Kabanata 54: Muling pagtatagpo nina Axus at Lerzia

2194 Words
Nang magapi ng magkakapatid na regium ang halimaw ng dagat ay kitang mabilis rin na umayon ang panahon. Unti-unting humina ang malakas na ulan at pumayapa na ang simoy ng hangin. Ang karagatan na may nagngangalit na alon, ngayon ay tahimik na at nagpakita na rin ang pitong buwan sa kalangitan. Humawi ang mga ulap at masaya nang naglabasan ang lahat ng emrio o mga ibon na sa gabi gising. Natahimik na rin ang Goltus at ang lahat ng taga-rito ay napayapa na ang mga loob, nagsipag-pahingahan na sila matapos ang dumaang bagyo. Si haring Axus ay tahimik lang na nakatanaw mula sa balkonaheng hilig nilang pamalagian ng kapapanaw pa lang na ama, muli na naman s'yang nalungkot sa pagkakaalam na wala na nga pala ito at silang magkakapatid nalang ngayon. Sa kaniyang pag-iisa ay minabuti nalang niyang sipatin ang kapaligiran at pagmasdan ang paghimbing ng kalangitan. Nang makaramdam na ng antok ay lumakad na siya patungo sa kaniyang silid upang mamahinga. Ngunit sa paglalakad sa may pasilyo ay natanaw n'ya ang labas ng palasyo — at may nakita s'yang nilalang! Nakasuot ito ng kulay lilang roba ito at agad na nagkubli nang makitang dumaan siya— "Lerzia?" sambit niya dahil nakilala n'ya ang kasuotan, saka naman dali-daling tumakbo palayo ang nagtatagong nilalang! Mabilis naglaho si Axus at sa masukal na kagubatan nakarating, at nakasuot na rin s'ya ng roba. "Lerzia!?" pagtawag n'ya. At tumigil ang tumatakbo at dahan-dahang lumingon— "Lerzia!? Ikaw nga!" sambit ni Axus. "Hindi ako nag-eespiya kung iyan ang iniisip mo." malamig na sabi ni Lerzia at lalakad na. "Sandali!—" pag-awat ng hari. "Wala akong panahong makipag usap sa isang taksil... Pabayaan mo nalang ako, Axus!" Lerzia "—batid mo bang wala na ang ating ama!?" sambit ni Axus at napatigil agad ang kaniyang kapatid. "—anong sabi mo?!" tanong nito at mabilis na lumingon. "Pinaslang ng hindi nakikilalang nilalang ang ating ama — at kakatapos lang niyang lumisan k-kanina..." pagsasalaysay ni Axus. Labis na nagulat si Lerzia at mabilis na pumatak ang kaniyang mga luha habang nangangatog pa— "ANO?!! Bakit!? Sino ang may kagagawan nito?! APMEVENTO!" bulyaw nito sa hari. "Kagaya ng sinabi ko — hindi nakilala ang may sala." Axus "Mga wala pala kayong silbing anak! Naturingang kayo ang kasama ng amang hari pero wala kayong nagawa upang pangalagaan s'ya!" sumbat ni Lerzia. "Sandali!? — Huwag mong isisise sa amin ang mga pagkukulang Lerzia, bakit — may gusto ba sa nangyaring ito?!" galit na tanong ni Axus, "ikaw nga 'tong at nagtakwa at kumalaban sa sarili mong kadugo..." pa-saring niya. "Kung naparito ka upang usigin na naman ang aking konsensya at ipamukha na napaka-sama ko ay umalis ka nalang, baka magkasakitan pa tayong muli!" pang-uuyam nitong si Lerzia. "Bakit ba hindi ka nalang magbalik-loob sa amin?! Huwag mong hayaang ma-pa-sama ka sa kamay ng mga Derronian!" pang-aakay ni Axus. "Wala kang karapatang sabihin iyan sapagkat sila ang kumilala ng patas sa akin." sagot nitong isa. "Si Balrak lang ang nagpa-dama na mayroon akong kakampi! Hindi 'gaya ninyo na pinagka-isahan akong traydurin!" sumbat na naman nito. "Ikaw ang traydor! Hindi mo lang pinagtaksilan ang iyong pamilya, nakipag-laban ka pa sa sarili mong kalahi!" paglaban naman ni Axus. "APMEVENTO!" galit na sambit ni Lerzia at mabilis na inilabas ang mga firsa n'ya. Inilabas rin ni Axus ang kaniyang raejin at agad silang naglaban ng salamangka! "Wala ka pa ring pagbabago, Axus! Hilig mo pa ring magmagaling!" sigaw ni Lerzia. AT NAGTUTUNGGALI NA ANG KANILANG PUTI AT ITIM NA ENERHIYA!! "Hindi ko gustong makipaglaban sa 'yo kaya pakinggan mo muna ako!" sigaw naman ni Axus. "WALA NA TAYONG PAG-UUSAPAN!" pagsalungat ni Lerzia at ibubuhos na ang mga salamangka sa kapatid — pero naitulak kaagad ni Axus ang pwersa kaya siya ang nadaig! "AGGGH!" "Hindi tayo magkakaintindihan kung hindi mo ako pakikinggan!" ani ni Axus. At itong si Lerzia ay mabilis namang lumutang at tinakasan na ang kapatid! "Lerzia, hintay!!" sigaw ni Axus at sumunod pa rin. "Wala na ang ating ama, Lerzia. Hindi ba't mainam kung mabubuoo na tayong magkakapatid!? Tayo-tayo na lamang at ang isa't-isa ang ating magiging sandalan!" mungkahi niya. "Ano ba, Axus! Lubayan mo ako!" pagtataboy ni Lerzia. "Huwag mong hayaang kainin ka ng galit mo sa amin, nilalason lang ng mga Derronian ang isip mo!" Axus "Tumahimik ka na! Ayoko nang marinig pa ang mga walang saysay mong saloobin. Wala kang kwentang kapatid!" pagmamatigas ni Lerzia at inatake ng enerhiya ang hari! Kaya naman bumaba na sa lupa si Axus dahil muntikan na siya matamaan at tila wala na talaga s'yang mahihita sa kapatid— "Lerzia!!!" sigaw n'ya pero hindi na s'ya nito nilingon pa. ... (Sa Derrohny) Lumitaw sa punong punong bulwagan si Lerzia at sa gitna ng mga Derronian ay bigla s'yang sumigaw! "HAAAAAAGGGGGGHHHHHH!!!!" Sa labis na galit at paghihinagpis ay nakapaglabas s'ya ng enerhiya sa katawan at sumabog ito sa iba't ibang panig ng bulwagan, dahil doon kaya napa-tayo ang kaniyang lolo sa kinauupuan nito at s'ya ay inawat!— "Lerzia?! Napapa-ano ka?! Ano'ng nangyayari sa 'yo? Bakit ka nagwawala!?" pagtataka nito. "Pumanaw na pala ang aking ama NGUNIT WALA MAN LANG NI ISA SA INYO ANG NAG-ULAT NITO SA AKIN!??" galit na bulyaw ni Lerzia habang luhaan pa rin ang mga mata. Agad na nagkatinginan sina Balrak at Guzma, at saka naman dumating si Tomzo... "Panginoon! — L-Lerzia!?" gulat nitong bati. "Ikaw!" pagtingin sa kaniya ng regium, "IKAW ANG MATA KO SA GOLTUS NGUNIT BAKIT HINDI MO MAN LANG SINABI SA AKIN NA WALA NA PALA ANG AKING AMA!!" "Axcedervina, Lerzia! N-ngunit, ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na tumakas sa Goltus at magtungo rito — para nga iulat sa 'yo ang mga naganap — 'yun pala'y alam mo na." nangingiming patawad ni Lerzia. "Totoo bang — pataksil s'yang pinaslang?" tanong ni Lerzia na tila pumapayapa na ang loob. "Oo — ayon sa narinig ko ay ang anak ng hari ang tila puntirya ng may sala, ngunit hinarangan lang ito ng inyong ama kaya siya ang napaslang at hindi ang anak ni Axus." pagsasalaysay ng gire. "HAAAGGHHH!!" muling pumalahaw si Lerzia at naglaho! "Saan na naman patutungo ang iyong apo, panginoon?" tanong ni Guzma. "Halika, sundan natin s'ya!" aya ng hari. Sa kagubatan sila nakarating at doon ay nakita nila si Lerzia na patuloy pa ring nagluluksa habang nakaupo sa malaking tipak ng bato. Humahagulgol pa rin ito at labis na nahahabag sa nangyaring pagkamatay ng ama. "Lerzia!? Ano't tumatangis ka pa rin dito?" tanong ni Balrak sa apo at hinawakan ito sa balikat. "Napaka-sakit, flaio! Napaka sakit na hindi ko man lang nalamang wala na pala ang aking ama, ni hindi kami nakapag usap o nagkapatawaran bago s'ya lumisan!" "Kahit na may samaan kami ng loob at minsa'y nagkakatampuhan ay hindi ko maikakailang mabuti siyang ama at labis-labis na pag-unawa't pagmamahal ang ibinigay n'ya sa akin sa kabila ng pagiging suwail — at masama kong anak." panghihinayang ni Lerzia na tuloy-tuloy lang ang pagpatak ng mga luha. "Shh... Tahan na, tumahan ka na aking apo." sambit naman ni Balrak. "Hindi mo kasalanang namatay ang iyong ama kaya huwag kang magmukmok rito. Ayon na rin kay Tomzo ay ang anak pala ng iyong kapatid ang s'yang naging mitya ng pagkamatay ni Roman — si Kahlim ang dapat ritong sisihin!" saad ni Balrak at napatingin sa kaniya si Lerzia. "Ang anak ni Axus!?" sabi nito. "Walang magagawa ang iyong pag-tangis riyan, mas mainam pa kung kikilos ka na lang laban sa iyong mga kapatid lalo na sa anak ng mortal mong kaaway!—" "—ngayon na marahil ang tamang pagkakataon upang isakatuparan mo ang iyong mga pinaplano!" Natigil sa paghagulgol si Lerzia at natulala lang na animo'y may biglang naisip. ... Kinaumagahan... (Sa piitan ng Goltus) Bumukas ang pintuan at pumasok si Capaste, kasunod ang dalawang magkapatid na sina Axus at Verdem. "Narito sila kamahalan." sambit ng apram at binigyang daan ang mga regium patungo sa mga bihag na manloloob. Sumama na agad ang mukha ni Axus nang masilayan pa lamang ang mga nakapiit. Tama, dahil ito nga iyong mga nanloloob noong may pa-taksil na pumaslang sa kanilang ama. "Ito ba ang mga manloloob?!" galit na tanong ni Verdem. "Sila nga, regium." sagot ni Capaste. "Sino sa inyo ang nais magsiwalat ng pagkakakilalan ng nilalang na pumaslang sa amang hari." malamig na tanong ni Axus sa mga bihag. "Sumagot kayo!!" biglang bulyaw nito at nagulat ang lahat ng naka-gapos, pero walang nagsasalita. "Walang magsasalita?!!" galit na tanong ni Verdem at mabilis na inagaw ang armas ng isang kawal at inihampas ito sa isang bihag! "AGHHH!" "Ano!? Wala pa din kayong sasabihin?" tanong ng regium. "Kung hindi kayo mga aamin ay sabay-sabay ko kayong pahihirapan hanggang sa kayo'y mamatay!" pananakot ng hari na unti-unti nang naluluha sa galit. Nagkatinginan na ang lahat ng bihag at kita na sila'y kinabahan! Sunod nama'y sinakal ni Verdem ang isa sa kanila at si Axus ay pinagliwanag n'ya ang kaniyang mata kasama ng pagbuo ng isang bolang enerhiya! "Sandali! Sandali, mga regium!" pag-awat na ng isang nakagapos. "Magsasalita na ako!" sabi nito. Agad nang binitiwan ni Verdem ang sakal-sakal sakal n'ya.. ."Hindi namin kilala kung sino ang pumaslang sa inyong ama." sabi ng nagsalita. "Kalokohan!" sambit ni Axus at ibinaba na ang kamay, "paano mangyayaring lulusob kayo nang magkakasama at hindi n'yo kilala ang isa sa inyo!?" katuwiran nito. "Nagsasabi s'ya ng totooo, mahal na hari. Hindi talaga namin kilala ang nilalang na iyon." pagsali ng isa pa sa mga bihag. "Hindi namin kasa-pangkat ang hunyangong iyon. Nagtungo lang s'ya sa aming kuta at hinikayat kaming manloob rito — kapalit ng isang supot ng bulawan na kaniyang dala. Napatingin ng mabilis kay Verdem si Axus at muli niyang ibinalik sa mga sinisiyasat ang kaniyang mata... "Sino ba kayo? Ano'ng lahi ninyo at bakit umaabot pa kayo rito sa amin?" tanong niya. "Kami ay mga mandirigmang mula sa tribo ng Winno, at sa kabundukan ng Mohebia kami nananahan." sagot ng majezan. Hindi nagsalita ng ilang sandali si Axus at tila pinakikiramdaman ang mga bihag kung sila ba'y nagsasabi ng totoo. "Apram, halughugin ang kanilang mga gamit. Kung wala silang napuslit na anumang pag-aari ng Goltus ay palayain na sila — ngunit kung mayroon ay agad silang patawan ng kaparusahan!" mahinang utos nito. "Masusunod, kamahalan!" pagbibigay-galang ng apram. At dali-daling lumabas ng piitan si Axus na kasunod rin ang kapatid... "Naniniwala ka ba sa sinasabi ng mga mandirigmang 'yon?" tanong ni Verdem. "Kung hindi nila kapanalig ang hunyangong nakita ko, nangangahulugan lang ito na si ama talaga ang puntirya n'ya. Tignan mo't kinasangkapan lang pala ang mga mandirigmang iyon upang lansihin tayong lahat." paghihinuha ng hari. "Ngunit sino ang nilalang na 'yon? At bakit n'ya papaslangin ang ating ama?" Verdem "'Yun ang aalamin ko!" sagot ni Axus at dali-daling lumakad. Sa ibang dako ng palasyo... Si Regium Xelcis ay nasa silid ng kanilang yumaong amang hari, patuloy pa rin kasi s'yang nangungulila rito at sa pamamagitan nalang paghaplos sa mga kagamitan sa silid na iyon ay nagpapayapa sa kaniyang damdamin. Sa paglilibot niya sa tahimik na silid ay napansin n'ya ang ilan sa mga kahon na naiwang nakahanay sa lamesa, kaya minabuti n'yang umupo at isa-isahing tignan ang nilalaman ng mga 'yon. Nang makatapos s'ya sa tatlong kahon ay dumampot pa s'ya ng isa, iyong kulay ginto, at nang buksan n'ya ito ay nagulat s'ya nang makita ang isang kasulatan! Agad n'ya itong binuksan at binasa— —mula sa kanilang ama! Isang kasulatan ng pagbati para sa kaarawan ng nakatatanda nilang kapatid, si Lerzia! Kasama ng sulat na iyon ang isang nakabalot na regalo ngunit hindi na ito binuksan pa ni Xelcis. Habang binabasa n'ya ang liham ay dumating si Adro, nang hindi n'ya namamalayan. "Xelcis?!" pagtawag nito, "narito ka pala?" "Paminsan-minsan ay pumupunta rin ako dito sa silid ng ating ama kapag s'ya ay aking naalala." sabi pa nito at nilibot ang mata sa silid. "Xelcis!?" "Oh, Adro? — Ikaw pala!" bahagyang gulat na bati nitong si Xelcis. "Ano't tila abala ka riyan? Hula ko'y hindi mo napansin na dumating ako, 'no?" pabirong sabi ni Adro at naki-upo na rin upang tignan ang mga kahon. "Heto! Tignan mo... may iniwang kasulatan at handog si ama para kay Lerzia — At dapat ko itong ihatid!" saad ni Xelcis at ipinakita sa kapatid ang hawak n'yang kahon. "S-sa Derrohny? — Magtutungo ka roon?" Adro "Oo?!" "Mapanganib doon, Xelcis! Hindi maaari!" pag-tutol ni Adro. "Pero para kay Lerzia ito, kailangan n'ya itong matanggap — para ito sa kaniyang darating na kaarawan!" sabi ni Xelcis at tumayo. "Ano kaya kung samahan mo ako?" mungkahi nito. Samantala, ang anak ni Axus na si Kahlim ay mag-isa lang na nasa silid nito at naglalaro — nang biglang pumasok ang isang kulay itim na hangin. Nakita ito ng paslit kaya agad itong tumayo at sa pagkahiwaga ay sumunod!— Walang nakapansin na siya pala ay nakalabas at nakarating pa sa ibang lagusan palabas ng Goltus, doon rin kasi nagtungo ang dumating na hangin at nang wala nang iba pang nilalang sa paligid ng regium ay saka lumantad si Lerzia! "Salutem, Kahlim!" bati nito at talagang nagulat ang paslit!—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD