Kabanata 48: Pagbisita sa Goltus

2398 Words
(Sa Goltus) Mag-isang nasa balkonahe ang haring Axus at kalong-kalong ang anak habang ito'y inaaliw, sadyang payapa ang kanilang paligid at tanging ang simoy lang ng hangin, pati tunog ng mga cerapal sa kalangitan ang naririnig. Si Axus ay may hawak na laruang tumutunog at wina-wagayway ito upang umingay ay matuwa ang kaniyang prinsipe. Habang tuloy-tuloy lang niyang inaaliw si Kahlim ay biglang nag-iba ang kaniyang pakiramdam — si Neroz pala ay naroon na at nagkukubli sa isa sa mga poste. Agad na nilingon ni Axus ang paligid at nakiramdam— "Batid kong may nilalang sa paligid..." wika niya at lalong nagtago ang mandirigma para pagmasdan s'ya. "Kung sino ka man ay lumantad ka na! 'Wag mong hintaying ako mismo ang makakita sa 'yo." pagbabanta ni Axus at dito na nagpakita si Neroz! "Mandirigma?" pagkagulat ng hari. "Salutem, haring Axus!" pambungad ni Neroz at lumapit na. "Naparito ako upang itanong ang isang bagay na bumagbag sa aking isipan kailangan lang." sambit nito na kakaiba ang titig kay Axus. Nang tuluyang makalapit si Neroz ay nakita n'ya na may kargang bata ang hari at ito ay napangiti nang makita siya. "Nakakatuwa ang kaniyang ngiti — tila natutuwa s'ya sa akin!?" puna niya at tangkang hahaplusin ang sanggol pero inilayo ito ng hari. "Anong pakay mo't ginambala mo ang sandali namin ng aking anak?" malamig na tanong ni Axus. "Anak mo?!" biglang sambit ni Neroz at tila ba gumaan ang kaniyang kalooban sa bata. "Ikaw ang ama niyan?!" tanong niya. "Ano ba namang klaseng tanong iyan, Neroz? Malamang ay ako!" sagot ni Axus na nagtataka sa itinanong ng mandirigma. "Makinig kang maiigi. Mayroon kang supling! Maaaring hindi mo talaga batid o maguguluhan ka pero may ganito talagang nangyayari, ginoo." "Nakabuo ka ng isang anak mula sa iyong panaginip!" mga tinig ni Fernan sa nagbalik sa gunita ni Neroz. "—At sino ang kaniyang ina?" tanong muli ng mandirigma. At dito ay biglang nakaalala rin si Axus, 'yun ay ang panaginip niya kung saan nagkatagpo sila nitong si Neroz. Nagsimula na silang magkatitigan nang napaka-lalim at biglang sumambit ang hari... "—I-iisang babae! — na hindi ko kilala." pagsisinungaling nito at iniwas na ang tingin. "Isang babae?!" pag-uulit ni Neroz at nang lalakad na si Axus ay hinarangan n'ya ito upang pigilan. "Batid kong naalala mo ang iyong panaginip—" tahasan niyang sabi, "—isang panaginip k-kung saan tayong dalawa ang magkasama!" Bumilog ang mga mata ni Axus at nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso nito— "Ano'ng pinagsasasabi mo?" tanong nito at muling lumayo sa mandirigma. "Mahal na hari?" pagdating ni Emprido. "Emprido! Ikaw na muna ang bahala kay Kahlim — kakausapin ko lang ang mandirigmang ito." sambit ni Axus at agad na iniabot sa tagapayo ang kaniyang anak, pagkatapos ay muli nitong binalikan si Neroz at kinausap nang mas malayo upang hindi marinig ang anumang mapag-uusapan nila. "Batid ko ang kultura ninyong mga sorsero at kung paano kayo magparami ng lahi!" sambit pa ng mandirigma. "Ngunit may katanungan sa loob ko na batid kong ikaw lamang at ako ang makakasagot." pagpipilit nito. "Ano bang nais mong ipakahulugan?" tanong ni Axus, "bakit di mo sabihin ng daretso?!" "—M-maaari kayang — anak ko din ang iyong anak?" sabi ni Neroz at mas napigil pa ang paghinga ng hari dahil sa walang takot nitong mga tanong. Muli silang nagkatitigan at hindi nakapagsalita itong si Axus sa loob ng ilang sandali —"Kalokohan!" sambit nito at lumakad patungo sa pasimano. "Isang kahibangan 'yang sinasabi mo!" "Kung gano'n, ano 'yung panaginip?! Bakit tayo nagkita roon at batid ko ang mangyayari sa pagtatapatang-palad na ating ginawa!" pagpipilit muli ni Neroz. "Anong panaginip!!?" galit na pagkakaila ni Axus, "WALANG PANAGINIP NA NAGANAP AT HINDI KITA NAKASAMA SA ANUMANG PANAGINIP!" mahina at naiinis nitong sabi. "Batid mo sa sarili mo 'yan, mahal na hari—" sagot naman ng mandirigma na nananatiling titig sa mga mata ni Axus. Si Emprido na nasa malayong banda ay napalingon na sa dalawang ito dahil tila lumalakas ang kanilang mga tinig na tila ba nag-aaway— Napatingin sa kaniya ang hari at mabilis rin itong tumingin kay Neroz... "Umalis ka na Neroz, kung hindi mo ibig na parusahan kita sa mga kahibangan na sinasabi mo." utos nito sa mandirigma. "Hindi ako aalis hangga't hindi m—" "UMALIS KA NA!—" pag-uulit ni Axus kaya't napatungo na itong si Neroz. "—umalis ka na, mandirigma... At ipapaalala ko sa 'yo na hindi ko pa nalilimutan ang pag-uusap natin sa inyong kuta." dagdag nito. "Layuan mo si Sype at huwag ka nang tutungtong pang muli rito sa aking palasyo!" "Masusunod!—" sagot naman ni Neroz at lumapit nang mas dikit kay Axus. "—ngunit sa oras na mapatunayan kong anak ko rin ang iyong tagapagmana ay wag mo s'yang ipagkakait sa akin!" pagbabanta nito at nagpalitan na naman sila ng matatalim na tinginan. Pagkatapos ay muli nitong nilingon ang batang hawak ni Emprido at saka mabilis na tumalon mula sa balkonahe! Nang maiwan si Axus ay huminga s'ya ng malalim at saka may pag-aagam-agam na nagtungo sa kaniyang tagapayo. "Ano'ng sinabi ng mandirigmang iyon?" pag-uusisa ni Emprido. "Wala — isa lang kahibangan!" sagot ng hari na bakas sa mukha ang pagkabugnot. ... Nang mga sumunod na panahon... Si Regium Xelcis na kakatapos lang mag-sanay ay naglalakad sa pasilyo, nang mapadaan sa silid kung saan ay nakita n'ya ang dalawang kapatid, sina Axus at Adro na kapwa nagpapa-gupit ng buhok. "Salutem, mga kapatid!" pagpasok n'ya at nagbigay-galang nang tumabi kay Axus. "Xelcis, salutem!" bati ni Adro habang nakatapat sa salamin. Nang lingunin ni Xelcis ang paligid ay nakita niya si Sype na naka-upo at pinapanood din ang kanilang mga kapatid na inaayusan ng mga duracap o barbero. "Salutem sa 'yo, Sype!" bati niya. "Salutem rin Xelcis!" nakangiting tugon ni Sype. "Ano't naririto ka? Hindi ka ba magpapagupit?" tanong ni Xelcis at itong si Sype ay umiling lang na may kasamang nahihiyang ngiti. Habang sila'y naguusap ay dumating ang kanilang amang hari, nang hindi nila namamalayan. "Anong pinag-uusapan n'yo, mga regium?!" biglang tanong nito sa dalawa at sina Sype at Xelcis ay kapwa nagulat. "Ama! Ikaw pala, hahaha!" masayang bati ni Xelcis. "Tapos na ba ang iyong pagsasanay?!" tanong ni Roman. "Ahh, oo ama! Kakatapos ko lamang at napadaan ako rito kaya minabuti kong silipin ang aking mga kapatid at ang mahal na hari." sagot ng regium. "Magaling! Sype, ikaw? Kumusta ang iyong mga gawain?" tanong naman ni Roman sa isa pang anak, at si Sype ay pilit lang ngumiti at hindi s'ya tinignan pa sa mga mata — tila ba umiiwas pa rin. Nagkatinginan nalang sila ni Xelcis at saka naman dumating si Verdem... "Sype... Masama pa rin ba ang loob mo sa ating ama?" mansinsing tanong ni Xelcis sa kapatid. "H-hindi ko tiyak..." malamig na sagot nitong isa. "Verdem?! Halika, magpa-ayos ka na rin sa isang duracap, sumabay ka na sa amin!" aya ni haring Axus. Si Verdem ay ngumiti lang at tumingin sa kanilang ama. "Tapos na, kamahalan." sambit ng duracap na nag-gupit kay Axus. Tinanggal na nito ang nakasuot na kapa sa leeg ng hari at saka ito sinuklayan. "Tapos na rin kayo, mahal na regium!" sambit ng duracap ni Adro. "Maraming salamat, mga duracap!" sabi ni Roman at pagkatapos ay kinuha na ng mga duracap ang kanilang gamit at saka tumungo kay Axus at lumisan na. "Sayang at hindi ka umabot Verdem... Sana'y tatlo tayo ni Axus na bago ang ayos!" sambit ni Adro na hindi pa tumatayo at patulot lang na nananalamin. "Adro... Hindi maaaring putulin o ibahin ni Verdem ang likas niyang mga buhok." saad ng kanilang ama. "Ha?! Bakit naman, ama?" tanong ni Xelcis at silang mag-aama ay nagtabi-tabi na. "May dahilan kung bakit hindi maaaring putulin ng iyong velaca Verdem ang kaniyang buhok." pag-uulit ni Roman. ----------------------- VELACA - Kuya ----------------------- "Sapagkat nagtataglay s'ya ng kakaibang katangian — o kapangyarihan na nga para sa akin." "Sa inyong anim ay si Verdem ang mayroong walang hanggang kabataan!" at hinawakan ng ama ang naka-bagsak na buhok ni Verdem. "Kung puputulin n'ya ang kaniyang buhok, s'ya ay hindi na mananatiling bata sa haba ng panahon, kukulubot ang kaniyang balat at mababawasan ang taal niyang lakas at kapangyarihan!" Ang apat na regium ay nagkatinginan at labis na namangha sa isiniwalat ng kanilang ama. Kakaiba at pambihira! "Kamangha-mangha pala ama! Tunay nga ba?" natutuwang tanong ni Axus. "Oo, Axus! Dahil si Verdem ay may dugong diwata. S'ya ay kalahating sorsero at kalahating diwata!" "At isa sa katangian ng mga diwata ang pananatili sa kanilang kabataan." nakangiting pagsali ni Sype sa usapan. "Parang ang daya naman na si Verdem lang ang hindi tatanda sa ating magkakapatid!" pabirong sabi ni Adro at nagtawanan sila Axus. "Kayo naman ng iba mong kapatid Adro ay nagtataglay rin ng taal na katangian na siyang nagpapa-iba sa inyo sa isa't isa. Lahat kayo ay may magkakaibang ina — ina na nagtataglay ng kani-kanilang mga kapangyarihan na tinitiyak kong naipasa rin sa inyo!" paliwanag ng ama. "Paano ba 'yan, di ka pala tatanda? 'Di mo mararanasang kumulubot ang balat!" mahinang sabi ni Axus kay Verdem. "Tama s'ya, kaya paano pala kapag palipas na kaming apat — nangangahulugang ikaw lang ang matitirang anak ni Roman dito sa Majezenty." pag-sangayon ni Xelcis. "Kung ganoon ay puputulin ko ang aking buhok! Upang sa gano'n ay magkasama-sama pa rin tayong magkakapatid at magkaka-sabay tayo na tumanda!" masayang saad ni Verdem at napangiti sa kanila si Roman. "Nakakatuwa talaga kayong magkakapatid! Ka'y palad ko talaga't kayo ang aking mga anak! Magmahalan at magkasunod kayo palagi, aking mga regium!" sambit nito at nagyakap silang mag-aama. ... (Derrohny) Nakasuot ng kaniyang roba si Lerzia at waring nagmamando sa mga nakahanay na kawal sa tabi ng punong bulwagan. "Sapat ba ang bilang ng ating hukbo?!" tanong nito sa hari. "Sa ngayon masasabi kong hindi ganap ang lakas ng Derrohny—" sagot ni Balrak na tuwid lang ang tingin, "—wala pa rin tayong kakayahan na makipaglaban muli sa mga sorsero, sa iyong mga kapatiad at sa iyong ama." "Apmevento, may ilang taon na rin ang lumipas bakit hanggang ngayon ay mahina pa rin ang ating pwersa?" dismasyadong tanong uli ni Lerzia. "Regium, baka nakakalimutan mong halos ubusin lahat ng iyong mga kapatid ang ating mga kawal noong nakaraan laban?!" pagsali ni Guzma sa usapan. "Hindi maaaring mapunta sa wala ang lahat ng aking mga balakin... Kung wala kayong magagawa sa ngayon ay ako na muna ang kikilos!" sabi ni Lerzia at yamot na pumuwesto saka naglaho. Dito na tumayo sa trono niya ni Balrak at lumakad patungo sa mga nakatayong kawal... "Pasaway ang iyong apo, panginoon. Walang dudang—" Guzma "Manang mana sa kaniyang ina... Pasaway rin at padalos-dalos." pagputol ng hari sa sasabihin ng apram. Si Lerzia ay nagtungo sa Goltus at tila may isasagawang hakbang laban sa kaniyang mga kapatid!— "Kahlim, Kahlim?!" pagtawag ni Axus sa anak habang siya'y nasa pasilyo ng kaharian at kasunod ang ilang mga hora at kawal. "Kahlim, anak nasaan ka?!" At lumabas mula sa isang silid ang paslit nang si Kahlim! May apat na taong gulang na ito at sadyang napakakulit! Mahilig na itong maglaro at taguan ang mga hora, pati na rin ang kaniyang amang hari. "Kahlim! Nariyan ka lang pala!" sambit ni Axus nang lapitan na s'ya ng anak. "Maging ako ay pinagtataguan mo na ha! Akala ko'y sa mga hora ka lang tumatakas?" sabi nito at kiniliti si Kahlim habang karga-karga. Lumitaw sa likod ng isang poste si Lerzia at nakita n'ya ang tagpo ng kaniyang kapatid at ng anak nito... Tila ba ka'y saya-saya! "Isa pang regium..." sambit niya. "Hindi ako papayag na madadagdagan pa ang nilalang na haharang sa akin sa trono ng Goltus!" "Namnamin mo na ang mga sandaling kasama mo ang iyong anak, Axus... Hindi magtatagal at unti-unti ko rin kayong mauubos at mababawi ko ang LAHAT ng kinuha mo sa akin!" sumpa nito na may kasama pang nanlilisik na mga mata. At habang nagkakatuwaan si Axus at ang kaniyang anak ay nakaramdam na naman s'ya ng kakaiba. Tila ba may nakamasid sa kanila at nang lingunin n'ya ang pinagku-kublihang poste ni Lerzia ay wala na ito — nakapaglaho na agad. "Bakit kamahalan?!" tanong ni Emprido. "—Parang may iba lang na naririto..." sagot ni Axus na kita sa mata ng pag-aagam agam. ... Samantala, si Neroz ay nasa kinasanayang tagpuan nila ni Sype, sa ilalim ng puno na kalimitan nilang pinagpapahingahan ay naroon s'ya, mag-isa at nagtatapon ng maliliit na bato sa batis. Tila nagmumukmok pa rin at naghihintay kung kailan ulit makikita ang regium. "Ilang araw na ba?!" tanong nito sa sarili. "Ilang araw na akong bumabalik dito pero wala ka pa rin, Sype!" "May katagalan na rin noong huli tayong magkita..." "Nasaan ka na ba?!" "Babalik ka pa ba dito?!" "Babalik at babalik talaga ako dito. Dito kaya ang tagpuan natin!" tinig ni Sype. Mabilis na lumingon si Neroz at nakita n'ya nang naroroo na ang kaniyang hinihintay! "SYPE!?" dali-dali s'yang tumayo at niyakap ang sorsero. "Sype!? Narito ka na! Ang tagal kitang hinintay!" "Sandali — sandali! Hahahaha!" sabi ni Sype na hindi makagalaw habang nasa mga bisig ng mandirigma. "Ang akala ko'y hindi mo na ulit ako bibisitahin. Anong nangyari sa 'yo?!" tanong ni Neroz at binitiwan si Sype. "Magkwento ka naman! Ilang araw tayong hindi nagkita, buong akala ko talaga'y — nakalimutan mo na ako, Sype!" sabik na sabik nitong sabi. "Bakit ko naman kakalimutan ang natatanging mandirigma na may hawak sa aking puso?!" nakangiting tanong ni Sype at hinaplos ang mukha ni Neroz. "Hindi kita magagawang kalimutan, Neroz. Hawak mo na ang kabuuan ko at 'yun ang nagtatali sa akin upang hindi ako tuluyang makalayo sa 'yo!" matamis niyang sabi. "Tandaan mo na kahit ano pang dumating sa ating dalawa, o kahit ano pang humadlang — ay hindi-hindi kita bibitawan at gagawa't gagawa pa rin ako paraan upang patuloy kitang masilayan, lalo ang mga matang iyan!" "Ang aking mga mata na tanging sa 'yo lang tititig at kailan man ay hindi titingin sa iba!" pangako ni Neroz at hinagkan ang likod ng palad ni Sype. "Kaya 'wag na 'wag mong iisipin na kalilimutan kita dahil hindi ko iyon magagawa — HINDING HINDI!" pangako rin ni Sype. "Eroam inconvanse, Sype!" sambit ni Neroz. --------------------------------------------------- Eroam inconvanse - "Mahal kita!" ---------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD