Kabanata 53: Ang Bagyo

2889 Words
"Ina, lilisan na muna ako... Mag-iingat kayo rito." paalam ni Adro sa kaniyang inang si Bella. "Kawawala pa lang ng iyong ama pero lilisan na kayong magkakapatid? Mag-iingat ka Adro, pangalagaan mo ang iyong sarili." may lungkot sa mga mata na sabi ng ina. "Bumalik ka sa akin anak, maaari ba?" pakiusap nito. "Oo naman ina, babalik-babalik ako sa 'yo! Umasa kang babalik ako — sa takdang sandali." pangako naman ni Adro na may kasama pang matamis na ngiti. "Ipagdasal mo na sana'y mairaos namin ng aking mga kapatid ang unang unos na ito, na wala ang aming ama..." sabi nito na kita pa rin ang lungkot sa mga mata. "Huwag mo akong iiwan, Adro — ikaw nalang mayroon ako." sambit ni Bella at iniabot na ang sandatang Antaru sa anak. Hinagkan na ni Adro sa noo ang ina at saka ito niyakap nang napaka-higpit. "Mauuna na muna ako." sambit nito at lumakad na palabas ng silid. ... Nasa punong bulwagan na sina Axus at hinihintay nalang ang isa sa kanila... "Mga salve!" pagdating ni Adro na naka-baluting pandigma na rin. Dito humahangos na dumating si Capaste— "Mga regium, nagsisimula nang manggulo ang mga berberoka sa bayan!" ulat nito. "Ito na ang sandali!—" sambit ni Axus at bumaba sa kaniyang trono. Lumapit ito sa mga kapatid at sila'y kinausap. "Alam n'yo na ang mga dapat n'yong gagawin at mag-iingat tayo! Harapin na natin ang unos!" At inilatag ni Axus ang kaniyang kamay, pagkatapos ay pinatungan din ito ng kamay nina Verdem, Sype, Adro at Xelcis. "Magaling, razhum!" sambit ng hari at nagbitaw-bitaw na sila ng kamay. Mabilis silang naghiwa-hiwalay at nagtungo sa bayan ng Hermosa kung saan nanggugulo na nga ang mga nilalang. Nakapaikot silang lumitaw habang suot ang kani-kanilang mga roba at kasama lang ang mga apram. "Narito na nga sila!" sambit ni Adro. "Mas lumalakas pa ang ulan — kailangan na nating tapusin agad ito!" ani naman ni Xelcis. "Marami-rami sila mga regium!" sambit ni Rano. "Umpisahan na natin ang kasiyahan!" aya sa kanila ni Sype. AT MABILIS NA SILANG KUMILOS PARA PUKSAIN ANG MGA NANGGULO! Tinadyakan kaagad ni Xelcis ang isang walang pansin na berberoka at ito'y sinugatan. Sunod n'yang hinarang ang paparating na atake ng isa pa at ito'y sinasaksak! Si Sype naman ay kahit lalambot-lambot ay may ibubuga rin sa labanan, kahit may kabagalan ito sa pag-galaw ay nagagawa ring makapaslang sa tulong ng espada at hiyas ng hangin. At si Adro na tila sabik na sabik na sa sagupaan, ni hindi s'ya magawang lapitan ng mga berberoka dahil s'ya na ang umuuna at pumapaslang sa mga ito gamit ang malaki niyang palakol! Lumitaw naman sa Valhar, sa kabilang bayan sina Axus at Verdem, kasama ang marami pang mahuhusay na kawal-sorsero at sila naman ang magtutulong para sa pagpuksa ng mga nilalang rito. Iba ang sitwasyon sa Valhar dahil doon ay mas nanganganib ang lahat, may mga majezan pa kasi na nasa labas 'gayung ipinamalita na noon pang isang araw na may paparating na bagyo, dahil doon kaya nagsimula nang umatake at manakit ang mga berberoka na s'yang nagbigay hirap sa magkapatid upang sila'y lilupin. Magkaganon man ay wala na silang inatrasan, oras na ng labanan kaya matira nalang ang matibay! Habang tuloy-tuloy lang na lumalakas ang ulan ay naka-antabay naman ang lahat ng taga-Goltus dahil kakaiba ang pinapakita ng karagatan. Mas nag-ngangalit ang mga alon nito at tila ba may malaking paahon sa gitnang bahagi. Ang mga apram na Falco na sina Sabrina at Dumagat ang naatasang mamuno pansamanlata habang wala ang mga regium, kasama nila si Karan at ilan pang kawal ng Galomia sa nagpapanatili ng kaayusan sa buong palasyo ngayon na nagaganap na ang bagyo. Sa gitna ng ulan na nga nakikipag sagupa ang magkakapatid, sa kabutihang palad ay mabilis nilang nagawa na unti-unti na ubusin ang mga nanggugulong beberoka sa mga bayan! Pagka-saksak ni Axus sa isang kalaban ay mabilis s'yang umilag sa papasugod pa at ito'y tinadyakan— "Mga majezan!" pagtawag niya sa dalawang dalaga na muntik nang masaktan. Pinagkubli n'ya ang mga ito sa kaniyang likuran hanggang sa magkaroon ng ligtas na dadaanan pauwi. At nang matiyak n'yang ligtas na ang lahat ng taga-bayan ay muli na silang nagdikit na magkasama... "Ano'ng ulat sa panig na iyan?" tanong niya sa kapatid. "Malinis na — napaslang na namin ang lahat ng berberoka." sagot ni Verdem na basang basa na sa ulan. "Magaling! Tapos na rin kami rito, magtungo na tayo sa susunod na kitaan!" aya ng hari at nagtanggal ng talukbong dahil maging s'ya ay paligong-paligo na rin. Mabilis silang pumuwesto at kinapitan sila ng mga kawal saka sama-samang naglaho! Sa mataas na bahagi ng kagubatan sila nagtungo, doon naman sila magtitipon-tipon upang abangan ang pinaka mapanganib na kalaban. Naroroon na sa panig na iyon ang mga apram at sina Xelcis, nagawa na nilang mapuksa ang lahat ng berberoka at ngayon ay aantabay na lang sila. ... Kasalukuyang minamasid ni Capaste ang dalampasigan at katabi lang niya ang hari para kung may ulat ay agad silang makapapag-planong dalawa. "May mga nag-aahunan pa ring berberoka." sambit ng apram. Inilabas naman ni Verdem ang hiyas ng tubig at ito'y pinakinggan— "Ano'ng sinasabi ng iyong hiyas, Verdem?" tanong ni Axus. "Parating na s'ya, ladra!" sagot nitong si Verdem at mabilis na itinago ang hiyas. Agad na hinawakan nang mahigpit ni Axus ang kaniyang espada at nagsalita... "Tayo na! Nariyan na ang ating hinihintay!" saka naghubad ng roba. "Mahal na hari?" sambit ni Sype. "Kami na muna ang haharap sa reyna, maiwan kayong lahat rito." panukala ni Axus sa mga kawal na kasama nila at nang magka-sundo na ay pinangunahan na niya ang pagbaba patungo sa dalampasigan. Nang makalabas silang magkakapatid sa kagubatan ay huminto sila nang may kalayuan sa tubig, at mula doon ay nakita nilang may papalabas na nga sa ilalim nito!— "Nariyan na nga ang halimaw!" may kaba na sabi ni Adro. "FORDEMIRA!" sigaw ni Axus at silang lahat ay pumorma na habang hawak ang kani-kanilang sandata! Mula sa nagngangalit na katubigan ay unti-unti na ngang umahon at nagpakita ang kinatatakutang halimaw!! SI FULAR DIWAPA! Ang lahat ng nasa Goltus ay lubhang nagulat at nayanig nang makita nila ang pagpapakitang iyon ng kagila-gilalas na nilalang! Lahat sila ay nabalot ng tensyon at pangamba dahil dala ng pag-ahon nito ay mas lumakas pa ang bagyo! "Anong nilalang iyan, tandang Maro?!" kinakabahang tanong ni Dumagat. "S'ya si Fular! — Fular Diwapa, ang nilalang na nagdadala ng panganib at kasawian sa mga manlalayag!" sagot ng matandang dwende. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Si Fular ay isang dambuhalang nilalang na pang-tunig, babae at may nakakatakot na anyo! Ang kaniyang balat ay mala-lila ang kulay at wala siyang mga paa — kundi buntot ng isang tila bulate at mayroong matatalim na ngipin! Matutulis ang kaniyang kuko at mga ngipin, at ang mata ay tila perlas sa kinang. Ang laki at taas n'ya ay katumbas ng Goltus kaya talagang nakakasindak ang paglabas niya, sa wangis at anyo ba naman ay tiyak na kayang-kaya nitong pataubin ang isang kaharian o di kaya'y lamunin ito ng buo! --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ka'y laki niya — kakayanin ba natin s'ya?!" pag-aagam agam ni Sype habang tinitingala ang halimaw. "Huwag kayong papasindak!" ani ni Axus at pumikit at mabilis na nanalangin. "Mahal na Zanaa — ikaw na ang bahala sa amin." "GRAAAAAAA!!" pag-atungal ng halimaw at lumikha ito ng bahagyang paglindol! Hanggang sa magsimula na ngang kumilos ang magkakapatid! Kanya-kanya sila ng diskarte kung paano masusugatan ang dambuhalang halimaw na ito! Si Verdem ay agad na tumalon ng mataas upang maabot ang dibdib ni Fular pero nang sasaksakin na niya ito ay hindi tumalab ang kaniyang sandata sapagkat napaka kunat pala ng balat nito! Mabilis s'yang umikot pababa at itinukod ang kamay nang bumagsak sa lupa. Sunod na umatake si Adro na tumalon rin palapit sa halimaw at buong pwersa itong sinugatan! Nagmarka pa sa langit ang liwanag na nagmula sa kaniyang sandata pero bahagya lang itong nakapinsala kay Fular! Maging s'ya ay bumagsak din at hindi nakatagal sa ere. "Lubhang matigas ang kaniyang balat kaya mahirap s'yang sugatan!" daing ni Adro. "Akong bahala sa kaniya!" sambit naman ni Sype at lumakad paunahan. Ibinuka n'ya ang kaniyang mga kamay bilang bwelo upang makalipad s'ya ng mataas at nagawa nga niyang makalapit rin sa halimaw! "Salutem, bruhang cerapal!" sabi n'ya at agad na inatake sa mata si Fular! "GRAAAAAAA!!" pag-atungal ng halimaw at labis itong namilipit! "Si Sype! Nagalit n'ya ang nilalang!" pagkabahala ni Axus at mabilis na tumalon upang makalipad rin at malapitan ang nagwawalang halimaw. "GRAAAA! GRAAAAA!" pag-wawala ni Fular at pinaghampasan ang buntot sa alon kaya sa dalampasigan ito tumama at nabasang lalo sina Verdem doon. Inilabas ni Xelcis ang hiyas niya at itinutok ito dambuhala— "Ano kayang ihawin kita ngayon?!" nakangisi niyang sabi at sinimulang magpakawala ng nagla-lagablab na salamangkang apoy patungo kay Fular! "GRRRAAAAAAAAA!!!" lalong nagalit ang halimaw at mas tumindi pa ang pamimilipit nito habang sabay na sinusugatan nina Axus at Sype! "Apmevento — nagagawa natin! Nasasaktan na si Fular!" pagbubunyi ni Adro. "MGA APMEVENTO!!" tinig ni Fular at biglang hinampas ng malaking daluyong ang dalampasigan!! "HAAAGHHHH!!" inilabas kaagad nina Adro at Verdem ang kani-kanila ring hiyas at gumawa ng malaking panangga upang hindi makarating sa kalupaan ang tubig! Buong pwersa nilang nilabanan na tatlo ang nagngangalit na tubig na maaaring lumunod sa kanilang lahat at magpahaba sa bayan! "ITULAK N'YO PA!—" sigaw ni Verdem at mas hinigpitan pa nila ang kapit sa kani-kanilang salamangka hanggang sa tuluyan na nilang maibalik ang daluyong sa karagatan! "WHOAAAHHHH!!" pagbubunyi ng mga nasa Goltus at ng mga kawal na nasa malayong panig na kagubatan. Magkasabay nang bumalik sa lupa sina Axus at Sype dahil itinaboy rin sila ni Fular— "Aaghhhh!" panghihingal ni Sype at napaupo. "A-ayos lang ba kayo?!" tanong naman ni Axus. "Ayos naman, ladra. Nagawa naming itaboy ang ibinato n'ya rito." sagot ni Xelcis. "Kakaiba ang isang ito — mahirap s'yang sugatan at kahit na nakarami na kami ng atake ay iilan pa lamang ang natamo niyang pasa." hinihingal rin na sabi ni Axus at nilingon ang nagwawala pa ring halimaw sa karagatan. "Paano natin s'ya mapapaslang kung gano'n?" tanong ni Sype. "Mahihirapan tayong gawin iyon, mahirap s'yang paslangin—" sabat ni Adro. "—ngunit maaari natin s'yang paatrasin!" sambit ni Axus. "Axus?!" "Maaari natin s'yang pabalikin sa kung saan man s'ya nanggaling." dagdag ng hari at muling nilingon si Fular. "P-paano naman?" Adro "Kakailanganin yata nating makalapit sa kaniya!?" ani ni Sype. "Ngunit hindi halaw ng ilan sa mga kapangyarihan natin ang makipagtagisan habang nasa himpapawid!?" pagsalungat naman ni Verdem. "Kung ganu'n ay dito na muna kayo — ako ang susubok! Tignan natin kung hanggang saan ang apmeventong ito." sambit ni Axus at mabilis na lumipad ulit palapit kay Fular! "Axus, mag-iingat ka!" bilin ni Xelcis. Muling nakaharap ni Axus ang dambuhala at mabilis na siyang kumilos upang ito'y sugatang habang nilalansi, nagpa-iba iba s'ya ng pwesto habang inaatake si Fular dahil sa pamamagitan noon ay mahihirapan ang halimaw na siya'y mahuli at maitaboy! "Nawa'y tama ang ginagawang ito ni Axus." nanghihinang sabi ni Sype na nanlalambot pa rin dahil sa pagkakabagsak. At bumubulusok na bumalik sa kanila ang kanilang hari! — NAITABOY NA NAMAN ITONG MULI NG HALIMAW! "Aghhh! Pranar!" sambit ni Axus at tumayo. "Sa palagay ko ay hindi ko s'ya nasaktan, masyado talagang makunat ang balat niya!" "Bakit hindi natin s'ya sabay-sabay na sugatan?" mungkahi ni Xelcis, "tiyak s'yang masasaktan pag gano'n!?" "Pero may kalayuan pa rin s'ya dito sa dalampasigan. Dapat ay kahit mapalapit natin s'ya rito upang magawa nating lahat na atakihin s'ya!" pagtutol ni Adro. "Akong bahala!" sabat ni Verdem at muling inilabas ang hiyas ng tubig. Itinapat nito ang hiyas sa tubig at unti-unti nitong napagalaw ni Fular! Gamit ang kapangyarihang pagalawin ang anumang katawang tubig ay nagawa ngang mahila at madala ni Verdem ang halimaw sa mas mababaw na panig o mas malapit na sa kanila! "Mahusay!" sambit ni Axus at silang magkakapatid ay mabilis nang tumakbo at muli na namang inatake ang dambuhala! Sa pagtutulungan nilang lima ay unti-unti — NAGAWA NA NILANG MAPADUGO ANG MATIBAY NA KATAWAN NITONG SI FULAR! Nasugatan na nila ito nang pagkarami-rami!! "GRAAAAAA!!!" pag-atungal na naman ng halimaw at sa galit sa mga regium ay hinampas na naman ang mga ito ng nagngangalit na tubig! Tinangay palayo ng mga alon ang lima at sila'y tumama sa mga puno!— "AGHHH!" Mabilis na gumalaw pabalik sa malalim na bahagi si Fular habang ang magkakapatid ay paligong paligo na at mga nanghihina!— Inuubo ang mga ito dahil kamuntikan na silang malunod, buti at humupa kaagad ang tubig nang sila'y mapalayo. Pero si Axus ay hindi nagpatinag, agad itong tumayo at nanghihinang lumakad... "Nasugatan natin s'ya! HAAA!" sambit nito na may kasamang nang-uuyam na bungisngis at ang mga kapatid n'ya ay isa-isa na ring bumabangon. "Tapos ka nang Fular ka!" mahinang sabi ni Axus AT MULING LUMIPAD! Sa pagkakataong ito ay tinodo na ng hari ang kaniyang pwersa at muling pinagsu-sugatan si Fular! Tuloy-tuloy na itong umatungal at namilipit hanggang sa unti-unting mawalan ng balanse!— Agad na bumuo ng malakas at nakasisilaw na enerhiyang liwanag si Axus at BUONG PWERSA ITONG IBINATO SA HIGANTE! "AAAARRRRGGGGGGG!!" pag-atungal ni Fular at itinulak pa ng hari ang salamangka upang tuluyan na siyang matalo! DAHIL SA LABIS NA LAKAS NG ENERHIYANG BINUO NI AXUS AY NAGAWA NIYANG MAITULAK PATUNGO SA GITNANG BAHAGI SI FULAR AT MAPABALIK NA ITO SA KAILALIMAN NG DAGAT! "WHOAHHH!!" sigawan ng lahat ng mga kawal na nasa ligtas na panig. Dito na nagbalik ang kanilang hari! "Napuksa ng mahal na hari si Fular!!" pagpupugay ni Verdem. "Mamaya na tayo magdiwang.... May mga apmevento pa!" sagot naman ni Axus na may pagod nang mukha. AT NAG-AHUNAN NA ANG HULI NGUNIT MAS MARAMI PANG PULUTONG NG MGA BERBEROKA! "Kaya na natin ito." sambit ni Xelcis at muli na naman silang nakipaglaban na magkakakapatid! Sa hindi kalayuan ay naglalakbay pa rin sila Neroz at ang mga kaibigan nito nang makarinig na sila ng ingay na tila mula sa isang labanan. "Saan nanggagaling iyon?" tanong ni Neroz at huminto silang tatlo. "Neroz, tignan mo!" sambit ni Almer at itinuro ang dalampasigan kung saan tanaw na ang mga regium na nakikipaglaban! "Si Sype! — Kailangan nating silang tulungan!" sabi agad ni Neroz at mabilis nang sumugod patungo sa magkakapatid! Napalilibutan na ng maraming berberoka si Sype at nang hindi n'ya mamalayan na may aatake na pala mula sa likuran n'ya ay— "HAYAAAH!!" pagdating ni Neroz at agad na tinadyakan ang pasugod na nilalang! "Neroz!?" gulat na sambit ng regium. "Salutem, mahal na regium! Hindi mo inaasahang dito tayo magkikita ano!?" pagbati ng mandirigma na may kasamang napaka-tamis na ngiti. "Pasaway!" kinikilig na sabi ni Sype at magkasama na silang nakipaglaban sa mga berberoka! Habang kumikilos ang lahat ay lumantad mula sa likuran ng isang malaking puno si Lerzia — na kanina pa pala mina-manmanan ang mga kapatid! At nang mapaslang ni Axus ang natitira niyang kaharap ay napalingon s'ya sa dakong pinagkukublihan ng kapatid dahil nakutuban n'yang may naka-masid mula roon, pero wala na s'yang anumang nakita — dahil itong si Lerzia ay agad na nakapagtagong muli! "S-sino—" sambit n'ya at dahan-dahang humakbang habang titig pa rin sa dakong nakutuban n'ya. "HAAGGHHH!" at may pasugod na namang berberoka! Pero hindi na s'ya nag-aksaya ng lakas at pinatamaan nalang ng enerhiya itong nilalang. Dumalo na rin sa kanilang huling laban ang mga kawal at nagtulong-tulong sila na ubusin na ang mga berberoka. May isa pang pasugod kay Sype pero mabiliis itong sinaksak ni Neroz— "Apmevento!" gulat na bigkas ni Sype. "Ligtas ka na, aking regium!" matamis na naman na sabi ni Neroz at nagdikit na silang dalawa. "Anong ginagawa mo rito, mandirigma?" nang-aakit na tanong ni Sype habang bahagyang nakatingala. "Nais ko kasing tiyakin ang kaligtasan ng aking pinaka tatanging sorsero!" sagot naman ni Neroz at hinaplos ang pisngi ng regium. "Tama na 'yan!—" biglang pag-singit ni Axus at ang dalawa ay natigilan at mabilis na naglayo. "—magbalik na tayo sa palasyo!" utos nito. Nang magtipon-tipon na ang lahat ay binigyan ng matatalim na titig ni Axus si Neroz bago sila tuluyang mag-martsa pabalik sa kaharian. "Nakisali pa pala rito ang mandirigmang iyan?" bulong ni Verdem at napatingin lang sa kanya ang kapatid na hari. "Oh ano kaibigan — tapos na! Wala na! Ayon na ang Sype mo, ni hindi ka man lang isinama pabalik sa kanila!?" pagtabi ni Pando kay Neroz. "Wala na ang iyong regium, Neroz... Lumisan na sila, babuti pa'y lumisan na rin tayo." aya naman ni Almer. "Sapat nang matiyak ko na palaging ligtas si Sype. Tayo na! Magbalik na tayo sa ating kuta." nakangiting sabi ni Neroz at dinampot na ang mga kagamitan n'ya. Agad na silang lumakad pero itong si Pando ay hindi namalayang lilisan na pala sila. "'Yun na 'yon? Wala man lang bang kabayaran bilang tumulong kami sa pagpaslang sa mga kalaban?" pagsasalita nito. "Hay, mga regium! Ano na!? Kahit isang baul lang ng bulawan oh!" "Pst, Pando!? Tayo na!" pagtawag ni Almer na may kalayuan na. "HAAAGHHH!" at may isa pang berberoka! "Neroz, Neroz!!" pagsisigaw ng bansot at nagulat nang makitang nilayasan na pala s'ya ng mga kaibigan! "HOY MGA JATOS! HINTAYIN N'YO NAMAN AKO!" sigaw n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD