Kabanata 5: Simula ng gulo

3159 Words
Hinehele ni Ynna ang kaniyang anak upang ito'y tumahan dahil malalim na rin ang gabi. Nakatayo siya sa balkonahe ng kaniyang silid at kita mula rito ang ningning ng kalangitan pati ng mga karatig nilang kaharian. Tila ba payapa ang lahat... Bigla nalang s'yang may narinig na kaluskos kaya't natigil ang kaniyang pag-hele, mabuti nalang at tulog na ang bata kaya't pinakinggan n'ya ang paligid. Dahan dahan n'yang ibinaba ang sanggol sa kuna nito at nawala ang kaluskos na kaniyang naririnig kanina— "Salutem." laking gulat ni Ynna sa biglaang pag-sulpot ni Helad at nakatutok pa ang patalim nito sa kaniya! "Helad? Ano'ng — ginagawa mo rito?" tanong n'ya. "S'ya ba ang anak n'yo ni Roman?" tanong naman ni Helad at sinimulang pagmasdan ang bata habang nakatutok pa rin ang kaniyang sandata sa kausap. "—kay lusog na bata! Ano kayang paslangin ko s'ya? — magiging malusog parin kaya s'ya?" "BRUHA!" saad ni Ynna at agad na inagaw ang patalim ni Helad at tinadyakan ito upang mapalayo sa kaniyang anak! "ARGHH!!" daing naman ni Helad nang mapasandal sa haligi, "apmevento!" Mabilis na kinuha ni Ynna ang bata at tangka na sanang lilisanin ang silid pero nahablot ni Helad ang kaniyang buhok at sya'y hinila! Inihagis n'ya ang sanggol at sa kama ito bumagsak — mabuti na lamang, saka s'ya tumayo at hinarap ang kaniyang kaaway. "Ano ba'ng balak mo, bakit ka narito?! At bakit mo pinagtatangkaan ang aking buhay?!" tanong ni Ynna kay Helad. "Ang anak lang namin ni Roman ang dapat mabuhay — sya lang ang nararapat na pumalit sa trono ng amang hari!" galit na sagot ni Helad. "Sayo na ang tronong ninanais mo, sa akin ang anak ko, at walang makakapagdikta sa kung ano ang kaniyang dapat sapitin!" matapang na saad ni Ynna at nilapitan ang anak. "HINDI PA TAYO TAPOS!—" sigaw ni Helad at nag-mamadaling sinunggaban ang prinsesa ng Pyronix. Nagpang-buno sila at nag-pagulong-gulong sa sahig ng silid! Akmang sasaksakin ni Helad si Ynna pero naagaw nito ang patalim n'ya at s'ya ang itinumba sa sahig. "MGA KAWAL, MAY MANLOLOOB!" sigaw ni Ynna habang nakatutok ang patalim kay Helad. "NGAYON NA!" sigaw naman ni Helad at biglang nagkaroon ng marami at malalakas na pagsabog sa loob at labas ng Pyronix! Nagpasukan din ang napakaraming Derronian sa silid kung saan sila naroroon at hinawakan nila si Ynna upang hindi ito makapanlaban! "PABAGSAKIN ANG PYRONIX! JUVALIZA DERROHNY!" hudyat ni Balrak na nasa entrada na ng palasyo. ---------------------------- JUVALIZA - Sugod! ---------------------------- "Alin kaya sa mga hiyas ang atin namang makukuha?" nakangising tanong ni Hanze sa ama. "Malalaman natin 'yan — kaya tayo na!" At pinasok na ng mag-ama ang Pyronix! Walang habas nilang pinapaslang ang mga nagtatakang pumuksa sa kanila at lahat ay hindi pinapatawad! ... (Sa silid ng hari) "Kamahalan! Nilulusob tayo ng mga Derronian!" ulat ng isang kawal kay Walom. "Paano nangyari iyon? Nasaan ang mga nagbabantay?!" agad na tumayo ang hari ng Pyronix sa kaniyang kinauupuan at hinanda ang espada. "Biglaan ang pagdating nila, kamahalan. Halos walang nakapansin na sila'y nasa paligid na!" saad ng kawal. "Mga mahihinang tagabantay! Tayo na, kailangan kong mailigtas ang aking anak at apo!" utos ni Walom at lumabas na sa kaniyang silid. Talagang biglaan ang pagsalakay ng mga Derronian. Nagawa nilang mapasok agad ang palasyo at kasabay no'n ang pag-papasabog upang magulo ang lahat ng kawal at lahat ng mag-tatangkang lumaban sa kanila. Ang mga mamamayan tuloy na Pyron ay naalarma at dagliang pinakilos ng kanilang hari upang maka-likas sa lalong madaling panahon! "Bakit ba hindi kayo marunong lumaban ng patas, mga Derronian? Lagi kayong pataksil kung kumilos!" tanong ni Ynna kay Helad. "Sabihin mo sa akin — anong hiyas ang hawak ninyo?!" tanong naman ni Helad. "Sasabihin ko... KUNG MAMAMATAY KA!" sagot ni Ynna at buong lakas na binuhat ang kalaban at isinubsob ito sa bintana! "Ano — sige, ihulog mo ako! Tignan natin kung kaya mo akong paslangin!" matapang na utos ni Helad. "Kaya talaga kitang paslangin, lapastangan!" saad ni Ynna at tangka na ngang ihuhulog si Helad! Nang bigla nga lang may tumamang malakas na enerhiya sa kanya, dahilan upang malinga siya sa kaniyang balak— "Mahal kong kapatid — ano't tila wala kang panama sa prinsesa ng Pyronix?" tanong ni Hanze na s'ya palang umatake kay Ynna. "Hindi na ako mag-papasalamat lalo't may halo ring pang-iinsulto ang iyong pagtulong." sopistikong saad ni Helad nang sya'y makabangon. "Sino ang sanggol na ito? Bakit hindi pa s'ya pinapaslang?" tanong ni Hanze nang makita ang anak ni Ynna. "Ikaw na ang bahala d'yan — sa akin ang kaniyang ina." Helad Itinaas ni Hanze ang kaniyang espada at itatarak na ito sa dibdib ng bata! "WAAAAAAAAAAAAAG!!!" sigaw ni Ynna. (Goltus) "YNNA!" napakabalikwas si Roman sa kaniyang kinauupuan. "Roman? Bakit?!" agad s'yang pinasok ni Emprido. "Ano't napangarap ko si Ynna? Mayroon kayang hindi magandang nangyayari sa kan'ya?" saad ni Roman na may nababahalang tono. "Kamahalan?" "Anong nangyari? Nasaan — ako..." pagtataka ni Roman nang makita n'yang nakaupo s'ya at nakatapat sa kaniyang lamesa. "Nakatulog ka na rito sa iyong tanggapan, mahal na hari. Hindi na kita ginising dahil alam kong mabubugnot ka lamang." malumanay na sagot ni Emprido. "Gano'n ba..." Roman at huminga ng malalim. "May problema ba, kamahalan? Tila may bumagabag sa iyo?" tanong muli ni Emprido. "Napanaginipan ko si Ynna, at ang aming anak. Tila totoong totoo ito!" "—masang pangitain 'yan kung ganon!" pagdating ni Maro. ... Tuloy-tuloy lang ang labanan sa Pyronix, halos lahat na rin ng Derronian ay nakapasok sa loob kaya't mas nanganib ang buhay ng lahat. "Itakas ang mga bata at matatanda, ngayon din!" nag-mamadaling utos ni Walom sa kasama n'yang kawal at nag-hiwalay sila ng daan, dahil pupuntahan n'ya ang kaniyang anak. "HAGHHH!!" ibabaon na ni Hanze ang kaniyang espada sa anak ni Ynna nang biglang may tumama sa kaniyang apoy! "Mga alagad ni Balrak—" dumating na si Walom at itinutok ang hiyas ng apoy sa magkapatid. "Hanze at Helad — nasaan ang inyong ama? Bakit kayo ang nanggugulo dito?" tanong n'ya sa mga Derronian. "Malalaman mo rin!" sagot ni Helad na may kasamang ngiti. "AMA, SA IYONG LIKOD!" sigaw ni Ynna sa hari dahil sa likuran nito lumitaw ang kaniyang hinahanap. "Katapusan mo na, Walom!" saad ni Balrak at akma nang sasaksakin si Walom ngunit nakaharap ito sa kaniya at hinarangan ang kaniyang espada! "Nagkaharap rin tayo, Balrak... Paano mo nais simulan ang laban natin?" pag-bati ni Walom sa haring kaaway. "Kanina pa nagsisimula ang laban, haring Walom. Ngunit nais ko itong simulan sa pag-paslang sa iyo at sa iyong anak!" sagot ni Balrak at nauna nang gumalaw upang sugatan siya. Agad namang tumayo si Ynna at dinaklot ang kaniyang anak— "Saan ka pupunta, hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Helad ngunit bigo s'yang harangin ang prinsesa. "Tumakas na kayo ng aking apo, sige na!" utos ni Walom sa kan'ya habang kinakalaban si Balrak, "magtungo kayo sa Goltus dahil do'n din pupunta ang mga pinalikas ko'ng mamamayan." "Babalikan kita, ama!" pangako ni Ynna at lumabas na ng silid, pero kasunod n'ya sina Helad at Hanze. Nakahanap ng tyempo si Balrak at nagawa n'yang sugatan si Walom, dahil do'n kaya natigil ang pag depensa nito. "Kung iniisip mong matatalo mo ako, pwes nagkakamali ka." saad ni Balrak, "hindi mo ako kakayanin kaya kung ako sayo'y sumuko ka na, tularan mo ang mga maaamong Saghar, haha!" panunuya nito. "Hindi ako basta-basta sumusuko, Balrak. Ipaglalaban ko ang Pyronix!" sambit naman ni Walom habang hawak ang nagdurugo nyang balikat. Maya-maya pa ang inilabas n'ya ang hiyas ng apoy at nakita ito ni Balrak! "Hiyas ng apoy — kung gano'n, sa inyo pala ito ipinagkatiwala ni Fellian." nakangising saad ni Balrak. "Tamang tama, iyan ang hiyas na aking pinaka ninanais, humanda ka at makukuha 'yan sa ilang sandali lang!" dagdag nito at inilabas ang dalawa n'yang hiyas! Ang hiyas ng dilim at tubig. "Hiyas ng tubig? Paano napunta sa iyo 'yan?!" pagkagulat ni Walom. "Malalaman mo rin!" sagot ni Balrak at pinatamaan na ng pinaghalong dilim at tubig na salamangka ang kalaban! "Dalawang elemento laban sa isa — tignan natin kung hanggang saan ka tatagal, Walom! AHAHAHA!" paghalakhak nito. Kita kay Walom ang hirap dahil nakaluhod sya at pilit nilalabanan ang bagsik ng kapangyarihan ni Balrak. ... Nagkalat na sa Pyronix ang katawan ng mga napaslang na kawal, mabuti nalang at ang iba ay kasalukuyang nag-lalakbay patungo sa lupain ng mga sorsero. Mga walang kakayahang lumaban ang inunang ilikas ng mga kawal dahil maaari silang mapaslang sa nagaganap na gulo. Habang nagmamadali ang lahat ay nakasalubong nila ang laksang hanay ng mga kawal-sorsero sa pangunguna ni Capaste. "Mga Pyron, ano't napakarami n'yo? Saan kayo patutungo? Bakit may mga dala kayong kagamitan?" sinalubong ni heneral Capaste ang mga nilalang. "May kaguluhang nagaganap sa aming kaharian, sorsero. At pinalikas kami ng aming hari, sinabi n'yang mag-tungo kami sa Goltus dahil doon ay magiging ligtas kami ng aking mga kasama." saad ng isang kawal na nangunguna sa paglikas. "Kaguluhan? Sino'ng may sala dito?" pagkagulat ni Capaste. "Ang mga Derronian! SILA!" sagot ng isang babae na bitbit pa ang kaniyang anak. "Apmevento..." mahinang hayag ni Capaste, "mga kawal, samahan sila! Dalhin n'yo sa Goltus ang mga nilalang na ito at agad na ipabatid sa ating hari ang mga nagaganap, madali!" pagbaba n'ya ng utos. "Masusunod, apram! Tayo na, dito ang daan!" saad ng isang Goltian. "Tayo na Rano, kailangan ng kanilang hari ang ating tulong!" aya ni Capaste sa kasama n'ya ring kawal. At silang dalawa na ang nagtungo sa lugar ng digmaan habang ang mga kasama nila ang tumulong sa pag-bubuhat ng mga kagamitan ng mga lumilikas. ... "Hindi mo ako matatakasan!" sigaw ni Helad at binato ng patalim si Ynna. "AGHHH—" natigilan ang prinsesa ng Pyronix nang maramdaman nya ang bagay na nakatarak sa kaniyang likuran. Dahan-dahan n'ya itong hinaplos at tinignan ang kaniyang palad — may dugo! "Agh... Agh..." nanlambot s'ya at natigil sa pagtakbo. "Mahusay! Hindi parin nawawala ang galing ko sa pagtudla." pag-sulpot ni Helad. "Walanghiya ka, Helad. Apmevento ka!" sambit ni Ynna na may nanghihina nang boses. Tinalisod s'ya ni Helad kaya tuluyan na s'yang bumagsak sa lupa, sunod ay sinugatan s'ya sa mukha na naging dahilan upang lalo s'yang manghina. "Anak — nararamdaman ko'ng nanghihina na ako... at hindi ko na kakayanin." pagtangis ni Ynna. "Kaya nagsusumamo ako sayo, Zanaa. Iligtas mo ang aking anak! Wag mo s'yang pababayaan!" dasal n'ya habang nakatingala. "Hindi na kayo naririnig ng minamahal n'yong bantay." nakangising sambit naman ni Helad, "dahil kung sya'y nakikinig, sana'y nasaklolohan na nya kayo, laban sa amin, HAHAHAHA!" "Anak — Xelcis... Tanggapin mo ang aking basbas." bulong ni Ynna sa kaniyang anak, "binibigyan kita ng ng matalas na pag-iisip at husay sa pakikipaglaban, na s'ya mong matatamo sa iyong paglaki — upang pagdating ng panahon... ay hindi mo sapitin ang sinapit ngayon ng iyong ina." bulong n'ya sa nahihimbing n'yang prinsipe, at ang bata nga ay nagliwanag at nagkaroon ng simbolo ng Pyronix sa noo na agad ring naglaho. "Anong ginagawa mo?" pag-uusisa ni Helad. "Hindi kayo magtatagumay Helad — hindi nag-wawagi ang kasamaan!" wika sa kaniya ni Ynna habang may luha sa mga mata. Lumuhod si Helad at nag-harap ang kanilang mga mukha. "Nagtagumpay na kami!" saad nito at tuluyan nang sinaksak si Ynna! "AGHHHH!!!" ... (Balrak laban kay Walom) "Maaari kitang buhayin kung susuko ka Walom, kasama na ng hiyas na iyong pinangangalagaan. Maaari ka pang makaligtas!" pangungumbinsi si Balrak. "Paslangin mo na ako, pero hindi ako susuko sayo, CERAPAL!" saad ni Walom at talagang kita ang pag-kayamot sa mukha ni Balrak. "HAAAAAGHHHH!!" at dumating si Guzma at mabilis na sinugatan sa kabilang braso si Walom! "AGHHH!" daing ng hari at tuluyan na s'yang napasubsob sa lupa. "Tamang-tama pala ang dating ko, kamahalan!" nakangising bati ni Guzma sa kaniyang hari. "Maraming salamat, Guzma. Sadyang napakahirap amuin ng isang 'yan." sambit ni Balrak, "ano Walom, ibibigay mo ba sa akin ang aking hinihingi o tuluyan mo nang kikitlin ang iyong buhay?" tanong nito. "Hindi mag-babago ang aking sinabi, Balrak. Paslangin mo nalang ako, pero hinding-hindi ako susuko sa gaya mo! APMEVENTO!" sagot ni Walom at nanggulat s'ya nang bigla s'yang tumayo at pilit na nilabanan si Balrak at Guzma! Dalawa laban sa isa, wala mang kasama ay nagagawa paring depensahan ni Walom ang kaniyang sarili laban sa dalawang Derronian na kaharap. Nananaig na sya sa laban at halos magagawa na n'yang talunin sina Balrak ngunit dumating lang si Hanze!— "SANCTE!!" pag-awat ng prinsipe, pumasok ito sa silid at hawak ang nag-aagaw buhay nang si Ynna! "Ynna, aking anak?!" pagkahabag ni Walom at nanlambot na naman s'ya at tila nawalan ng lakas dahil sa kalagayan ng kaniyang prinsesa. "Isuko mo sa amin ang hiyas ng apoy kung ibig mo pang iligtas ang pinakamamahal mong anak!" alok ni Hanze sa hari habang si Ynna ay nag-hahabol-hininga na at nag-liliwanag ang katawan. "MGA WALANGHIYA KAYO! APMEVENTO!!!" galit na galit si Walom kung kaya't inatake n'ya ng nag-babagang enerhiya ang mag-ama! (Itim na kapangyarihan) "Hindi mo kami kakayanin Walom, sinasabi ko sa'yo — ikaw lang ang madedehado kung patuloy kang magmamatigas!" saad ni Balrak habang nakaharang ang kaniyang mga hiyas. "Mamili ka, haring Walom — kaligtasan ng buhay mo at ng iyong anak o ang hiyas na hindi mo mabitaw-bitawan?" pamimilit ni Hanze sa kanilang katunggali. "Wag ka'ng susunod sa nais nila, ama... Huwag mong isususko ang hiyas ng apoy! Hayaan mo na ako—" nanghihinang pakiusap ni Ynna sa kaniyang ama. "Ngunit anak?!" pagtangis ni Walom, "nasaan ang aking apo?! Ano'ng ginawa n'yo sa anak ni Ynna?!" galit n'yang tanong. "Pinaslang ko na sapagkat wala na s'yang silbi." pagdating ni Helad. "GURMONIMA—" nanlisik ang mga mata ni Walom at tangka n'yang aatakihin si Helad pero inunahan s'ya ni Guzma! ------------------------------- Gurmonima - Walanghiya ka! ------------------------------- Sinunggaban s'ya nito mula sa likod at hinampas upang mapa-luhod at saka sinakal gamit ang isang latigo! "ARRGGG!" daing ng hari. ... Samantala, nakapasok na sa loob ng Pyronix sina Capaste at Rano... "Apram, may sanggol!" saad ni Rano nang mapansin ang damit ng isang sanggol na nasa tabi ng isang patay na kawal. "Kaawa-awang bata — ku'nin mo s'ya!" utos ni Capaste at agad na kinalong ni Rano ang bata na mahimbing parin na natutulog. "Buhay s'ya, apram! Natutulog lamang!" masayang pahayag ni Rano nang marinig ang mahinang pag hilik ng bata. "Marahil ay anak s'ya ng isa sa mga lumikas — napaka palad at hindi pinaslang. Tayo na, hanapin natin ang mag-amang Walom at Ynna!" aya ni Capaste at minadali na nilang pasukin ang pasikot sikot ng palasyo. "Ano Walom, magmamatigas ka ba o papaslangin ko na ang iyong anak?!" tanong ni Balrak at hinawakan ang mukha ni Ynna. "WAG MONG SASAKTAN ANG AKING ANAK!" nanghihinang sigaw ni Walom. Tinangka n'ya pang pumalag pero sinugatan lang s'ya ni Guzma kaya't maging s'ya ay nag-aagaw buhay na rin. Dahan-dahan nyang ibinuka ang kaniyang palad at lumitaw dito ang hiyas ng apoy— "Yan, gan'yan nga. Ngayon ipasa mo sa akin!" nakangising saad ni Balrak. Inilapit ni Walom ang hiyas kay Balrak at sa kasamang palad — ito ay ipinasa n'ya. "HAHA - HAHA - HAHAHA!" nag-bunyi kaagad si Balrak nang mapasakamay n'ya ang isa na namang kapangyarihan. Itinaas n'ya ito at lumikha s'ya ng pambihirang salamangka na kumalat sa buong silid kung saan sila naroroon. "—pakawalan mo na ang aking anak!" nanghihinang samo ni Walom at napayuko na s'ya sa kinalalagyan nya. "Anong gagawin natin, ama?" pabulong na tanong ni Hanze sa kanyang sukab na ama. "PASLANGIN SILANG MAG-AMA!" sagot ni Balrak. "Walanghiya—" pagdaing ni Walom at tinuluyan na sya ni Guzma! Ganon din si Ynna, s'ya ay sinaksak muli ni Hanze at saka itinulak palapit sa kaniyang ama na duguan na rin. "Simula ngayon ay tatawagin n'yo na akong 'panginoon', sapagkat sa aking mga kamay babagsak ang lahat ng kaharian dito Majezenty! HAHAHAHAH!" proklama ni Balrak habang hawak pa rin ang hiyas na kaniyang naagaw." "Kung yan ang inyong nais — PANGINOON!" pag-bibigay-galang ni Guzma at lumuhod na sa kaniyang hari. Ganon din ang ginawa nina Hanze at Helad, pati ng mga kawal na malapit sa kanila at nakasaksi sa pangyayaring iyon. "WHAHAHAHAHAHA!" at ang pagbubunyi ni Balrak ang umilangasaw sa lahat ng panig at sulok ng Pyronix! "Y-Ynna..." pilit inaabot ni Walom ang wala nang buhay nyang anak hanggang sa sya ay tuluyan na ring pumikit. "Mahabaging Zanaa..." laking gulat ni Capaste sa kaniyang nadatnan. "PASLANGIN SILA!" sigaw agad ni Guzma at mabilis na kumilos ang mga kawal nila para sa dalawang sorsero na bagong dating. Ngunit hindi sila umubra kina Capaste at Rano, dahil may bitbit man silang sanggol ay nagawa pa rin nilang lumaban! "Haring Walom!" sigaw ni Rano nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng mag-ama na kanilang hinahanap. Tangka n'ya itong lalapitan pero pinatamaan s'ya ni Helad ng enerhiya, mabuti nalang at nahila kaagad s'ya ni Capaste at ikinubli upang hindi makita ng mga kalaban. "Apmevento — bakit n'yo hinayaang makawala! Mga walang silbi! Hagh!" sigaw ni Helad. "Sancte, Helad. Kahit kailan talaga ay hindi ka na tumahimik." pag-awat sa kaniya ng ama. "Tapos na ang ating pakay dito, tayo na!" utos nito at nauna nang lumabas. "Shh — wag kang maingay." bulong ni Capaste kay Rano habang sila'y nakatago sa isang poste. Mabuti nalang at hindi umiiyak ang sanggol na dala nila, dahil kung oo ay tiyak na pati sila ay mapapaslang na. Nang tuluyan nang makaalis ang mga Derronian sa silid ay saka lumabas sina Capaste at tinungo ang mag-ama. "Haring Walom... Ynna... Gumising kayo — naririnig n'yo ba ako? Kamahalan?" pag-tapik ni Capaste sa mag-ama. "Capaste, may mga sugat sila!" saad ni Rano nang makita ang mga dugo sa kasuotan ng dalawa. Saka naman pinulsuhan ni Capaste ang mag-ama... "Wala na nga silang buhay... hindi na sila humihinga..." malamig nitong sabi. "Masamang balita ito—" ganon din si Rano, silang dalawa ay nahabag sa sinapit ng hari at kaniyang anak. Hanggang sa dumating na ang ilang kawal-Pyron... "Mga sorsero?" tanong ng heneral sa dalawa. "Wala na ang inyong pinuno—" tumayo si Capaste at tumabi kay Rano, "—pinaslang na sila ng mga Derronian." Labis na nagulat ang mga kawal ng Pyronix kaya naman agad nilang nilapitan ang kanilang kamahalan at tinignan kung tunay ay tinuran ni Capaste. "Wala na nga ang mag-ama..." saad ng isang kawal. "Kailangan itong malaman ni haring Roman." wika ni Capaste kay Rano. "Ahh — paumanhin mga kawal, ngunit nais ko lang malaman kung kaninong sanggol ito." tanong ni Rano sa mga nagdadalamhating kawal. Tumayo ang kanilang heneral at tinignan ang bata... "S'ya ang anak ni prinsesa Ynna! Anak din s'ya ng inyong hari!" gulat na sagot ng Pyron kaya maging sina Rano ay nagulat, at natuwa rin sapagkat hawak nila ang bata. "S'yang tunay?" "Oo — mabuti at kayo ang nakakuha sa kanya! Ang akala namin ay nadamay na rin s'ya sa gulo!" masayang pahayag ng kawal. "Sumama kayo sa amin sa Goltus — at doon natin ihahanda ang katawan ng inyong mga kamahalan." aya ni Capaste sa mga Pyron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD