Kabanata 41: Axus laban kay Lerzia

1496 Words
Nakikipaglaban sa mga Derronian ang iba pang regium at si Verdem ay nilapitan ng isa sa mga kawal-sorsero. "Regium, ang iyong panganay at bunsong kapatid — nagkatagpo na!" ulat ng kawal. "ANO!?" pangamba ni Verdem "Sype, si Axus!" at may kaba nitong tinawag ang isa pang kapatid at tumango ito sa kaniya. Agad na gumawa ng malakas na alimpuyo si Sype at ibinato ito sa kinaroroonan ng naglalaban nilang mga kapatid. Tumama ito kay Lerzia kaya't natigil ang paglaban nito kay Axus! "Aghhh! Apmevento!" daing ni Lerzia na muntikan pang sumubsob pero muli s'yang tumindig at inatake ng enerhiya ang si Axus! Mabilis naman na binuksan ni Axus ang payong na hawak n'ya at doon tumama ang salamangkang itim na mula naman sa pamaypay ni Lerzia! Pagkatapos ay sinara n'ya ito at s'yan naman ang umatake! Gumulong upang makaiwas si Lerzia at dito n'ya binitawan ang mga firsa na hawak at hinugot ang mga punyal niya! Naging espada rin ang raejin ni Axus AT SAKA SILA MULING NAGBUNGGUAN! "INAGAW MO ANG LAHAT NG SA AKIN, AXUS! MAMAMATAY KA!!" nagngangalit na sumpa ni Lerzia. "Hindi na ako magtataka dahil batid ko na ngayong iisa lang talaga ang may masasamang motibo dito sa Majezenty!" tugon naman ni Axus at sa lakas ng kani-kanilang mga pwersa ay nagkahiwalay silang dalawa! Agad silang pumuwesto at muli na naman nilang sinugod ang isa't isa! Mabilis na yumuko si Axus nang palapit na sa kanya ang espada ni Lerzia, sinalag n'ya rin ito palihis at inuntog naman s'ya ng kapatid nang pagka-lakas-lakas! Sa inis niya'y sumipa s'ya paitaas at naka-ilag naman itong si Lerzia, saka naglabas ng isa pang patalim at muntikan na s'yang masugatan! Umikot s'ya nang mabilis at payukong dinali ang mga binti nitong si Lerzia kaya bumagsak na ito sa lupa at hindi na naka-depensa! Mabilis n'ya ring inapakan ang nahulog nitong sandata upang hindi na makakilos pa!— "Sige! D'yan ka naman magaling...!" galit na sigaw ni Lerzia nang itutok na sa kaniya ni Axus ang espada! "...ang ipamukha palagi sa akin na ikaw lang ang mahusay!" Habang si Axus ay titig lang sa mga mata ng kapatid habang pinipilit na huwag tumulo ang mga luha— "Ano pang hinihintay mo? Paslangin mo na ako, TRAYDOR!" bulyaw ni Lerzia. "Bakit hindi mo gawin? Paslangin mo ako Axus!!" At biglang binitawan ni Axus ang pagkaka-hawak sa kapatid!— "—Sa akala mo ba'y nanaisin ko n-na dugo mo ang dadampi dito sa sandata ko?!" tanong nito at tuluyan na ngang lumuha. "Kinikilala pa rin kitang kapatid, Lerzia! At hindi kita magagawang saktan!" Si Lerzia ay biglang hindi naka-imik dahil may kumirot sa puso n'ya nang sabihin iyon ng kapatid. Umatras pa nga ito upang hayaan s'yang makatayo. "Bakit mo pa ako binigyan ng pagkakataong makabangon?" naluluhang tanong ni Lerzia, "sana'y pinaslang mo na ako dahil 'yun naman talaga ang gawain ng isang traydor!" "Lerzia?! Hindi kita sasaktan dahil ka-dugo kita! Hindi tayo dapat nagkakaganito!!" may diing pagpapa-intindi ni Axus. "Nais mo lang talaga na magmukhang mabait sa ating ama!" dagdag pa ni Lerzia at si Axus ay napapikit nalang. "Itigil na natin 'to... Hindi kita nais kalabanin—" at tumalikod nalang ang hari. Nang palakad na ito ay agad na dinampot ni Lerzia ang espada niya sa lupa at sinugatan sa likod ang kapatid! "AGGGHHH!" sigaw ni Axus nang maramdaman ang hapdi! "Walang saysay ang mga kasinungalingan at pangangatuwiran mo sa 'kin, Axus!" tusong sabi ni Lerzia at ngumisi nang may kasama namang luha sa mga mata. "Hindi mo magagawang bilugin ang aking ulo Axus... dito ka na mamamatay!!" "NGAYON AY SINO SA ATING DALAWA ANG TUNAY NA TRAYDOR, LERZIA?!!" sigaw ni Axus nang tangka na siyang papaslangin ng kapatid! Natigilan itong si Lerzia at nagdalawang-isip na kung itutuloy pa ba ang nais— "AGGGHH!" napaluhod na sa lupa si Axus habang nakatukod ang espada sa buhangin. "—tumayo ka... Tumayo ka AT LABANAN MO AKO!" utos nitong si Lerzia at pilit na itinayo ang nanghihinang hari. "Aghhh — Lerzia, tama na!?" sambit ni Axus nang makatayo pero nanghihina na talaga. "Huwag kang tumayo lang d'yan, LUMABAN KA!" utos pa rin ni Lerzia. Ngunit hindi pa rin gumagalaw si Axus— "Apmevento, ayaw mong kumilos?! Kung gano'n ay tatapusin na talaga kita!" sambit ni Lerzia at sinugod na ang kapatid! Dito ay napilitan na ngang kumilos si Axus at nakipagtagisan s'yang muli kay Lerzia. Bumagal na ang galaw niya at MULI PA S'YANG NASUGATAN! "AGGHH!! AGHHH!" daing n'ya at napaluhod na naman sa lupa!— "HAHAHAHA! Tignan mo't wala ka talagang panama sa akin?! Ganiyan ba ang haring ipapalit ni ama? Haring mas mahina pa sa kaniya!" panunuya ni Lerzia. "Hayop..." sambit ni Axus na talagang nagngingitngit na. "ADRO — SI AXUS!" sigaw ni Sype sa katapid nang makita na ang tagpo nina Axus at Lerzia. At itong si Adro ay napalingon at mabilis na inalabas ang hiyas niya at ibinagsak ito sa lupa! Biglang yumanig ang kalupaan kaya't napalayo si Lerzia kay Axus— "Aghhh! Ano iyon!?" gulat nitong sabi at si Axus ay nilingon ang ibang kapatid sa malayong dako. "Lerzia!" dumating na si Balrak at nakita nito ang tagpo ng dalawa. "Lerzia, ano't nariyan ka?! Pagkakataon mo na ito — paslangin mo na si Axus!" Dali-daling bumalik si Lerzia malapit sa kapatid at hindi pa rin ito binigyan ng kalayang makatayo! Nang makita rin ng iba pang regium ang nangyayari sa kanilang hari ay dito na sila nagpasya na kumilos upang tapusin ang labanan! Si Verdem ay tumakbo malapit sa dalampasigan at inilabas ang hiyas ng tubig upang bumuo ng malaking daluyong! Si Sype naman ay agad na umipon ng mga kidlat at lumutang mula sa lupa habang nagliliwanag ang mga mata! At sina Adro at Xelcis ay nagsanggang dikit at pinaghalo ang kanilang mga elemento, ang lupa at apoy upang makabuo ng mga batong nagliliyab at agad itong pinakawalan patungo sa mga Derronian! "Panginoon, tignan mo!" takot na takot na tumabi kay Balrak si Guzma at itinuro ang nangyayari sa likuran nila. "Apmevento, ano ito flaio?!" gulat na sabi ni Lerzia nang makita nga ang mga kapatid na tila makapangyarihan na din kagaya niya! "Kakaiba ang lakas na taglay ng mga regium?!" nahihiwagaang sabi ni Balrak at pinagmasdan ang mga regium. "Hawak na nila ang mga hiyas!!" biglang sabi nito. "ANO?!" panlalaki ng mga mata ni Lerzia. "Agh — aghhh!" pilit na tumayo si Axus sa tulong ng kaniyang espada at nakita rin niya ang ginagawa nina Verdem! "Maraming madadamay sa ginagawa nila — hindi ito maaari." sabi niya sa kaniyang isip. Paglingon ni Guzma ay nagulat naman s'ya na nakatayo nang muli si Axus!— "Lerzia — ang iyong kapatid!" sambit nito at dali-daling tumabi sa regium. Muling itinaas ni Axus ang sandata n'ya sa tatlo at pumuwesto s'ya... "Axus!?" "VERDEM TAMA NA!" "SYPE! ADRO, XELCIS!" sigaw ni Axus sa mga kapatid. "ITIGIL N'YO ANG GINAGAWA N'YO!!" utos nito. "Axus!?" takang sambit ni Verdem nang marinig na ang kanilang hari. "TUMIGIL NA KAYO!!" sigaw pa ni Axus. At dito na nga piniling tigilan ng ibang regium ang ginagawa nila— "Desidido silang ubusin kayo, Lerzia... Ngunit ayaw ko na may mangyaring masama sa 'yo. Lumisan ka nalang, pakiusap!" nanghihinang utos ni Axus. "Flaio?!" bulong ni Lerzia. "Hindi! Tatapusin natin ang laban!" galit na sabi ni Balrak at nang kikilos s'ya palapit kay Axus ay may bolang apoy na tumama sa harapan niya! "APMEVENTO!" "Lerzia... Umalis ka nalang, umalis na kayo ng mga kapanalig mong Derronian! Pakiusap." pag-uulit ni Axus. Naluha sa kaniyang hiya itong si Lerzia dahil muli — ay nalamangan s'ya ng kapatid. Sa inis ay binuksan n'ya ang kaniyang palad at inilabas ang hiyas ng dilim! "Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, Axus! Hindi mo pa ako natatalo — AKO ANG PAPASLANG SA 'YO! Tandaan mo 'yan—" pahiya niyang sabi at itinaas na ang hiyas saka naglaho kasama sina Balrak at Guzma. Nang mawala s'ya ay agad na ring tumigil ang digmaan dahil unti-unti na ngang umaatras ang mga Derronian. Ibinaba na ni Axus ang kaniyang sandata at tuluyan na siyang natumba! Bumaba mula sa pagkakalutang si Sype at tinabihan na ang iba nilang kapatid, silang lahat ay mga pawisan at madudungis na— "Umaatras na ang mga Derronian." sambit ni Adro. "Umurong na ang mga kalaban! Nagwagi tayo, mga regium!" bati ni Capaste sa magkakapatid. "PACEN TEPNEMUVO MAJEZENTY!" "PACEN TEPNEMUVO MAJEZENTY!" sigawan ng lahat at tinaas ang kanilang mga sandata! "Sandali?! — si Axus!" gulat na sabi ni Xelcis nang matanaw ang kanilang hari na naka-handusay na sa malayo! Dali-dali silang apat na tumakbo at nilapitan nga si Axus, at doon ay nakita nga nilang wala na itong malay!— Agad na hinawakan ni Sype ang kapatid at nakita n'yang duguan ito— "Marami na palang sugat si Axus!" pangamba niya. "Kailangan na natin s'yang maibalik sa palasyo upang magamot!" aya ni Verdem at mabilis nilang hinawakan na apat si Axus at sama-sama silang naglaho!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD