Kabanata 44: Ang suliranin ni Sype

1274 Words
(Sa Goltus) Dali-daling nagbalik sa palasyo ang Regium Sype, malalaki ang kaniyang hakbang n'ya at mabilis ang pintig ng kaniyang puso. Nang papasok na s'ya sa ikalawang entrada ay bigla s'yang sinalubong ni Verdem! "Oh — ba't narito ka na?" pagharang nito at lubhang nagulat si Sype kaya napaatras. "V-Verdem?!" "Bakit nagbalik ka na? Iniwan mo na agad ang mandirigma?!" pang-uuyam pa ng kapatid. "A-anong sinabi mo k-kay ama?!" nangangatog na tanong ni Sype. "Kung isinumbong kita, 'di sana'y naka-balandra na sa harapan ng palasyo ang ulo ng manunuyo mo." sagot ni Verdem na talagang nagpakaba dito sa isa. "Sino ba s'ya?! At bakit — s'ya?!" tanong pa nito, "dalhin mo ako sa kanya at nang makausap ko s'ya!" "Hindi! Hindi mangyayari 'yan!" pagtutol ni Sype at inikot pa ang mga mata. "At bakit? — ayaw mo ba'ng makilala ng butihin mong kapatid ang iyong 'nobyo'?!" pang-uuyam muli ni Verdem at nabalot na naman ng kaba at hiya si Sype. "Feri!—" pabulong pa na sabi nito at naglakad patungo sa likod ng kapatid, "masama bang kilalanin ko ang mandirigma? Ba't ka natatakot? Hahahahaha!" bulong nito at tumindig ang mga balahibo ni Sype sa takot. Sa punong bulwagan ng palasyo, si Axus ay nasa kalagitnaan ng kaniyang pagbabasbas sa dalawang Goltian na nag-iisang dibdib nang dumating ang kaniyang amang hari at kasama si Adro. "Ngayon ay maaari mo nang hagkan ang iyong asawa!" nakangiting hayag ni Axus sa lsorsero at nagdikit na ng labi ang mga bagong kasal. "Maraming salamat, haring Axus! Salamat sa sandaling iginugol n'yo para sa amin!" pasasalamat ng sorsera. "Walang anuman, Idia. Masaya akong maging bahagi sa inyong magiging kasaysayan. Binabati ko kayo!" tugon ng hari at muling hinagkan ng mag-asawa ang isa't isa! Nagpa-ingay ng kanilang mga sandata ang lahat ng kawal na naroroon sa bulwagan bilang pagpupugay sa bagong kasal, at matapos no'n ay nagbigay-galang na ang mga ito at lumisan para sa kanilang pulot-gata. Bumaba na sa kinatatayuan n'ya si Axus at nilapitan naman siya ng ama at kapatid... "Nakatutuwang na-kabisado mo agad ang lahat ng gampanin ng isa hari, Axus. Magaling!" nakangiting puri ni Roman. "'Yun ay dahil magaling kayong magturo, ama!" sagot naman ni Axus habang nasa likod ang mga kamay. "Ngayon na naka-saksi ako ng pagkakasal ay maitanong ko nga Axus — ikaw, kailan ka ba mag-aasawa?" tanong naman ni Adro, "hindi ba't may sapolar ka na sa hardin? Nasaan naman ang iyong kapareha?" Biglang natigilan si Axus at napaisip, naalala n'ya ang nasabi sa kaniya ni Maro — na sa loob ng tatlong araw ay maaari na niyang makilala ang kaniyang magiging asawa. Bagamat may pag-aalinlangan pa rin ay ngumiti s'ya at hindi ulit sumagot sa katanungan ng kapatid ukol sa usapin ng pagkakaroon ng kabiyak. Ibinaling nalang niya sa iba ang kanilang pag-uusap upang hindi n'ya maalala ang "masalimuot" niyang panaginip. Hanggang sa sumapit na ang gabi... Nasa kaniya namang tanggapan ang hari at lumalagda ng ilang kasulatan, mag-isa lang s'ya sa malaking lamesa habang nasa gilid ang mga kawal at hora. "Ahh — mahal na hari?!" pagdating ni Sype na naka-gayak pang regium na at tila may pangamba nang umupo sa tabi ng kapatid. "Oh, Sype?! Ngayon lang kita nakita ah? Kumusta ka?" natutuwang bati ni Axus. "Ayos naman ako, kamahalan..." sagot ni Sype na may ngiting pilit at nakababang paningin. "May bumabagabag ba iyo, Sype?" may kabang tanong ng hari. "—ahmmm, Axus... M-maaari ba akong humiling sa 'yo?" tugon ng kapatid. "Oo naman! Ano ba'ng nais mo?!" "—maaari bang — isa-batas mo ang pagbibigay pahintulot sa — sa magkaparehong nilalang na — nagmamahalan?" nauutal na sambit ni Sype at hinawakan agad sa kamay ang hari. "Hiling ko'y bigyan mo ng kalayaan ang lahat na umiibig — maging s-sa katulad nila! — Isang karapatan na para sa bawat isang nilalang upang hindi na maging kasalanan o — kasiraan sa kanila ang pakikipag-ugnayan sa alam mo na—" At itong si Axus ay hindi agad nakasalita, bagkus ay napa-titig lang sa mga malungkot na mata ng kapatid at nararamdaman n'yang may suliranin ito — hindi lang maamin ng tuwid. "—Bakit naman 'yan ang nais mo'ng hilingin?" tanong niya at muling tumungo si Sype na halatang naluluha na. "Paumanhin kapatid ngunit — mahirap ang nais mo... Tiyak na aalmahan 'yan ng marami at uusisain sakaling buksan ko ang ganitong usapin sa konseho." paliwanag niya. "Batid mong hindi ganap ang pag-unawa ng lahat sa — ganiyan. H-hindi lahat ay katulad mo, natin, na naiintidihan ang mga bagay na bago o kakaiba!? Nabubuhay tayo sa nakasanayan, Sype... At masasabi kong tanging iilan lamang ang nagnanais sumugal pasulong dahil lahat ay nananatili sa kung ano ang kinagisnan." saloobin pa niya. "Ngunit — hindi ba makabubuti kung maging bukas ang kaisipan ng lahat sa mga ganito — sa kung ano ang maaari at nangyayari naman talaga?" pagpipilit ni Sype at bahagya nang pumutak ang mga luha sa mata. "'Yun na ang magiging napaka gandang handog mo para sa akin Axus — kung saka-sakali." dagdag nito saka tumayo at dali-daling lumabas ng tanggapan habang si Axus ay naiwan na nag-iisip at tila nalungkot na rin. At nang sumunod na araw... Habang nakikipagkulitan sa mga diwata at engkanto ang magkakaibigan na Neroz, Pando at Almer ay dumating ang mga regium — sina Sype at Verdem na kapwa mga nakaroba. "Salutem, mandirigma!" pagbati ni Verdem at napalingon ang tatlo. Mabilis na nag-kulasan ang lahat ng nilalang at ang mga kaibigan ni Neroz ay kinabahan para sa kaniya. "Neroz, ang mga regium!" bulong ni Pando nang tumayo sila. "Salutem mga regium! Sype?! Sino itong kasama mo?" may ka-palaluan na tanong ni Neroz. "Nais kong sabihin sa inyo ng aking kapatid na hindi ko pa kayo inilalantad sa aming ama at sa mahal na hari." wika ni Verdem at naghubad ng roba. "Kaya hinahamon kita, Neroz! Talunin mo ako sa isang paligsahan at mananatiling lihim ang inyong ugnayan — ni Sype!" panghahamon nito na labis na ikinagulat ng lahat! "Verdem — ano ito? Ang sabi mo'y..." paghawak ni Sype sa braso ng kapatid. "Sancte! 'Wag kang makialam." pagngisi nitong isa. Ngumisi si Neroz at hinubad rin ni Neroz ang nakasukbit sa kaniyang balikat at ibinaba ito sa lupa— "Kapag ako ang nagwagi ay puputulin na ninyo ng aking kapatid ang kung ano mang namamagitan sa inyo at lalayo ka na para sa ikabubuti nating lahat!" kundisyon ni Verdem. "At kung ako naman ang magwagi?" walang kaba na tanong naman ni Neroz. "Kaibigan! Ano bang sinasabi mo?! Talagang makiki-pag-tagisan ka sa regium na 'yan?" nababahalang tanong ni Pando, "hindi mo s'ya kakayanin! Makapangyarihan ang mga sorsero ng Goltus!" "Kung sa ganitong pamamaraan ko mapatunanayan na malinis ang aking hangarin kay Sype ay bakit hindi?" matapang na sagot ni Neroz na ikinagulat ng lahat. "Anong kaniyang sinasabi?!—"pagbubulungan ng mga sirena sa paligid. "Kung ikaw ang magwawagi ay ako mismo — bilang tagapangalaga ng katubigan ay pahihintulutan kayo sa inyo mga naisin." taas-noong saad ni Verdem. "Magaling! Kung gano'n ay maghanda ka nang matalo!" pagngisi ng mandirigma at sabay silang dalawa ni Verdem na naghubad ng pang-itaas! Napanganga ang lahat ng dalagang nilalang na nasa paligid nang magpakita ng kani-kanilang kisig ang dalawang binata! Pareho silang may kaaya-ayang mga katawan ngunit mas dumagdag sa kisig ng Regium Verdem ang kaniyang mahabang buhok! "Regium?! Anong nangyayari?!" tanong ni Pando kay Sype nang tabihan nila ito. Nang maya-maya lang ay nagtungo na silang lahat sa matarik na bahagi ng Saghara upang ganapin na nga ang tunggalian ng mandirigma at sorsero — habang itong si Sype ay nababahala na sa kung ano ang kahihitnatnan ng dalawang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD