Kabanata 55: Simula ng pagkilos ni Lerzia

3258 Words
"A-avun?" nauutal na sambit ni Kahlim kay Lerzia. "Mm! Nakatutuwa namang kilala mo ako!" matamis na tugon ni Lerzia sa pamangkin. "Halika, sumama ka sa 'kin. Ipinahahanap ka ng iyong ama!" aya nito. "P-pero, hindi ba po—" kinakabahang sabi ni Kahlim at umaatras na. "Dormum ivliv!" bigkas ni Lerzia ---------------------------------- Dormum ivliv - "Ika'y matulog!" ---------------------------------- AT SI KAHLIM AY AGAD NAWALAN NG MALAY! Mabilis na sinalo ni Lerzia ang paslit at ito'y binuhat. "Matulog ka na muna, aking ykam. Si avun Lerzia na ang bahala sa iyo!" sambit nito at itinakas na ang munting prinsipe! Nagtungo s'ya sa kagubatan at doon inihiga si Kahlim habang hindi pa siya tiyak kung ano ang gagawin rito. "Kaawa-awang regium..." sabi n'ya habang tinitigan ang paslit. "Ngunit hindi ako papayag na dadagdag ka pa sa aking aalalahanin. Lubha nang marami ang sagabal kaya ikaw na ang uunahin kong ligpitin!" Inilabas niya ang kaniyang punyal at itinutok na ito sa paslit!— "Paalam, anak ni Axus!" At nang sasaksakin na niya si Kahlim ay BIGLANG DUMATING SI FELLIAN! HINAWI NITO ANG PUNYAL NIYA AT HINARANGAN ANG PASLIT! "S-sino ka!?" gulat na tanong ni Lerzia. "Hindi mo maaaring paslangin ang anak ni Axus, lubayan mo ang batang ito Lerzia!" galit naman na utos ni Fellian. "Huwag kang makialam rito, kung sino ka man! Umalis ka na kung hindi mo ibig na paslangin din kita!" pagbabanta ni Lerzia. "Subukan mo — subukan mo kung mapapaslang mo ako!" sagot ni Fellian na may kasama pagngisi. "Tungkulin kong pangangalagaan ang mga sorsero, regium. At kung kakalabanin mo ang iyong mga kapatid ay magiging kaaway mo rin ako!" pagbabanta din nito. "Ano namang kahibangan iyan? Isa ka bang bantay ng mga sorsero?" natatawang tanong ni Lerzia pero bigla s'yang natigilan. "Sandali — Fellian!??" "Mabuti naman at nakilala mo na ako, suwail na anak ni Roman!" Fellian "Hindi ko inaakalang magkikita tayo ng ganito!? Akala ko'y — mailap ka at hindi basta-basta nagpapakita kanino man?" manghang sabi ni Lerzia. "Huwag mong gagalawin si Kahlim, pakiusap. Hindi s'ya kasali sa hidwaan ninyo!" pakiusap ni Fellian. "Kasali s'ya dahil s'ya ang anak ng mahigpit kong kaaway!" bulyaw naman ni Lerzia at sinugod na ang sinaunang sorsero! Agad silang nagtagisan ng galing, at kung sa paghawak lang ng espada ay di hamak na mas bihasa at magaling itong si Fellian. Mas lamang pa nga ang mga pag-iwas ni Lerzia dahil may kabilisan ang mga pag-atake nitong isa at tila handa rin s'yang saktan kung saka-sakali. "Hindi ko maikakailang mahusay ka—" sambit ni Lerzia nang mapaatras. "Layuan mo na si Kahlim, kung hindi ay tatagal pa ang laban nating ito!" utos naman ni Fellian. "Sancte! Maaaring magaling ka nga — ngunit mautak naman ako!" ani ni Lerzia at mabilis na inatake ng itim ng salamangka ang kalaban. Nagawang mai-harang ni Fellian ang kaniyang sandata pero nang magkaroon na ng pagsabog ay hindi n'ya namalayang palusob na pala si Lerzia sa kaniya!! Buong lakas s'ya nitong tinadyakan sa dibdib kaya napaatras na din s'ya!— Sunod ay dinampot ni Lerzia ang nahihimbing pa ring paslit at sila'y naglaho! "Sundarava!" sambit ni Fellian nang makitang nakatakas na ang sorsero. "Si Kahlim! — Mukhang matutupad nga ang nakita kong kinabukasan niya... Apmevento!" ... (Derrohny) Tahimik ang kaharian at nasa punong bulwagan ang hari, kasalukuyang kinakausap ang kaniyang mga apram nang biglang lumitaw ang magkapatid na Adro at Xelcis! Nagulat ang lahat at mabilis na nagsipag-handa dahil kapwa naka-baluti ang dalawang dayo— "Hindi kami nagpunta rito upang makipag-away!" sambit agad ni Xelcis. "Bakit kayo biglang naparito, mga regium!?" gulat na tanong ni Balrak na napatayo sa kinauupuan. "Nasaan si Lerzia? Nais namin s'yang makausap!" sagot ni Xelcis. "Wala rito ang aking apo — umalis!" sagot ng hari. "Apo?!" gulat na sabi ng mga regium. "Hindi kayo nagkamali ng dinig, mga regium. Si Lerzia ay akin ngang apo — ama ako ng kaniyang ina." pagpapakilala ni Balrak sa sarili. "Kaya pala—" sambit naman ni Adro at halatang nainsulto agad ang mga Derronian. "Umalis na kayong dalawa — wala dito ang hinahanap n'yo. Hindi pa bumabalik si Lerzia simula kagabi!" utos ni Balrak at umupo nang muli sa upuan. "Hindi pa kami tapos, huwag kang pala desisyon!" ani ni Adro. "Apmevento!" susugod na agad si Guzma pero tinutukan s'ya ng espada ni Xelcis. "Inuulit ko — hindi kami nagpunta dito para makipag away!" sabi nito. "May nais lang akong ihatid na isang bagay sa traydor naming kapatid." "At ano iyon?" tanong ni Balrak. Nagtinginan muna ang magkapatid at saka lumakad palapit sa hari si Xelcis... "Para ito kay Lerzia... At umaasa akong s'ya ang magbubukas n'yan!?" sabi ng regium nang iabot ang kahon. Hindi na nagsalita si Balrak at kinuha nalang ang dala ni Xelcis. "Maraming salamat sa malugod n'yong pagtanggap mga Derronian. Hindi naman talaga natin kailangan palagi na humantong sa digmaan." sabi ng regium nang magbalik sa kapatid. "Pakisabi nalang muli sa magaling mong apo na nagtungo kami rito!" bilin ni Adro at mabilis na silang dalawa na naglaho. "Ano ang nilalaman ng kahon, panginoon?" pag-uusisa ni Guzma. "Pakiramdam ko'y galing ito kay Roman — ngunit hayaan na nating si Lerzia ang magbukas nito." sagot ng hari habang sinisipat ang anyo ng kahon. Si Lerzia naman ay lumitaw sa mas malayong kagubatan upang hindi na s'ya masundan pa ni Fellian. Dali-dali na niyang ibinaba si Kahlim at nang muli na niy itonng sasaksakin ay bigla s'yang natigilan— —natigilan na para bang hindi niya kaya... Muli n'yang iginalaw ang punyal pero hindi n'ya talaga ito mailapit sa ykam. "Hindi — hindi!" sambit n'ya at tumalikod sa inis. "HAAAAGGGHHHHH!!" sigaw n'ya dahil nagsisimula nang magtalo ang loob n'ya. Biglang ba namang may kumirot sa puso niya at tila binabagabag na agad s'ya ng kaniyang konsensiya. "Hindi... Hindi!" paulit-ulit n'yang bigkas, "anong salamangka ang bumabalot sa 'yo at ganito ang nararamdaman ko!?" "ARGGGG!!" sigaw na naman niya at hinarap na ang nagkakamalay nang si Kahlim. "Mmm — mmm..." "Apmevento!" Agad na bumangon si Kahlim at nagulat nang makita nasa kagubatam na s'ya — at kasama pa din si Lerzia! "A-avun!?" ngatog n'yang sabi. "Pasalamat ka... Hindi kaya ng mga kamay ko na pumaslang ng isang paslit." sabi ni Lerzia at nakita ni Kahlim ang hawak nitong punyal kaya lalong natakot. "'Wag n'yo po ako sasaktan, avun... Pakiusap!" "Huwag kang matakot — kailangan mo nalang ngayon ay ang makalimot!" sabi ni Lerzia at hinaplos ang maamong mukha ng ykam. "P-po?" Inilabas ni Lerzia ang hiyas ng dilim at biglang umihip ng kakaiba ang hangin sa paligid! "Inuutusan kita, hiyas — gamitin mo ang lahat ng iyong kapangyarihan upang ikubli ang paslit na ito!" "Ipalimot sa kaniya ang lahat ng alaala at kaniyang buhay. Nais kong hindi na siya makilala pa ng lahat ng taga rito sa Majezenty!" pagsamo ni Lerzia sa kaniyang hiyas at nag-ningning ito labis! "Aghhhh — AGGGHHHH!!" sigaw ni Kahlim nang magsimula na siyang balutan ng itim na usok! "HAHA — HAHAHAHAHA!!" at humalakhak na si Lerzia habang nandidilat pa ang mga mata. HANGGANG SA TULUYAN NANG KINAIN NG ITIM NA SALAMANGKA ANG PASLIT AT ITO'Y LUMUTANG PA!! Mga ilang sandali lang ay dahan-dahan na rin itong ibinaba at napahigang muli sa lupa — dahil wala na namang malay. Sa mga kamay ni Lerzia ay nabuo naman ang isang kwintas at pinagmasdan niya ang batong palawit nito. Nakitang n'yang may kuminang sa loob nito na isang simbolong dragon! Ngumisi siya at saka muling binuhat ang pamangkin. Pagkatapos ay sinimulan na niyang maglayag gamit ang isang bangka, si Kahlim ay nasa unahan lang at kitang wala na ito sa ulirat! Tulala nalang ito at tuwid ang tingin, ni hindi pinapansin ang paligid. Binilisan ni Lerzia ang pag-sagwan at tiniyak na magiging napakalayo nila sa kabayanan kung saan sila nagmula, dahil nais n'yang sa iba at bagong kapuluan dalhin ang kaawa-awang pasalit upang hindi na ito matunton pa ninuman! Kaya nang mapansin n'yang hindi na niya kabisado ang kinaroroonan nila at mukhang malayo na nga ito ay humanap na siya ng pagdadaungan, bumaba siya sa bangka at inalalayan si Kahlim, saka nila pinasok iyong masukal na kagubatan. Walang masyadong nilalang sa narating nilang iyon, tanging huni lang ng mga ibon at simoy ng hangin ang naririnig sa paligid. Nilakad pa ni Lerzia ang kagubatan hanggang sa makarating na din sa malayo, at doon na niya hinarap si Kahlim. "Hanggang dito nalang tayo aking ykam..." sabi n'ya at inilabas ang kwintas. Isinuot n'ya ito sa paslit at saka muli itong binasbasan. "Sa pamamagitan n'yan ay walang anumang kapangyarihan sa mundong ito ang makahahanap pa sa 'yo!" bigkas n'ya at tuluyan nang nakandado sa leeg ni Kahlim ang anting-anting! "Oh paano — ang kapalaran nalang ang bahalang magdikta sa kung ano ang kahihitnan mo rito!? Paalam, Kahlim! Nawa'y maibigan mo ang iyong bagong tahanan!" paalam ni Lerzia at inilabas muli ang hiyas ng dilim. Ilang sandali lang ay dumating na ang isang itim at mabagsik na dragon! Lumapag ito sa kinaroroonan ng dalawa. "Ibalik mo na ako sa ating kaharian!" utos ni Lerzia at sumampa na sa likod ng nilalang. "HIYAAAHH!!" At nang lumipad nang muli ang dragon ay napaupo sa lupa si Kahlim dahil sa lakas ng pwersa nito. Mag-isa nalang s'ya — at wala pang kaalam-alam sa nangyayari!— ... Sa Goltus, si Axus ay biglang kinabahan at naalala ang kaniyang anak. Sa hindi niya mawaring dahilan ay biglang bumigat ang kaniyang pakiramdam at nakakutob na s'ya ng masama. "Kahlim..." sambit n'ya at agad na tumayo. Si Lerzia naman ay nakalapag na sa kagubatan kung saan siya nagmula, pinauna na niyang magbalik sa Derrohny ang naghatid sa kaniyang dragon dahil may isa pa siyang gagawin. "Hindi maaaring malaman ni Axus na iniligaw ko na ang kaniyang anak... Dapat ay may maiharap akong Kahlim sa kaniya!" sabi nito at muling inilabas ang hiyas ng dilim. "Hiyas ng dilim... Maaari bang gumawa ka ng isang nilalang na ka-wangis ng anak ni Axus." utos niya sa hiyas. "Isang paslit na s'yang magsisilbing prinsipe at kikilanin ng lahat bilang si Kahlim. Maaari ba iyon aking hiyas?" At napansin n'ya ang kaniyang anino sa likuran na biglang gumalaw at kumawala! Pumuwesto ito sa harapan n'ya at unti-unting nahubog biglang si Kahlim! Nanlaki ang mga mata n'ya sa na-saksihang ito kaya muli niyang tinignan ang sarili, gumalaw-galaw s'ya at laking pagkamangha n'ya nang makitang wala na siyang anino! "Kagila-gilalas!" sambit n'ya at hinaplos ang kaharap ngayon na paslit. "Isang huwad na Kahlim na mula sa aking katawan?!" "Ikaw ay kabahagi ng aking buhay kaya nakatitiyak akong susunod ka sa lahat ng aking nanaiisin!" saad n'ya at hinaplos ang may buhay niyang anino. Ngumiti pa ito na akala mong totoong majezan at may pakiramdam. "HAHAHAHAHAHA! Ka'y husay! Napaka husay ko! HAHAHA!" Samantala... Nagkakagulo na sa palasyo ng mga sorsero dahil nalaman nga ng hari na nawawala ang kaniyang anak, mabilis niyang ipina-galugad sa lahat ng mga kawal ang buong paligid upang malaman kung nasaan nga si Kahlim, lalo't gumabi na. "Axus, wala sa kabilang tore si Kahlim, hindi namin s'ya nakita." humahangos na ulat ni Verdem habang kasama sina Lawag. "Kamahalan... Wala rin sa panig na ito ang inyong anak." pagdating ni Xelcis. "Sundarava... Nasaan na si Kahlim!!" naiiyak at kinakabahan nang sigaw ng hari. Hanggang dumating ang hora na si Talya — at kasama na nito ang hinahanap na regium! "Kahlim!! Kahlim!" dali-daling nilapitan at niyakap ni Axus ang anak at ito'y hinagkan. "Saan ka ba nagtutungo, anak? Lahat kami dito ay tinakot mo! Akala ko'y napaano ka na!?" "Paumanhin po, ama... Nalibang lang ako sa paglalaro kaya hindi ko namalayang gabi na pala." sagot ng paslit. "Hay Kahlim!" at muling niyakap ni Axus ang anak. "Saan n'yo s'ya nakita?" tanong nito sa mga hora. "Sa bukana ng palasyo, mahal na hari. Tila nakalabas s'ya — at kababalik pa lang ngayon." sagot ni Talya. "Kahlim, huwag mo nang uulitin ito. Huwag ka nang aalis nang hindi nagsasabi sa akin, naintindihan mo?!" pakiusap ng ama. "Baka mapahamak ka kung susuwayin mo ako! Dapat kung aalis ka ay magsasabi ka sa akin ha? Lubhang delikado sa labas!" "Opo, ama... Opo. Patawad ulit." pagngiti ni Kahlim. Muling nagyakap ang mag-ama at dahil doon kaya napayapa na ang lahat dahil natagpuan na nga naman ang pilyong regium. Na hindi nila batid — ay huwad pala! ... (Sa Derrohny) Dumating na sa punong bulwagan si Lerzia at nakapang-lakbay pa na gayak... "Apo!? Narito ka na. Bakit ngayon ka lang!?" tanong ni haring Balrak. "Nag-laan lang ako ng sandali upang pag-isipan ang mga bagay-bagay." malamig na sagot ni Lerzia at tumayo sa gilid ng lolo. "Napagtanto ko na maaaring ito na nga ang tamang panahon na sinasabi mo upang unti-unti kong isakatuparan ang aking mga layunin!" "Ngayong wala na ang aming ama ay maaari ko nang simulan ang aking mga plano laban kina Axus. Iisa-isahin ko sila — at ipadarama sa kanilang lahat ang aking galit at poot hanggang sa wala nang matira... kundi ako na lamang at sa pamamagitan no'n ay magagawa ko nang mabawi ang lahat ng para sa akin, ang kapangyarihan at ang pamumuno sa Goltus!" nakangising pahayag ng regium. "Bago ka maggawa ng mga hakbangin ay nais ko munang ipabatid sa 'yo na nagtungo rito ang dalawa sa iyong mga kapatid — at may iniwan silang isang bagay." sambit naman ni Balrak at iniabot ang kahon sa apo. "Sino ang nagdala nito?" tanong ni Lerzia. "Sina Xelcis at Adro." Binuksan agad ni Lerzia ang kahon at bumungad rin sa kaniya ang parehong liham na nauna nang nabasa ni Xelcis. "Anong nilalaman?" pag-uusisa ng lolo. "Isang — handog!? Maagang regalo marahil ng aming ama para sa aking kaarawan." malamig na sagot ni Lerzia at hindi na binuksan pa ang nakabalot na bagay, isinara nalang nito ang kahon. "Ngayon ay saan ka nga nanggaling?" tanong muli ni Balrak, "halos isang araw kang nawala!?" "Nagligpit lang ako ng isang basura, flaio... Si Kahlim." nakangising tugon ng regium "Ano'ng ginawa mo sa anak ng iyong kapatid!?" bahagyang gulat na ani ng hari. "Hindi mo na kailangang malaman, ngunit tama ka naman — s'ya ang dahilan kaya namatay ang aking ama kaya s'ya ang inuna kong asikasuhin!" sagot ni Lerzia. "Ngayon ay kung ipahihintulot mo, nais ko nang magpahinga dahil lubhang nakakapagod ang araw na ito. Damhan ad vesperum, flaio!" paalam nito at dali-dali nang lumakad. --------------------------------------------------- Damhan ad vesperum - "Magandang gabi!" --------------------------------------------------- "Kakaiba rin itong apo mo panginoon. Ma-lihim, parang ikaw." bulong ni Guzma at ito si Balrak ay nakatingin habang lumalayo ang apo — napansin n'ya kasi na tila may kakaiba rito. ... Nang sumapit ang umaga... Ang pangkat ng mga mandirigma, sa pangunguna ni Neroz ay nagtungo sa kagubatan upang kumalap ng makakain at mga kasangkapan, naghiwa-hiwalay sila ng kaniyang mga kasama upang mas marami silang makuha. Sa paglalakad niyang mag-isa ay natagpuan n'ya ang tunay na Kahlim, na nanginginig na sa gutom!— Agad s'yang nakaramdam ng awa kaya dali-dali n'ya itong nilapitan at kinausap... "Bata? Bata?" pagtawag n'ya at tumabi na kay Kahlim. "Ano't mag-isa ka rito? Nasaan ang iyong mga magulang? May kasama ka ba?" tanong n'ya pero ang paslit ay titig lang sa mga mata n'ya at tila hindi kayang bumigkas ng salita. "Naiintindihan mo ba ako?" "N-nagugutom po ako." maigsing sagot ni Kahlim. "Sandali — 'wag kang aalis dito. Ikukuha kita ng makakain!" sabi ni Neroz at dali-daling tumayo upang mamitas ng prutas. Dinamihan n'ya ang kinuhang makakain at sumalok na rin ng tubig gamit ang tapayang nakasubit sa kaniya. Hindi s'ya nagtagal at agad na binalikan sa paslit upang ito ay maasikaso na. "Heto, kumain ka oh. Marami akong napamitas!" sabi n'ya nang tumabing muli kay Kahlim at ibinaba ang mga nakalap n'yang prutas. "Nauuhaw ka ba? Heto rin ang tubig." "Salamat po, ginoo!" pasasalamat ni Kahlim na agad kumain at halatang gutom na gutom na nga ito dahil sa bilis ng mga pagnguya. "Dahan dahan lang, bata... Marami pa, hindi ka mauubusan." pabirong sabi ni Neroz at napatawa ang paslit. "Ano bang pangalan mo? Saka bakit ka mag-isang naririto? Sino ang mga magulang mo?" tanong niya. "Ahhh — w-wala po akong maalala?—" may pag-aagam agam na sagot ni Kahlim. "Ha? Pupwede ba iyon? Ano'ng wala kang maalala?" "H-hindi ko po alam kung sino ako... Sino po ba ako?" tanong ng paslit at dito na naguluhan si Neroz. "Hindi mo alam kung saan ka nagmula?—" Muling umiling si Kahlim... "Eh papaano ka nakarating dito?" naguguluhang tanong ng mandirigma. "Pambihira, sino bang magulang ang makagagawa ng ganito sa kaniyang anak? Naiwan ka kaya dito o sadyang niligaw?" "Bakit wala kang maalala? Sino kang talaga?" May kakaiba sa pakiramdam ni Neroz pero hindi n'ya ito maipaliwanag, nang matapos kumain ni Kahlim ay isinama na niya ito pabalik sa kanilang kuta at doon ay nagulat ang kaniyang ama na may kasama siyang paslit. "S-sino ang batang ito?" pagtataka ni Adan. "Natagpuan ko s'ya sa kagubatan malapit rito ama, nag-iisa at tila ba pinabayaan na!?" sagot naman ng binata. "Kaawa-awang bata!?" ani ni Adan at agad na tinignan si Kahlim. "Sino ka? Anong pangalan mo?" tanong nito. "Sa kasamaang palad ay wala s'yang maalala ama... Ni hindi niya alam ang kaniyang sariling pagkakakilanlan." sabi ni Neroz at napatingin sa kaniya ang ama. "Tunay ba?" "Anong pangalan mo, bata?" tanong muli nito pero hindi nga sumasagot si Kahlim dahil nabura na lahat ni Lerzia ang alaala n'ya. Napansin ni Adan ang nakasuot na kwintas sa paslit at ito'y tinitigan. Tila ba may mamahaling bato ang nakapalawit rito kaya pinag-intiresan ng n'ya na ito'y hubarin ngunit sa kakatwang dahilan ay hindi man lang ito mapigtas sa leeg ni Kahlim. "Apmevento... Ka'y tibay naman ng kwintas na ito!" sabi niya. "Sancte, ama! Anong ginagawa mo?" pag-awat sa kaniya ni Neroz. "Malaki-laking bulawan ang makukuha natin kung maibebenta natin ang kwintas n'ya!" sagot ni Adan. "Tss... Eh hindi mo nga mabuhad?" pabirong sabi ni Neroz at hinawakan na si Kahlim upang ilayo ito sa ama. "'Yun nga... Pero Neroz, hindi kaya may kung ano dito sa batang ito?" sambit ni Adan na kitang may pagdududa sa mga mata. "Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya — tila hindi yata tama na dinala mo pa s'ya rito." dagdag nito na patuloy pa ring nakatingin sa suot na anting-anting ni Kahlim. "Ano namang kapahamakan ang mabibitbit ng batang 'to, ama? Tignan mo nga't mukhang wala pa s'yang muang!" pagtatanggol ni Neroz. "Ahhh, bahala ka! Basta't tiyakin mo lang na hindi 'yan magiging sakit sa ulo dito." pagtanggap ni Adan. "Masusunod, ama! Salamat!" Tinapik na ni Adan sa balikat ang anak at saka na ito iniwan. "Hay... Sino ka ba kasi!?" tanong muli ni Neroz kay Kahlim at kitang natutuwa s'ya rito, lalo pa noong magkatitigan sila ng malapit. "Kung hindi mo nga alam ang iyong nakaraan o kung hindi mo talaga matandaan ang iyong pangalan... Sige, Leo nalang ang ipapangalan ko sa 'yo!" "Mula ngayon, ikaw na si Leo... At ikaw ang magiging kapati—" "Amaaaaa!!" sabi ni Kahlim at dali-daling niyakap itong si Neroz. "A-ama?" natatawang sabi ni Neroz dahil ang sasabihin n'ya sana'y ituring nalang siyang kapatid o kuya ni Kahlim pero bakit biglang ama nalang ang sinabi nito. "Hahahahaha! Kung ama ang nais mong itawag sa akin ay sige! AMA!" pagpayag niya at hinaplos ang ulo ni Leo. Pagkatapos ay pinaliguan at binihisan niya ang kaniya na ngayong anak at saka ito pinakilala sa iba niyang kasamahan, lalo na kina Pando at Almer, na labis namang mga natuwa dahil may paslit na sa kanilang pangkat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD