Kabanata 45: Laban nina Neroz at Verdem

2019 Words
(Sa may bangin) "Bago tayo magsimula ay nais kong sabihin na patas at malinis na laban lang ang nais ko. Walang kapangyarihan, tanging lakas at husay lamang." panghahamon ni Neroz. "At bakit? Natatakot ka ba na madali kitang madadaig?" tanong naman ni Verdem. "Kung tunay kang matapang ay sasang-ayon ka nalang at hindi na magtatanong pa." pagngisi ni Neroz. "Apmevento—" mahinang sambit ni Verdem, "pumapayag ako! Walang kapangyarihang madadawit sa paligsahang ito!" Hanggang sa pumuwesto na sa harap ng dalawa ang isang matandang siyokoy... "Ngayong nakahanda kayong dalawa ay sisimulan na natin ang tagisan!" proklama nito at nag-hiyawan ang lahat, bukod kay Sype. "Galingan mo, kaibigan!!" sigaw ni Pando. "Shh! Hoy ano ka ba!" pag-awat dito ni Almer. "Mag-iingat ka, Neroz..." nababahalang sabi ni Sypebsa kaniyang isip. "Ito ang inyong paglalabanan!" sambit ng siyokoy ay itinaas ang hawak na isda. "Isang liria." bigkas ni Neroz. "Mabilis lumangoy ang isang ito at ang gagawin n'yo ay hulihin lang s'ya. Ang maunang umahon sa tubig na dala ang liria ay s'yang mananalo!" sambit ng nilalang. "Handa na ba kayo?!" tanong nito. "Handa na!" sagot nina Verdem at itong si Neroz ay kumindat pa kay Sype. "Kung gano'n — simulan na ang paghuli!" hudyat ng siyokoy at ibinato na nang pagkalayo-layo ang hawak na isda! "Dito ka na mamamatay—" sambit ni Verdem sa kaniyang isipan nang sabay na silang tumalon ni Neroz pabagsak sa katubigan. Ang lahat ng nanonood ay agad na bumaba at nagtungo naman sa may dalampasigan upang doon tignan ang susunod na mangyayari! Bumagsak na tubig ang dalawang binata at nakita nila ang maliit na liwanag sa malayong bahagi, iyon ang liria, nagliliwanag kasi ito kapag nasa katubigan na. Mabilis na lumubog sa tubig sila Neroz at Verdem, at sinimulan nang sumisid! "Nasaan na?! Nasan na sila?!" pagdating nila Pando ngunit ang nakita nalang nila ay ang mga hampas ng tubig sa malayong dako kung saan bumagsak ang dalawa. Parehong mabilis lumangoy itong mandirigma at sorsero kaya magkabasay din silang nakalapit sa isda. Nang dadaklutin na ito ni Neroz at hinila s'ya ni Verdem sa paa! Kaya naman mabilis na tumaas itong si Neroz dahil mauubusan siya ng hininga!— "Haaahh — haaahh... Madaya ka!" sigaw nito kay Verdem. "'Di mo ako kakayanin mandirigma, umatras ka nalang!" pag-ngisi ni Verdem at muli nang sumisid. "Apmevento!" Neroz "NEROZ! NEROZ?!!" pagtawag ni Sype mula sa dalampasigan, "NEROZ MAG-IINGAT KA!" sigaw nito habang kumakaway. Muling ginanahan si Neroz kaya huminga s'ya ng malalim at sumisid na din para utakan ang kaniyang kalaban! Habang lumalangoy si Verdem ay biglang may kung anong bagay ang tumama sa kaniyang dibdib, at si Neroz pala iyon na buong lakas siyang inumpog! "AHH!" daing ng regium at nakitang lumalangoy na ng mabilis nag mandirigma. "Hindi ka mananalo sa 'kin, Neroz" sabi nito sa isipan at hinabol na ang katunggali. Sobrang lapit na ni Neroz sa isda at nang huhulihin n'ya ay may umupog din sa ulo niya nang pagka-lakas lakas! "AHHH!" paghawak n'ya sa ulo n'ya at nang imulat ang mga mata ay nakita si Verdem, na may palikpik na sa mga braso at may hasang sa leeg! "Sa 'kin na ang liria." tinig nito sa kaniyang isipan. "Sancte, hindi ka mananalo!" sabi ni Neroz at muli silang nag-sabay na lumangoy para hulihin ang isda! Si Verdem ang naman nakakuha pero sinipa s'ya ni Neroz sa tiyan kaya nabitawan n'ya ito! Mabilis na binuksan ni Neroz ang bote na nasa baewang n'ya at ginamit ito upang mahuli na ang liria. Pero — mula sa lalim ng pinatunguhan ni Verdem ay may bumubulusok na tubig ang tumama sa kan'ya kaya nabitawan n'ya ang bote! "HAHAHA! Akin na 'to!" pagtaas ni Verdem at hinawakan ang kinalalagyan ng liria. Nang lalangoy na s'ya pabalik sa dalampasigan ay hinila s'ya ni Neroz sa paa kaya muli siyang napailalim sa katubigan! At doon sa ilalim na nga sila muling nag-bugbugan. Sinapak ni Neroz sa mukha ang regium at tinadyakan naman s'ya nito, pagkatapos ay sinapak rin s'ya at muling inumpog! "AGHH!—" daing ni Neroz na may dugo na sa labi. "Hindi mo ako kakayanin!" tinig ni Verdem sa isipan niya. "'Yun ang akala mo!" tinig din ni Neroz at inilabas sa likuran n'ya ang bote! "Pasaway!" Verdem Nang saktan kasi ni Verdem si Neroz ay nabitawan n'ya ang liria kaya nakuha ito ng mandirigma nang hindi niya namamalayan!! "Panalo na 'ko!" tinig ni Neroz saka ngumiti at mabilis na lumangoy palayo! "Hindi pa tayo tapos!!" ngitngit ni Verdem at inilabas na ang hiyas ng tubig!— Sinimulan na niyang umatake ng enerhiya! Pero nakakaiwas naman itong si Neroz kaya hindi nasasaktan. "HAHA! TALUNAN!" sambit nito at nilingon ang regium. PERO BIGLANG MAY SUMAPAK NA NAMAN SA KANIYA! "AGHHH!" nabitawan n'yang muli ang bote at nakuha ito ni Verdem! "Galingan mo nalang sa susunod, bata!" sambit nito na s'ya palang sumapak kay Neroz. "Hindi mo makukuha sa 'kin yan!!" ngitngit ng mandirigma at muling hinila pailalim ang sorsero! Doon na naman sila muling nagsakitan at sa pagkakataong ito ay maaari na silang maubusan pareho ng hininga!— Nag-agawan pa sila sa bote hanggang sa makuha ito ni Neroz— "Hindi ako natatalo, Neroz!" sambit ni Verdem at inilabas muli ang hiyas ng tubig!— "Ano na kayang nangyayari sa kanila?!! Ang tagal nilang umahon!" nababahalang sambit ni Sype habang lahat sila sa dalampasigan ay tensyunado na. "AGHH — bumitaw ka, regium!!" "AGHHHH—" HANGGANG SA MAY MALAKAS NA ENERHIYA ANG NAGPA-AHON SA DALAWA MULA SA KATUBIGAN! Nakapagpakawala pala ng salamangka si Verdem kaya sila ni Neroz ay tumalsik na pabalik sa kalupaan. "NEROZ!" sigaw ni Sype at dali-daling nilapitan ang iniibig. "Neroz, Neroz?!! Ayos ka lang ba ha?" nag-aalala niyang tanong. "Oo naman — mahal kong Sype..." pagngiti ni Neroz at inilabas sa kamay ang bote! "Si Neroz ang nalalo!!" pagdampot ng isang siyokoy sa bote at itinaas ito. "WHOAAAAHHH!!" pagpupugay ng lahat sa binata at inalalayan na itong tumayo ni Sype. Habang itong si Verdem ay asar na tumayong mag-isa... "Natalo kita, paano ba 'yan?" pag-aangas ni Neroz. "Tss! Apmevento—" sambit ni Verdem at sa hiya'y mabilis na lumakad papalayo. "Ano'ng masasabi mo mahal na regium?!" nang-aakit na tanong ni Neroz sa kaniyang regium. "Tinakot mo ako — ngunit magaling, aking Neroz! Napahanga mo ako!" sagot naman ni Sype at mabilis na hinagkan sa pisngi ang mandirigma, sadyang mabilis upang hindi mapansin ng lahat. Natuwa at namula naman ang mga tainga ni Neroz nang gawin iyon sa kaniya kaya sa kilig ay kinuha n'ya ang kamay ni Sype at dahan dahan itong hinagkan! "Eroam inconvanse, Sype!" bigkas n'ya na may kasama pang mga titig. "Sancte Neroz... Nakakahiya!" namumulang sabi ni Sype dahil nakikita na sila ng mga nilalang. ... (Goltus) Bugnot na bugnot si Verdem nang s'ya ay magbalik sa kanilang palasyo at — nagtungo s'ya sa silid ng kanilang ama! "Ama?!" paghangos n'ya "Verdem?! Ano't ganiyan ang iyong ayos?" tanong ni Roman dahil nakitang basang-basa ang anak. "—may kailangan kang malaman ama... Ukol kay Sype!" sambit ni Verdem. At nang sumapit ang hapon ay nagbalik na rin sa palasyo si Sype, sa punong bulwagan siya nagtungo upang doon dumaan papunta sa kaniyang silid ngunit nagtaka s'ya na naroroon ang kanilang ama kaya napahinto s'ya— "A-ama?! Salutem!" pagbibigay-galang n'ya. "Saan ka nanggaling?" malamig na tanong ni Roman. "S-sa Romalum... S-sa aking mga kaibigan — lobo!" pagsisinungaling ni Sype. "Totoo?!" pagdating ni Verdem na nakagayak pampalasyo na. Naglakad ito patungo sa trono, malapit sa kanilang ama. "V-Verdem?" "Bakit hindi mo sabihin sa ating ama kung saan ka talaga nagtungo? Hindi ba't sa Saghara ka nanggaling? Sa iyong mandirigma!" may diin na sabi ni Verdem na nagpa-ngatog kay Sype! At ang kanilang ama ay tumayo sa kinauupuan nito— "Totoo ba ang mga iniulat sa akin ng iyong kapatid?" "Totoo bang nakikipagmabutihan ka sa isang — lalaki?!" Hindi na nakasalita si Sype at napalunok nalang sa kaba— Sa silid ni Roman... "Anong pumasok d'yan sa isip mo at bakit ka nakipag-ugnayan sa isang mandirigma?! At s-sa lalaki pa, Sype?!" galit at dismayasong tanong ng ama sa anak habang ito'y nakaupo at nakatungo lang. "Hindi mo na inisip kung ano ang sasabihin ng lahat kapag may nakaalam d'yan!? Mahigpit na ipinagbabawal iyan Sype! Hindi ka dapat — umiibig sa — sa katulad mo! Lalaki ka, Sype!!" pag-didiin nito. "Ngunit nagmamahalan nga kami ni Neroz, ama! Wala kang magagawa para — para paghiwalayin kami!" pag-laban ni Sype, na kahit ngatog na ngatog na ay pinili nang magsalita. "Kalokohan!! HINDI IYAN PAGMAMAHAL! WALANG GANIYANG PAG-IBIG!" sigaw ni Roman kaya lalong nanginig ang regium. Napadaan si Adro sa silid na iyon at nakita n'ya si Verdem na tila nakikinig mula sa pintuan. "Hoy, anong ginagawa mo d'yan?!" tanong n'ya. "Shh! 'Wag ka ngang maingay! Hindi ko sila marinig!" pag-papatahimik ni Verdem. "Sino?!" at sa ka-usyosohan rin ni Adro ay idinikit n'ya ang tainga sa pintuan. "Si ama?! S-sino ang kaniyang pinagagalitan?!" "Si Sype! Napag-alaman kasi namin na may katipan siyang — alam mo na..." sagot ni Verdem at nanlaki ang mga mata nitong isa. "Ha?? Totoo?! Isang — talaga?! Nagka-lantaran na!?" Adro "Oo! Kaya 'wag ka ngang maingay, kundi ay wala tayong maiintindihan sa kanilang pagtatalo!" "Itigil mo na iyan Sype... Putulin mo na ang kung ano mang mayroon kayo ng N-Neroz?! Niyang Neroz na iyan!" utos ni Roman sa anak. "Layuan mo na s'ya, 'wag mo nang palawigin pa ang kung ano mang 'pagmamahalan' ang sinasabi mo. Dahil — h-hindi ko nais na makarating ito sa konseho o malaman pa ng lahat!" "Bakit ama?! Ikinahihiya mo ba ang iyong anak?" habag na habag na sambit ni Sype. "Ikinahihiya mong may anak kang feri!!? Hindi ama — hindi mo na ako maaaring diktahan sa kung ano ang dapat at hindi dapat kong gawin! May sariling pag-iisip na ako ama at may kalayaan na akong magdesisyon para sa aking sarili!" pagtutol nito na lumuluha na. "At ano ang nais mo?! Ang hayaan kita sa balikwas mong gawain at paniniwala?! Sinasabi ko sa 'yo Sype, MALI IYAN! KASALANAN IYAN!" pagdidiin ng ama. "Ano'ng mali ama!?? Ano'ng kasalanan!? Mali ba mahalin ang isang 'gaya ko?! Kasalanan ba na maranasan ko man lang na umibig at ibigin rin!?" pagmamaktol ni Sype. "Dahil 'yun ang batas at iyon ang kautusan ng ating mga bantay! WALA PA SA ATING LAHI ANG NAGKAKAGANIYAN AT WALA SA ATING LAHI ANG GANIYAN!" bulyaw ni Roman "—walang feri sa mga sorsero..." pabulong nitong sambit. "Mayroon na, ama... AKO!! Kaya hindi mo ako pwedeng diktahan at hindi ko pakakawalan ang natatanging kaligayan ko!" pagmamatigas ni Sype. "Sige... Mamili ka — titigalan mo ang kahibangan mo sa mandirigmang iyan o parurusahan kita?!" tanong na ng ama na labis na nagpagulat kay Sype! Natigilan ito habang patuloy lang na tumutulo ang mga luha— "Hangad ko lang ang makabubuti para sa 'yo aking anak, kaya sana'y — naiintindihan mo ang aking pinanggagalingan. Hindi kayo maaari at kailanman ay hindi kayo magiging ganap!" mahinahong sabi ni Roman at dito na tumayo ang anak. "Parusahan mo na ako, ama... pero hindi ko talaga isusuko ang natatanging nilalang na nakakaintindi at nagmamahal sa akin!" huling pag-papasya ni Sype at mabilis nang lumakad palabas ng silid. Pagbukas niya ng pinto ay muntik pang sumubsob sina Verdem at Adro na kanina pa nakikinig sa labas— "Aray!!" daing ni Adro. Hindi na nagsalita pa si Sype, ngunit tinitigan niya ng pagka-sama-sama si Verdem, pagkatapos ay padabog siyang lumakad papalayo at hinabol pa siya ng ama. "Sype, sandali!" pagtawag ni Roman. "Ama!?" pagharang nina Verdem. "A-anong nangyari sa — sa inyong pag-uusap?" tanong nito at umiling nalang ang ama. Si Sype ay humagulgol ng pag-iyak nang makarating sa kaniyang silid, pinag-gugulo niya ang ayos ng kaniyang kama at sa mga unan naglabas ng hinanakit, pinagsusuntok n'ya mga ito hanggang sa s'ya ay mapayuko nalang at lalo pang tumangis. Dahil hindi naging maganda ang takbo ng kanilang usapan ay isa nalang ang naisip na paraan ni Roman upang mapahiwalay siya sa kinalolokohang mandirigma. "Ama?! — ipinapatawag mo raw ako?" pagdating ni Axus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD