagyo! "Apmevento!" sambit n'ya at dali-daling bumaba sa kinatatayuan. Pumasok s'ya sa kweba na kanilang silungan at palihim na kinuha ang kaniyang roba at sibat. Nang palabas na s'ya ay bigla siyang hinarang nina Pando at Almer! "At saan ka pupunta kaibigan?" tanong ni Pando na may nakakalokong ngiti. "Tumabi ka at baka hindi ako makapgtimpi ay mapaslang pa kita, apmevento!" pagsu-suplado ni Neroz at lumabas na. "Sandali, Neroz! Saan ka patutungo?! Sa Goltus? Sa iyong sorsero!? Aba! Nakikita mo ba ang kalangitan? Nariyan na ang bagyo!" maligalig na sabi ni Pando. "Oo nga, Neroz. Delikado na kung ngayon ka pa aalis. Baka mapahamak ka lang!" pag-aalala rin ni Almer. "Nag-aalala ako sa kan'ya — kaya 'wag kayong susunod!" tanging sagot sa kanila ni Neroz at nagtalukbong na sa lumakad palayo. "Huy, paano na 'yon?" pangamba ni Almer. "Tara, sumunod na tayo!" aya naman ni Pando at palihim na rin silang pumuslit upang samahan ang kanilang kaibigan patungo sa mga sorsero. Natapos naman na ang mahabang pagpapa-ingay sa Goltus at ang lahat ay nagbalik na sa kani-kanilang gawain, habang ang mga kawal ay naghanda na rin dahil ang bagyo ay paparating na nga! Nagluluksa pa rin sa punong bulwagan ang magkakapatid nang dumating si Capaste, na humahangos at kasunod ang marami pang kawal. "Avenila, mga regium... Ngunit ang kalangitan — nagsisimula nang bumagyo!" pag-singit niya sa sandali ng magkakapatid. ------------------------- AVENILA - Paumanhin ------------------------- Mabilis na kumawala sa isa't isa ang lima at nagpunas ng kani-kanilang mga luha. Tapos ay nagtinginan na ang mga ito— "Tayo na!" sambit ni Axus habang ang mga mata ay namumugto pa. At kahit na bakas pa rin sa kanilang mga mukha ang mga pagtangis at kalungkutan ay lumakad na sila palabas upang harapin ang naka-ambang panganib ngayon sa palasyo! ... (Sa toreng tanggulan) Kasama ni Axus ang maraming kawal at nagmamasid sila dahil baka may paparating na na daluyong. Ang iba niyang kapatid ay nasa balkonahe naman, sa mas mababang bahagi ng kaharian at nakatapat sa may karagatan upang tignan ang anumang magaganap. "Tila may mga nilalang sa may dalampasigan..." sambit ni Axus na may naaninag. "Mahal na hari!" humahangos na dumating si Rano, "may ulat sa bayan na may nanggugulong mga kakaibang nilalang! Katakot-takot raw ang wangis ng mga ito at tila ba nagmula sa karagatang iyan!" ulat nito. "Kamahalan, kailangan n'yo itong makita!" sambit naman ni Capaste at ipinasa ang hawak na teleskopyo. Mabilis na sumilip si Axus gamit ang isa niyang mata at nakita n'ya ang mga ang kakaibang nilalang na naglalakad sa dalampasigan!! "Anong nilalang sila?" kinakabahan n'yang tanong at mabilis na ibinaba ang teleskopyo. "Sila marahil ang tinutukoy ni Rano..." sagot ni Capaste at nagkatinginan silang dalawa saka mabilis na naglaho itong si Axus! Agad s'yang lumitaw sa dalampasigan na nakasuot na ng baluting pandigma at nakita n'ya nang malapitan ang mga nilalang na nag-aahunan sa katubigan! Ang wangis ng mga ito ay mukhang palaka na nakakatindig rin gaya niya at ang balat ay kulay berde! Malalaki ang papangatawan at kakaibang tunog ang ginagawa ng mga ito na tila paraan nila ng pakikipag-usap sa kalahi! "Kayo marahil ang nanggugulo ngayon sa bayan!?" sambit niya. "Mga apmevento! Saan kayo patutungo!?" tanong n'ya sa mga ito. "HARRRGHHH?" pag-atungal ng mga nilalang at agad na nilusob ang hari! Mabilis na yumuko si Axus at sinugatan ang nasa kanan n'ya, tapos ay tinadyakan n'ya ang palapit sa kaniyang kaliwa at sinugatan ang isa pang papalapit. Sunod ay umikot s'ya at tinalisod ang isang nilalang at pagtayo ay nakaharap n'ya ang isa! "HARGGHHH!" Pagtaas n'ya ng kaniyang espada ay nahawakan ito ng nilalang at muntikan s'yang masugatan dahil sa palikpik nito sa braso! Mabuti at nakalayo s'ya at agad na tumalon para saksakin ito! Mabilis n'yang naramdaman na may pa-sugod mula sa kanilang likod kaya lumiyad s'ya para umatake! Sunod ay sinugatan n'ya ang isa pa sa hita nito saka sinapak! Sila Verdem na nakatanaw rin ay nakita s'yang nakikipag-buno na sa mga nilalang, pero hindi gaanong sigurado ang mga ito dahil sa malabo ang paligid, dulot ng mga ulan. "Ka'y rami n'yo, mga apmevento!" sambit ni Axus na basa na sa ulan. Napalibutan s'ya ng mga nilalang at nang tangka na siyang susunggaban ay itinaas n'ya ang kaniyang kaliwang kamay at lumikha ng napaka lakas na enerhiya! Natanaw hanggang sa Goltus sa dilaw na liwanag na iyon at dito na natiyak ng mga regium na siya iyon! "Si Axus!!" sambit ni Sype. "Nakikipaglaban s'ya?" gulat na sabi ni Adro. Nang mapalayo kay Axus ang mga nilalang ay may mabilis na siyang naglaho pabalik sa kaniyang palasyo! Lumitaw s'ya sa panig kung nasaan sina Sype at agad s'yang sinalubong ng mga ito. "Ladra!? Ano'ng nangyari sa iyo?" tanong agad ni Adro. "May mga berberoka — at marami sila!" sagot ni Axus na may pangamba sa mga mata. "Sila ang mga nasagupa ko ngayon lang sa dalampasigan." dagdag nito. "Mga b-berberoka? Hindi ba't hindi sila madalas na umaahon sa kulapaan?" pagtataka ni Xelcis. "Naisip ko rin 'yan kaya kakaiba ang mga nagaganap ngayon. Tila may kung anong kapangyarihan ang nasa likod nila!?" sapantaha ng hari. "Kung ganoon ay ano'ng gagawin natin?!" tanong naman ni Verdem. "Maghanda — maghanda na kayo dahil mapapalaban tayo!" sagot ni Axus at silang magkakapatid ay nagkatinginan nang may kaba sa isa't isa, pagkatapos ay lumakad na s'ya kasunod ang mga ito upang maharap na ang unos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD