Kabanata 46: Ang pagtatagpo nina Axus at Neroz

3138 Words
(Sa silid ni Roman) "Ipinatawag kita Axus dahil ikaw nalang ang naiisip kong maka-gagawa ng paraan upang mahinto ang pakikipag-ugnayan ng iyong suwail na kapatid sa isang mandirigma." saad ni Roman at napaisip agad si Axus. "A-ama?! Anong?—" "Nakarating sa aking kaalaman at napatunayan ko rin na may kasuyuan na lalaki itong si Sype, isang mandirigma na nagngangalang Neroz." pagsasalaysay ng ama at nagulat si Axus — nagulat na alam na pala ng kanilang ama ang tungkol sa lihim na katipan ng kaniyang kapatid. "Nais kong hanapin mo ang kinaroroonan ng majezan na ito at kausapin s'ya. Sabihin mo ang lahat ng makakapanakot sa kaniya upang sa gano'n ay mapilit rin s'ya na layuan na nga si Sype." utos ni Roman. "Hindi ko nais na makarating pa ito sa kinauukulan dahil tiyak na lalabas at lalabas rin ang lahat ng mga bagay patungkol sa kanilang dalawa." "Sandali ama — n-napag-usapan n'yo na ba ito ng aking kapatid?! Ni Sype? — nasaan s'ya?!" tanong ni Axus. "Marahil ay nasa kaniya nang silid, nag-mumukmok at naghihinanakit dahil kinumbinsi ko rin s'ya na layuan na ang Neroz na ito." sagot ng ama. "Ahh — pa-umanhin ama... Ngunit, hindi kaya — makabubuti kung — hahayaan na muna natin si Sype sa kaniyang nais? N-na huwag tayong makialam sa kung ano ang nais n'yang gawin?" mungkahi ng hari. "Sinasabi mo bang pumapanig ka sa pagkakamali ng iyong kapatid, Axus?!" tanong ni Roman, "hindi — hindi ako papayag, hindi pwede! Hindi pwede ang sinasabi n'yang pagmamahalan raw nila dahil ito'y kasalanan! Batid mo iyan hindi ba?! Bakit — tila sumasalungat ka sa pagtatamang gagawin natin sa iyong kapatid?" at tila tumataas na ang tono nito. "Eh k-kasi ama — hindi naman natin madidiktahan ang puso ng isang nilalang, hindi ba?! Kung hindi n'ya kalooban ang ninanais mo ay hindi n'ya ito gagawin?" paliwanag ni Axus. At si Roman ay natulala sa sinasabi ng anak kaya naman tumayo s'ya sa kinauupuan at lumakad. "Hindi maaari ang pakikipag-ugnayan ni Sype sa isang katulad n'ya, doon pa lamang ay may sapat na tayong dahilan upang hindi s'ya kunsintihin. Alam mo na ang batas Axus... Ang tama at mali!" wika nito at napayuko nalang ang hari — dahil tama nga naman. "Kaya bilang inyong ama ay inuutusan kita, hanapin mo ang mandirigma at sabihin sa kaniya ang maaari nilang maging parusa ni Sype sakaling hindi sila tumigil na dalawa." Itinaas na ni Axus ang ulo n'ya at kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan— "Ikaw na ang hari, Axus... At kahit kapatid mo ay hindi mo pa rin maaaring pagbigyan ang kaniyang kamalian. Isa kang pantas na pinuno, batid ko!" dagdag ni Roman at hinawakan sa balikat ang hari. "Oo, ama... Masusunod po—" malamig na sagot nito. "May tiwala ako sa 'yo anak... Kaya sige na, puntahan mo na iyang Neroz na 'yan. Isama mo si Verdem dahil siya ang nakakakilala sa mandirigma na inyong kakausapin." Tumango nalang si Axus at saka sinuklian ng maliit na ngiti ang ama, pagkatapos ay lumabas na siya sa silid nito at naglakad patungo sa kaniyang silid upang makapag-palit na ng gayak. Napadaan s'ya sa silid ng kapatid, kay Sype at nakita n'yang sarado ito, pero lumapit pa rin s'ya at sumilip sa pintuan. Doon ay namasid n'ya ang kapatid na tila natutulog na at yakap-yakap ang isang unan, papasok pa sana s'ya ngunit pinigilan nalang niya ang kaniyang sarili. "Patawad, aking kapatid... Ngunit kailangan kong gawin ito." malungkot niyang sabi at saka mabilis na lumakad palayo. Matapos magpalit ay nagtungo na siya sa bukana ng palasyo, suot ang kaniyang roba na panglakbay. T'yempong naroroon si Verdem at may kinakausap na ilang mga kawal. "Verdem?!" paglapit ng hari. "Kamahalan! Salutem!" pag-bibigay galang ng regium at ng mga kausap nito. "Samahan mo ako, velaca... Samahan mo ako sa mandirigma na nagngangalang Neroz." utos ni Axus. ------------------ VELACA - Kuya ------------------ "—ang katipan ni Sype?! Bakit, Axus? Ano'ng — gagawin natin sa kaniya?" tanong ni Verdem at ipinahawak agad sa kawal ang dala niya. "Dahil may pagkakamali silang dalawa... At kailangan ko iyong itama." sagot ni Axus na kita pa ring may pag-aagam-agam. "Ahh paumanhin kamahalan, ngunit hindi ko tiyak ang kinaroroonan ng Neroz na ito, bukod lang sa batid ko na siya ay mula sa pangkat ng mga Jezam ay hindi ko na alam ang iba pang bagay ukol sa kaniya." saad ni Verdem. "Ako! Batid ko kung saan matatagpuan ang kanilang tirahan!" pagsali ng isa sa mga kawal, si Lawag. "Hayaan ninyong samahan ko kayo — regium, mahal na hari?!" alok nito. "Magaling, kung gano'n tayo na! Kailangan na naming magkaharap ng mandirigma!" aya ni Axus. ... (Sa kabundukan ng Websa'a) Gabi na at masayang nag-iinuman ang mga mandirigmang Jezam, maliwanag ang paligid nila dahil sa mga lampara at labis din ang kanilang ingay, tila mga lasing na. "Isang tapayan pa!" sigaw ng pinuno, si Adan. Muling naglagay ng kani-kanilang alak ang mga mandirigma at itinaas ang kanilang mga baso— "TAGAY!!" sigaw nito at tyempong dumating na ang mga sorsero! Lumitaw ang magkapatid na regium kasama ang napaka raming kawal sa tabi nila. "Pweee — MGA SORSERO!!!" sigaw ni Pando at lahat silang nag-iinuman ay nag-kulasan dahil sa biglaang pagdating ng mga kinikilalang pinuno ngayon ng Majezenty. Ang ilan ay nagtakbuhan at ang ilan naman ay dumampot ng kani-kanilang sandata upang ipang-depensa kung sakaling may mangyari— "Anong ginagawa niyo rito sa aming kuta, mga sorsero?!" pangunguna ni Adan sa kaniyang mga kasama habang ang mga kawal sa kabilang panig ay naka-amba rin sa kanila. "Ano't naparito ang mga regium ng Goltus?" pagdating ni Neroz na nakataas pa ang ulo at mukhang nag-aangas. "Oh salutem, Verdem! Nais mo na naman bang matalo?" preskong tanong nito nang makilala ang naka-berdeng roba. "Hambog ka talaga!" ngitngit naman ni Verdem at lumakad palapit sa mandirigma. "Ngunit hindi kami naparito ng aking kapatid na hari upang hamunin ka sa anumang laban. Naparito kami 'pagkat nais ng amang hari na tigilan mo ang aming kapatid na si Sype!" paliwanag nito at ang mga kasa-pangkat ni Neroz ay nagulat at nagtaka sa kung ano ang sinasabi ng sorsero. "Heh! At bakit ako susunod sa inyo?" walang kaba na tanong ni Neroz. Kaya naman dito na lumantad si Axus at naghubad ng talukbong!— "Dahil kaparusahan ang naghihintay kung wala sa inyong dalawa ang magpapa-ubaya!" wika nito at nang lumingon sa mandirigma ay nagulat! Maging si Neroz ay labis na nagulat nang masilayan ang hari pala ng Goltus! BIGLANG NAGBALIK SA KANIYANG GUNITA ANG PANAGINIP NA ANG LALAKING ITO ANG KANIYANG NAKASAMA AT NAKA-TAPATANG PALAD! "IKAW?!" bigkas niya at napaatras, "ikaw ang hari ng mga sorsero?" "—o-OO! K-kaya bilang hari ay inuutusan kita na huwag nang makipagkita sa aming kapatid, kay Sype! Putulin n'yo na ang inyong ugnayan at kalimutan na kayo'y nagkakilala!" utos ni Axus at nagtaas ng noo upang hindi ipahalata na naiilang s'ya. "Hindi! — H-hindi ako pumapayag!" sagot naman ni Neroz at dito na nagsimulang makisali sa kanilang usapan ang mga kasama n'yang mandirigma. "Neroz?!! Ano ito?! Anong ginagawa mo!?" galit ngunit pabulong na tanong ni Adan. "Mahal ko si Sype at nagmamahalan kami — batid n'yo 'yan, mga regium! At batid n'yo ring LAHAT 'yan! Kaya kahit anong sabihin n'yo ay hindi ko lalayuan ang inyong kapatid!" pagtutol muli ni Neroz. "Pranar ka!" sambit ni Verdem at walang ano-ano ay biglang inilabas ang hiyas ng tubig! ---------------------- PRANAR - Pasaway ---------------------- Muling nagulat at ngayon ay natakot na ang lahat ng mandirigma kaya mga napa-atras na sila habang itong mag-amang Neroz at Adan ay nananatiling nakatindig dahil susubukan ni pinuno na pakiusapan ang mga sorsero— "Mga regium — hindi natin kailangan humantong rito! Ipagpaumanhin n'yo ang kalapastanganan ng aking anak. Hayaan ninyo't ako na ang kakausap sa kaniya upang layuan na ang inyong kapatid. 'Wag n'yo kaming parusahan, pakiusap!" kinakabahang samo ni Adan na mangiyak-ngiyak na. "Ama? Itigil mo 'yan — wala kayong kamalian rito at wala rin silang magagawa upang pigilan ako?! Hindi ang mga sorserong ito ang makakahadlang sa amin ni Sype, saka ang isa pa'y wala naman kaming ginagawang masama ah!?" patuloy na paglaban ni Neroz at itong si Verdem ay nag-liwanag na ang mga mata sa galit. "NEROZ! Naiintindihan mo ba ang iyong sinasabi!!?" pa-sigaw na tanong ni Adan sa anak. "Hindi angkop ang inyong pag-iibigan ng regium na iyan! Labag sa batas ng langit at sa batas ng Majezenty ang inyong ginagawa! TUMIGIL KA NA!" pakiusap nito. "Hindi nadidiktahan ang puso ama..." payapang sagot ni Neroz. "...kaya handa akong ilaban kami ni regium Sype, kahit pa baliin ko ang batas o labanan ang kaniyang mga kapatid!!" may diin nitong sabi at tumapat pa sa mukha ni Verdem. "Talagang palalo ang isang ito—" pag-ngisi ni Verdem sa kapatid na hari, "—kung gano'n, kasalanan mo ang magaganap dito sa inyong kuta!" pananakot nito. Ang lahat tuloy ng Jezam ay nabalot na ng takot lalo nang magliwanag nang mas malakas ang hiyas ng tubig!! "Hiyas ng tubig, inuutusan kitang—" "Verdem!" pag-awat ni Axus at dahan-dahan itong lumapit sa mag-ama. "Kahanga-hanga ang iyong paninindigan mandirigma, ngunit ang aking ama na ang bahalang humusga sa iyo. Layuan mo ang aming kapatid kung hindi mo ibig na maagang mawala dito sa Majezenty." pagbabanta nito at dito ay tila kinabahan na si Neroz— "Tayo na! Magbalik na tayo sa palasyo!" at bumalik na ang hari sa kaniyang mga kasama. Bago makihanay si Verdem ay binigyan n'ya muna ng paalam na ngisi si Neroz dahil matatakot din naman pala ito. "Babahag naman pala ang iyong buntot, pinatagal mo pa!" sambit nito. "Paumanhin sa biglaan naming pag-dulog rito. Damhan ad vesperum, mga Jezam!" paalam ni Axus sa mga mandirigma at itinaas na ang kaniyang kamay, saka sila sama-samang naglaho ng mga kasama. "Neroz, ano ito?!! Ano'ng ginawa mo!??" tanong muli ni Adan na hindi makapaniwala sa kinasangkutan ng makisig pa naman niyang anak. "Nakipag-ugnayan ka sa isang — katulad mo?!" hindi makapaniwalang sabi nito. "Patay na—" sambit ni Pando na katabi si Almer at pinapanood mula sa malayo ang pag-sesermon sa kanilang kaibigan. "Sinabi ko naman kasi kay Neroz na 'wag na niyang ipilit 'yang si Sype, oh tignan mo ngayon... Mga regium pa ang makakalaban n'ya!" nag-aalalang sabi naman ni Almer. ... Nang makabalik sa Goltus ang mga sorsero ay naghi-hiwalay na sila, si Axus na pabalik na sa kaniyang silid ay napadaan sa silid sambahan at nakita roon si Sype, na tila nananalangin. Kaya naman minabuti na niya itong lapitan upang makausap na rin. Matapos naman ang taimtim na pakikipag-usap sa rebulto ay tinapos na ni Sype sa isang pagyuko ang kaniyang panananalangin, at dito n'ya nakita ang kapatid an hari. "Sype?!" may ngiting bati ni Axus. "Axus, i-ikaw pala?!" malungkot na sabi ni Sype nang malapitan s'ya ng kapatid. "S-saan ka nagtungo?! May paglalakbay ka bang ginawa?" "W—wala naman, wala naman..." pag-kakaila ng hari. "Ahhh — mabuti at nakita na kita Sype... Kumusta ka?! Nalaman kong nabatid na pala ng ating ama ang tungkol sa inyo ng iyong kasintahan." malumanay na tanong nito at inakay sa upuan ang kapatid. "Oo Axus... At labis akong naghihinakit — at nagagalit na walang nakakaintindi sa akin. Lahat sila ay nais na layuan ko ang mandirigmang ito, na hindi ko kaya dahil mahal ko nga s'ya! Nagmamahalan kami!" pagtangis na naman ni Sype. "Shh... Shh... Naiintindihan kita, Sype. Naiintindihan kita! 'Wag mong iisipin na walang nakakaintindi sa 'yo dahil narito ako — at nakahanda akong makinig sa lahat ng suliranin mo." sambit ni Axus habang hinihimas ang likod ng kapatid. "Mabuti ka pa talaga, Axus... Mabuti ka pa, naiintindihan mo ang bawat bagay, di 'gaya nila ama..." Sype Biglang nagliwanag ang isa sa mga palamuting bulaklak na nakahanay sa ibaba ng rebultong Zanaa at ang lahat nang nasa silid ay nagulat, maging ang magkapatid na nag-uusap. "Anong liwanag iyon?!" tanong ni Sype na nahinto sa pagtangis. "Kamahalan!!" at dumating ang pinunong hora na si Talya at kita at pagkasabik sa mukha nito. "Talya?! Anong nangyayari?" may kabang tanong ni Axus. "Kailangan n'yo itong makita, mahal na hari!" sagot ng hora. Nagkatinginan muna sina Axus at Sype bago sila sabay na sumunod kay Talya para sa sinasabi nitong kailangan daw niyang makita. Nagtungo sila sa hardin ng sapolar ay doon ay nakita nila ang unti-unting pagbubukas ng isang bulaklak — ang naglalaman sa anak ni Axus! Mabilis na dumami ang nais makasaksi at nag-datingan na rin ang iba pang regium pati ang kanilang ama, lahat kasi sila ay nakabalita na rin sa magaganap na pagdating ng bagong regium sa Goltus! "Ito na Axus! Papalabas na ang iyong anak!" masayang sabi ni Sype sa kapatid habang may tuyo pa siyang luha sa mga mata. "Axus!!" pagtabi ni Roman sa dalawa. "Ama, totoo ba ito?! Bumubukas na ang sapolar?!" kinakabahan at nasasabik na tanong ng hari. At sina Verdem, Xelcis, at Adro ay tumabi na rin sa kanila upang sabay-sabay nilang salubungin ang paparating na anak ng kanilang kapatid! Hanggang sa unti-unti na ngang maubos ang talulot na nakabalot sa sanggol at nawala na rin ang sobrang nakakasilaw na liwanag... AT NAKITA NA NILANG LAHAT ANG ISANG SANGGOL NA LALAKI! "Lalaki!?" masayang sambit ni Roman at si Axus ay dali-daling nilapitan ang sapolar. "Isang batang lalaki!" nagagalik nitong sabi nang magsimulang tumangis ang sanggol. Nagpalakpakan at nagpugay ang lahat, pati na ang mga sisne na hindi nagpahuli dahil nagsaboy sila ng makukulay na liwanag bilang pagsalubong sa prinsipe ng kanilang pinuno! "Binabati kita, aking kapatid!!" nakangiting sabi ni Verdem nang bumalik sa kanila si Axus at ipakita ang bitbit na sanggol. "Nakatutuwa ang kaniyang tinig!" sabi naman ni Adro habang patuloy na tumatangis ang munting prinsipe. "Ikaw na ang buhay ko... Kahlim!" nakangiting sambit ni Axus at hinagkan ang anak. "Binabati ka namin, kamahalan! At sayo rin regium Kahlim, maligyang pagdating sa Majezenty! Ikaw na taga-pagmana ng iyong mahal na amang hari!" bati rin ni apram Capaste at muling nagpugay ang lahat nang itaas na ni Axus si Kahlim! Mas nagsipag-ingay na ng kani-kanilang sandata ang lahat ng kawal at nagpalakpakan muli ang mga saksi kasama na ng muling pagsasaboy ng makukulay na liwanag ng mga sisne. ... Kinaumagahan... Mag-isang nasa kakayuhan si Neroz at kumakain ng prutas, nagmumuni-muni lang s'ya at iniisip pa rin ang mga nangyari kagabi lang, lalo na ang nakaharap niyang hari na minsan na niyang napanaginipan. Nang kakagat na s'ya sa kinakain ay dumating naman ang kaniyang mga kaibigan at pinagyuyugyog s'ya. "Narito ka lang pala, jatos ka!!" nag-iiyak-tawa na sabi ni Pando. "Cerapal — tumigil ka nga! May kinakain ako!" pa-sigaw na sabi ni Neroz at hinampas sa ulo ang kaibigan. "Aray ko! Eto naman! Nag-aalala na nga sa 'yo eh!" sambit ni Pando at inayos ang suot na sumbrero. "Hoy Neroz, ano'ng balak mo pala ngayon?! 'Di ka nagsasabi ha! May namamagitan na pala sa inyo ni regium Sype?!" tanong naman ni Almer. "Kaya nga Neroz, nakakasama ka naman ng loob... Akala ko ba magkakaibigan tayo dito pero bakit nag-lilihim ka sa amin?!" saad ni Pando. "Mga ulol! Hahahahah!" paghalakhak nitong isa, "bakit ganiyan ang mga sinasabi n'yo?! Madamdamin na pala kayong dalawa?!" "Sira ka talaga! Nagulat kami kagabi na dumalaw pa ang mga sorsero at sabihin 'Neroz, layuan mo ang aming kapatid!'" pang-gagaya ni Pando sa inasta ni Verdem. "Akala ko nga kagabi, katapusan na nating lahat eh! Nako, kung nagkataon, di na tayo sisikatan pa ng araw!" dagdag ni Almer. "Pero nakakasama pa rin loob, hindi ba Almer?! Na hindi man lang nagku-kwento itong si Neroz sa atin, tsk tsk!" pangangatiyaw muli ni Pando at inakbayan ang kaibigan. "Paano ako magkukwento sa inyo eh ayaw n'yo ako laging samahan — porke lalaki din ang aking kakatagpuin eh!" depensa ni Neroz, "ayaw n'yo ata sa kaibigang feri eh." "HOY HINDI TOTOO 'YAN!" pagtutol ni Almer at tumabi na rin sa dalawa, "alam mo kaibigan... Tanggap ka namin, kahit ano ka pa! TANGGAP KA NAMIN! Kaibigan ka kaya sa amin ni Pando, hindi ba bansot!?" pagpapa-gaan nito sa sitwasyon. "Tama!! Tama! At ang tunay na magkakaibigan ay hindi nag-iiwanan!" pag-sang-ayon ni Pando. "Kaya ikaw, 'wag ka nang nagiging malambot d'yan, hindi ako sanay!" paghawak nito sa mukha ni Neroz. "Apmevento! Hahahahahaha pero salamat, salamat sa inyo!" sambit naman ni Neroz na naubos na ang kinakain. "Kayo talaga ang pinaka tapat at pinaka tatangi kong kaibigan! Salamat dahil nand'yan kayo!" pasasalamat nito at inakbayan ang dalawa. "'Wag ka nang mawawala ulit — baka isipin ko na talagang pinaslang ka na ng mga regium." biro ni Pando. "Jatos! HAHAHAHA! Hindi ako nawawala ano! Ayoko lang talagang makita 'yang nakakayamot mong pagmumukha." paghalakhak ni Neroz. "Aray naman!! Oo alam ko namang hindi ako kasing gandang lalaki mo eh, pero 'wag mo naman sanang ipamukha, apmevento ka talaga eh!" pagkakamot ni Pando sa kaniyang ulo. "Pero ngayon, mag-iisip na muna ako ng paraan kung paano ito haharapin, ni hindi pa kami nagkaka-usap ni Sype — ilang araw na..." may pag-aagam-agam na sabi ng binata. "Maalala ko pala Neroz, 'yung hari?! Na kapatid din ng Sype mo, nakakasindak s'ya ha! Mukhang may tinatago ring kulo 'yon." sapantaha naman ni Almer at silang tatlo ay napaisip nga ukol kay Axus. Samantala, ang kaharian ng Derrohny ay unti-unti nang ibinabangon at isinasa-ayos ng hiyas ng dilim. Sa tulong ng kapangyarihan nito ay muli nang bumabalik ang mga nasirang bahagi ng palasyo at nakakagawa na rin ng ilang mga kawal-Derronian. Ang punong bulwagan kung saan nakalagay ang trono ni Balrak ay bahagya nang maayos at sa paligid ay may iilan na ring mga dragon na silang nagbabantay kasama ng Cereva, at kasalukuyang naroroon si Lerzia at nilalaro ang anak na si Javar. "Lerzia, apo — narito ka pala?!" pagdating ni Balrak na kasunod ang apram nito na si Guzma. "Salutem, flaio, anong balita?" tanong ni Lerzia. "Nakarating sa aking kaalaman na maging si Axus ay mayroon na rin palang anak... Kagabi lang raw nang ito'y isilang at hanggang ngayon ay nagdiriwang ang buong palasyo." pahayag ni Balrak na talagang ikinagulat ng regium! "—Apmevento, totoo ba ito!? Si Axus ay may anak na rin?!" hindi makapaniwalang tanong nito. "Iniulat ito ng iyong mga espiya sa Goltus, sina Grayda at Tomzo — at ayon rin sa kanila ay Kahlim ay ipinangalan ni Axus sa bata." pagsali ni Guzma sa usapan. "Kahlim?!" sambit ni Lerzia, "kung ganoon ay — lalaki rin ang anak ng aking kapatid!?" "—may anak rin pala si Axus!?" takang taka nitong sabi. "Hahaha, pareho na pala kayong ama Lerzia!" saad ni Balrak na hindi mo alam kung pumupuri ba o nanunukso. Tinapik nito sa balikat ang apo at saka tumuloy sa paglalakad. "Kahlim — Kahlim..." paulit-ulit na bigkas ni Lerzia habang unti-unti nang umiisip ng plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD