Kabanata 26: Nasa panganib si Axus!

1241 Words
Nang sabihin ni Balrak na may isa pang majezan ang nasa paligid ay agad na sinipat ng mga Derronian ang lote upang tignan kung sino ang sinasabi ng kanilang hari. "Kung ganoon ay nasaan s'ya panginoon. Sino ang naamoy mo?" takang tanong ni Guzma. At dito na lumabas sa kaniyang pinagtataguan ang paslit na si Axus, umiiyak ngunit napopoot— "Panginoon, heto si Axus!" gulat na sabi ni Sebani at humarap sa bata. "HAHAHA! — sinasabi ko na nga ba... Isang sorsero ang kanina ko pa naaamoy!" nakangising sabi ni Balrak at hinarap na rin si Axus. "Pinatay mo ang aye ko!" tumatangis na bulyaw nitong paslit, "MASAMA KA! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanila!!" "Matapang ka na bata. Baka hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo!" saad ni Guzma at kanilang pinalibutan si Axus! "Matapang ka rin katulad ng iyong tiyuhin, ngunit kulang ka sa pag-iisip." sambit ni Balrak at lumapit, "ikinasisiya kong sa aking mga kamay babagsak ang pag-asa ng mga sorsero! Nagkamali ka na bumalik ka pa dito, Axus!" Akma nang aatakihin ni Balrak si Axus nang bigla itong sumigaw at lahat silang nakapalibot ay nagtalsikan papalayo!! "APMEVENTO!" daing ni Guzma at agad na tumayo mula sa pagkakasubsob. "Malakas ang kapangyarihan n'ya, panginoon!" Ibinuka din ni Axus ang kaniyang palad at nagkaroon ito ng mahikang sirkulo, kaya naman maging si Balrak ay namangha at nahiwagaan sa kaniya dahil kakaiba na agad ang kaniyang kakayahan! "HAAAAAAGHHHHH!" muling sumigaw si Axus habang nakataas ang palad n'ya na may mahika at naglabas ito ng napakarami at malalakas na enerhiya, na nagpasabog sa iba't-ibang panig ng bakanteng lote na iyon! "Sundarava! Hindi na ako magtataka kung bakit s'ya ang sinasabing bata sa propesiya..." sambit ni Balrak habang nagtatago sa ginawa n'yang salamangkang panangga. "Panginoon, anong gagawin natin?! Malakas ang batang iyan!" tanong ni Sebani at tumabi sa hari upang mapangalagaan din s'ya. Binulong sa kaniya ni Balrak ang isang plano at agad s'yang lumisan at nagtungo kay Guzma at muli ring bumalik sa kaniyang hari upang iabot ang isang armas. Si Axus ay patuloy lang sa pagpapakawala ng mga enerhiya habang itong si Balrak ay inihahanda ang hawak niyang pana at isang palaso na may napakatalim na dulo! Nang makahanap ito ng tyempo ay agad nang inatake ang bata, pinakawalan n'ya ang palaso at tumarak ito sa dibdib ni Axus! "—agh!" biglang natigil sa pagpapakawala ng enerhiya ang paslit at unti-unting nanghina— "HAHAHA — HAHAHAHAHA!" pagtawa ni Balrak at nakita n'ya ang paglabas ng dugo sa dibdib ng paslit. Biglang nawalan ng lakas si Axus kaya't nalapitan na siya ng mga Derronian— "Paalam, prinisipe Axus!" sambit ni Balrak at hinawakan sa balikat si Axus saka ito sinaksak sa tiyan! Maya-maya pa ay napabagsak na din sa lupa si Axus! "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" ... (Sa Majezenty) Humahangos na nagtungo sa silid ng mag-asawang Roman at Kaxandra ang isa sa mga apram ng kawal-Goltian, si Rano. "Kamahalan!" agad itong nagbigay galang at nadatnan ang tagpo ng hari at reyna. "Kawal? Ano't humahangos ka?" tanong ni Maro. "Paumanhin, tandang Maro ngunit haring Roman, kailangan n'yo itong makita!" hinahingal na sagot ni Rano sa hari. Hindi pa man nakakapagpalit ng gayak si Roman at kahit pagod sa paglalakbay ay sumama agad ito kay Rano upang tignan kung ano man ang sinasabi nito. Nagtungo sila sa kagubatan at narating ang lagusan ng Ayralum — na bukas! "Apmevento! Sino ang nagbukas nito?!" gulat na tanong ng hari. "Nakita lang namin kamahalan dahil dito kami napadaan." sagot ni Rano. "Kaya pala nawawala ang susi ng lagusan!" sambit ni Roman na may kakaiba na sa nararamdaman. "Hindi kayo ang may kagagawan nito?" pagkagulat ng kawal at umiling lang ang hari kaniya. "Kung hindi kayo ang dahilan ng pagbukas n'yan — ay sino kung gano'n?" Rano "Malalaman natin—" sagot ni Roman at walang pag-aalinlangan itong tumawid sa lagusan. At lahat rin silang mga kawal na kasamang nagtungo sa kagubatan ay tumawid upang samahan ang kanilang hari. "Ngayon ay tapos na aking pagngingitngit — wala na si Axus, wala na ang sinasabing tagapag-ligtas ni Fellian! WHAHAHAHA!" pag-pupugay ni Balrak na may kahalo pang pag kidlat sa kalangitan. "Nagtagumpay tayo, panginoon. Patay na nga si Axus." nakangising sambit ni Guzma habang nakatingin sa naka-dapang katawan ng bata. "Axus?!!" dumating na si Roman at laking gulat n'ya nang makita ang tagpong iyon! "WALANGHIYA KA, ANONG GINAWA MO SA AKING ANAK!!" mabilis nitong si Balrak at pati ang kanilang mga kawal ay naglaban na rin! Labis na ngitngit ang ipinaramdam ni Roman sa hari ng Derrohny at unti-unti nang nagdidilim ang paningin n'ya na wari ba'ng gusto na niyang paslangin ang apmevento! "PAGBABAYARAN MO ANG GINAWA MONG ITO, BALRAK!!" sumpa ni Roman habang patuloy silang nag-eespadahan ni Balrak hanggang sa mabitawan nito ang susi ng Ayralum— Tumalisk sa malayong dako ng lupa ang susi at tangka pa itong kukunin ni Balrak pero inatake na s'ya ng malakas na enerhiya ni Roman. "Hindi mo makukuha 'yan! Cerapal ka!" "Panginoon, marami silang kasamang kawal, magbalik na tayo sa Majezenty!" mungkahi ni Guzma. "Tayo na! Tapos na ang aking pakay rito!" pag-sang ayon ni Balrak at dali-dali na silang tumakas pabalik sa lagusan kung saan sila dumaan. "APMEVENTO KA BALRAK, BUMALIK KA RITO! HINDI PA TAPOS ANG ATING LABAN!" galit na galit na sigaw ni Roman nang makita n'yang umatras na ang hukbong Derronian. Agad n'ya ring dinampot ang susi at pinuntahan ang anak. "Axus... Axus... Gumising ka, anak! Pakiusap!" pagtapik niya sa bata at nakita n'ya ang nakatarak na palaso sa dibdib nito — maging ang napaka raming dugo sa damit nito. "Axus, anak! Naririnig mo ba ako?! Narito na ang iyong ama! Gumising ka, Axus!" labis na takot at pighati ang bumalot sa mukha ng hari dahil tila ba napaslang na nga ni Balrak ang kaniyang anak— "Kamahalan... Wala na ang kapatid ni reyna Kaxandra." malungkot na ulat ni Rano na s'yang tumingin sa nakahandusay at duguan ring bangkay ni Naeso. "Axus... Gumising ka..." patuloy na ginigising ni Roman ang anak— Hanggang sa umubo itong si Axus! Tanda na may buhay at hininga pa ring dumadaloy sa kaniyang katawan!— "Axus?! Axus!!" biglang nabuhayan ng loob si Roman at agad na binuhat ang paslit at tumayo. "May buhay pa ang batang ito." sambit ni Rano na pinakikiramdaman naman si Lawag. "Dalhin n'yo silang lahat — sama-sama tayong magbabalik sa Majezenty." may luhang utos ni Roman at nagmadali na silang makapasok muli sa lagusan at maiuwi ang mga napaslang. Humahangos na lumabas sa lagusan sina Balrak at sila ay nasa Majezenty nang muli. "Tiyak na ipagngingitngit ni Roman ang nangyari, panginoon." nakangising sabi ni Sebani. "Na s'yang inaasahan ko, ngunit hindi lang ang Goltus ang iiyak dahil buong Majezenty ang magluluksa sa pagkawala ng sinasabing tagapagligtas HAHAHAHA!" pagpupugay pa rin ni Balrak. "Tayo na panginoon, parating na sila!" aya naman ni Guzma na naririnig na ang mga papalabas na nilalang sa lagusan. Nagmadali na silang tumakas at sa kanilang pagkilos ay tyempong dating rin ng mga sorsero — na dala ang mga napaslang ng mga Derronian. "Malaking pighati ito para sa reyna Kaxandra..." malungkot na sabi ni Rano. "Huwag n'yo munang ipaalalam sa aking asawa ang mga naganap... Ako na ang kakausap sa kaniya." sambit naman ni Roman. "Masusunod, kamahalan." "Ngayon ay tayo na — 'pagkat nararamdaman kong humihina na ang katawan ni Axus." utos ng hari at sumulong na rin sila ng kaniyang mga kasama patungong Goltus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD