Kabanata 25: Ang labanan sa mundo ng mga mortal

3031 Words
Nagbalik na sa Goltus sina Roman at dali-dali s'yang nagtungo sa silid ng reyna, ngunit nagulat s'ya nang madatnan na wala itong malay at nakasubsob sa higaan! "Kaxandra?! Kaxandra?!" pagtapik n'ya at unti-unting nagkamalay ang reyna. "Kaxandra?! Bakit ka nakasubsob rito? Anong nangyari sa 'yo?" Roman "—a-anong nangyari?" nanlalambot naman na tanong ni Kaxandra. "Kaxandra, nakita kitang walang malay ngayon lamang. Ano bang nangyari?" pag-uulit ng hari. "Roman? Ikaw pala?! Nagbalik ka na pala! Anong nangyari sa lakad n'yo?" tanong ng reyna. "Oo — at heto, hawak ko na ang lunas para sa 'yo!" masayang sagot ni Roman at pinakita sa asawa ang hawak n'yang prutas. "Totoo nga ang sabi, nagtagumpay kang makuha ang bunga, haring Roman!" pagdating ni Maro. "Salutem, tandang Maro! Natutuwa akong makita kang muli, tignan mo itong hawak ko — ito nga ba ang yutam?" tanong ni Roman at inabot sa matanda ang hawak niya. "Mmm — ito nga, Roman! Tamang bunga ang napitas mo!" pag-sipat ni Maro sa yutam. "Magaling!" nakangiting sambit ng hari. "Ipakain mo na ito sa mahal na reyna, ngunit hindi pa ito kaagad tatalab ha?" sambit ni Maro. "Anong ibig mong sabihin, Maro?" "Kailangan mong ipakain sa reyna ang prutas at hintayin ang pagbilog ng mga buwan, kapag nangyari iyon ay saka palang tatalab ang biyayang kaloob ng prutas na iyan." paliwanag ni Maro. "Ganu'n ba? Ang akala ko'y sa sandali na makakagat si Kaxandra rito ay dagli nang gagaling ang kaniyang karamdaman?" dismayadong sabi ng hari. "'Wag kang mag-alala kamahalan, dahil bukas ng gabi magaganap ang sinasabi kong pagbilog ng mga buwan!" sambit ng matandang dwende. Napangiti naman si Roman nang marinig ang mga sinabing iyon ni Maro, tamang tama dahil hindi na niya kakailanganin pang maghintay nang napaka tagal. "Kung gano'n, mabuti pang kainin mo na ito Kaxandra. Ubusin mo ha?!" pag-abot ng hari sa hawak niyang prutas sa asawa. "Sadyang napaka swerte ko sa 'yo, mahal ko. Maraming salamat dahil sinikap mong makahanap ang lunas para sa akin." matamis na sabi ni Kaxandra nang kuhanin n'ya ang yutam. "Lahat ay gagawin ko — basta't para sa 'yo." hinagkan ni Roman sa noo ang reyna, "kaya't bilisan mo na ang pagkain niyan dahil tiyak na bukas ay babalik na sa ayos ang lahat!" "Eroam inconvanse, aking hari!" sambit ni Kaxandra at kumagat na sa hawak n'yang prutas. Nang ilibot ni Roman ang kaniyang paningin ay nakita n'ya ang gulo ng paligid, lalo na ang lamesa n'ya. "Sandali—" sambit n'ya at tumayo upang tignan ang kaniyang mga kahon. "May naganap ba rito Kaxandra? Bakit magulo?" tanong niya. "Hindi ko alam, wala akong maalala." sagot naman ni Kaxandra. At inisa-isa ni Roman ang mga kahon hanggang sa mahawakan n'ya ang isa kung saan n'ya itinabi ang susi ng lagusan. "Sundarava!!" "Nawawala ang susi ng lagusan!" -------------------------------------------------- SUNDARAVA - nangangahulugang "Kamalasan". -------------------------------------------------- Samantala, ang mga Derronian ay nasa bukana na ng Ayralum at handa na silang lumabas at maghasik ng lagim sa mundo ng mga mortal! "Ayralum emalayde!" bigkas ni Balrak at itinapat ang susi sa lagusan. ------------------------------------------- Ayralum emalayde - "Buksan ang lagusan." ------------------------------------------- Hanggang sa nagsimula na ngang magliwanag ang Ayralum at ipinakita na nito ang daan na magtatawid kina Balrak patungo sa mundo ng mga mortal! "Juvaliza." sambit ng hari at nauna nang pumasok sa lagusan! Lumabas sila mula sa isang pader at kanilang narinig ang ingay ng mga sasakyan! "Salutem, mundo ng mga mortal!" sambit ni Balrak nang mamasid n'ya ang paligid. "Kay laki pala ng mundong ito? Ahahahaha!" Ibinuka niya ang kaniyang palad at naglabasan rito ang napakaraming itim na mga paru-paro. "Inuutusan ko kayo na hanapin at ituro sa akin ang nilalang na may dugong majezan sa mundong ito." utos niya sa mga paru-paro at mabilis na nagliparan ang mga ito papalayo! (Sa tahanan nila Mildred) Kanina pa hindi mapakali ang binatang si Naeso, hindi s'ya makatulog at hindi rin mawala ang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Tila nararamdaman na niya ang panganib, ang ginawa n'ya ay lumabas s'ya ng silid at bumaba, saka minasid ang bawat sulok ng kanilang bahay — tiniyak n'ya na walang sinuman ang makakapasok rito. Nang matapos s'ya ay kumuha siya ng tubig at umakyat muli sa itaas at doon nagpahangin. "Naeso?!" tinig ni Mildred. "Dis oras na ng gabi ah, bakit gising na gising ka pa?" tanong nito at tinabihan s'ya. "Ewan ko ba, Mildred, ngunit hindi talaga mawala ang aking kaba." sagot ng binata at dama sa kaniyang tinig ang labis na takot, "tila ba mayroong hindi magandang mangyayari..." Napatitig lang sa kaniya si Mildred at maya-maya pa ay nakakita silang dalawa ng napaka raming mga itim na paru-paro—  "Saan nanggaling ang mga 'yan?" takang tanong ni Mildred at pinagmasdang maigi ang mga insekto. Lalo pang lumakas ang kaba ni Naeso nang makita n'ya ang mga nilalang na iyon, mas natakot tuloy s'ya sa kung ano ang maaaring magaganap sa gabing iyon. Hindi naman nameste ang mga paru-paro, agad ding umalis ang mga ito at ang di nila alam ay pabalik na pala ito kay Balrak upang iulat na natagpuan na sila! "Panginoon, nariyan na ang mga alagad mo." sambit ni Guzma nang makita sa himpapawid ang mga paru-paro. Mabilis silang tinipon ni Balrak sa kaniyang palad at pinakinggan ang anumang ulat na kanilang dala. "Magaling — magaling." natatawang sambit nito at bakas sa mukha ang labis na pananabik! "Tayo na! Alam ko na kung nasaan ang ating pakay, HAHAHAHA!" At naglakad na sila sa gitna ng kalsada, ang mga sasakyan ay napapatigil kapag natatapatan nila at ang mga nagmamaneho dito ay hindi maiwasang mapatingin dahil kakaiba ang kanilang mga wangis at kasuotan. "Alam mo — wala lang 'yan. Matulog ka na, itulog mo nalang 'yan!" sabi ni Mildred at tinapik sa balikat si Naeso. Dito na inubos ng binata ang iniinom n'yang tubig at pagtingin n'ya sa baba ay nakita n'ya ang mga Derronian! "Ayon si Naeso, panginoon!" sigaw ni Guzma at agad siyang itinuro! "MILDRED!!" mabilis na hinila ni Naeso si Mildred at yumuko dahil mabilis silang pinaulanan ng bala ng mga Derronian! "Naeso, anong nangyayari?" tarantang tanong ni Mildred habang patuloy silang binabaril. "Narito ang mga Derronian, natunton nila kami!" sagot ni Naeso, "tayo na, kailangan ko kayong mailayo rito!" Nakayukong nagtungo sa ligtas na panig ng bahay ang dalawa habang patuloy pa ring nambabaril ang mga Derronian sa baba! "Tila umalis sila? Pasukin ang kanilang tahanan!" utos ni Balrak at nagmamadali nilang pinasok ang bahay nila Mildred! Ang mga kalapit bahay tuloy sa loobang iyon ay nagambala dahil sa labis na ingay na kanilang nadinig. "Axus, gising... Axus!!" mabilis na ginising at pinabangon ni Naeso ang kaniyang alaga at kinuha n'ya ang kaniyang espada. "Naeso! Nandito na kami!" pagpasok ni Mildred sa kwarto ng mag-tiyuhin. "Kuya, ano pong nangyayari?!" tanong ng inaantok pang si Lawag. "Aye? Ano pong mayro'n? Bakit n'yo ako ginising?" tanong ni Axus na nagmulat na rin. "Kailangan nating tumakas dahil narito na ang mga Derronian, nahanap na nila tayo!" nagmamadaling sagot ni Naeso sa bata. "Hala, 'nay, ano pong gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Lawag sa kaniyang ina. "Hindi nila kayo masasaktan! Ako ang mangangalaga sa inyo!" saad ni Naeso at pinatayo na si Axus. Pinagtabi n'ya ang dalawang paslit at kaniya itong kinausap ng mabilisan. "Natandaan n'yo ba lahat ng mga itinuro ko sa inyo?" "Opo, opo!" sagot ng dalawa. "Mainam! Dahil maaaring ito na ang pagkakataon upang masubok kung tunay bang may natutunan kayo sa akin. Lumaban kayo kung kinakailangan at pumaslang — kung may magtatangkang manakit sa inyo, maliwanag?" utos ni Naeso sa mga bata. "Okay po." sagot nina Axus at Lawag na mga kapwa natatakot na. "Ngayon, kumilos na tayo. Hindi nila tayo dapat maabutan rito!" Nagkatinginan nalang sina Naeso at Mildred na parehong hindi sigurado sa kung ano ang kanilang sasapitin sa mga kaaway na Derronian. Bumababa na sila nang biglang mawasak ang pintuan at naghagis ng napakaraming garnamen ang mga sumasalakay. Agad na sumabog ang mga ito na naging dahilan upang mawasak ang mga kagamitan sa loob ng bahay at magkaroon ng makapal na usok sa paligid! ------------------------- GARNAMEN - Granada ------------------------- "Walang maingay..." utos ni Naeso sa mga kasama n'ya. Hanggang sa pumasok na sa loob ang mga Derronian at bago pa sila makapwesto upang tambangan ang mga tatakas ay nilusob na sila ni Naeso! "Tila nakikipaglaban na si Naeso sa ating mga kawal, panginoon." kutob ni Guzma dahil naririnig na niya ang ingay ng mga espada sa loob ng bahay. "Tayo na sa loob!" utos ng hari. Nang mapaslang ni Naeso ang huling Derronian ay naaninag n'ya ang mga papasok pang nilalang kaya agad s'yang bumalik kina Mildred at pinaakyat sila pabalik. "Wag mo nang tangkain pang tumakas, prinsipe ng Celestia! Papagurin mo lamang ang iyong sarili!" saad ni Balrak nang makita ang pagtakas nila Axus. "NAESO! Lumantad ka, 'wag mo ubusin ang aking pasensya!" Nakagawa ng paraan ang apat upang makalabas, isa-isa silang tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay. Nauna si Naeso at s'ya ang sumalo kina Lawag, Axus at Mildred. "Sundarava, nakalabas na sila panginoon!" sigaw ni Sebani nang makita n'ya ang ginawa ng mga ito. "Bilisan n'yo ang pagtakbo, hindi nila tayo maaaring maabutan!" sambit ni Naeso habang marami na ang nakakakita sa nangyayari sa kanila! "Nasaan Sebani?!!" aligagang tanong ni Balrak nang lumabas s'ya ng bahay. "Ayon panginoon! Hindi pa sila nakakalayo!" pagturo ng apram. Agad na inutusan ni Balrak ang mga Derronian upang tugisin ang mag-tiyuhin, dahil d'yan kaya sa mga bubungan na ng bawat bahay dumaan ang mga kawal n'ya at nagkalampagan ang mga ito na naging dahilan upang mas dumami magising ang ng mga mortal at makiusyoso na. Habang tumatakbo sila Naeso ay may bumabaril sa kanila na mga nag-lalagablab na bala! "Sundan natin ang mga apmevento!" utos ng hari at tumakbo na rin sila para hindi mawala sa kaniyang paningin ang mga batang kasama ni Naeso. "Aye, ano bang nangyayari? Bakit nila tayo hinahabol?" hinihingal na tanong ni Axus habang patuloy silang tumatakbo. "Saka na ang mga tanong Axus, ang mahalaga'y hindi ka nila makuha!" sagot ni Naeso. Nakipag pantintero na silang apat sa mga sasakyan at halos mabunggo na pero buti at hindi naman natutuloy dahil tumitigil ang mga ito sa pamamagitan ng pagmanipula sa kanila ni Naeso gamit ang isip. Hindi nila alam kung saan sila tutungo basta't kailangan lang nilang magpatuloy na tumakbo at tumakas! "Wag n'yong hayaang matakas ang mga cerapal, habulin sila!" galit na utos ni Balrak. Nadapa pa si Lawag at naiwan s'ya sa pagtakbo!— "Anak!!" sigaw ni Mildred at babalik na sana pero inunahan na s'ya ni Axus, ginamit nito ang taglay na kapangyarihan upang palutangin si Lawag at ibinalik agad s'ya sa kanila. "Hay, diyos ko!! Salamat at walang nangyaring masama sa 'yo!" takot na takot na sabi ni Mildred at niyakap nang napaka higpit ang anak. "Tayo na, Mildred. Nand'yan na sila!" aya ni Naeso at muli na naman silang tumakbo nang pagkabilis-bilis! Nakita pa ng mga tao ang ginawa ni Axus kaya't lahat sila ay naki-usyoso na at dahil doon kaya nagulo na  rin ang daloy ng trapiko. Ang kakaibang habulan na iyon ang kanilang pinag-tuunan ng pansin — wari bang nasa pelikula ang mga nangyayari. Nakarating sa isang bakanteng lote sila Naeso, at wala na silang mapupuntahan pa!— "Sundarava!" ani ng binata at dito na nagdatingan ang mga Derronian! Pinalibutan silang apat at hindi muna umatake, bagkus ay hinintay pa ang pagdating ng kanilang panginoon. "Wala na kayong pupuntuhan Naeso, sumuko ka na!" pagdating nga ni Balrak. "'Nay, natatakot po ako sa kanila!" naiiyak nang sabi ni Lawag habang mahigpit na mahigpit ang hawak sa kaniyang ina. "Naeso, mukhang dito na tayo mamamatay." bulong ni Mildred sa binata. "Ano bang kailangan mo, Balrak?! Bakit ka naparito?!" matapang na tanong ni Naeso. "Batid mo kung ano ang nais ko." maigising sagot ng Derronian. "Pwes, dadaan ka muna sa bangkay ko — bago mo makuha si Axus!" taas-noong bigkas ni Naeso at pinatago sa likod n'ya ang pamangkin. "Lapastangan!" Mabilis na kumilos ang mga kawal upang paghiwa-hiwalayin ang apat! Sina Mildred tuloy at ang mga bata ay napalaban na rin! "Sino sa kanila si Axus, panginoon?" tanong ni Guzma habang pinapanood nila ang dalawang bata na nakikipag-buno na rin sa mga Derronian. Si Axus ay nakailag sa espada ng isang kawal at pinatalsik n'ya ito gamit ang kaniyang mahika! "Ayon!" nakangising sambit ni Balrak nang makita ang ginawa ng isa sa mga bata. "Gising na ang taal na kapangyarihan niya, panginoon, at malakas s'ya!" puna ni Guzma na medyo nagulat sa ipinamalas ni Axus. "Lawag, tabi!" sigaw nitong si Axus at inatake ng enerhiya ang isang Derronian na akmang dadakpin ang kaibigan. "Salamat, Axus! Ang galing mo, the best ka talaga!" hinihingal na pagtabi ni Lawag. "Nagagawa na niyang bumuo ng salamangka..." sambit ni Balrak. "Lawag, 'wag kang hihiwalay kay Axus!" sigaw ni Naeso na nakikipagtunggali pa rin sa mga kalaban. Nagagawang makapaslang at makadepensa ni Mildred, marahil ay dala ng takot kaya nagagawa n'yang makipaglaban. Hawak n'ya ang isang espada na mula sa mga Derronian at sinusubukan n'yang makalapit sa dalawang paslit upang sila'y mailayo sa gulo. Naharang n'ya ang isang Derronian at tangka na niya itong sasaksakin nang bigla s'yang saksakin ni Sebani!— "NAYYY!!" sigaw ni Lawag nang makita ang nangyaring iyon. "—AGH!" daing ni Mildred at dahan-dahan n'yang tinignan ang kaniyang saksak. "Masyado kang nakikisali, mortal!" bulong ni Sebani at hinugot ang espada sa katawan ni Mildred. "MILDRED!" napasigaw si Naeso nang makita n'yang duguan na ang kaniyang kasama. "Lawag..." huling nasambit ni Mildred bago s'ya bumagsak at tuluyan nang mawalan ng buhay. "NAYYY!!" umiiyak na tinakbo ni Lawag ang kinaroroonan ng kaniyang ina at ito'y niyakap. "Nay, gumising ka. Nayyy!!" "'Wag mo akong iiwan, nay! NAY!!!" paghihinagpis ng bata. "Pakielamera ang iyong ina, kaya nararapat lang 'yan sa kaniya." saad ni Sebani. "Ikaw?! Pinatay mo ang nanay ko! Masama ka!!" bulyaw ng bata sa Derronian. "Oo masama ako, at ikaw ang isusunod ko!" sagot ni Sebani at hinampas sa batok si Lawag gamit ang kaniyang sandata. "LAWAG!" sigaw naman ni Axus at inatake ng malakas na enerhiya si Sebani. Tumalsik ito at nawalan rin ng malay. "Sancte, Axus. Tumigil ka na!" akmang dadakipin ni Guzma si Axus pero hindi n'ya nagawa dahil nakapaglaho ang bata patungo kay Naeso! "Apmevento—" ngitngit ni Balrak. "Magaling, Axus!" pawisang sambit ni Naeso sa kaniyang pamangkin. "Aye, pinatay nila sila ate Mildred." naiiyak na sabi ni Axus. "Kayong dalawa na lamang ang narito, sumuko na kayo!" utos ni Balrak at lumapit na sa mag-tiyuhin. "Axus, tumakas ka na. Gamitin mo ang iyong kapangyarihan at lumayo ka na dito!" mahinang sabi ni Naeso sa batang kasama n'ya. "Hindi, aye. Hindi kita iiwan dito!" "Iwan mo na ang iyong aye, Axus. Lumisan ka na at wag na wag ka nang babalik dito!" "Pero, aye—" "Sige na!!" malakas na tinig na ang pinakawalan ni Naeso upang mapilit n'ya si Axus na umalis. Hanggang sa bumitaw na nga sa kaniya ang kaniyang pamangkin — at tuluyan nang naglaho! "APMEVENTO! Pinatakas n'ya ang bata, panginoon!" gulat na sambit ni Sebani. "Magaling, Axus! 'Wag ka nang babalik — pakiusap. " nakangiti namang sabi ni Naeso at napapikit s'ya. "Wala kang silbi, Naeso! Lubha mong sinayang ang aking panahon, APMEVENTO KA!" sambit ni Balrak at kitang kita sa kaniyang pagmumukha ang labis na inis kaya nginitian pa siya ng Naeso nang mas magngitngit pa ito. "Sinabi ko na sa 'yo, hindi kayo magtatagumpay sa inyong masamang balak sa aking ykam!" ------------------------ YKAM - Pamangkin ------------------------ Ang hindi n'ya alam ay lumitaw si Axus sa likod ng naka-paradang truck sa bakanteng lote ring iyon at hindi s'ya iniiwan. Nagkubli lang ito at pinanood kung ano ang susunod na mangyayari— "Pagsisisihan mong pinatakas mo pa si Axus..." sambit ng haring Derronian at humugot na ng espada, "...pareho rin kayong mapapaslang kaya't anong saysay ng ginagawa mo?!" tanong nito. "Panginoon, hayaan mong ako ang lumaban sa kanya." bulong ni Sebani. "Sancte! Laban ko 'to." sambit ni Balrak at lumapit na kay Naeso. "Dito ka na mamamatay, Naeso." At naglaban na nga silang dalawa! "Aye... 'Wag kang magpapatalo..." kinakabahang sambit ni Axus habang pinapanood ang sagupaan ng kaniyang aye at ni Balrak. Tulad ni Kaxandra ay may angkin ding galing sa paghawak ng espada si Naeso at magaling s'yang makipaglaban, halos maipapanalo na niya ang tapatan nila ni Balrak kung hindi lang nakisali ang mga apram nito. Sina Sebani at Guzma ay nakisali na rin at tinulungan ang kanilang panginoon upang talunin ang nag-iisang Celestian! "Hindi mo kami kakayanin, Naeso! Sumuko ka na lamang!" saad ni Guzma. "Magkamatayan nalang tayo rito!" spaglaban ni Naeso at agad na umatake. "AGH!" napadaing si Guzma nang masugatan s'ya ng binata sa braso! Sunod ay si Sebani naman ang hinarap nito at sinugatan rin. "Tapos ka na Naeso!" sambit ni Balrak at habang nakikipagbuno kay Sebani si Naeso at sinugod na niya ito at sinasaksak likod! "AGHHHH!" Napatakip ng bibig n'ya si Axus nang makita ang nangyaring iyon at aad na pumataka ang kaniyang mga luha!— "—aghhh..." natigil sa paglaban si Naeso at tinignan ang nakatarak sa kaniyang katawan. At hinugot ni Balrak ang kaniyang espada... "Aghhh... Agh..." daing ng binata. AT MULI PA S'YANG SINAKSAK! "AYE!—" pasigaw na sana si Axus ngunit naitikom n'ya pa rin ang kaniyang bibig. Tumagas na ang napaka raming dugo sa katawan at bibig ni Naeso at tuluyan na s'yang napaluhod. "Tapos na ang mahabang panahon mong pagtatago, Naeso... Malaya ka na!" sambit ni Balrak at sa pangatlong pagkakataon ay muli n'yang sinasaksak ang prinsipe! Hanggang sa tuluyan na ngang tumaob ang wala nang buhay na Celestian— Umapaw na ang mga luha ni Axus at napuno ng galit at sakit ang kaniyang damdamin, bugsong dahilan upang maisip niyang lumabas at magpakita sa mga Derronian upang kalabanin sila at mai-ganti n'ya ang kaniyang aye. "Paano na ngayon, panginoon. Pinaslang mo na si Naeso, saan pa natin hahanapin si Axus." tanong ni Guzma na may halong panghihinayang. "Wag kang pakasiguro, Guzma." sambit naman sa kaniya ni Balrak... "'Pagkat may naaamoy pa akong isang majezan na naririto!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD