Kabanata 43: Katuparan ng panalangin

2317 Words
Tumagal ang pagtatampisaw ng mga regium at nang humupa ang ulan ay saka lang rin sila nagpasya na magbalik sa loob ng palasyo. Kinuha nila ang kani-kanilang mga tuwalya at nagkuskos muna ng mga buhok saka na naglakad. Si Axus ang nahuhuli sa kanilang apat dahil hindi s'ya mapakali sa kaniyang tainga na pinasukan ng tubig, nang sa pag-tagilid ng kaniyang ulo ay napansin n'ya ang isang kumikinang sa sahig! Nnatigilan tuloy siya at binigyang pansin ang nakita. Isang gintong sinulid... "Sype?! Tignan n'yo ito?!—" pagtawag n'ya sa mga kapatid habang binabakas ang haba ng bagay na iyon. Hanggang sa makarating s'ya sa isang pintuan at nakitang tila nasa loob pa ng silid na iyon ang kahabaan ng sinulid na sinundan n'ya. "Sype?!" pagtawag niyang muli pero wala pa ring sumasagot. Nilingon na niya ang paligid at nagtaka s'ya nang makitang wala palang kahit sino. Mag-isa na s'ya! "Sype?! Verdem?!! Adro?!! Nasaan kayo?? — Sype?!! Verdem?!!!" pagtawag pa niya dahil tila ba pinag-lalaruan na siya ng mga kapatid. Dito na siya nagsimulang maghiwaga at agad na tinignan ang sinulid, pagkatapos ay sinilip niya ay kapirasong siwang sa ilalim ng pintuan at doon ay nakita n'yang may mas kumikinang pa mula sa kabilang panig! Agad s'yang tumayo at binuksan ang pinto... Nang buksan niya ito ay nasilaw s'ya sa liwanag! Saka niya sinimulang humakbang at naramdaman n'yang naka-gayak na siya ng kakaiba! Bigla bang natuyo s'ya at nakasuot na ng isang marangya at kakaibang kasuotang pang regium, kulay dilaw ito na may halong puti. Naka-bota na rin siya kulay kayumanggi at may suot pa s'yang mahabang roba at may talukbong sa ulo. Natigilan s'ya at pinagmasdan ang mga nakikita, sa isang iglap ay tila ba nasa ibang lupalop na siya ng kalupaan, isang hindi kilala at bagong lugar para sa kaniya. Nang tignan pa niya ang kinatatayuan ay nakita n'yang kulay puti ito at tila ba niyebe, dito ay bigla na rin siyang nakaramdam ng lamig. Mula sa pagkaka-tindig ay muli s'yang humakbang at sa pagkakataong ito ay nawawala na ang gintong sinulid na kaniyang sinusundan kanina lamang, pati na ang pintuan na kaniyang binuksan!— "A-anong nangyayari?" tanong n'ya sa sarili habang naglalakad nang muli. Sa kaniyang pagtahak sa landas ay napansin n'yang tila nasa kagubatan s'ya, ang mga puno'y balot nga ng niyebe at sa kalangitan ay may napakaliwanag na buwan na natatakpan ng mga ulap ang kalahati. Tuloy-tuloy lang s'yang naglakad hanggang sa makanataw muli ng kulay ginto! Paglapit n'ya sa pinagmumulan ng liwanag ay nakita naman niya ang maraming mga majezan at waring nagsasagawa ng ritwal ang mga ito. Ang kulay gintong liwanag na kaniyang natanaw ay mga bolang salamangka pala na nabubuo sa gitna ng mga naka-roba rin na nilalang na silang nakapa-ikot at sabay sabay na kumukumpas at gumagalaw. "Napaka ganda hindi ba?" paglapit ng pinuno ng mga majezan. "Anong ginagawa nila?" manghang tanong ni Axus habang nasisinagan ang kaniyang mukha. "Isang alay, alay sa ating mahal na bantay dahil nakarating ka na rito!" sagot ng matanda. "—Ano?!" Axus "Gusto mong subukan?" tanong pa ng matanda, "halika, madali lang ang kailangang gawin, sumabay tayo sa kanila!" aya nito at hindi naman nag-atubiling sumunod si Axus dahil nais n'ya ngang masubukan ang ginagawa ng mga pinapanood n'ya. Hanggang sa naki-halo na sila ng matanda sa mga nagrirtwal at sa kakatuwang pagkakataon ay mabilis s'yang nakasunod sa galaw ng mga ito! Kapansin-pansin na sa kanilang pagsa-sama-sama ay lalo pang dumami ang mga bolang salamangka at mas nagliwanag ang mga ito habang lumulutang. Tuloy-tuloy lang silang gumagalaw nang biglang mapansin ni Axus ang gintong sinulid na nasa lupa na ulit!— Natigilan s'ya at pinagmasdan ang kahabaan ng bagay na iyon, nang hindi n'ya matantiya ay napag-pasiyahan niyang sundan na itong muli at iwan na ang mga naka-salamuha n'ya. Humakbang na s'yang muli at tinahak ang kahabaan pa ng kagubatan habang ang liwanag na nagmumula sa buwan ang kaniyang tanglaw. Nakarating naman s'ya sa isang napaka gandang batis. Mahamog ang paligid rito ngunit kita ang dami ng mga nagliliwanag na alitaptap! Mayroon ring mayabong na puno na may pa-yukong hanay ng mga dahon ang katabi ng napaka linis na tubig at may mga kunehong naglalaro sa paligid. Nang mula sa kaluyan ay nakatanaw naman si Axus ng isa pang nilalang! Mabilis s'yang naghubad ng talukbong at sinubukang kilalanin kung sino iyon pero hindi n'ya makita ang wangis nito. Bukod nalang sa tila patungo sa nilalang na iyon ang sinusundan niyang sinulid. Nakita niyang papalapit pala sa kaniya ang majezan at tamang tama dahil tatanungin niya ito kung ano ba talaga ang nangyayari!— Hanggang sa makalagpas na sa hamog ang nilalang at nagulat si Axus na isa pala itong lalaki— SI NEROZ! Nakasuot rin ito ng marangyang kasuotan na pang prinsipe at hawak ang hangganan ng sinulid! Nakangiti pa itong lumalapit at sa kakaibang pakiramdam ay napangiti rin si Axus na animo'y kilala na nila ang isa't isa. Nang magkalapit nga sila ay kapwa malalalim na titigan ang ibinigay nila sa bawat isa. Si Axus ay bahagya pang nakatingala dahil mas matangkad itong si Neroz kumpara sa kaniya. Maya-maya lang ay kinuha nito ang kaniyang kanang kamay at nagtapat sila ng palad! Pagkatapos ay nilagay ni Neroz sa kaniyang dibdib ang kamay nila habang nagliliwanag mga ito! Tunay na mahiwaga at kakaiba ang pagtatagpo nilang iyon, hanggang sa unti-unti pang inilapit ni Neroz ang kaniyang mukha kay Axus— At nagmulat na ng kaniyang mga mata si Axus — s'ya pala'y nananaginip lamang! Umaga na rin at hindi n'ya maalala kung paano s'ya naka-balik sa kaniyang silid. Bumangon s'ya at habang nag-uunat ng katawan ay narinig n'ya ang mga ingay sa labas. Tumayo s'ya at sumilip sa balkonahe, nang mula doon ay natanaw n'ya ang dumaraming sorsero na nagtutungo sa hardin ng sapolar at mukhang nagdiriwang ang mga ito! Sa ka-usyosohan, at kahit naka-gayak pang tulog pa ay bumaba rin na s'ya upang tignan kung ano ang tunay na nangyayari. "Narito na ang mahal na hari!" masayang sabi ni Capaste nang magpakita sa kanila si Axus. "Axus! Binabati kita!" agad na sinalubong ni Sype ang kapatid at kinapitan ito. "Bakit? — Ano'ng mayroon?" naguguluhang tanong ni Axus habang inaakay s'ya patungo sa unahan. "Nag-bunga na ang panalangin ng mga ta'iasla at babaylan! — magkakaroon ka na ng anak, Axus!" sambit ng amang haring Roman sa kaniyang anak. "Totoo!?" At dito na nga nakita ni Axus ang isang natatanging sapolar na kulay ginto at may sagisag ng pagiging maharlika sa talulot nito! Iyon na ang sisidlan na kinalalagyan ng kaniyang magiging anak! "Sino ang natatanging majezan na iyong natagpuan sa iyong panaginip?! Maganda ba s'ya Axus?!" sabik na tanong ni Verdem. "Ikwento mo naman ang mga nangyari, Axus! Dali!" pag-sulsol pa ni Adro. Biglang naalala ni Axus ang kaniyang panaginip at bahagya s'yang natigilan — nang maalala na lalaki nga pala ang nakita n'ya!— "Huy, Axus?! Natutulala ka na riyan! Naghihintay kami ng sagot!" pag-pitik ni Xelcis sa harap niya dahil natahimik na s'ya. Ang lahat pa naman ng taga-palasyo ay nag-aabang nga ng isasagot. "Magkaka-reyna nang muli ang Goltus!" sambit ni Verdem. "Ahh — hahahahah basta!" pagtawa nalang ni Axus, "—hindi n'yo muna maaaring malaman k-kung sino s'ya!" sabi nito kaya't nawala ang labis na pagka-sabik ng lahat. "Bakit naman, kapatid?! Bakit ayaw mong sabihin sa amin?" tanong ni Sype. "Basta, hahaha — NGUNIT magandang balita ito, hindi ba?" sagot ni Axus. "Kaya ngayon ay magpapahanda ako... ng agahan para sa ating lahat! Magsalo-salo tayo sa iisang hapag! Ayos ba 'yon?" pagpapasigla nito sa mga tila nalanta n'yang mamamayan. Buti na lang at umiglas rin ang mga ito at nagsi-pag-handaan na para sa magaganap na pagdiriwang! Nag-simula nang mag-ayos ang lahat, lalo na ang ibang regium, ngunit si Axus na bihis na ay malalim pa rin ang pag-iisip at tila wala sa sarili. Kasalukuyan nitong kasama si Maro at naglalakad sila patungo sa punong bulwagan. "Ahh, tandang Maro — maaari ba akong magtanong sa 'yo?" sambit ng hari na bahagyang kinakabahan. "Oo naman, kamahalan! Ano iyon?" tanong ni Maro at tumigil sila sa paglalakad. "—paano ba ang mekanismo ng ipinagawa ni ama para mahanap ang magbibigay sa akin ng anak?" tanong ni Axus, "P-paano ito gumagana?" "Ang pananalangin kay Zanaa ay isa sa mga kaugalin ng mga sorsero simula pa noong unang panahon, Axus. Ginagawa ito para sa mga hari na nagnanais matagpuan kung sino ba ang talagang para sa kanila. Batid mo namang ang isang hari ng Goltus ay maaaring magkaroon ng maraming asawa, hindi ba? Ngunit sa pamamagitan ng pananalangin at pagsamo sa ating mahal na bantay ay malalaman ng isang pinuno ang pinaka mainam na kabiyak para sa kaniya!" pagsasalaysay ni Maro at muli na silang naglakad habang taimtim na nakikinig ang hari sa kaniya. "Ibig mong sabihin, tanda... Na ang sinumang matatagpuan ng isang hari sa — sa kaniyang panaginip ay — iyon ang laan ng mahal na Zanaa para sa kaniya?" tanong nito. "Tama, kamahalan! At iba-iba ang paraan na maaaring maganap upang mag-tagpo ang hari at ang napili para sa kaniya. Dahil sa taimtim na panalangin sa kaniya ay ibibigay rin Zanaa ang sa tingin niya'y makabubuti sa isinasamo." sagot ni Maro. Si Axus ay natahimik lang at iniisip pa rin na katulad niya ang nakita n'ya sa kaniyang panaginip. "Ang nangyari sa 'yo, mahal na hari, na sa panaginip mo nakilala ang iyong magiging katipan ay isa lang sa sinasabi kong maraming pwedeng maging daan para pagtagpuin kayo ng napili ng ating bantay!" dagdag pa ng matanda. "At tungkol naman sa supling, Maro... Paano ko makikilala ang k—kaniyang isa pang magulang?" maingat na tanong ni Axus. "Ganito... Sa darating na tatlong araw ay maaaring magpakita na ang babaeng naka-tagpo mo sa iyong panaginip. Ihahatid s'ya rito ng mga paru-paro at iyon ang magiging patunay mo na siya nga ang nakaniig mo." salaysay ni Maro. "Ngunit! — kung lumipas naman ang nasabing bilang ng araw na walang dumadalaw ay tiyak na nagmula pa mismo sa ating bantay ang iyong anak at likas na walang ina!" "Paano, Maro?! — Maaari ba iyon?" naguguluhang tanong ng hari. "Oo, mahal na hari! Subukan mong aralin ang mas malawak na ka-munduhan ng Majezenty, doon ay malalaman mo ang tungkol sa mga stale na silang katuwang si Zanaa sa pamamahala ng Estova. Ang mga natatanging ispiritong ito ang gumagabay at nag-babasbas sa bawat ina dito sa mundo ng mga nabubuhay. Sila ang may pasan sa pamamahala ng pagbibigay-proteksyon sa mga nagdadala ng buhay sa kanilang sinapupunan at sa pagpapanatili na rin na katiwasayan ng isang pamilya!" paliwanag ng matanda at si Axus ay talagang namangha na may iba pa palang hiwaga ang kanilang mundo. Ngunit ang hindi mawala sa isip n'ya ay ang panaginip pa rin at tila hindi naman nasagot ni Maro ang mga katanungang gumugulo sa kaniya. ... (Sa kagubatan) Balisa at palakad-lakad si Neroz habang naghihintay sa tabi ng batis, maging s'ya rin pala ay hindi mapalagay dahil sa napanaginipan n'ya! "Sino ba ang lalaking iyon? B-bakit ko s'ya nakita?" tanong niya sa kaniyang isipan dahil natatandaan n'yang nag-tapat ang kanilang mga palad at iyon ang nagpapabilis sa t***k ng puso niya. Nararamdaman n'ya kasing may kakaiba doon at tiyak na may kabuluhan ang lahat ng nangyari sa kanila, na hindi n'ya batid ay si Axus pala — kapatid ng kaniyang iniibig. "Narito ka na pala, Neroz!" paglitaw ni Sype. "Sype!" agad na niyakap ni Neroz nang mahigpit ang dumating. "Oh, sandali — ano't tila balisa ka ngayon?" pagtataka ng regium. "Wala — wala naman! Paumanhin, hahaha!" natatawang sagot ni Neroz at agad na bumitaw at ikinubli ang may pangamba niyang mga mata. "Ayos ka lang ba? Bakit tila iba ang pakiramdam mo ngayon? Mukha kang — matamlay?" tanong ni Sype. "Wala ito, Sype. S-sadyang nasabik lang ako sa — sa ating pagkikita!" tugon ni Neroz. "Gano'n ba?" sambit ni Sype at hinaplos naman ang pisngi ng kasintahan, "nga pala — may pagdiriwang lang sa Goltus kanina kaya natagalan ako." lahad nito. "Ahh, a-ayos lang, ang mahalaga'y — narito ka nang muli!" ani naman ni Neroz na halatang pilit ang ngiti. "Ayos ka lang talaga?" pag-uulit ni Sype, "may kakaiba talaga sa 'yo ngayon, Neroz." "Wala — wala ito! May — may nangyari l-lamang... Ngunit 'wag mo nang alalahanin pa, hahaha!" nauutal na sabi ni Neroz. "Hmmmm..." Naroon rin sa pook na iyon si Verdem at kasalukuyang nag-aaliw kasama ang mga diwata, habang sina Sype at Neroz ay masinsin na nag-uusap ay nakita sila nito! "Sype?!" gulat na sambit ni Verdem habang tinatanaw ang tila kapatid n'ya nga at para bang — may kasuyuan ito na isa pang lalaki. Dali-daling tumayo ang regium at tinungo ang tabi ng batis, doon ay napatunayan n'ya ngang si Sype ito! At may kausap na isang mandirigma! "SYPE!!" galit niyang pagtawag. Gulat na gulat si Sype nang marinig ang pagtawag sa kaniya at nang lumingon ay nakita nga rin si Verdem! Tyempong hawak pa naman niya ang mukha ni Neroz— "VERDEM!?" "S-sino 'yan?!" gulat na tanong ni Verdem. "'Wag mong sabihing—" "Ako lang naman ang manunuyo ng mahal na regium, sino ka ba?" pa-sigaw na sagot ni Neroz kaya hinawakan s'ya nang mahigpit ni Sype. "Neroz — 'wag ka nang magsalita!—" sabi nito. "PASAWAY!" bulyaw pa ni Verdem at mabilis na naglaho! "Sundarava!!" biglang kumawala kay Neroz si Sype at talagang kita dito ang pangamba! "Bakit mo pa s'ya pinatulan! Sundarava, nalaman na tuloy niya!" pagka-dismaya nito. "Sandali — sino ba 'yon?!" naguguluhang tanong ni Neroz. "Kapatid ko! — nakatatandang kapatid..." ngatog nang sagot ni Sype. "Ha? — h-hindi ko batid! Pa-paumanhin!!" gulat na tugon ni Neroz. "Magkita na lang tayo muli — 'pag nalusutan ko na 'to!" paalam ng regium at agad rin na naglaho! "Aghhh! Apmevento!" pagka-bugnot ni Neroz dahil nadagdagan na naman ang kaniyang iisipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD