Kabanata 58: Pagkawala ni Emprido

1178 Words
(Patuloy pa ring naglalaban sina Emprido at ang hunyango) Nang makahanap ng pagkakataon si Emprido ay tinalisod n'ya ang kalaban at agad siyang tumakbo palabas! "Apmevento... Hindi ka maaring makatakas!" sigaw ng hunyango ang dinampot ang espada at sinundan pa rin s'ya! Nakarating sila sa balkonahe na walang ibang nilalang at doon muling nagtapat! Nag-espadahan na naman sila at naglaban. Sa labis na bugso ng kalooban ay pilit nang tinapos ng hunyango itong si Emprido upang manatiling lihim ang kaniyang pagkakakilanlan, agad siyang umilag sa atake nito at saka mabilis na sinaksak! "AGHHH!" pagkagulat ni Emprido, at nang wala na siyang igagalaw ay dito naman siya tinadyakan ng kalaban para mahulog! "AGGGHHHHHHH!!" sigaw niya at sinilip nalang siya ng hunyango hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa lupa! Agad siyang binawian ng buhay dahil ulo niya ang naunang tumama sa lupa at nabasag ang kaniyang bungo! "HAHAHA — HAHAHAHAHA!" paghalakhak ng hunyango. "Sinabi ko na sa 'yo Emprido... Hindi ako papayag na makialam ka sa mga balakin ko. ""Ngayon ay wala nang makikiaalam, jesataime fras Estova!" at lumakad na ito palayo! ------------------------------------------------------------------------------ Jesataime fras Estova - "Mapayapang paglalakbay patungo sa Estova!" ------------------------------------------------------------------------------ Si Emprido ay naiwan na ngang nakahandusay sa hardin at dilat ang mga mata habang basa sa sarili niyang dugo!— Nagbalik naman na sa Goltus ang mga regium, at si Xelcis ay agad na dinala sa silid ang nasagip na kapatid, si Verdem upang ito'y mapagpahinga na, habang si Axus naman ay nagtungo sa punong bulwagan kahit hindi pa nakakapagpalit ng gayak. "Mahal na hari, narito na kayo!" pagbibigay galang ng isa sa mga kawal. "Kanina lamang ay hinahanap kayo ni apram Emprido, mayroon daw s'yang mahalagang sasabihin at ibinilin na sa oras na kayo ay magbalik ay agad kayong sabihan." ulat nito. "Mahalagang sasabihin?" pagtataka ni Axus, "kung ganoon ay nasaan s'ya?" "Paumanhin kamahalan, ngunit huli ko s'yang nakita ay noong umalis rin s'ya dito dahil hindi n'ya kayo natagpuan." kawal "Kataka-taka!?" tugon ni Axus na napapaisip na. "Maraming salamat sa abiso kawal, hahanapin ko na s'ya." sabi nito at lumabas rin agad ng bulwagan upang hanapin si Emprido. Agad na nga niyang hinahanap ang tagapayo at sa paglalakad sa pasilyo ay naka-sabayan n'ya ang maraming Goltian na tila may inuusyusohan. Nagtatakbuhan ang mga ito at dito na nag-iba ang kaniyang pakiramdam kaya sumunod na rin s'ya sa pinatutungahan ng kaniyang mamamayan, Nang makarating sa hardin ng Goltus ay doon s'ya nagulat dahil tumambad na ang walang buhay na katawan ni Emprido! "Mahabaging Zanaa!" nangangatog n'yang sambit at lumapit kaagad sa bangkay. "Kamahalan... Mukhang nahulog s'ya mula roon." sabi ni Capaste na s'yang nauna nang tumingin kay Emprido. Tiningala nilang dalawa ang maaaring taas ng pinagmulan ng apram kaya marahil ito napaslang pero agad na napansin ng hari ang natamong saksak nito sa baewang. "May sugat s'ya!" sabi nito at hinaplos ang may tuyong dugo na pilat sa balat ng tagapayo. "S-saan n'ya iyan maaaring nakuha?!" tanong naman ni Capaste. Naalala agad ni Axus ang ulat ng isa niyang kawal, na mayroon daw mahalagang sasabihin itong si Emprido kaya napatayo s'ya na medyo tulala at waring may pinag-ninilayan. "Iba ang pakiramdam ko rito, Capaste... Tila may kakaiba sa likod ng pangyayaring ito!" "Kamahalan?" kawal Hindi na sumagot si Axus, pero sa kaniyang mga mata ay kita ang labis na pag-aagam agam at haka-haka nang nabubuo sa isipan. ... (Sa malayong kabundukan) Si Balrak, kasama ng ilan n'yang kawal ay nagtungo sa tahanan ng sinasamba niyang bantay, si Comba at akita n'ya itong natutulog sa tabi ng sapa, mukhang himbing na himbing. "Mahal na bantay!?" paglapit niya. Agad na nagmulat ang mga mata ng buwaya at ito'y umungol ng pagkalakas lakas! "Balrak!? Naparito ka?" tanong nito pagkatapos. "Naparito ako bantay dahil nais kitang pasalamatan!" nakangiting tugon ni Balrak. "Salamat sa kapangyarihang ipinagkaloob mo sa akin! Lubha itong nakatutulong sa akin dahil nagagamit ko sa mga sandali ng matitinding pangangailangan!" "Hahahahaha, sinasabi ko naman sa 'yo! Ako lang ang kilalanin mong bantay at tinitiyak kong hindi kita babayaan!" sagot naman ni Comba. "Na s'yang aking ginagawa, MARAMING SALAMAT AKING BANTAY!!" saad ni Balrak at tumungo sa harapan ng dambuhala. "HAHAHAHAHAHA!" ... "Anong nangyari Axus?" tanong ni Adro nang maabutan ang kapatid sa silid ng mga hora. Doon ay nakita niyang binibihisan na nga ang pumanaw na si Emprido. "Nakarating sa akin ang balita... At totoo nga — wala na si gurong Emprido." pagkahabag nito. "Kalunos-lunos na pangyayari. Wala ni isa ang nakasaksi sa tunay na naganap." malungkot na sabi ni Axus. "Tulad ni ama ay nararamdaman kong pataksil din s'yang pinaslang!" "Ano?!" pagkagulat ni Adro, "ngunit ang sabi'y nahulog s'ya mula sa balkonahe 'di ba?" tanong nito. "May sugat s'ya sa katawan... At dulot dito ng isang matalim na sandata!" sagot ng hari at itinaas ang damit ng bangkay upang makita nga ng kapatid ang sinasabi. Nanlaki ang mga mata ni Adro at napatingin agad kay Axus— "Isa pa, bakit naman mahuhulog si Emprido? Hindi s'ya malimit sumilip mula sa matataas." dagdag pa ng hari. "Tama..." pag-sang ayon agad nitong isa, "kung ganoon ay nangangahulugan ito na — may ibang dahilan ang kaniyang pagkamatay?" "Oo at nababatid kong may kinalaman 'yun sa sasabihin n'ya dapat sa akin. sagot ni Axus na muli pang nagpa-kaba kay Adro. "Anong sasabihin Axus?" tanong nito. Matapos maihanda ang katawan ni Emprido ay inalayan na siya ng pagkilala at pamamaalam ng lahat ng mga sorsero, hindi rin nagtagal at unti-unti nang napulbos ang kaniyang bangkay at umakyat na sa langit bilang abo. "Wala na ang mahusay na tagapayo... Hay!!" malungkot na sabi ni Maro dahil isang malapit na kaibigan sa kaniya si Emprido. Buti at nariyan si Sype na s'yang humimas sa kaniyang balikat upang s'ya ay mapayapa. "'Wag kang masyadong magdamdam, tanda... Tulad ni ama'y hindi tayo pababayaan ni gurong Emprido. Lumisan man sila'y nakatitiyak ako na magkasama nila tayong gagabayan dito sa ating kaharian." sabi nito. "Paalam aming gurong Emprido..." saad ni Verdem na may malay na. Nang mawala na nang tuluyan si Emprido ay lumakad na palabas ng bulwagan ang magkakapatid upang asikasuhin ang kani-kanilang gawain. Si Axus ay lumihis ng pupuntahan, imbis na sa silid niya magtutungo ay sa silid ng yumaong tagapayo siya dumaretso. Pagbukas na pagbukas ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang magulong paligid, makalat rito at tila may bakas ng labanan! "Sundarava... sinasabi ko na nga ba!" sabi ng hari dahil mukhang tama talaga siya, na may katuturan ang kaniyang mga sapantaha. Agad niyang inayos ang mga nagulong kagamitan hanggang sa mapatapat s'ya sa lamesa... "Sulat ni Emprido?" sambit n'ya nang makita ang papel na may sulat ng yumao. "Axus, kilala ko na ang misteryosong nilalang na pumaslang sa inyong ama, s'ya ay" ang sabi sa sulat at nakita niya na ang susunod na salita rito ay magulo na. Dahil sa sulat na iyon kaya mapatunayan nga ni Axus na hindi lang basta nahulog si Emprido, at may kinalaman nga ang sasabihin nito doon sa pagkamatay niya!! "Ano ba'ng sasabihin mo, Emprido..." tanong ng hari sa isipan at talagang kinabahan na s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD