Kabanata 47: Basbas at Hula

2050 Words
(Sa Goltus) Nasa silid ng hari si Sype at mag-isang binabantayan ang ykam na natutulog sa kuna. Lubha siyang natutuwa habang pinapahawakan pa kay Kahlim ang kaniyang hintuturo. ------------------------------- YKAM - Pamangkin ------------------------------- Bumukas ang pintuan at pumasok ang kaniyang mga kapatid, sina Adro, Verdem at Xelcis na mga kapwa naka-gayak ng napaka kisig. "Ikaw pala ngayon ang nagbabantay kay Kahlim?" nakangiting sambit ni Xelcis at itong si Sype at pilit lang na ngumiti dahil hindi pa rin ito maayos at si Verdem. "Nakatutuwa talaga — hindi ako makapaniwalang may anak na ngayon si Axus. Ka'y galing!" saad ni Adro na sinisilip din ang sanggol. Si Verdem ay hindi nagsasalita pero biglang pinalitaw ang hiyas ng tubig. "Verdem — ano'ng gagawin mo?!" gulat na tanong ni Xelcis. "Protektahan si Kahlim!?" sagot naman ni Verdem na bahagyang nakataas ang isang kilay. "Ang batang ito ang tagapagmana ni Axus kaya dapat lang na pangalagaan ko s'ya — laban sa lahat nang magtatangka sa buhay n'ya! Hindi maaaring masaktan pa ang susunod na hari ng ating palasyo." paliwanag nito habang nakabukas ang palad. "Hayaan mong saluhan ka namin!" alok ni Xelcis at tumingin kina Sype. Agad na sumang-ayon si Adro pero si Sype ay mukha pa ring bugnot at hindi nagsasalita— "Sype?!" Adro Inikot ni Sype ang kaniyang mga mata at kalaunan ay pumayag rin naman. Inilabas na rin nilang tatlo ang kani-kanilang mga hiyas at saka naghawak-hawak ng kamay. Nang kukuhanin na ni Verdem ang kamay ni Sype ay tila naiilang pa ito pero kumapit rin naman, tsk! Habang nakapalibot sila kay Kahlim ay nagsimulang dumaloy ang kani-kanilang mahika at umikot ito sa bawat isa hanggang sa bata na pumasok. Ang elemento ng apoy, hangin, tubig at lupa ay malumanay na pumasok sa katawan ng natutulog na paslit. "Ava sarcim semius lunna Y durce." bigkas ni Xelcis. "Cea ganzalam ali reca olfu." Sype "Mar'ye sacrom deliva tricanium eshta Goltus ladra." Adro "Dezra adom vemshi ilas hali blamar." Verdem --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Xelcis: Walang kapantay na kapangyarihan, sa bata'y aming inilalaan. Sype: Gawin s'yang mahusay, makapangyarihan at malakas! Adro: Hinihiling namin sa apat na hiyas na pangalagaan at pagkaingatan ng lubos ang susunod na hari ng Goltus. Verdem: Nawa'y taglayin n'ya ang lahat ng katangian upang hindi s'ya magawang madaig ninuman! --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "LUVERE LOZANA!" at sabay-sabay nilang apat na sambit. [Luvere lozana - "Sundin ang aming utos!"] "Magaling mga kapatid, ngayon ay panatag na akong makakahinga dahil batid ko na may basbas na si Kahlim." pasasalamat ni Verdem sa mga kapatid. "Matulog ka na ng mahimbing, aking ykam!" bulong ni Xelcis sa sanggol at hinagkan ito sa noo. Pagkatapos ay isa-isa na silang lumisan at nang si Sype ay palabas na ay tinawag s'ya ni Verdem. "Sype, sandali." "Masama pa rin ba ang loob mo sa akin? Sa nagawa ko sa 'yo?" tanong nito at lumapit. Hindi umiimik si Sype, tikom lang ang bibig nito at kitang malungkot pa rin ang mga mata at naluluha na naman. "Gusto ko lang ipaunawa sa 'yo na mali ka sa ginawa mo, Sype. Na kaya kita isinuplong sa ating ama ay dahil may kamalian kang nagawa. Huwag mo sanang masamain dahil bilang isa sa nakatatanda mong kapatid ay hangad ko lang ang makabubuti para sa iyo." pagpapaliwanag ni Verdem. "Ngunit hindi nakabuti ang ginawa mo." sambit ni Sype, "hindi ka nakabuti at hindi makabubuti ang ginawa mo kailanman. Pero hayaan mo na — dahil nangyari na naman ang nais mo... Ayaw na akong paalisin rito ni ama — kaya sana'y masaya ka." pang-uuyam nito at mabilis na lumakad palabas. At itong si Verdem ay naiwang tahimik at dama ang labis na hinanakit ng kapatid para sa kaniya. ... (Sa kagubatan) "Narito na pala sa Majezenty ang aking isa pang pag-asa!" sabi ni Fellian habang pinapanood sa kaniyang kawa ang sandali ng pagsilang sa anak ni Axus. "Isa ka rin sa magiging mahusay na mandirigma ng ating daigdig Kahlim — 'gaya ng iyong mga ama!" "Ngunit sandali... Tila nalalapit na rin ang takdang panahon upang malaman ng mandirigma ang katotohanan!?" Sa bayan ng Andal, si Neroz ay naglilibot lang at naghahanap pa ng madadampot n'yang kasangkapan o di kaya'y panindang makakakain sa paligid. May galing s'ya sa pagpuslit at matinik ring mananalisi hindi ba? Sa sandali niyang pag-dayo ay marami na agad s'yang nanakaw at nakalagay ito sa sukbit niyang supot, animo'y mangangalalak lang s'ya na napadpad roon. Dagdag pa na maraming majezan ang namimili kaya mas maluwag ang pagkilos niya, o malaya s'yang nakakagalaw dahil mas madaling manalisi kapag abala ang kabayanan sa dami ng mga nakikipagtalastasan. Nang mapadaan s'ya sa isang may kalakihang pwesto na bangketa ay sumipol-sipol pa siya na tila tumigil lang pansamantala upang sumagap ng hangin pero ang hindi nakita ng mga taga-bantay ay nakadampot na pala s'ya ng tatlong prutas at nai-bulsa ito. Muling naglalakad lakad ang mandirigma at marami s'yang nakakabangga ng balikat 'gaya ng mga tila wala sa sariling majezan o yung iba naman na may bitbit na mabibigat na paninda. Nang patuloy pa rin niyang sinisipat ang paligid ay bigla s'yang nakabangga na naman ng isang majezan at sa pagkakataong ito ay nahulog niya ang mga dala no'n. "Ahh — paumanhin, paumanhin!" sabi niya at dali-daling dinampot ang mga nahulog. "Salamat ginoo, hehe! Pasensya ka na't matanda na ako." tinig ng matandang lalaki. Tumayo na si Neroz at ibinalik ang mga gamit sa matanda at pagka-abot n'ya rito ay ibinulsa n'ya agad ang isang gintong relos na mula rin sa mga nahulog. "'Wag kayong titigil-tigil d'yan flaio. Maraming magnanakaw sa paligid, baka mabiktima kayo." paalala ni Neroz at ang matanda ay napatitig bigla sa kaniya. "Kakatuwa! Ikaw!?" sambit nito. "A-ako?!" Neroz "Hindi ako maaaring magkamali! Totoo, ikaw ay mayroon ngang anak! Anak sa isang may dugong bughaw at mataas na katayuan!" sabi ng matanda na kita ang pagka-mangha sa mga mata at dito nagtaka si Neroz. "Anak?! Hahahaha nagkakamali ho kayo, binata pa ako. Walang asawa!" pabalang niyang sagot. "Naramdaman ko nang dumampi ang palad ko sa kamay mo!" pag-pipilit ng matanda. "May anak ka, ginoo! Isang anak na natatangi sa kalimitan!" Si Neroz ay hindi na nakinig, lumakad na lang itong muli pero napahinto rin ng makaalala ng isang bagay. Dahil doon kaya dali-dali rin itong bumalik— "Sandali, ano nga ang sinabi n'yo?" tanong nito. "Nakabuo ka ng isang anak mula sa iyong panaginip!" nakangiti nang sagot ng matanda. "Paano? Paano mo nasabi ang bagay na iyan?!" gulat na sabi ng mandirigma. "Isa akong manghuhula, ginoo! At may kaalaman ako sa ganiyang uri ng pag-aanak. Tawagin mo akong Fernan, at nagmula ako sa tribo ng mga Zojam." pagpapakilala ng matanda. "Zojam?" may alinlangang sambit ni Neroz, "ano 'yun?" "Makinig kang maiigi. Mayroon kang supling! Maaari hindi mo talaga batid o maguguluhan ka pero may ganito talagang nangyayari, ginoo. Magtiwala kang TUNAY ang aking mga sinasabi sa 'yo!" sambit ni Fernan na titig na titig sa mga mata ng binata. Bumalik muli sa gunita ni Neroz ang kaniyang panaginip, kung saan nagkita sila ni haring Axus— "—M-may napanagipan ako, tanda... At nagtapatang-palad kami — ngunit kakatuwa! — d-dahil lalaki rin ang kasalo ko sa aking panaginip na iyon. Ano ba'ng ibig sabihin non?" mahinang pag-amin nito. "Tama, kung ganoon ay tama nga ako. May anak ka sa isang ladra." saad ni Fernan. "Kailangan mo s'yang makilala, ginoo. Kailangan mong mapatunayan na tama ang mga basa ko sa 'yo, na anak mo nga rin ang bata!." utos nito. "Natatangi ang ganiyang pangyayari — kaya pinapayuhan kitang buksan ang iyong kaisipan sa mga bagay na bago na maaari mong matuklasan!" dagdag nito at hinawakan pa sa balikat si Neroz. Matapos ang mahabang araw ng paglalagi sa bayan ay nagbalik na rin sa kanilang tirahan ang mandirigma at itinala sa listahan ng kaniyang amang pinuno ang dami ng mga kasangkapan na kaniyang nakulimbat, pagkatapos ay naupo muna s'ya sa isang tabi habang patuloy na iniisip ang mga bagay na nasabi kanina ng matandang nakausap n'ya. "Ano't tila kay lalim ng iniisip mo, anak?!" pagtabi ng kaniyang amang Adan. "Ama!? Hahahaha, wala lang ito... Namamahinga lang ako sapagkat ako'y pagod." pagngiti ni Neroz. "Kilala kita, Neroz! Hindi ka ganiyan, kalahati pa lang ang araw kaya hindi ka pa napapagod. Batid kong may bumabagabag sa iyo, bata." pabiro ngunit tama namang puna ni Adan. "Pwede mo akong sabihan ng kahit na ano. Sino ba ito — ang regium Sype na naman ba?" tanong nito. "Hindi ama! Hindi, hahahaha!" nahihiyang sagot ng binata. "Kung gano'n ay ano? Sige na, Neroz... Huwag kang mahiya sa akin — ama mo ako!" pamimilit ni Adan. "Wala naman ama... Sadyang — napaisip lang ako sa — s-sa kaugalian ng mga sorsero." sagot ni Neroz na nag-iingat sa ilalabas ng kaniyang bibig. "Mga kaugalian 'gaya ng — pagpaparami ng lahi, o di kaya'y... Paghahanap ng mapapang-asawa." "Tss, 'yun lang pala. Bakit mo naman naisip iyan ha Neroz?!" Adan "Naisip ko lang ama, bilang alam mo naman ang sa amin ni Sype. Nahihiwagaan lang ako sa kung papaano ba sila nagpaparami ng lahi, lalo na ang kanilang hari." saad ni Neroz at lumagok muli ng tubig. "Nako Neroz, pinaalalahanan na kita ha — tigilan mo na 'yan, ano't tila nagpapalakas ka pa talaga sa sorsero? Tsk, tsk!" may pagkadismayang sabi ng ama. "Ngunit heto, may nalalaman akong isang kagawian o pamamaraan na kanilang ginagawa upang ihanap ng mapang-aasawa ang kanilang hari." At si Neroz ay nagsimula nang makinig ng maigi... "Ang isang hari ay maaaring mag-asawa ng higit sa iisang babae, maaari s'yang magkaroon ng maraming kaugnayan at syempre ng mga anak." panimulang salaysay ni Adan. "Ngunit kahit magkaroon s'ya ng maraming katipan ay kinakailangan pa rin na mamili s'ya ng iisa para gawing reyna na kasama niyang mamumuno sa Goltus!" "At ang pagpili ng gagawing reyna ay maaaring madali o maaari din na mahirap para sa hari." "Bakit naman, ama? Eh kung sa dami lang pala ng magiging babae ay marami nang mapagpipilian ang hari?" pagtataka ni Neroz. "Iyon nga. Maaaring mapadali ang pagpili kung mayroon namang nakalalamang sa puso ng hari, ngunit kung wala ay doon na magiging mahirap ang pagtatalaga ng reyna." "Hindi naman sa sukdulang 'mahirap' dahil maraming paraan ang mga sorsero upang ihanap ang kanilang hari ng naangkop na magiging kabiyak nito. Maaari silang ipagkasundo nalang o 'di kaya'y isamo sa mahal na Zanaa!" "Isamo?! Anong isamo ama?" Neroz "Isamo, sa pamamagitan ng panalangin!?" "May mga tinatawag na ta'iasla ang Goltus, mga taga-dasal na silang gumagawa ng orasyon at nag-aalay ng mahabang sandali ng panalangin sa kanilang bantay. Sa pamamagitan noon ay magagawa nilang mahanap ang sadyang itinakda lang para sa hari na kanilang ipinagsasamo." "Ibig mong sabihin ay — nadidinig ni Zanaa ang panalangin ng mga t-ta'iasla na ito?" nahihiwagaang tanong ni Neroz. "Oo! Tama! Dinidinig nga ng bantay ang mga ta'iasla kaya ibinibigay din n'ya ang ninanais ng mga ito!" "Pagtatagpuin ni Zanaa ang hari at ang kaniyang pinili para dito. Maraming maaaring maging daan para matagpuan nila ang isa't-isa, at ang naalala ko na isang halimbawa ay sa panaginip dahil sa panaginip noon natagpuan ni haring Avrahm ang kaniyang reyna!" patulot na salaysay ni Adan. "S-sino si Avrahm, ama?" "Isa sa mga naunang naging hari sa Goltus, bago pa ang ama ng mga regium ngayon o si Axus. Sa panaginip ay doon rin nito natagpuan ang kaniyang ginawang reyna ng palasyo, si Erona." sagot ng ama. "Kamangha-mangha! Paano mo nalaman ang mga ito, ama?" natutuwa pa ring tanong ni Neroz na unti-unti nang nauunawaan ang lahat ng nais niya. "Isinalaysay lang ng ating mga ninuno — kung hindi mo nababatid ay minsan ring naging malaya tayong mga mandirigma na makapasok sa palasyo ng mga sorsero, 'yun ay bago pa man manungkulan ang ika-pitong hari." "Kung ganoon, marami ang maaaring maging daan... Nangangahulugang, maaari rin ang sinasabing panaginip ng matanda." mahinang sabi ni Neroz at agad na tumayo. "Oh, sandali. Saan ka patutungo?!" tanong ng kaniyang ama. "May — kikitain lang akong kaibigan..." "Kaibigan nga ba?" pagtayo rin ni Adan pero hindi na sumagot si Neroz at dali-dali na itong tumakbo paalis. "Ner—" pagdating ni Pando, "saan patutungo iyon, pinuno?!" takang tanong nito. "Sa 'kaibigan' raw." sagot ni Adan na halatang may pagaalinlangan. Ngunit sa Goltus magtutungo ang binata dahil mayroon siyang nais linawin!—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD