Kabanata 10: Muling pagtutuos

2902 Words
Sa Falcodep Matapos ang pag-babasbas sa mga napaslang ay nagtungo kaagad sa Falcodep si Roman upang tipunin ang lahat at makausap sila ukol sa mga bagay na naganap. Tumayo s'ya sa harap ng lahat at nakipag-usap sa kanila. "Ikinalulungkot ko ang naganap sa inyong reyna..." panimula n'ya, "...ganon din sa bawat isa sa inyo na namatayan ng kaanak at kadugo. Humihingi ako ng pasensya na hindi kaagad nakasaklolo ang aming panig upang nabawasan sana ang mga napaslang." "Ngunit bilang hari — at ama ng anak ni Joviana ay nais kong ipabatid sa inyo na maluwag ko kayong tatanggapin sa aking kaharian." alok n'ya, "wala nang pinunong mamumuno sa inyo ngayon kaya malaya ko kayong pagpapasyahin, saan n'yo ba nais manatili? Sa kahariang walang pinuno o sa tahanang kumukupkop sa iba pang lahi na nilapastangan din ng mga Deronian." tanong s'ya sa lahat. "Nasa pangangalaga nila kaming mga Saghar at ang mga Pyron, at kagaya namin ay pangangalagaan din tayo ni haring Roman, lalo ngayon na iisa ang ating kaaway." pagsali ni Maro sa usapan, isinama din s'ya ni Roman pati si Capaste. "At 'yon ang mga Derronian." pag-pwesto ni Sabrina sa harapan; s'ya iyong isa sa mga apram ni reyna Joviana. "Mga kasama, bilang isa ako sa mga pinagkakatiwalaan ng ating reyna ay tungkulin ko na ring pangalagaan kayo — ngayong wala na s'ya. Kaya't maimumungkahi kong makiisa na nga tayo sa Goltus at tanggapin ang alok ni haring Roman. Makipagtulungan tayo para malabanan ang mga walanghiyang pumaslang sa ating reyna at mga kadugo." panghihikayat ni Sabrina sa lahat. "Sumasang-ayon ako!" paglapit ni Dumagat kay Sabrina, "tiyak na ito rin ang nais ng ating reyna lalo't sa Goltus n'ya pinatungo ang iba sa atin noong nagsimula ang gulo dito kaya kumpyansa akong pangangalagaan tayo ng mga sorsero." dagdag n'ya. "At wala rin kayong dapat ipag-aalala, 'pagkat ang hiyas ng hangin ay ligtas..." wika ni Roman at ipinakita sa lahat ang asul na hiyas, "...ito ay nasa aking pangangalaga." Nabuhayan ng loob ang lahat ng Falco at nagkaroon sila ng pag-asa dahil kahit papaano ay hindi rin pala sila natalo. "Marahil ay sa akin s'ya inihabilin ng inyong reyna noong s'ya ay mawalan ng buhay." paliwanag ni Roman, "sa unang banda ay dapat ko itong ipagkaloob sa tunay nitong tahanan, at ito ang Falcodep ngunit ipagpaumanhin n'yo na hindi ko ito maaaring ibigay sa sinuman sa inyo dahil hindi ito basta-bastang bagay lamang na madaling ipinagkakatiwala sa iba. Sana ay nauunawaan n'yo ang aking ibig ipakahulugan." "S'yang tunay, kamahalan. Lalo't wala rito sa amin ang prinsipeng isinilang ng reyna Joviana, at walang nakakaalam kung nasaan s'ya!" nababahalang saad ni Sabrina, tila hindi nila alam na ligtas ang anak ng kanilang reyna. "Dahil dito kaya tinatanaw ko rin na responsibilidad ang kayo ay aking pangalagaan, bilang magkapanalig naman ang lahi ng mga sorsero at ang mga taga rito. At kung ako lang ang magpapasya ay nais kong sa aking kaharian na kayo manuluyan upang doon ay mapangalaagan din namin ang mga naiwan ni Joviana. Pero mas bibigyan ko kayo ng kalayaang mag-pasya kung ano ang inyong nais maganap ngayong wala na ang inyong pinuno." panukala ni Roman at dito na nagsimulang mag-bulung-bulungan ang lahat ng nakikinig. Hanggang sa makapag-pasya na ang lahat... Si Sabrina na ang kumatawan sa lahat ng kaniyang mga kalahi at s'ya na ang magbibitaw ng desisyon. "Pumapayag na kami, mahal na hari. Tinatanggap namin ang inihahandog n'yong tulong sa amin, simula ngayon ay kayo na ang aming kikilalaning bagong pinuno, Haring Roman!" saad ni Sabrina at nagpakita ng gawing paggalang na katulad ng sa mga sorsero at pagkatapos ay lumuhod s'ya pati ang lahat ng kaniyang mga kasama. "Hindi n'yo kailangang lumuhod—" mabilis na bumaba sa mga Falco si Roman at pinatayo sila, "sapat nang umanib kayo sa Goltus, at aasahan n'yo ang buong pusong pakikipag tulungan ng aking hukbo sa inyo. Pangako — sama-sama nating lalabanan at patutumbahin ang lapastangang lahi na gumawa nito hindi lang sa inyo, kundi pati sa Saghara at Pyronix." panunumpa n'ya sa lahat. "Lalaban ang Goltus, para sa kapayapaan, para sa Saghara at Pyronix — at para din sa Falcodep!" pagpapalakas ni Roman sa loob ng lahat. "Kami, bilang apram ng Falcodep ay nanunumpa ng buong katapatan sa Goltus. Lalaban kami hindi lang sa ngalan ng aming kaharian, kundi maging sa Goltus na rin!" saad ni Sabrina at pareho sila ni Dumagat na nagbigay-galang kay Roman. "Mabuhay si Haring Roman! Lucse madtum!" pag-pupugay ng mga Falco sa kanilang bagong pinuno. "Lusce matdum! Lucse matdum!" "Pacen termi Majezenty!" saad ni Roman at nagpalakpakan na ang lahat. ——————————————————————————————————————————————  Pacen termi Majezenty - Kapayan para sa'yo Majezenty! Bigkas: Pacen (PA-shen) —————————————————————————————————————————————— Nag-tungo na sa labas ng palasyo ang lahat at namasdan nila ang ilang pinsalang dinala ng mga Derronian noong sumalakay ang mga ito. Bagamat nadungisan ang Falcodep ay hindi naman ito tuluyang nawasak, nananatili paring nakatayo ang kaharian ng mga Falco. "'Wag kayong mag-alala, dahil muling bubuksan ang Falcodep. Sa takdang panahon ay makikilala n'yo ang susunod na mamumuno sa inyo." pangako ni Roman sa lahat at tuluyan na n'yang ibinigay ang hudyat para isara ang lahat ng tarangkahan sa pasikot-sikot ng Falcodep. Ipinasara nalang n'ya ito upang walang sinumang makapanloob dito dahil hindi naman ganap na wasak ang Falcodep at mayaman rin ito sa mga ginto, mga kayamanang hindi na nila ninais pang dalhin sa paglikas dahil darating naman ang araw na muli itong bubuksan at kapag nangyari iyon ay may dadatnan pa rin silang pangkabuhayan! Sama samang nagbalik sa Goltus ang lahat at ngayon ay mayroon nang apat na lahing namumuhay rito. Gayundin, ay ipinasabit na ni Roman ang bandera ng Falcodep sa bawat panig ng kaniyang kaharian bilang tanda na kaisa na sa kaniyang mga pinamumunuan ang lupaing ito. Agad na ding nagtungo ang hari sa kaniyang silid tanggapan dahil ayon sa isang hora ay may mga dumating na bagong kasulutan mula sa kanilang konseho at nangangailangan na ng pag-tugon. ... (Derrohny) "Makuha mo man ang lahat ng kapangyarihan ay hindi parin magiging ganap ang iyong tagumpay, sapagkat sisingilin ka rin sa iyong mga kalapastanganan, Balrak. Lipi kapalit ng kasalanan, humanda ka dahil mas malupit na kapalaran ang iyong matitikman!" tinig ni Fellian sa isipin ni Balrak. Hanggang ngayon ay nananatiling palaisipin sa hari ng Derrohny ang mga binitawang kataga ng sinaunang sorsero, "lipi kapalit ng kasalanan", tila ba isa itong masamang pangitain. At lumapit si Guzma kina Balrak at lahat sila ay handa na para sa isa na namang pagsalakay. "Nakahanda na ba ang hukbo?" tanong ni Balrak na walang ekpresyon sa mukha at nanatiling tuwid ang tingin. "Naghihintay nalang sila ng inyong hudyat, panginoon." sagot ni Guzma. "Hindi lilipas ang araw na ito na hindi natin napapasa-kamay ang hiyas ng lupa. PABAGSAKIN ANG GALOMIA, murdo felu destro ambis!" hudyat ni Balrak at itinaas na ang kaniyang espada. ——————————————————————————————————————————————   Murdo felu destro ambis - "Walang kapayapaang mananaig!" ——————————————————————————————————————————————   "MURDO FELU DESTRO AMBIS!" pag-uulit ng mga heneral. "SUGOD!" sigaw ni Balrak at sya ang nanguna sa paglabas ng kaharian. ... Sa Galomia "Pag-igihin ang pag-babantay sa bawat sulok ng palasyo. Nakatitiyak akong lulusob at lulusob dito ang mga Derronian, lalo't hindi nila nagawang makuha ang hiyas ng Falcodep." utos ni haring Tanza sa kaniyang mga kawal na nagbabantay sa bawat lagusan ng Galomia. "Mahal na hari, tignan mo!" humahangos na lumapit ang isang kawal kay Tanza at tinuro ang mga lumilipad na bagay sa kalangitan. Tinitigang maigi ni Tanza ang mga papalapit na bagay, "mga animar?—" at kinabahan s'ya nang makita kung ano ang kulay at bandera nito. "Mga sasakyang panghimpapawid ng Derrohny!" sigaw n'ya at agad na hinugot ang kaniyang espada, "PASUGOD NA SILA! Maghanda!" utos sya at nagmamadaling kumilos para mabalaan ang lahat na nasa paligid na ng Galomia ang mga kalaban! Agad n'yang tinungo ang kaniyang anak, si Bella at ang sanggol nito. "Ama? Anong nagaganap? Bakit napakaraming kawal na nagsisipag-kilusan?" nababahalang tanong ni Bella. "Dahil palapit sa atin ang mga Derronian kaya dito ka lang! Kami na ang bahala sa mga kalaban." utos ni Tanza sa kaniyang anak. "Hindi ama, tutulong ako sa pagtatanggol sa aing tahanan!" pagtutol ng prinsesa. "Sancte! Samahan mo nalang ang aking apo — at nababatid kong ito ang muling pagtutuos ng Derrohny at Galomia — kailangang maipanalo natin ito, dahil nasa atin ang isa sa mga hiyas ng Majezenty." paliwanag ni Tanza, "dito ka nalang — babalikan kita kung sakaling manganib ang ating tahanan, paalam!" at hinagkan n'ya sa noo ang anak pati ang kaniyang apo. "Nawa'y hindi naman ito humantong sa madugong bakbakan, ikaw na ang bahala sa amin, mahal na bantay. 'Wag mong pabayaan ang aking ama." panalangin ni Bella at kinalong na niya ang kaniyang anak. Sumara na ang pintuan sa kaniyang silid at nag-talaga si Tanza ng maraming kawal na magbabantay sa loob at labas nito upang matiyak n'ya na magiging ligtas ang kaniyang anak at apo. "Sa pagkakataong ito ay hindi na tayo aatras pa! Pabagsakin ang Galomia, sugod Derrohny!!" sigaw ni Balrak habang nakasakay s'ya sa isang aminar. ———————————————————————   AMINAR - sasakyang pang himpapawid ———————————————————————   "JUVALIZA DERROHNY!" sigaw ni Hanze at nagsimula na silang magpasabog patungo sa Galomia! Sunod sunod na mga pag-sabog ang tumama sa Galomia kaya't nalansi ang lahat ng mga bantay, kalahati sa kanilang hanay ang nasugatan na agad at ito ang nagpahina sa depensa ng kaharian. Maging sila Tanza at mga kasama n'ya ang nasaktan nang mapatama sila sa isang dingding ngunit hindi sila nagpatinag, agad silang bumangon at nilipol ang kanilang mga kalahi upang walang inosenteng madamay. "Maghiwa-hiwalay kayo upang mapabilis ang inyong pagsagip sa mga Galomian, madali!" utos ni Tanza at nagpaiwan na sa punong bulwagan ng Galomia. Sabay dating naman ng iba pang kawal kung kaya't may makakasama na s'ya sa pagdepensa sa trono. "Bantayan n'yo ang trono at 'wag hayaan ang sinumang kalaban na makatuntong rito." utos n'ya sa mga kawal at iniwan na sila upang tuntunin naman ang pagmumulan nina Balrak. Mag-isang lumakad si Tanza at nilibot ang bawat panig ng Galomia upang mag-likas rin ng kaniyang mga nasasakupan at harangin ang bawat makakasalubong n'yang Derronian na makapaminsala sa loob, kahit na nag-iisa ay hindi s'ya nadadaig ng mga ito at s'ya pa ang nakakapaslang. "Dito kayo magtungo, bilis!" utos n'ya sa mga nagmamadali at natatakot na mga Galomian. Mabuti nalang dahil may mga lihim na lagusan ang kanilang palasyo kaya tiyak na mahihirapan ang mga Derronian na sila'y ubusin. Nakarating na sa bukana ng palasyo si Tanza at nadatnan n'ya ang bukas nitong tarangkahan. "Narito na pala ang mga salot ng Majezenty?" maangas n'yang salubong sa mga Derronian. "Tanza! Sigurado ka — ikaw ang lalaban sa AKING laksang mga kawal?" pang-iinsulto ni Balrak na nasa likod ang mga panakot n'yang kawal. "Kahit ilang kawal pa ang itapat mo sa akin ay tinitiyak ko sa'yo — papaslangin ko sila at maging kayo!" matapang na saad ni Tanza. "Mapagmataas ang isang ito, ama. Palibhasa'y may kapangyarihang taglay, tsk!" bulong ni Helad sa kaniyang ama at ngumisi. "Malalaman natin ang katapangan mo, hari! Mga Derronian — sugod!" utos ni Hanze, "ipamalas ang ating bagsik sa hari ng Galomia!" Bago pa lang lalapitan ng mga Derronian si Tanza ay napaataras na sila nang ilabas ng hari ang hiyas ng lupa! "Haha — haha... 'yan ang ipanglalaban mo sa amin, Tanza?" paghalakhak ni Balrak at dahan-dahan pang inilabas ang mga kapangyarihang hawak n'ya. "Baka nakakalimutan mong nasa akin ang tatlong hiyas?" pagmamataas nito ngunit si Tanza ay hindi nagpapasindak, nananatili pa rin itong nakatindig. AT UMATAKE NA SI BALRAK! Hindi lumaban sa enerhiya n'ya si Tanza, bagkus ay gumawa ito ng panangga upang hindi s'ya matamaan. Agad ring kumilos ang mga Derronian kaya't sila ang hinarap ng hari. Isa laban sa maraming kawal, sino ang mananalo? Mabilis na naubos ni Tanza ang mga Derronian ngunit hindi napuputol ang kanilang pagsugod. Muntikan na s'yang masugatan ng isa pero natamaan n'ya ito nang magpakawala s'ya ng malakas na enerhiya. Sinalag n'ya ang espada ng isang Derronian at dito na nakisali sa laban si Balrak, s'ya na ang gumalaw at nagtangkang tapusin ang laban pero— Dumating si Kasacop at pinrotektahan si Tanza! "Salutem, mga talunang Derronian!" bati nito at mabilis na inatake ng enerhiya si Balrak! "AGHHH!" "Ayos ka lang ba?" tanong ni Kasacop kay Tanza at inabot n'ya kaagad ang kamay n'ya. "Tinulungan mo ako — ulit?" tanong naman ni Tanza na may maliit na ngiti sa mga labi. "Oo kaya humanda ka dahil marami pa tayong kalaban!" sagot ni Kasacop at ngumiti din, "mga Celestian, LABAS!!!" sigaw nito at labis na nagulat sina Balrak, maging ang mga Derronian nang biglang magsulputan ang napakaraming kawal-Celestian na balot ng kalasag. "Apmevento — saan nanggaling ang mga ito?!" tarantang tanong ni Helad. "Talagang makikisali sa laban ang Kasacop na 'to..." ngitngit ni Balrak, "umalis na kayo, Helad, Hanze — paslangin n'yo ang lahat ng makikita n'yong Galomian!" pabulong nitong utos sa mga anak. Saka s'ya lumikha ng panlasi upang hindi mamalayan ng kabilang panig na lumisan ang mga anak n'ya. "'Wag mong gamitin ang mga hiyas kung tunay ka talagang mahusay — bakit hindi tayo maglaban ng tayo lang? Hinahamon kita!" saad ni Kasacop. "Isang pagkakamaling sumali ka pa sa labang hindi naman para sa'yo, ngayon ay magkasama kayong mamamatay ng pinkaiingatan mong kaibigan!" pagbabanta ni Balrak. Nagkatinginan naman sina Tanza at Kasacop, at saka nagdatingan ang mga kawal-Galomian. "Heh — ngayon, tignan natin kung sinong mamamatay!" pag-ngisi ni Tanza. "Simulan na natin 'to, LABAN!" hudyat ni Kasacop at nauna na silang sumugod sa mga kalaban. Si Tanza ang humarap sa mga kawal-Derronian at si Kasacop ang nakipag-tuos kay Balrak. ... "Bakit tayo umalis sa labanan? Hindi ba natin tutulungan ang inyong ama?" tanong ni Sebani kay Hanze. "Pinaalis tayo ng aking ama upang tugisin at paslangin ang lahat ng mga taga-rito!" sagot ni Hanze. Kaya nang may makasalubong silang mga patakas na Galomian ay agad nila itong pinaslang, pati na ang mga kawal na nagtangkang humarang sa kanila. "Mga wala naman pala kayong binatbat!" pawisang sabi ni Hanze nang mapataob n'ya ang huling kawal. "Kamahalan, mayroon sila ritong lihim na daanan!" ulat ni Sebani nang makita ang mga tumatakas na mamamayan ng Galomia. "Apmevento! Tayo na, wala dapat isa sa kanila ang mabuhay!" aya ni prinsipe at tumakbo na upang maharang ang mga tumatakas. Nagkakagulo na sa labas at dinig ito sa silid ni Bella, kaya naman ang mga kawal at maging s'ya ay nakaantabay sakaling may magbukas ng pintuan. "Ano na kayang nagaganap sa aking ama..." nababahalang sambit ni Bella habang ang kaniyang anak ay patuloy na tumatangis, "shhh, wag kang maingay mahal ko..." Nakikipaglaban pa rin si Tanza sa mga Derronian at nasugatan na s'ya ng isa!— "Aghh—" daing n'ya ngunit hindi s'ya nag-papatalo, patuloy lang s'yang nakikipag tagisan sa mga ito. Hanggang sa nagtamo pa s'ya ng marami pang sugat sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan, at hindi na n'ya napigilang manlambot. "Tanza!!" sigaw ni Kasacop nang makita ang pag-luhod ni Tanza. "Aghhh..." "HAHA, pabagsak na ang haring ipinagtatanggol mo!" pang-iinsulto ni Balrak kay Kasacop nang magtama ang kanilang mga espada, "sa ganyan mo lang pala ipagkakatiwala ang hiyas ng lupa? Nakakahinayang! Tila wala namang kaalaman sa pag-gamit ng kapangyarihan, HAHAHAHA!" "Tanza! Gamitin mo ang hiyas ng lupa para pagalingin ang mga sugat mo!" sigaw ni Kasacop at nilingon naman s'ya ni Tanza. "SANCTE!!!" mabilis na kumawala sa sandata ni Kasacop si Balrak upang pigilan ang anumang sasabihin nito kay Tanza, kung maghihilom kasi ang mga sugat ng hari ay makakalaban itong muli at tiyak na mas mahihirapan s'yang pabagsakin ito. Tangka n'yang lulusubin si Tanza pero hinarangan s'ya ni Kasacop— "Tumabi ka Kasacop!!" galit na utos ni Balrak. Dahan dahan nang tumayo si Tanza at inilabas ang hiyas ng lupa, "hiyas — tulungan mo ako..." sambit nito, "paggalingin mo ang aking mga sugat, pakiusap..." Maya-maya lang ay nagliwanag ang mga sugat ni Tanza at unti-unti itong naglaho! "Ano Balrak? Nanalo ka ba?" pang-iinsulto naman ni Kasacop. "APMEVENTO!" galit na galit si Balrak dahil sa labis na insulto. Mabilis n'yang itinulak si Kasacop at inatake ito ng enerhiya! "AGHH!" "Kasacop!" sigaw naman ni Tanza at s'ya ang gumanti para dito, natamaan n'ya sa balikat si Balrak pero hindi ito gaanong nasaktan dahil may baluti. "HAGHH!!" at umatake pabalik si Balrak! Nanghihinang bumangon si Kasacop at pinulot ang kaniyang espada, habang nakikipag-tunggali kay Tanza si Balrak ay sinugatan na niya ito! "AGHHH!" napaatras kaagad si Balrak nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang binti... "Kasacop, salamat sa iyong tulong!" pasasalamat ni Tanza nang malapitan s'ya ng kaibigan. "Makapangyarihan ang hiyas na hawak mo kaya matutulungan ka n'yan lalo na sa mga pagkakataong kagaya kanina." paliwanag ni Kasacop na medyo hinihingal. "Ang aking anak—" sumagi na sa isipin ni Tanza ang kaniyang anak, "si Bella, kailangan kong puntahan si Bella!" "Kung gano'n, umalis ka na. Kami na ang bahala dito!" mungkahi ni Kasacop. Paalis na sana si Tanza nang mapalibutan na naman sila ng mga Derronian! "Hindi ba talaga kayo mauubos! Mga apmevento!" saad ni Kasacop. "Kung inaakala n'yong matatakasan n'yo ako, pwes nagkakamali kayo. Dahil dito na kayo mamamatay!" wika ni Balrak. "Mas dumami pa sila." bulong ni Tanza. "Kaya mag-iingat ka!" bulong naman ni Kasacop. "JUVALIZA!" hudyat ni Balrak at nakipag tunggali na naman ang dalawang hari sa mga kaaway. Nagkalayo sina Tanza at Kasacop at muli na namang nasugatan si Tanza, hindi rin ganap ang lunas na naibigay n'ya sa kaniyang sarili kaya muli s'yang nanghina. Ngunit nang makahanap s'ya ng tyempo ay agad s'yang tumakas upang puntahan ang kaniyang anak. "Nakatakas si Tanza, hanapin s'ya!" galit na utos ni Balrak dahil nakita n'ya ang ginawa nito, at si Guzma na ang kumilos para habulin ang hari. "BALRAK!" pagtawag naman ni Kasacop, "ako ang harapin mo!" ... Samantala, nagmamadaling lumabas sa lagusan sina Hanze at Sebani... "Ayon sila kamahalan!" hingal na sabi ni Sebani nang makita ang kanilang mga hinahabol na Galomian. "Mga kasama, nariyan na ang mga kalaban!" sigaw ng isang Galomian kaya't nagkagulo ang lahat ng mga tumatakas. "Walang ititirang buhay!" sigaw ni Hanze at patakbo na sana nang biglang may magpaulan sa kan'ya ng mga patalim! Nakaiwas s'ya kaagad at napaatras... "Saan galing—" "San n'yo sa tingin kayo patutungo?" pagharang sa kanila ni Kaxandra na nakasuot ng napakagandang baluting pandigma, at s'ya ang naghagis ng mga patalim kay Hanze!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD