Kabanata 12: Ang Sumpa

2779 Words
Sa gitna ng umiigting na digmaan ay minabuti ni Roman na lapitan si Bella upang mapangalagaan ito dahil isa rin ito sa kaniyang katipan, at mayroon rin silang anak, 'di ba. "Bella — ano pa bang ginagawa mo? Umalis ka na dito!" nag-aalalang sabi ng nang magka-talikuran sila ng prinsesa. "Kaya kong ipagtanggol ang aking sarili!" pagtutol naman ni Bella. "Sandali — nasaan ang ating anak? Bakit hindi mo s'ya dala?" nababahalang tanong ni Roman. "Pinaubaya ko na s'ya kina Yula at Yulo, at ngayon marahil ay nasa iyong kaharian na sila." sagot ng prinsesa habang unti-unti silang napapalibutan ng mga kalaban. "Kung gano'n — sumunod ka na din do'n!" pabulong na sabi ni Roman. "Hindi! Kailangan ko pang hanapin ang akin am-" hindi pa natatapos sa kaniyang sasabihin si Bella ay pinaglaho na siya ni Roman sa pamamagitan ng pagdikit sa kaniya ng hiyas ng liwanag. "Ako na ang hahanap sa iyong ama, paumanhin..." sambit ni Roman sa kaniyang isip. At si Bella ay lumitaw nga sa punong bulwagan ng Goltus, medyo nahilo din s'ya dahil sa bilis ng kaniyang paglalakbay dulot ng mahika, mabuti nalang at nilapitan kaagad s'ya ng mga hora at kawal. "Nasaan ang mga Saghar, nagbalik na ba sila?" tanong agad ni Bella sa mga kawal. "Ayan na sila, kamahalan!" sagot naman ng isang hora at itinuro ang dalawang maliit na nilalang na pumasok rin sa bulwagan at bitbit ang isang sanggol! "Maraming salamat, Yula at Yulo! Talagang maaasahan kayo! Salamat at pinangalagaan n'yo ang aking anak!" mabilis na sinalubong ni Bella ang dalawang Saghar na ito at sila'y pinasalamatan. "Mawalang galang na, prinsesa Bella — ngunit bakit kayo lang? Nasaan ang haring Roman?" tanong ng isang kawal. "Kasalukuyan pa rin silang nakikipaglaban sa mga Derronian — magmadali kayo, sundan n'yo sila at tulungan!" nag-aalalang sagot ni Bella. "Ngayon din, kamahalan. Mga kawal, tayo na!" Umupo nalang muna si Bella sa upuan ng mga konsesho at doon n'ya inaliw ang kaniyang anak, kasama ang mga nakatutuwang sina Yula at Yulo. Samantala... Sila Roman na ang nangunguna sa sagupaan! "Salutem, Roman!" pagdating ni Balrak at tinapatan kaagad ang hari ng mga sorsero. "Tila sumasali ka na rin sa digmaan ng hindi mo naman kalahi?" "Sobra na ang kasamaan mo, Balrak. Hindi ko nais ng gulo ngunit hindi ko rin nais na maangkin mo ang lahat ng kapangyarihan dito sa ating mundo!" saad ni Roman. "At anong gagawin mo upang pigilan ako?" tanong ni Balrak na may halong pang mamaliit, "ano ba ang laban mo sa TATLONG hiyas na hawak ko?!" at ibinida na naman nito ang tatlo n'yang hiyas, na lahat naman ay nakaw lang. Hindi nagpa-sindak si Roman at pinalabas rin ang dalawa n'yang hiyas at itinutok ito kay Balrak— "AHAHAHA - AHAHAHA! 'Yan lang ba ng ipangtatapat mo sa akin, Roman? Pinapatawa mo ako kung gano'n!" pang-iinsulto ni Balrak. "Huwag kang mag-salita ng tapos, HARING Balrak — dahil hindi mo pa batid ang kayang gawin ng dalawang hiyas na ito." saad ni Roman na sinamahan n'ya pa ng pag-ngisi. "Ano bang laban ng dalawa sa tatlo? 'Di hamak na dehado ka ngayon, Roman." paglaban ni Balrak. Sa ibang dako ng Saghara ay panig naman nina Mirasel at Hanze ang naglalaban, at kitang pabagsak na ang kampo ng Derronian, kaunti nalang at maipapanalo na nina Mirasel ang kanilang panig! Nagkatapat sila ng prinsipe ng Derrohny at malapit na sa pagkatalo ang Hanze na ito, bukod sa nanghihina na ay may sugat na rin s'ya sa iba't ibang bahagi ng katawan. Naharang na ni Mirasel ang sandata n'ya at wala na s'yang kawala! Tatapusin na dapat s'ya nito nang biglang lumitaw si Helad! Lumitaw ito na may kasamang mahikang-lupa— Agad na inatake nitong ng malakas na enerhiya si Mirasel kaya't napataob ang diwata. "H-Helad? Paano mo n-nagawa 'yon?" nanghihinang tanong ni Hanze. Ngumisi lang si Helad at ibinaling ang tingin kay Mirasel... "Saan nanggaling ang kakayahan mong maglaho?" pagkahiwaga nito sa kanya. "Malalaman mo rin ang sagot!" saad ni Helad at ibinuka ang kaniyang kanang palad. AT LUMUTANG DITO ANG HIYAS NG LUPA NI TANZA!! "—apmevento! Paanong napasa-kamay mo iyan?" pagngiti ni Hanze. "Ngayon Mirasel — tikman n'yo ang bagsik ng prinsesa ng Derrohny!" sigaw ni Helad at itinaas ang hiyas ng lupa. Lumikha kaagad ng malakas na liwanag ang hiyas! "Inuutusan ko ang hiyas na ito — na isumpa ang lahat ng hindi kapanalig ng Derrohny at lahat ng kumakalaban sa amin!" utos ni Helad sa hiyas at nag-simula pa itong lumiwanag ng husto! Na may kasama pang pagyanig ng lupa! "A-Anong nangyayari?" tanong ni Mirasel na hindi na gaanong makakilos— Ang lahat ng nag-lalabanan ay nayanig din kung kaya't natigil sila sa sagupaan at nahiwagaan kung anong nangyayari sa paligid. "Fantasa, tignan mo!!" sigaw ng isang diwata at itinuro si Mirasel. "Nagiging kahoy s'ya! Isa itong sumpa! Magtago na kayo ngayon din!" saad ni Fantasa at silang mga Saghar ay agad na humalo sa kapaligiran. Ang iba'y nag-anyong puno, ang iba'y halaman, at may ibang lumubog sa lupa. "Mirasel?—" nakita ni Roman ang nagaganap sa diwata at nakita n'yang unti-unti itong naninigas! "H-HINDI—" hindi na nagawa pang sumigaw ni Mirasel dahil tuluyan na nga s'yang nabalot ng sumpa at naging taong puno! Unti-unti nang nakaramdam ng kakaiba ang lahat ng Galomian at Goltian na nasa Saghara — tanda na tumatalab na ang sumpa ni Helad! "Anong nangyayari sa kanila, panginoon!" agad na tumabi kay Balrak si Guzma dahil sa takot. "Sinong gumagawa ng salamangkang ito?" pagkahiwaga din ni Balrak habang nakikita ang isa-isang pagiging kahoy ng mga Galomian. Nagliwanag na rin ang katawan ni Roman at nararamdaman n'yang tumitigas na ang kaniyang mga paa! "—aghHHHH!" pilit s'yang lumaban at itinaas ang hiyas ng liwanag. Pinalipad n'ya ito at lumikha ng salamangka sa kaitaasan! Nabalot ng liwanag ang lahat ng kapanalig ni Roman at ito ang nagbigay panangga sa kanila upang hindi rin sila maging puno. Labis na humahalakhak si Helad dahil nakita n'yang maraming tinalaban ang kaniyang sumpa, ngunit hindi n'ya napansing mayroong iba na hindi nadamay. Ibinaba na niya ang kaniyang palad at tumigil na sa pag-gapang ang sumpa... "AGHHH—" napaupo si Roman sa lupa at mabuti nalang dahil hindi s'ya tinalaban! Naglaho ang magkapatid na Derronian pabalik sa kanilang ama at laking pagtataka rin ni Balrak kung paano nila iyon nagawa. "Saan mo nakuha ang kapangyarihang maglaho, Helad?" pagkahiwaga nito. Nag-bato muna ng matalim na tingin kay Roman si Helad bago lumakad palapit sa kaniyang ama upang ipakita ang isang surpresa— "Dahil dito, ama..." sagot ng prinsesa at inilabas ang hiyas ng lupa! Nanlaki ang mga mata nina Roman nang makitang hawak ni Helad ang hiyas ni Tanza! Agad syang tumayo at kinompronta ito— "Paano mo napasa-kamay ang hiyas na iyan?! Anong ginawa mo kay Tanza?!" galit n'yang tanong. ***************************************** BALIK-GUNITA Nang makita ni Helad na lumalayo si Tanza mula sa digmaan ay hinabol niya ito. Mula doon ay inilabas ni Tanza ang hiyas ng lupa upang gamitin sana para pagalingin ang kaniyang mga sugat, ngunit dahil sa nasundan s'ya ni Helad ay hindi na niya ito nagawa pa. "Akin na ang hiyas, Tanza! Ibigay mo sa akin iyan kung nais mo pang mabuhay!" utos ni Helad at tinutukan agad ng espada si Tanza. "—kahit paslangin mo ako, hinding hindi ko sa inyo ipagkakaloob ang hiyas na ito!" nanghihinang saad ni Tanza. "Talagang nag-mamatigas ka pa ha!" sa ngitngit ni Helad ay nilapitan na niya si Tanza, hinawakan ito sa balikat at inudyaan kaagad ng saksak! "AGGHHH!" sigaw ni Tanza. "Binigyan na kita ng pagkakataon upang iligtas ang iyong sarili, ngunit matigas ka rin — kaya ngayon ay tikman mo ang sakit ng iyong magiging kamatayan." wika sa kaniya ni Helad. Labis na marami ang dugong lumabas sa katawan ni Tanza kaya't ito ang naging dahilan ng kaniyang unti unting pagkamatay. "Paalam, Bella..." huling sinambit ng hari bago s'ya tuluyang pumikit. Mabilis na hinugot ni Helad ang kaniyang espada sa katawan nito at bago pa tuluyang bumagsak sa lupa si Tanza ay sinalo n'ya ang nakalabas nitong hiyas. Nang mapakasa-kamay n'ya ang hiyas ay muli nyang sinasak si Tanza upang tuluyan na itong mapaslang! At 'yan ang nangyari kung paano nakuha ni Helad ang hiyas ng lupa. ***************************************** "HAHAHA — HAHAHA! MAHUSAY! Napaka husay aking anak!" pagpupugay ni Balrak. Ngumisi lang si Helad at tumungo, saka inabot ang kaniyang palad sa ama... Dalawang kamay na tinanggap ni Balrak ang hiyas ng lupa at muli syang humalakhak! "HAHAHAHAHAHAHA! Ngayon ay wala na kayong laban pa sa akin, AKO NA ANG PINAKA MAKAPANGYARIHAN DITO SA MAJEZENTY! At nalalalapit na ang iyong pagbagsak! WHAHAHAHA!" sigaw ni Balrak. "Apmevento!" umatake kaagad si Roman ng enerhiya pero mabilis na nakapaglaho ang mga Derronian. Dito na nag-labasan ang lahat ng Saghar na nagtatago lang sa kapaligiran... "Nasaan ang iba, may mga nadamay ba sa sumpa?" tanong ni Roman sa mga nagbabangunan n'yang kasama. "HARING ROMAN, KAILANGAN N'YO ITONG MAKITA!" humahangos na dumating ang isang Goltian at may dala s'yang masamang balita. Agad silang sumama sa kawal na dumating at laking gulat nila sa kanilang nakita... MGA TILA ESTATWANG NILALANG! Napaka raming Galomian at ilang Saghar pala ang mga nadamay! "Sundarava! Bakit ito nangyari?" panlulumo ni Roman, at sa pagtingin n'ya sa bawat estatwa ay namukhaan nya ang isa rito— Si Mirasel... Hinaplos n'ya ang matigas nitong katawan at may kumirot ng bahagya sa kaniyang puso. Halos isang hanay nalang sa kawal-Galomian ang natira dahil kalimitan sa mga nadamay sa engkantasyon ay ang kanilang lahi. Nag-iyakan na ang mga Saghar nang makita ang ilan sa kanilang mga kalahi na balot na rin ng ugat at makunat ang mga balat. "Nasaan ang ibang Galomian?" tanong ni Roman sa isang nagluluksang kawal. "Marahil ay nasa Goltus ang kaunti pa naming kalahi, haring Roman." sagot ng kawal. "Mga walanghiyang Derronian." lumakad palayo sa mga estatwa si Roman at namasid n'ya ang kaniyang paligid. Marami na ang naging puno at kakaunti lang ang nasagip n'ya dahil sa bilis ng pagkalat ng sumpa. Marami na ring bangkay na nakahandusay sa lupa, mga kawal na silang lumaban para sa kanilang paninindigan... Habang sinisipat pa ang paligid ay nakarinig sila ng paghikbi, bagamat mahina ay ito ang umalingasaw sa napaka lungkot nang lupain ng Saghara. Agad nilang hinanap ang pinanggagalingan no'n at kanilang natagpuan si Kasacop, ang hari ng Celestia na akap-akap ang bangkay ni Tanza. "Kasacop?!" laking tuwa ni Roman nang makitang ligtas ang hari, agad s'yang lumapit at dinamayan ito, "nalulungkot ako para sa kan'ya..." "Sino ang walanghiyang pumaslang sa kaniya?" tanong ni Kasacop. "Ama?!" at dumating na rin si Kaxandra, lumapit s'ya sa dalawa at niyakap ang nagluluksa n'yang ama. Pagkatapos ay tumayo s'ya at kinusap naman si Roman. "Masaya ako't walang nangyari masama sayo!" sambit ni Roman kay Kaxandra at hinagkan nya ito sa ulo. "Salamat sa ginawa mong panangga dahil nadamay din ako sa pagkakaligtas." saad ni Kaxandra. "Ang iyong ama — sugatan s'ya..." pansin ni Roman at binayaan na muna ang mag-ama. ... (Sa Derrohny) Mas umingay pa ang kaharian ng mga mapamuksang Derronian, ang kasiyahan nila ay talaga namang hindi matutumbasan 'pagkat isa na namang kapangyarihan ang nakamit nila! "Binabati kita sa iyong tagumpay, panginoong Balrak!" pagbibigay galang ng isang Derronian na naka-gayak pang hora ng Goltus at s'ya ay nagngangalang Grayda. "Salutem, Grayda. Matagal kitang hindi nakita? Mabuti kahit papaano ay alam mo pa ang papunta rito?" pagbati sa kanya ni Balrak na may halong panunukso. "Ipagpaumanhin n'yo, panginoon. Ngunit sumusunod lamang ako sa inyong ipinaguutos — at iyon ay ang maging malapit kay Lerzia." saad nitong si Grayda na may kasamang matamis na ngiti. "Mabuti kung gano'n — halika, sumali ka muna pananandalian sa ating munting pangdiriwang 'pagkat batid kong alam mo na kung bakit?" aya ni Balrak. "Siyang tunay, kamahalan. Ikaw na ngayon ang pinaka makapangyarihan dito sa Majezenty! Sa taglay mo ba namang apat na hiyas ay tiyak na wala nang sinuman ang makapangyayari pa sa inyo!" papuri ni Grayda at kumuha na ng basong may lamang alak. "Wala nang sinuman ang makapagpapabagsak pa sa aking kaharian. Mabuhay ang lipi ng Derronian — MABUHAY ANG PINAKA MAKAPANGYARIHANG KAHARIAN!!" proklama ni Balrak at itinaas ang hawak n'yang baso. "Mabuhay ang Derrohny!" sigaw ng mga kawal at pinaingay ang kanilang mga sandata. ... (Goltus) May pagpupulong sa punong bulwagan, nasa gitna ang lamesa ng hari at nakapatong roon ang mapa ng buong Majezenty pati na ang mga pigura ng bawat sagisag ng mga kaharian. Ang lahat ng miyembro ng konseho ay naroroon, pati ang mga kawal ng limang lahi at iba pang mga mamamayan na sa Goltus na naninirahan, at maging ang mga Celestian ay dumayo na rin mula pa sa kanilang lupain patungo sa mga sorsero upang sumali sa pagpupulong dahil napaka halaga nito lalo na't umiigting ang gulo sa kanilang mundo. "Apat na kaharian na..." saad ni Roman at itinumba ang mga pigura ng sagisag ng apat na kahariang napataob ng Derrohny, ito ay ang Pyronix, Falcodep, Saghara, at ngayon — ang Galomia. "Lubhang nakababahala na ang kapangyarihang tinatamasa ng Derrohny — sila na ngayon ang may hawak sa apat na elemento ng ating mundo!" pahayag ng hari at tumuntong s'ya sa kaniyang trono upang makita ang lahat, "tiyak na sa anumang sandali ay lulusubin na nila ang natitira pang kaharian..." "Ano kaya ang maaari nating gawin upang hindi mangyari ang iyong sapantaha?" tanong ni Naeso; ang kumatawan para sa Celestia. "Wala akong nakikitang ibang mainam na gawin kundi ang unahan sila sa kung anumang balakin nila laban sa atin — sa atin na mga natitirang nakatayo pa." sagot sa kanya ni Roman at muling tumingin sa lahat. "Ang Goltus at Celestia nalang ang natitirang nakatayo — maaaring isa sa kahariang ito naman ang isunod ng Derrohny. Tama ka d'yan haring Roman kaya iminumungkahi kong magpahayag na tayo ng digmaan sa ating mga kalaban." panukala ni Naeso. "Isang digmaan? Hindi ba't isa itong mapanganib na pagpapasya?" tanong ng isa sa mga babaylan ng Falcodep. "Oo, ngunit doon rin naman tayo hahantong." sagot sa kan'ya ni Naeso, "ito ay tungkol na sa kung sino ang isusunod ng mga kaaway, sinong lahi at anong kaharian na ang kanila namang sasalakayin at pababagsakin. Batid nating ito ang kanilang magiging sunod na hakbang kaya't upang maiwasan ito ay tayo na mismo ang magpahayag ng digmaan!" Nagsimula nang umingay sa buong bulwagan at iba't-ibang saloobin ang ipinahahayag ng bawat nilalang ukol sa panukala ni Naeso. "Sancte!" pag-awat sa kanila ng hari, "sumasang ayon ako sa kinatawan ng Celestia dahil 'yan rin ang aking naiisip na gawin." saad nito at lumakad patungo sa gitna. "May kabuluhan ang kaniyang mga tinuran. Isang digmaan ito na maaaring magdulot pa ng maraming pagka-wasak at tayo ang maaaring masawi kung hindi tayo kikilos at maghihintay nalang na isa-isang paslangin ng mga Derronian!" saad n'ya sa lahat kaya't natahimik ang buong bulwagan. "—wala tayong mapamimilian kundi ang unahan sila sa kanilang mga plano. Sasalubungin natin sila sa kahit na anong paraan — hindi natin hahayaang marating nila ang natitira nating tahanan. Kapayapaan para sa Majezenty!" sigaw ni Roman at ito ang nagbigay ng lakas ng loob sa lahat. "Sumasang-ayon kami, haring Roman. Ito ang pinaka mabisang paraan upang maiwasan natin ang pagkawasak ng iba pang lupain at mapigilan ang tuluyang pamamayagpag ng Derrohny!" tumayo ang pinuno ng konesho at sumunod pa ang mga kasama nito. Nang magkasundo na ang lahat ay agad na silang nagsimulang mag-plano para sa mga gagawin sa sandaling sumiklab na nga ang malaking digmaan laban sa kasaysayan ng Majezenty. ... (Derrohny) "Nakapagtatakang tahimik ang kaharian ng mga sorsero, tila nagluluksa rin sila sa pagbagsak ng isa pa nilang kapanalig?" saad ni Hanze sa kanyang ama na si Balrak. "Baka natatakot na sila, lalo't tayo na ang pinaka nakapangyarihang lupain dito sa buong Majezenty." sagot sa kanya ni Helad. "Apat na ang ating hiyas, ama. Hindi na magiging mahirap ang ating laban sa mga natitirang kaharian, tiyak na ang ating panalo." Hanze. "Malalaman natin ang yabang ng mga sorserong iyan, ngayon na ang mga hiyas na nasa kanilang pangangalaga dati ang gagamitin natin upang pabagsakin sila, HAHAHA!" pag-ngisi ni Balrak at inilabas ang mga hiyas n'ya. "Sadyang napaka ganda ng mga hiyas! Napaka misteryoso!" saad naman ni Helad "Maghanda kayo, dahil tiyak na magkakaroon muli ng digmaan — isang MALAKI at kakaibang laban na ngayon lang magaganap sa buong Majezenty, AHAHAHA!" paghalakhak ni Balrak, "kilala ko si Roman, marahil ngayon ay may binubuo na 'yang plano laban sa atin. Tignan ko lang kung kayanin n'ya ang bagsik ng apat kong hiyas." Naglakad na si Balrak at kasunod ang kaniyang mga galamay, magbubuo na rin sila ng kanilang plano dahil nais na nilang masakop ang kabubuuan ng Majezenty sa lalong madaling panahon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD