Kabanata 11: Laban ng Galomia

2744 Words
"Salutem, Kaxandra! Hindi ko inaasahan ito. Ngunit — napaka ganda mo sa iyong suot." papuri ni Hanze na may halong pagnanasa sa kaniyang tono. "Lapastangan!" sumugod na si Kaxandra at silang dalawa ni Hanze ang nag-tapat, husay sa husay ng paggamit ng sandata! Kahit babae ang kalaban ni Hanze ay hindi n'ya ito madaig dahil bihasa sa pag gamit ng espada si Kaxandra at mahusay sa larangan ng pakikidigma, kaya nga tanyag ang prinsesang ito dahil bukod sa angkin n'yang ganda ay magaling din s'ya sa pakikipaglaban. Tinadyakan ni Kaxandra si Hanze at tumama ito sa batong haligi na naging dahilan upang manlambot ang prinsipe, dito naman hinarap ni Kaxandra si Sebani at silang dalawa ang nag-tuos. "HAGH!!" Hindi maka-puntos si Sebani pero s'ya ay nasugatan na ng isa ni Kaxandra sa kaniyang binti, nag-salubong ang kanilang mga sandata at nagkatitigan pa sila. "Bakit ka nakikialam dito Kaxandra? Umalis ka na kung hindi mo nais mapaslang!" panghihimok ng Derronian. "Sancte! Hindi ako papayagan na magpatuloy kayo sa inyong mga likong gawain. Dapat na kayong mapuksa habang maaga pa!" sagot naman ni Kaxandra. "APMEVENTO!" bubwelo palang si Sebani para umatake nang biglang may lumabas ng malakas na pwersa sa katawan ni Kaxandra kaya't nagkalayo silang dalawa. Laking pagtataka ni Sebani gano'n din ni Kaxandra kaya agad silang pumuwestong muli dahil baka maglaban na naman sila. Biglang nagliwanag ang kaliwang palad ni Kaxandra at tinignan n'ya ito — may simbolo ng sapolar! "Heh — tignan mo nga't nagagawa mo pang makipaglaban sa kabila ng pagbubutis?" puna ni Sebani at agad na itinago ni Kaxandra ang kaniyang palad. "Kamahalan — tumayo ka!" agad na nilapitan ni Sebani si Hanze at inalalayan itong tumayo. "Magaling talaga ang mga Celestian sa pakikipaglaban — sundarava!" daing ni Hanze ------------------------------ SUNDARAVA - Kamalasan ------------------------------ "Ano, mga talunang Derronian, bakit nagbubulungan kayo d'yan?!" pang-iinsulto ni Kaxandra sa dalawa. "Tayo na Hanze, bumalik na muna tayo sa iyong ama!" aya ni Sebani at agad na nagpasabog ng itim na usok upang malansi si Kaxandra. Nang mawala ang usok ay wala na rin ang dalawa— "Apmevento, nakatakas pa!" bugnot na sabi ni Kaxandra at nilapitan s'ya ng mga Galomian na tinulungan n'ya. "Maraming salamat sa inyong tulong prinsesa Kaxandra! Salamat at hindi mo kami pinabayaang masaktan ng mga Derronian." pasasalamat ng mga Galomian. "Walang anuman, sige na, magmadali na kayo, tahakin n'yo ang daang iyan dahil patungo 'yan ng Goltus." utos ni Kaxandra sa mga kausap n'ya, "sa sandaling makarating kayo doon ay humingi agad kayo ng tulong kay haring Roman." "Masusunod ang lahat ng sinabi n'yo, muli, maraming salamat!" majezan, "tayo na mga kasama!" at nagmadali na nga silang lumisan habang si Kaxandra ay pumasok sa loob ng palasyo. ... (Sa loob ng Galomia) "Prinsesa! Mabuti't natagpuan na namin kayo, nasa bungad ng palasyo ang inyong ama at kasalukuyang sinasagupa si Balrak." ulat ng isang kawal-Celestian na nakasalubong ni Kaxandra. "Gano'n ba? Tayo na! Kailangan natin s'yang tulungan!" saad ni Kaxandra at palakad na sila nang marinig n'ya ang iyak ng isang sanggol. "Saan nanggagaling iyon?" tanong agad ng prinsesa. "HAARGHHH!!" at heto na ang mga Derronian, nag-sulputan na naman kaya't nakipag-bunong muli ang mga Celestian. Nang mapaslang ni Kaxandra ang mga kalaban n'ya ay natunugan n'ya kung saan nagmumula ang tinig ng sanggol. "Shh, wag ka nang tumangis anak!" pagpapatahan ni Bella sa kaniyang anak at laking gulat nila nang may sumira sa pintuan. "MGA DERRONIAN!" sigaw ng kawal na kasama ni Bella sa loob ng silid. Agad na nagtungo doon si Kaxandra at mula sa likuran ng mga kalaban s'ya umatake, hindi nakalaban ang mga ito dahil sa gulat kaya mabilis silang naubos. Nang bumagsak ang natitirang Derronian ay saka pumasok sa silid si Kaxandra. "Bella?!" laking tuwa nito nang malamang si Bella pala at ang anak nito ang naroroon! "Kaxandra? Salamat sa iyong tulong. Anong — anong ginagawa mo dito?" tanong ni Bella na medyo pumayapa na ang damdamin. "Kailangan mo nang lumisan dito sa Galomia dahil sinasalakay kayo ng mga Derronian!" ulat ni Kaxandra. At dumating na rin si Tanza! "Ama!!" mabilis na sinalubong ni Bella ang kaniyang ama at nag-yakapan sila. "Salamat kay Zanaa at walang nangyari sayong masama." nanghihinang daing ni Tanza. "Mabuti at dumating si Kaxandra, ama. Tinulungan n'ya ang ating mga kawal na labanan ang mga Derronian." saad ni Bella at ngumiti kay Kaxandra, "ngunit ikaw — sugatan ka, ama? Anong — anong naganap?" at nag-aalala nitong hinaplos ang ama. "Huwag mo akong alalahanin, anak, kaya ko ang mga sugat na ito. Sa ngayon, kailangan mo nang makaalis dito kasama na ang aking apo." saad ni Tanza at inakay na agad ang anak palabas sa silid. "Maraming salamat, Kaxandra. Napaka laki na ng naitulong n'yo ng iyong ama." pasasalamat nito, "sige na umalis na kayo ngayon din!" "Mag-iingat ka ama, magkikita pa tayo!" nangangambang hinagkan ni Bella ang kaniyang ama at niyakap ito ng napaka higpit. "Mahal na mahal kita, aking nag-iisang anak. Palagi mong tatandaan 'yan!" bulong ni Tanza at may paunti -unting luha ang pumatak sa kanilang mga mata ng kanyang anak. "Mahal na mahal din kita ama, kaya dapat kang makaligtas!" saad ni Bella. "Oo Bella, hindi ko hahayaang mawasak nila o masakop ang ating tahanan." sumpa ni Tanza nang kumawala s'ya sa yakap ng anak, "ngayon, umalis na kayo, 'pagkat wala nang panahon. Parami na ng parami ang mga kaaway sa ating palasyo." pagmamadali n'ya. "Masusunod ama!" sambit ni Bella at tumingin muna kay Kaxandra, saka s'ya tuluyang lumisan kasama ang ibang mga kawal. "Mag-iingat ka." bulong ni Tanza sa sarili. At nagdatingan ang mga Derronian at pinalibutan silang dalawa ni Kaxandra. "Kaxandra — maghanda ka... marami rami sila. " bulong ni Tanza nang magsanggang dikit sila ng prinsesa. Hanggang sa nakipaglaban na nga silang dalawa sa mga Derronian, dalawa laban sa sampu. Ang mga Derronian na ang napapaatras kay Kaxandra kaya hinahabol n'ya ang mga ito upang mabilis na maubos, nang mapalayo s'ya sa haring kasama ay narinig n'ya ang pag hiyaw nito— "AGHHH!!" Nang lumingon sya ay nakita nyang nasugatan na ng mga kalaban si Tanza! "Tanza!" akma n'ya itong tutulungan nang harangin s'ya ng isang Derronian, "apmevento!!" at madali naman n'ya itong napaslang pagkatapos ay dali-dali n'yang nilapitan si Tanza at inalalayan ito... "K-Kaxandra — hanapin mo ang iyong ama... tulungan mo s'ya!" nanghihinang saad ni Tanza. "Ngunit kailangan mo ng tulong!" Kaxandra Mabuti at nagdatingan ang mga kawal-Galomian... "Mahal na hari, sugatan kayo?!" puna ng isa. "Ano ang ulat?" tanong naman ni Tanza at pilit tumatayo. "Mas dumami pa ang ating mga kalaban mahal na hari, nag-dadatingan na sila sakay ng kanilang mga aminar." ulat ng kawal. "Apmevento — kung gano'n, ipabatid sa lahat na ililipat natin ang labanan." saad ni Tanza, "sabihin sa lahat ng kawal at maging sa mga Celestian na lilisanin natin ang Galomia! Hindi maaaring mawasak ang kahariang ito kaya sa ibang lupain natin itutuloy ang labanan." "Ngunit paano naman natin gagawin 'yon, mahal na hari?" tanong ni Kaxandra. "Pahahabulin natin sila." sagot sa kaniya ni Tanza, "kaya magmadali ka na, hanapin mo ang iyong ama at ipabatid ang aking sinabi." "Ngayon din! Mga kawal, pangalagaan nyo s'ya!" habilin ni Kaxandra sa mga kawal at tumakbo na s'ya para hanapin ang kaniyang ama. "Kayo, ipamahagi sa lahat ang aking mga sinabi. Sa Saghara natin itutuloy ang digmaang ito!" utos ni Tanza sa mga piling kawal. "Ngayon din, kamahalan!" At lumakad na sila upang isakatuparan nga ang plano ni Tanza. ... Samantala... Tahimik sa lupain ng Saghara, bagamat bagsak na ay may mga nabubuhay pa ring halaman at puno dito na ngayon ay kinukuhanan ng mga diwata ng bunga, na kanilang dadalhin pabalik ng Goltus. Naroon si Mirasel, kasama ang marami pang diwata at ibang uri ng Saghar, namimitas sila ng prutas at mga bulaklak na magagamit upang pagandahin ang bago nilang tahanan. Nagambala ang kanilang tahimik na pamimitas nang marinig ang ingay na nanggagaling sa dakong timog, ang landas na patungo sa Galomia. Hanggang sa matanaw nila ang napakaraming majezan na tumatakbo at patungo na sa kanila! "Anong nangyayari Mirasel? Bakit humahangos ang mga majezan na iyan?" tanong ng isang diwata kay Mirasel. At narating na nga sila ng mga nag-mamadaling Galomian— "Mga kaibigan, hindi ba't taga Galomia kayo? Anong nangyayari, bakit tumatakbo kayo?" pagharang ni Mirasel sa isang lalaki. "Sapagkat nilulusob ang aming kaharian ng mga Derronian, at iniutos ng aming hari na tumakas at magtungo sa mga sorsero." sagot ng lalaki na may halong takot. "ANO?!" laking gulat ng mga Saghar na nakadinig sa sinabi ng Galomian. At walang ano-ano ay may mga pampapasabog na bumagsak sa bawat parte ng kinatatayuan ng magkausap na dalawang lahi!!— "GARNAMEN? TAKBO!" sigaw agad ng isang diwata at nagkagulo na sila nang sumabog nga mga garnamen o granada. "AHAHAHAHAHA! Sa akala nyo'y matatakasan n'yo kami?" pagdating ni Helad na nakasakay sa isang dambuhalang cerapal. CERAPAL - Hayop Nagtauban na ang lahat ng nasa Saghara, tila nawalan na yata sila ng malay! ... (Galomia) Natagpuan na ni Kaxandra ang kaniyang ama, at may ilan na itong mga sugat! "Ama?!!" agad n'ya itong niyakap. "Anong ulat sa lagay ng palasyo?" pawisang tanong ni Kasacop. "Kasalukuyan nang naglalakbay ang mga mamamayan nito patungo sa Goltus." sagot ni Kaxandra. "Mabuti — kailangan ay maging ligtas sila, lalo pa't natakasan kami ni Balrak. Sandali — nasaan si Tanza? Nasaan ang hari ng Galomia?" biglang nangamba si Kasacop nang hindi n'ya makita kung nasaan nga si Tanza. "Mayroon s'yang ipinag-uutos, ama. Nais n'yang sa guhong Saghara ituloy ang digmaan upang hindi tuluyang mawasak ang kahariang ito." saad ni Kaxandra. "At paano isasakatuparan ang plano n'yang ito?" tanong naman ni Kasacop. At heto na naman ang mga Derronian... Tumingin si Kaxandra sa kan'yang ama at tila ba nasagot na agad ang tanong nito— "Mukhang naiisip mo na ang sagot, ama?" pagngisi ni Kaxandra. "Mga kawal — fordermira!" pagtawag ni Kasacop sa mga kawal na nasa paligid at pumuwesto na silang lahat. "HAAAARGGHHHH!!" nang kumilos na ang mga Derronian ay saka tumakbo sina Kasacop, ito ang gagawin nilang taktika para malipat ng lugar ang labanan. At sa Saghara... Nagmulat na ang mata ng lahat at inuubo sila sa baho ng usok na bumabalot sa paligid na gawa ng pampasabog. Dahan dahan silang tumayo at nagsama-sama. "Helad?!" pagkagulat ni Mirasel na s'yang nasa unahan ng lahat. "Salutem, Mirasel! Naibigan mo ba ang aking pagdating?" tanong ni Helad at bumaba sa sinasakyan nitong cerapal, "nagsama-sama pa kayo? Tamang tama, hindi na ako mahihirapang ubusin kayong lahat — mga Saghar at Galomian!" saad nito na may halong paninindak kaya ang mga kaaawa-awang majezan ay nabahala para sa kanilang mga buhay. "Ano nang gagawin natin?" "Hindi ko pa nais mamamatay..." mga bulung-bulungan. "Ngayon na, mga Derronian. JUVALIZA!" hudyat ni Helad para umatake. At nang kumilos na ang kaniyang mga kawal ay nakarinig sila ng paparating na ingay! "HAAAAAAGHHHH!!!" Nariyan na ang mga kawal-Galomian sa pamumuno ni Bella!! "Hah — apmevento." pagkagulat ni Helad ngunit hindi n'ya ipinahalata. "Mga sisne, magtungo na kayo ngayon sa Goltus at ipagbigay alam ang mga kaganapan dito!" utos ni Mirasel sa mga lumilipad at maliliit na nilalang na nasa kanilang panig. AT NAGSIMULA NA NGA ANG ISA PANG LABANAN SA LUPAIN NAMAN NG SAGHARA! Agad na nagtabi sina Bella at Mirasel upang silang dalawa ang lumaban kay Helad. "Talagang nag-kampihan pa ang dalawa kong kinasusuklamang babae?" pang-iinsulto ni Helad kina Mirasel. "Mas kasuklam suklam ka — bruha!" saad naman ni Bella at kitang nainsulto doon si Helad. "Ang dami mong satsat, tapusin na natin 'to!" himok ni Mirasel, "handa ka na ba?" tanong nito kay Bella. "Nakahanda nang paslangin si Helad." maangas naman na sagot ni Bella. "APMEVENTO, hindi n'yo ako matatalo!!" at sa inis ni Helad ay s'ya na nga ang naunang umatake! ... (Sa Goltus) "Tapos na ang pagpupulong na ito!" proklama ni Roman at itinaas ang hawak n'yang setro. Naglilisanan na ang lahat ng nasa bulwagan nang magdatingan ang napakaraming sisne. —————————————————————————————————————————————————————————— SISNE - mga maliliit na nilalang na may pakpak. Makukulay sila at maninipis pumagaspas ang mga pakpak. Sila ay nakatutuwa at maaasahang mga nilalang na taga-Goltus. Sila rin ang nagbibigay ng hudyat sa mga sorsero tuwing may digmaang paparating. —————————————————————————————————————————————————————————— "Mahal na hari! May kailangan kang malaman!" paghangos ni Gloris, ang isa sa mga sisne. Dahil sa kanilang biglaang pagdating ay napukaw nila ang atensyon ng lahat, dahilan upang maki-usyoso rin ang mga ito sa usapan. "Bakit humahangos kayo, anong nagaganap?" tanong ni Roman. "Ang Galomia, nilulusob ito ng mga Derronian at kailangan nila ng inyong tulong!" sagot ni Gloris. "Talagang hindi tumitigil ang Derrohny — panahon na upang mamimili ng papanigan." saad ni Roman na may nanlilisik na mga mata. "Ipahanda ang dalawang hanay ng hukbong-Goltian. Ngayon din ay paparoon tayo sa Galomia upang puksain ang mga pesteng cerapal ng Majezenty." utos ni Roman at agad na naglaho. Naiwan naman ang mga konseho na nababahala 'pagkat isa na naman itong digmaan. "Kailan ba matatapos ang digmaan dito sa Majezenty, hay..." pagkabahala ni Maro. "Dahil lang naman ito sa mga hiyas, bakit ba kasi hindi nalang makukento ang Derrohny sa hawak nilang kapangyarihan — ano't kailangan pa nilang sumakop ng ibang lahi para lang masabing sila ang tunay na makapangyarihan." isa sa mga konseho. ... Lumitaw si Roman sa magulo at makalat na pasilyo ng Galomia at kasama n'ya ang mga kawal na tinipon n'ya kanina sa Goltus. "Apmevento — mukhang nahuli tayo ng dating." puna ni Roman nang makita ang paligid. May mga namatay na namang kawal at tila babagsak na rin ang Galomia. "Haring Roman! Narito pala kayo?!" pagdating ng isang kawal-Celestian. "Narito rin kayo? Nasaan ang inyong hari?" tanong ni Roman. "Kasalukuyan na silang patungo ni prinsesa Kaxandra sa Saghara, dahil doon ililipat ang labanan." sagot ng kawal. "Si Kaxandra — narito rin?" pagkagulat ni Roman, "tayo na, kailangan natin silang masaklolohan!" aya nito sa mga kasama at itinaas ang hiyas ng liwanag upang sama-sama ulit silang lahat na makapag-laho. Lumitaw kaagad sila sa Saghara at nadatnan ngang nagkakagulo na rito! "Bella?!" agad na natanaw ni Roman ang mga babaeng nag-lalaban sa bandang bukal kaya't minadali n'yang puntahan ang mga ito. Susugatan na dapat ni Helad si Mirasel nang pigilan s'ya ni Roman at hawakan... "Sumusobra na ang kasamaan mo!" saad ni Roman at agad na naglaho kasama si Helad. "Saan dadalhin ni Roman si Helad?" pagtataka ni Bella at inalalayan n'yang tumayo si Mirasel. Lumitaw sa malayong panig sina Roman, sa pwesto kung saan hindi n'ya masasaktan sina Mirasel at Bella. "Bitiwan mo ako!" agad na humiwalay si Helad at hinarap ang hari, "bakit mo ako dinala dito? Pinangangalagaan mo ba ang mga babaeng iyon?" tanong nito na may halong pagseselos. "Wala kang karapatang malaman ang sagot dahil lapastangan ka! Bakit ka tumutulad sa ama at kapatid mong malupit, gayong hindi ka naman dating ganyan?!" tanong ni Roman. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito!" "Huwag mong isisi sakin kung bakit ka nagkaganyan dahil umpisa palang ay batid ko nang may pagkaganid na dumadaloy sa iyong dugo ngunit minahal pa rin kita, at pinakisamahan! Pero hindi pala sapat ang pagmamahal na 'yon dahil katulad ni Balrak — ay mapaghangad ka rin sa kapangyarihan!" galit na saad ni Roman. "APMEVENTO!!" sa ngitngit ni Helad ay sinugod na niya ang dating kasintahan at sila ang naglaban! Hangga't maaari ay hindi umaatake si Roman, bagkus ay umiiwas lang s'ya at sinasalag ang mga paggalaw ng sandata ni Helad dahil hindi n'ya ito nais saktan. Si Helad parin ang ina ng kaniyang panganay... "Lumaban ka Roman!!" sigaw ni Helad na patuloy na umaatake. "TAMA NA HELAD!!" saad ni Roman at itinulak na ang kaniyang espada. "Bakit hindi ka lumalaban, duwag ka ba?!" ngitngit ng isa. "Labis na ang pagtitimpi ko sa inyong mga Derronian — hindi na ako papayag na dumami pa ang buhay na inyong uubusin, para lang sa kapangyarihan!" saad ni Roman. Paatake na sana s'ya ngunit nag-datingan naman ang napakaraming Derronian at hinarangan si Helad! "Hintayin mo nalang ang bangkay ng minamahal mong si Kaxandra!" pananakot ni Helad at tumakbo na papalayo. "Apmevento, Helad! Sa'n ka pupunta?! Wag mong sasaktan si Kaxandra! Haghhh!" galit na sigaw ni Roman at sa mga kalaban na niya inilabas ang kaniyang ngitngit. Papalayo na si Helad kay Roman nang makita n'ya ang pakikipaglaban ni Tanza sa kanilang mga kawal, agad s'yang kumubli sa isang malaking puno at pinanood ang galaw nito. "Nanghihina ka na, Tanza—" nakangiti n'yang sabi, "magandang pagkakataon ito upang isahan ka, hahahaha!" paghalakhak n'ya at biglang may espadang tumapat sa kaniyang leeg! "At sinong iisahan mo? Traydor ka palang makipaglaban, Helad?" si Kaxandra! "At sa akala mo'y matatakot ako sa'yo?" tanong ni Helad na walang ekspresyon ang mukha, at agad n'yang sinalag ang sandata ng kaniyang kaharap. "AGHH!" Naglaban silang dalawa ngunit hindi inaalis ni Helad ang kaniyang paningin kay Tanza. Sugatan na kasi ito at tila hindi na kaya pang lumaban, tila may balak ang bruhang 'to. Nang matalo ni Tanza ang mga kaharap n'ya ay nilingon n'ya muna ang paligid at nang mapansing walang nakakakita sa kanya ay palihim s'yang pumuslit papalayo sa digmaan. "Saan pupunta 'yon?" tanong ni Helad sa kaniyang isip at inatake na ng enerhiya si Kaxandra upang makaalis s'ya at masundan si Tanza. "Aghh!! Madaya ka talagang makipaglaban!" sigaw ni Kaxandra habang si Helad ay tumatakbo na, "—duwag!" saad n'ya. Nakarating sa di kalayuang panig ng Saghara si Tanza at muli n'yang sinipat ang paligid— Saka n'ya dahan dahang inilabas ang hiyas ng lupa! "Sundarava — sinasabi na nga ba!" at dumating si Helad, na nasundan s'ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD