Kabanata 56: Bagong araw na wala na ang ama ng mga regium

2337 Words
(Sa Goltus) Pumasok sa punong bulwagan ang hari at kasunod ang mga kawal, may pagpupulong silang gagawin pero uunahin na muna ni Axus na kausapin ang mga panauhin na naroroon na at naghihintay. "Ano'ng maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ni Axus sa mag-inang majezan na nahuhulaan na niya ang tila sadya ng mga ito. "Nasaan ang regium Verdem?!" tanong ng tumatangis na dalaga. At si Axus ay napa-buntong hininga nalang at tumingin sa katabing kawal na para bang sinasabi na "heto na naman." Napadaan sa bulwagang iyon si Sype, na nakagayak pang lakbay at tila lalabas na naman ng palasyo, nakita nito ang kapatid na may kausap ngang mga hindi kilalang nilalang. "Sino sila, kawal?" tanong nito sa nagbabantay sa may entrada papasok. "Dumulog lang regium... Inirereklamo ang inyong kapatid na si Verdem." sagot ng kawal. Napangisi nalang si Sype at saka na dali-daling pumuslit habang hindi pa s'ya nililingon o napapansin ng hari. "Mukha hindi natatapos ang suliraning ganito ng iyong kapatid, mahal na hari." pabirong bulong ni Capaste kay Axus. "Dagdag pa na lagi pa siyang wala kapag nagkakaroon ng ganito." dismayadong tugon nito. "Salutem, mahal na hari!" pagdating ni Verdem. "IKAW! IKAW!!!" biglang nag-sisigaw ng babaeng tumatangis at mabilis na lumapit sa regium upang ito'y pagsasampalin! "Sandali — sandali!" pagharang ni Axus, "pag-usapan natin ng maayos ito!" Si Verdem ay talagang nagulat at nahiya dahil sinugod na siya ng isa na naman sa kaniyang mga pinaluha, ngayon lang rin siya nakipag-pang abot sa dumudulog na babae sa palasyo dahil kalimitan ay si Axus na nga ang humaharap dito at nakikipag-usap. Labis na nagagalit ang babae kaya tinulungan na rin ng mga kawal ang hari upang ito'y awatin dahil si Axus na ang natatamaan. "Sandali lang, majezan... Payapain mo ang iyong sarili!" sambit ng hari habang nagkukubli sa likuran n'ya si Verdem na animo'y nakikipag lokohan pa. "Apmevento ka, Verdem!!" babae ... Si Sype ay nagtungo sa lupain ng Saghara upang makipagkita nang muli sa kaniyang mandirigma. Nagkasama na na naman sila at doon sa madalas nilang tagpuan sila nanatili, sa pagkakataong ito ay mas nakakaramdam na sila ng kalayaan na magsama dahil tila wala na ngang hahadlang pa sa kanila. "Ano't may kakaiba sa galak mo ngayon?" nagtatakang tanong ni Neroz habang nakatitig lang sa mga mata n'ya si Sype. "Hindi lang mawala ang saya sa akin dahil — dahil wala nang makakapaghiwalay pa sa atin!" sagot ng regium. "Ha?! Eh diba, ayaw sa atin ng iyong ama at kapatid na hari?" Ipinatong ni Sype ang ulo n'ya sa dibdib ni Neroz at sinimulang pakinggan ang pagtibok ng puso nito. "Wala na ang aming ama Neroz..." "Totoo?! — P-paano? Ano'ng nangyari?" gulat na tanong ng mandirigma. "Basta... Ayoko nang ungkatin pa dahil maalala ko lang ang sakit." naiilang na sagot ni Sype, "ngunit naalala mo ba noong gabi ng bagyo? Noong araw na 'yun din namin pinalaya si ama bago kami sumuong sa labanan." pagsasalaysay nito. "Ngunit sandali — hindi ka na ba nalulungkot ngayon na wala na s'ya? Ang inyong ama?" Neroz "Nalulungkot syempre... Pero naisip ko na kung ito naman ang kalooban ng aming bantay ay wala akong magagawa kundi tanggapin nalang."  "'Yan! Tama, 'yan ang Sype ko!" pagpapalakas ni Neroz sa loob ni Sype. "At isa pa!—" ani ng regium at bumangon. "—hindi naman sa pagiging makasarili o natutuwa ako na wala si ama, pero... ngayong wala na siya ay naisip ko na wala nang tututol pa sa atin, wala nang makikialam at magiging malaya na tayo!" Napangiti si Neroz at bumangon din, tumitig siya sa mga mata ni Sype at kita n'ya nga rito ang labis na tuwa! "Kahit na ano pa man ang mangyari ay palagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita — at handa kitang ipaglaban kahit saan pa tayo makarating!" pangangako niya at hinaplos ang pisngi ng regium. "Eraom inconvanse, Sype!" "Erom hav'inconvanse, Neroz! Mahal na mahal kita! Salamat at dumating ka sa buhay ko!" at niyakap ni Sype nang pagka-higpit higpit ang mandirigma. ... Ngayon ay balikan natin ang tagpo sa Goltus... Nakausap na ng magkapatid ang mag-inang nag-reklamo, napag-ayos na rin sila ni Axus at mabuti nalang dahil hindi naging ganoon kahirap ang pagpapatawad nila sa isa't isa. Matapos lang ang matagal na pagdinig sa panig ng bawat isa ay napagpasyahan na nilang lutasin ang suliranin na ito. Payapa nang lumisan ng palasyo ang mag-ina at pinabaunan sila ng hari ng mga pampalubag-loob bilang paghingi pa rin ng paumanhin sa ginawa ng kapatid. Nang tuluyang makaalis ang mga dumulog... "Verdem ha... Pang-ilan na ito!" dismayado pa ring sabi ni Axus at umupo sa kaniyang trono. "Paumanhin kapatid ngunit asahan mong hindi na ito mauulit pa, PANGAKO!" saad naman ni Verdem na bagama't nangangako ay kita sa mukha na parang natatawa ito. "Tiyakin mo Verdem!" sambit ni Axus at nakita nga ang tila pag-pipigil ng kapatid na tumawa. "At anong namang nakakatawa ha?" tanong niya na bahagyang naaliw sa pagmumukha ni Verdem. "Nako, Verdem! Huwag kang tumawa-tawa d'yan, walang nakatutuwa sa ginawa mo. Dapat mong tandaan na hindi nakaka-dagdag sa p*********i ang dami ng babae na iyong sasaktan o paluluhain, kung para sa akin lang ay nakakabawas pa nga ito sa atin dahil ang isang tunay na lalaki ay kailanman — hindi mananakit ng babae!" At napatungo si Verdem sa hiya... "Oh regium alam mo na?!" pabulong na sabi ni Capaste sa kaniya. "Shh, makinig ka sa sermon ng mahal na Axus." pabirong sabi nitong isa at nagtawanan sila. "Hay!" pag-iling iling ni Axus, "kailan ka kaya makakahanap ng katapat, Verdem!?" tanong nito sa isip. ... (Derrohny) Si Lerzia ay nasa kaniyang silid at kasalukuyang nagsusuklay ng buhok. Kasama n'ya roon ang tapat niyang gire, si Tomzo at sila'y nag-uusap. "Unti-unti ko nang isinasakatuparan ang aking mga balakin laban sa aking mga kapatid. Tapos na ako ngayon kay Kahlim, sino naman kaya ang aking isusunod?" sambit ni regium. "Maitanong ko lamang, Lerzia — ano ang ginawa mo sa anak ni Axus?" pag-uusisa ni Tomzo. "Dinala ko lang naman s'ya sa malayong lupain kung saan hindi na s'ya magagawa pang hanapin at tuntunin ng kapangyarihan ng mga sorsero." sagot ni Lerzia at nanalamin naman. "Kung ganoon ay hindi mo ito pinaslang?" gulat at lumapit na ang gire. "Oo... sapagkat may kung anong kapangyarihan ang bumabalot sa kaniya kaya hindi ko s'ya magawang saktan." sagot nitong isa. "Pero Lerzia... Papaano nalang k-kung dumating ang araw na matunton ng iyong mga kapatid ang batang ito, o di kaya'y may makatauklas agad sa ginawa mo? Tiyak na masisira ang mga balakin mo!" pag-aalala ni Tomzo. "Huwag ka ngang mabahala d'yan, Tomzo. Batid ko ang aking ginagawa at nasa maayos na daloy ang lahat." payapang tugon ni Lerzia. "Hindi nila mahahanap ang tunay na Kahlim hangga't nasa ayos ang plano!" dagdag nito. "Isang bagay pa pala — kung ang tunay na Kahlim ay wala na dito sa ating lupain ay sino kung ganoon ang nasa Goltus?" tanong pa ni Tomzo at napatingin ng kakaiba sa kaniya ang kaniyang alaga. "Isang huwad malamang... Ngunit hindi ko na rin muna ito ilalahad dahil mas nais kong pag-tuunan ng pansin ang aking mga gagawin para sa mga susunod kong hakbang." sagot ni Lerzia at tumayo. Lumakad ito patungo sa may liwanag kung saan makikitang wala siyang anino pero hindi naman ito napansin ng kaniyang kausap. "Maghintay ka lang Axus... Tutugisin ko kayo isa-isa!" Matapos ang kanilang pag-uusap ay lumabas na muna ng silid si Tomzo dahil magsisimula na siyang maglakbay pabalik ng Goltus, sa paglalakad n'ya ay nakasalubong n'ya si haring Balrak. "Panginoon!" pagtungo niya. "Nasaan si Lerzia? Hindi ko pa s'ya nakikita simula kanina ah?" tanong ng hari. "S'ya ay nasa kaniyang silid panginoon. Kagagaling ko lamang roon at nag-usap kami." sagot ni Tomzo. "Gano'n ba?" Balrak, "ikaw san ka naman patungo?" "Ako'y magbabalik na sa Goltus. Imutusan ako ng inyong apo na umantabay sa mga susunod na mangyayari sa kaniyang mga kapatid sa palasyo." "Husayaan mo, Tomzo. Kailangan lahat ng kibot ng mga regium, lalo na ni Axus ay makakarating rito!" utos ng hari. "Masusunod, panginoon!" At lumakad na ulit ang hari kaya tumuloy na rin sa pag-alis ng Derrohny si Tomzo. ... (Sa kagubatan ng Romalum) Sina Emprido at ang marami pang kawal-Goltian ay nagsasagawa ng pag-papatrolya. Tinitignan nila ang lagay ng paligid pati na ang mga nilalang na naninirahan rito upang itala at alamin kung nagkakaroon na ba pagka-ubos. Sa patuloy na pagtitingin sa paligid ay nakita ni Emprido ang isang malapit na nilalang, agad n'yang inihanda ang kaniyang pansulat at tinitigang muli ang nakita. Subalit bigla niyang nakilala ang anyo ng nilalang, ISA ITONG HUNYANGO! Nanlaki ang mga mata n'ya at naalala agad ang sandali ng kamatayan ni Roman, matatandaang s'ya ang kausap ni Axus noon sa may balkonahe at nang matamaan na ang amang hari ay natanaw n'ya sa kabilang dako ang nilalang na ito kaya hindi s'ya maaaring magkamali, IYON ANG HUNYANGONG ITO! Sa kaniyang gunita ay pareho ang damit ng naturang nilalang, kaya tiyak na ito na ang hinahanap na salarin ng Goltus! "Apmevento!" sabi ni Emprido at hinugot agad ang espada n'ya. Sinimulan niyang lumakad nang dahan-dahan upang hindi umingay ang mga d**o, maiingat ang bawat hakbang niya dahil baka makaramdam itong nilalang na balak niyang lapitan. Sinenyasan n'ya ang mga kawal na kasama na maghintay nalang at tumahimik upang hindi makakutob ang hunyango. Unti-unti na siyang nakakalapit sa nilalang at mabilis niya itong sinunggaban! "AGHHH!" "Ikaw ang nilalang na pumaslang sa amang hari hindi ba?" tanong ni Emprido. "Halika, sumama ka sa 'kin!" utos niya habang mahigpit na mahigpit ang hawak sa nilalang pero mabilis itong nakapalag at s'ya ay hinarap! "Sino ka!? At saang lupalop ka ng Majezenty nagmula!?" tanong niya. "Hindi mo na kailangang malaman, MAMAMATAY KA NA!" sagot ng hunyango at inatake na ang sorsero! Nagpagulong gulong sila sa dumahan at muntikan pang makagat ng nilalang na ito ang Emprido, buti nalang at na-siko n'ya kaagad! Mabilis s'yang bumangon at tinaga ang hunyango — pero hindi ito tumalab dahil makunat pala ang balat nito! "Apmevento!" "HAAAAGGGHHHH!" atungal ng hunyango at pinatamaan ng nakaka-puwing na hangin sina Emprido saka dali-daling tumakas! "Apram! Sino iyon!?" tanong ng isang kawal. "Ang salaring pumaslang sa ama ng mga regium. Nakatakas pa!" paghihinayang ni Emprido at tinanaw ang paglayo ng kalaban. "Hindi kita titigilan... Magtutuos pa tayong muli!" sabi n'ya sa kaniyang isip. ... Nang dumating na ang hapon... Kakatapos lang ni Axus na maggawa sa kaniyang tanggapan at lumabas muna s'ya upang magkaroon ng sariling sandali. Habang naglalakad sa pasilyo ay bigla niyang naisip na kumain, tumigil s'ya sandali at nilapitan s'ya ni Talya. "Kamahalan? Ayos ka lang?" tanong nito. "Nasaan ang aking mga kapatid, Talya?" may ngiting tanong ni Axus na tila nag-iisip ng magandang bagay. "Si regium Xelcis ay nasa silid aklatan, si Adro naman ay nariyan lang sa tabi-tabi at si Sype — kanina ay nakita ko s'yang lumabas ng palasyo. Si Verdem naman ay hindi ko pa nakikita." sagot ng hora at si Axus ay lumakad nalang uli. "Bakit kamahalan? May nais ba kayong ipagawa sa kanila?" tanong ni Talya na kasabay sa paghakbang ang hari. "Wala naman... Nais ko lang sana silang makasabay sa hapag, ngunit wala sila kaya sa tingin ko'y ako nalang muli ang kakain mag-isa." sagot ni Axus. Nagtungo na nga lang sa silid kainan ang hari at doon ay natuwa s'ya nang madatnan ang ina ni Adro, si Bella. Tumutulong ito sa mga hora na nagsasalansan ng mga kagamitan. "Bella!?" nakangiti niyang bati. "Salutem, mahal na hari. Ikaw pala!" masaya ring salubong ni Bella. "Halika, samahan mo akong kumain." aya ni Axus at pinasama sa kaniya si Bella patungo sa hapag. "Nasaan pala si Adro, gelliu?" tanong niya nang maka-upo na sila. ------------------------ GELLIU - Tiya/Tiyahin ------------------------ "Ang totoo'y hindi ko rin alam... Alam mo namang iyang si Adro, paalis-alis." pabirong sagot ni Bella. "Hahahahaha, oo nga naman. Sadyang layas siya." pagtawa ng hari at habang hinahainan na silang dalawa ng makakain ay hinawakan nito sa kamay ng ina. "Gelliu, salamat... Salamat dahil narito ka, na nand'yan ka para sa amin." pasasalamat nito. "Ikaw na lang ang tumatayong gabay sa aming magkakapatid ngayon na w-wala na si ama. Kahit na malalaki na kami'y kailangan pa rin naman ng isang magulang na masasandalan, at ikaw iyon — kaya salamat... ng marami!" Napuspos ang damdamin ni Bella at napangiti kaya hinawakan rin ang kamay ni Axus. "Axus ano ka ba? Hindi mo kailangan!" "Kayo ng iba mong mga kapatid ay mga anak ko na rin! Hindi na kayo iba sa akin Axus kaya marapat lang na bigyan ko rin kayo ng pagkalinga, mahal na hari!" tugon nito na may kasama pang ngiti. "Alam mo bang natutuwa nga ako sa 'yo dahil ikaw ang naging hari?! Hindi sa hindi ko ipinagmamalaki si Adro ha, pero nakikita ko kasi ang pagkakapareho ni Roman sa iyo, kaya natutuwa talaga akong ikaw ang pumalit sa kaniyang pwesto!" puri nito at natuwa naman si Axus kaya napatawa. "Hahahaha, tila pagmamalabis na iyan gelliu?" pabiro nitong sabi. "Hahahaha, batid ko namang magaling si Adro pero... Iba ka talaga eh, napaka husay! Pantas! At tunay na karadapat-dapat sa koronang iyan!" dagdag pa ni Bella at tinignan ang kumikinang na nakaputong sa ulo ng hari. "Kung sa pagiging pinuno lang ay masasabi kong hindi madali — hindi madali ang maging pinuno lalo sa kahariang ito. Hindi lang iisang lahi ang aking pinamumunuan, iba-iba!" may pagbuntong-hininga na sabi ni Axus. "Kaya nga narito kami ng iyong mga kapatid mahal na hari, kami ang tutulong sa 'yo sa pamamahala mo rito!" "Salamat talaga, Bella... Salamat!" sambit muli ni Axus. "Oh, mabuti pa'y kumain na tayo! Mukhang masarap pa naman ang inilatag na mga pagkain ni Talya." pagputol ni Bella sa napakaseryoso nilang sandali. At masaya na nga silang dalawa na kumain habang patuloy pa rin na nagkukwentuhan, sa katunayan ay hindi naman sila gaanong malapit sa isa't-isa pero nang sandaling iyon ay tila ba nasanay na agad sila sa kanilang mga sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD