Kabanata 57: Nasaan si Verdem?

2713 Words
(Sa kagubatan ng Romalum) Kasalukuyan nagpapa-hangin sa maaliwalas at napakagandang hardin ng kagubatan sina Sype at Neroz, kasama pa nila ang mga lobong kaibigan ng regium na minsang hindi nakasundo ni Neroz, pero ngayon ay kaibigan na niya ang lahat ng mga ito. Nagagawa na niyang makipaglaro, makipaghabulan at kahit pa humiga sa tiyan ng mga ito, hindi naman daw kasi pala ganoon kababangis, tsk! "Ka'y ganda talaga dito!" sabi ni Neroz habang silang dalawa ng kaniyang regium ay magkatabing naka-dipa sa damuhan. "Sinabi mo pa — at mas masaya! Madami tayong kasama!" pag-sang ayon ni Sype. "Alam mo, natutuwa ako na hindi na gaanong mahigpit ang iyong mga galaw. Hindi ka na gaanong natatagalan sa pagdating at mas malaya na rin tayo ngayon." natutuwang sabi pa ni Neroz at napangiti nalang ang regium, hindi na sumagot pa. "Ahh, Sype maalala ko nga pala... Hindi ko pa nababanggit sa 'yo na may kinupkop akong bata, hindi ba?" tanong ng mandirigma. "Ha?! Bata?" Sype "May nakita akong bata sa loob ng kakayuhan malapit lang doon sa aming kuta at nakakaawa s'ya. Tila inilagaw doon? Ni hindi nga niya alam ang kaniyang pangalan eh." pagsasalaysay ni Neroz. "Oh, tapos, anong nangyari?" tanong ni Sype. "Eh 'di ayon... Dinala ko na s'ya sa aming kuta at magpasa-hanggang ngayon at naroroon s'ya." "Kinaaliwan nga s'ya ng mga kasa-pangkat ko eh 'pagkat napakakulit niya at hilig pang dumaldal at makipaglaro." "Hahahaha, totoo? Kung gano'n ay magiliw pala ang batang ito?" natutuwang sabi ni Sype. "Oo naman! Leo ang ipinangalan ko sa kaniya. Wala s'yang maalala sa kaniyang nakalipas eh, wala talaga." saad naman ni Neroz "Gano'n? Kataka-taka naman 'yun?" Sype "Sinabi mo pa. Tsaka, alam mo ba, ama ang tawag niya sa akin! Hahahahah!" pagtawa ng mandirigma. "HAHAHAHA, ama?! Hindi mo sinasabi Neroz — may anak ka pala hahahahaha!" pangangantyaw ni Sype na napa-hagalpak sa tuwa. "Hindi naman na mahalaga kung ano pa ang itatawag n'ya sa akin eh, ang mahalaga ay ligtas s'ya sa akin." depensa naman nitong isa. "Pero sino nga kaya s'ya? O sino ang mga magulang n'ya? Pati paano din kung matunton nila ito at bawiin sa 'yo?" tanong pa ni Sype. "Hmf, 'di ko 'yan na iniisip sa ngayon! Basta't masaya muna ako na mayroon na akong paslit, at! — ipapakilala ko s'ya sa 'yo sa susunod nating pagkikita!" tugon ni Neroz. "Sige ba! Gusto ko 'yan, nang makita ko rin kung kamukha mo nga ba ang anak MO na ito!" patuloy na pangangatyaw ni Sype at itong isa ay namula na tuwa. Buong araw na naman ang kanilang ginugol at bilog na ang mga buwan nang sila'y maghiwalay. "Mag-iingat ka pabalik sa inyo." matamis na sabi ni Neroz habang hawak ang mukha ni Sype. "Ikaw ang mag-iingat, malayo pa ang lalakbayin mo!" nakangiting sabi naman ng sorsero. "Bukas, dito ulit?!" Neroz "Naman!" At mabilis na hinagkan ni Neroz sa kaniyang mga labi si Sype. "Damhan ad vesperum, Sype. Eroam inconvanse!" sabay bigkas niya. "Eroam inconvanse rin, aking mandirigma!" sambit rin ni Sype at nagyakap sila. "Abangan mo ako sa iyong panaginip." bulong ng mandirigma at kinilig naman itong si Sype. "Tss, sige na! Lumisan ka na, baka abutin ka pa ng mga berberoka sa karagatan." Hanggang sa magkahawak-kamay na silang nagtungo sa pinaglalagyan ng maliit na bangkang sasakyan ni Neroz at doon na nga sila naghiwalay. "Mag-iingat ka!" bilin Sype at kinawayan ang mangingibig. "Bukas haaaa!!" pag-sigaw ni Neroz. Nang makalayo na sa paningin ng regium ang mandirigma ay agad na ring naglaho ang regium upang magbalik sa kanilang palasyo. Nang makarating sa Goltus ay naglakad na siya sa pasilyo at nang malapit na  sa kaniyang silid ay nakasalubong n'ya si Axus! "Sype?! Ngayon ka lang?" tanong nito. "Ahh — oo kamahalan... Kakarating ko lang." sagot niya at ibinaba ang mga mata. "Nakipagkita ka na naman sa kaniya?" Hindi na sumagot si Sype at umiwas nalang upang hindi na mausisa pa. ... (Kinaumagahan) Nasa punong bulwagan si Axus at kausap ang mga apram, ipinagtatanong niya kung sino ba ang nakakita kay Verdem dahil hindi pa rin ito nagpapakita!— "Kahapon ko pa s'ya hindi nakikita... Hinahanap ko pero walang makapagturo kung nasaan s'ya." nababahalang sabi ng hari na palakad-lakad sa may trono n'ya. "Hindi kaya may paglalakbay lang na ginawa?" saloobin ni Rano. "Hindi... Hindi ugali ni Verdem ang lumisan nang hindi nagpapaalam." pagsalungat ni Axus. "Kung ganoon ay saan na kaya maaaring nagtungo ang regium?" "Axus?! Anong nangyayari?" pagdating ni Sype. "Tamang tama... Narito ka!" sagot ng hari at bumaba sa trono upang lumapit sa kapatid. "Hindi pa nagbabalik ng palasyo si Verdem at may duda ako'ng kung napaano na siya. Halika samahan mo akong hanapin s'ya!" salaysay nito. "Sige, sige! Ngunit — saan? Saan natin s'ya hahanapin?" tanong ni Sype. At nagtungo na sila sa mga kagubatan na hilig pamalagian ng kanilang velaca, suot ang kanilang mga baluting pandigma at kasama ang ilan lang na kawal. Naghiwa-hiwalay sila upang mapabilis ang paghahanap. Pero inabot sila ng mahabang sandali nang wala pa ring Verdem na natagpuan, lalo tuloy lumakas ang hinala ni Axus na may hindi na magandang nagaganap rito. Habang naglalakad-lakad pa rin sila ay dumating na si Neroz at panakaw pa itong bumulong kay Sype. "Sype?!" Napalingon agad si Sype at nagulat!— "Neroz!?! Ano'ng ginagawa mo rito!?" at nilingon agad nito ang mga kasama. "Bakit ka nagpakita rito? Umalis ka muna, hindi pwedeng makita ni Axus na naririto ka!" "Sype?!" at ito na, napalingon na nga ang hari at nakita na naman sila! "Ayan na nga ba'ng sinasabi ko!" may kabang bulong ni Sype at napatungo na naman. "Mandirigma?" paglapit ni Axus sa dalawa. "S-salutem, haring Axus!" pagbati pa ni Neroz. "Sype?!" at tumingin ng may pagkadismaya si Axus sa kapatid pero hindi niya ito ipinahalata sa isa. Sa titig pa lamang ng hari ay batid na ni Sype ang gagawin, intindi nang kailangan niyang lumayo. Hindi na din kinausap ni Axus si Neroz bagkus ay sinamaan nalang muli niya ito ng tingin saka niya inutos sa mga kasama na magbalik na sa palasyo. "Hayyyy!" pagka-dismaya ni Neroz at gustong gusto nang pigilan ang dalawa at makiusap sa hari na huwag laging makialam sa kanila. ... Balisa pa rin si Axus nang magbalik sila sa kanila at pinaguusapan pa rin ang nawawalang kapatid, nasaan na nga kaya itong si Verem at bakit hindi pa nagbabalik. "Nakarating sa aking kaalaman na hindi daw nakikita si Verdem?" pagdating ni Xelcis sa punong bulwagan. "Hinanap na namin s'ya sa maaari niyang kinaroroonan pero wala. Hindi namin s'ya natagpuan." si Sype ang sumagot. "Baka naman naglilibang lang?" tanong ni Xelcis. "Iba ang pakiramdam ko, Xelcis... May kaba sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag pero nararamdamang ko'ng may hindi talaga kaaya-ayang nangyayari kay Verdem." may ngatog naman na tugon ng hari. "Kamahalan... May panauhin!" pagdating ni Capaste na may kasunod na isang nilalang. "Sino ka?" tanong agad ni Axus. "Isa akong aquazillian at napag-utusan akong magtungo rito upang kausapin ang hari ng mga sorsero." sagot ng nilalang na may malaking tinig. "Aquazillian?" --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang Aquazilian ay nilalang o mamamayan na naninirahan sa kaharian ng Aquazil, sa ilalim ng karagatan ng Galomia. Sila ang ilan sa mga sibilasyon ng mga sinaunang majezan na naunang lumaganap at yumabong noong panahon ng paglalalang sa Majezenty. Sila rin ang nagturo sa mga Galomian kung paano ang pangangalakal ng ginto at pagyayaman sa kalikasan. Sa haba ng panahon ay hindi sila naakit na manirahan sa kalupaan dahil likas silang ginawa upang mabuhay lamang sa tubig. Naroroon sa ilalim ang kanilang kabuhayan, makakain at marami pang iba. Hindi sila maiututuring na banyaga dahil katulad ng mga pangkaraniwang taga-lupa ay nakikihalubilo rin sila sa mga pamayanan at nakikipagtalastasan o di kaya'y nakikipag-kalakalan. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Anong kailangan mo?" tanong ni Axus. "Nais ng aming reyna na ipaalam sa inyo na hawak namin ang inyong kapatid, si Verdem. At nakatakda siyang parusahan sa ilang sandali lamang, kung nais n'yo siyang iligtas ay mangyaring magtungo kayo sa aming kaharian at doon daw kayo makipagka-sundo sa aming pinuno." tugon ng nilalang. "Sundarava!" sambit ng hari, "sinasabi na nga ba't may hindi magandang nagaganap kay Verdem!" at bumaba ito sa trono. Tangka nang dadakpin nina Rano ang Aquazilian pero inawat sila ng hari. "Sancte! Huwag n'yo siyang gagalawin!" utos nito. "Anong gagawin natin, Axus?" tanong agad ni Xelcis. "Ano na namang ginawa ni Verdem!?" pagkabahala ni Axus. "Hindi natin s'ya pwedeng pabayaan — kaya magtutungo tayo sa kaharian ng mga Aquazil!" dugtong nito at hinarap muli ang dumayong nilalang. "Ikaw, samahan mo kami ngayon din!" sambit nito at yumuko ang nilalang bilang pag-sang ayon. Nang mag-alisan na ang mga dudulog ay tyempong dating naman ni Adro... "Kawal?! Saan sila patutungo?" tanong nito sa mga nagbabantay sa paligid. "Aalis regium, ililigtas ang inyong nakatatandang kapatid." tugon ng isang kawal. "Ano?! Si Verdem?" ... Nang araw rin na iyon ay lumabas ng palasyo si Emprido upang patuloy na hanapin ang hunyango, may palagay siya na sa paligid lang ito matatagpuan lalo't doon lang sila nagkaharap sa Romalum. Sa kaparehong kagubatan siya nagtungo at nag-manman, pero sa katagalan ng oras ay wala namang kung anong nilalang ang nagpakita. Minabuti niyang mag-siyasat pa nang mas malayo, sumakay siya ng bangka at mag-isang binaybay ang katubigan upang magtungo sa iba pang kagubatan hanggang sa hindi n'ya mamamalayan ay nakarating na pala s'ya sa Balasir, ang kagubatan na nagdudugtong sa Saghara at Derrohny. Doon s'ya nagtingin-tingin at sa paglalakad ay napansin n'ya ang mga bakas sa lupa, bakas ng paa na mula sa isang malaking hunyango!— "Naririto ka ha?!" sabi niya at sinundan agad ang mga bakas ng yapak. HANGGANG SA MAKITA NA NGA NIYA ANG HINAHANAP! Hindi s'ya agad nagpakita, bagkus ay nagtago muna dahil mukhang may ginagawa itong hunyango. Ngunit nadali n'ya pa ang mga d**o kaya't umingay ito at napalingon ang nilalang! Muntikan pa itong matungo sa pinagkukublihan niya, mabuti na lamang at hindi tumuloy!— "Sino ka ba?—" naiinip na tanong ni Emprido. At ang hunyango ay unti-unting nagpalit ng balat at inilantad ang tunay niyang anyo!— Sa pagkakaalam na wala namang ibang nilalang sa paligid ay pumihit ito ng pagtayo at nasilayan na ni Emprido ang kaniyang tunay na wangis! "H-hindi!??" panlalaki ng mga mata ni Emprido na lubhang hindi makapaniwala sa nakita "Paano?!!" SI BALRAK ANG HUNYANGO! Sa pagkagulat ay napaatras s'ya nang napaatras hanggang sa muli niyang mapaingay ang mga d**o! Napukaw agad no'n ang pansin ng nagtanggal ng balat-kayo at ito'y pinuntahan! Sa takot ni Emprido ay dali-dali siyang tumakbo upang magbalik na sa kaniyang bangka at ipagbigay alam agad sa hari ang kaniyang natuklasan! "Apmevento! EMPRIDO!!" sigaw ng Derronian at muli nang nagpalit ng anyo bilang hunyango! ... Samantala... Nagtungo na sa karagatan ng Galomia sina Axus, at kasama naman ang kapatid na si Xelcis. Lulan sila ng isang sumalob at doon sa gitna ng karagatan nakaabang ang kabilang panig, ang mga Aquazilian. ---------------------------------------------------- SUMALOB - tawag sa sasakyang pang-dagat ---------------------------------------------------- "Ikinalulugod kong maging panauhin namin kayo, mga sorsero, mahal na hari?" pagbibigay-salubong ng apram na si Quiano. "Salamat rin at pinaunlakan mo ang aming pagdalaw... Ngayon ay nasaan ang inyong pinuno — at ang aming kapatid?" saad ni Axus. At umahon na mula sa tubig ang sinasabing reyna ng mga Aquazilian! Isang mala-diwata sa gandang babae! Mahaba at kulay puti ang mga buhok. Ang balat ay mala-niyebe rin sa puti at may taas na mas matangkad pa sa magkapatid sa sorsero. Umahon pa ang isang tila alalay nito, isang sirena na hindi kaaya-aya ang itsura o tinatawag ring "kataw". "Kayo na ba ang mga regium?" tanong ng reyna na may napakahiwagang tinig. "Oo, ako si Xelcis at ito naman ang aming hari — si Axus." pagpapapakilala ng regium. "Ako naman si Talasi!" pagpapakilala ng reyna, "ngayon ay ano ang ating pag-uusapan?" "Nakarating sa amin na hawak mo si Verdem... Nasaan s'ya?!" tanong agad ni Axus. "Aha! Ang palalo ninyong kapatid?!" At dito rin pinaahon ni Talasi ang isang hawlang yari sa tubig kung saan nakakulong nga si Verdem! "Verdem!?" habag na pagtawag ni Axus. "Ano ang hinihinggin mo sa aming kapalit upang mabawi namin siya?" naiinis nitong tanong sa reyna. "Palalo at maloko itong kapatid n'yo... Dapat lang na turuan siya ng aral." sagot ni Talasi "Hindi n'ya matututunan ang kaniyang pagkukulang kung palalayain ko s'ya't ibabalik sa inyo!" at tangka nitong ibabalik sa ilalim ng tubig ang hawla! "PAKIUSAP!—" bigkas ni Axus. "Hindi ko nais na magkaroon ng hidwaan sa pagitan natin, Talasi... Nais lang namin si Verdem!" sabi nito. "Ano bang nais mong kabayaran? Hindi natin kailangang humantong sa mas magulong sitwasyon!" at natigilan ang reyna, waring hindi rin naman nais ang isang away. "—kung gano'n ay anong nais n'yong mangyari? PINAIKOT AT INUTO AKO NITONG APMEVENTO NINYONG KAPATID!!" bulyaw ni Talasi. At nagkatinginan sina Axus at Xelcis— "Bakit kayo natahimik d'yan?! Wala ba kayong sasabihin?! Wala ba kayong gagawin upang patawan ng kaparasuhan itong si Verdem?!" tanong pa ng reyna. "K-kami ang humihingi ng paumanhin para sa ginawa ng aming kapatid sa 'yo... Ngunit pakiusap muli, ibalik mo na s'ya sa amin at kami na ang bahalang magpataw sa kaniya ng kaparusahan — bilang panloloko sa iyo, reyna Talasi." tugon ni Axus. Natahimik bigla si Talasi at ilang sandali lang ay pinakawalan na nito si Verdem. "AGHHHH!!" biglang nagkamalay si Verdem na animo'y nagising mula sa pagkakalunod. "Abswelto ka na!" sabi ng reyna at napatingin muli si Axus kay Xelcis, parang bang sinasabi ng mga mata n'ya na may kakaiba sa takbo ng pag-iisip nitong si Talasi. Tila bata ang asal nito at ang inaasahan nila'y isa itong malupit na reyna. "Ahhh, sandali!" pag-awat ng hari, "tanggapin mo ang aming handog... Isang baul ng bulawan bilang pamapalubag loob sa — sa ginawang kamalian sa 'yo ni Verdem." "Hmf — sige, tinatanggap ko!" sagot ni Talasi at nang mailabas na ang baul ay agad itong kinuha at hinila pailalim ng katubigan. "Paalam mga regium! Ikinagagalak ko kayong makilala!" tinig nito. At napatawa nalang sina Axus at Xelcis dahil akala nila'y mapapasabak nga sila sa labanan, pero itong reyna pala ng Aquazil ay tila paslit ang pag-iisip at madali namang kausap. "Hay Verdem, tsk tsk!" sabi ni Xelcis at hinila na ang nanghihinang kapatid. Magbabalik na rin kasi sila kaagad sa palasyo. ... Humahangos na dumating sa Goltus si Emprido at nagtaka ang mga nakakasalubong n'ya dahil kakaiba ang kaniyang bilis. "Apram!" pagbibigay galang ng mga kawal na nasa punong bulwagan. "Nasaan ang mahal na hari?!" hinihingal na tanong ni Emprido. "Wala s'ya, apram. Kasalukuyan nilang hinahanap ni regium Xelcis ang isa sa kanilang kapatid." sagot ng kawal. "Sundarava!" panghihinayang ng apram at mabilis na nag-isip. "Kapag nagbalik na sila ay sabihin mong hinahanap ko siya, AT MAYROON AKONG MAHALAGANG SASABIHIN!" utos n'ya sa kawal. "Masusunod, apram!" At lumakad nang muli si Emprido upang gawin ang isa pa niyang naiisip na paraan upang maibulalas na ang kaniyang mga natuklasan. Hindi niya batid ay nakarating na rin agad sa palasyo ang hunyango at siya'y susundan na! Nagtungo s'ya sa kaniyang silid at kumuha ng panulat saka ng isang papel... "Axus..." sabi n'ya at isinulat ang pangalan ng hari. "Kilala ko na ang misteryosong nilalang na pumaslang sa inyong ama, s'ya ay—" AT BIGLANG MAY SUMAKAL SA KANIYA! "AGHHHH!" daing niya at mabilis na kumawala, pag-pihit n'ya ay nakita na nga niya ang hunyango! "Haaa — sinasabi na nga ba! Susubukan at susubukan mo nga akong pigilan na ipabatid sa lahat kung sino ka talaga!" bulyaw n'ya. "Pero alam mo... Kahit magtago ka sa anyong iyan ay hindi mo pa rin maitatago ang mabaho mong dugong Derronian!" "At nakasisiguro naman akong mapapatahimik kita ngayon. Wala kang masasabi kay Axus dahil dito pa lang ay papaslangin na kita!" galit na tugon ng hunyango at inudyaan ng saksak si Emprido! Mabuti at mabilis na nakadampot ng panangga itong isa at iniharang upang hindi s'ya masugatan. "Huwag kang magtago d'yan, pakielamerong Emprido!" sigaw ng hunyango. "Kahit anong gawin mo ay hindi mo ako mapapaslang! Hindi ako maaaring mawala dahil ako ang magbubunyag sa tunay mong pagkakakilanlan!" patuloy na paglaban ni Emprido at nadampot na ang kaniyang espada! Nakipalaban agad siya sa nilalang at talagang hinusayan n'ya upang hindi s'ya nito magawang matalo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD