Kabanata 39: Muling paghahati sa mga hiyas

2610 Words
Nakalabas na ng palasyo si Lerzia matapos ng ganap niyang pagkalas sa ama at mga kapatid, naglakad s'ya patungo sa kagubatan nang... "Lerzia, hintay!" tinig ng isang babae. Nang lumingon si Lerzia ay nakita n'ya si Cally, isa sa mga hora. "Lerzia, sandali!" pagpapahintay at dali-dali s'yang nilapitan. "Ano'ng kailangan mo sa 'kin, hora?" iritang tanong ni Lerzia. "B-bago ka lumisan — ay nais kong malaman mo... na may sanggol sa aking sinapupunan." sambit nitong si Cally. "Ano namang pakialam ko kung magkaka-anak?" tanong ng regium at tumalikod nang muli. "Anak natin ito!" Cally Biglang bumalik sa alaala ni Lerzia ang minsan na may nangyari sa kanila nitong si Cally kaya napalingon s'ya— "Anak? Natin?" tanong niya sa dalaga. "Oo, kamahalan — tiyak akong ikaw ang ama nito." nahihiyang sagot ni Cally. "May ang sapolar ka na ba?" Lerzia At nagtungo silang dalawa sa hardin ng Goltus, sa hardin kung saan naka-lagak ang lahat ng sapolar o mga bulaklak na nagsisilbing sinapupunan ng mga majezan na nagdadala na ng panibagong buhay sa kanilang katawan. Isa sa sa mga bulaklak ang bahagyang hinila ni Cally at mula rito ay nakita nga nilang dalawa ni Lerzia ang isang sagisag ng regium, tanda na may dugong bughaw na bata ang nabubuo sa loob! "Sa akin nga ang batang ito..." mahinang sambit ni Lerzia at hinaplos ang bulaklak na kulay lila. "Ngunit paano ang aking mga binabalak kung may batang paparating?" tanong niya sa isipan. "Alam kong — hindi magandang pagkakataon ito upang — upang ipagtapat sa 'yo ngunit kailangan mong malaman." sabi ni Cally at humarap kay Lerzia, "magbalik-loob ka sa iyong ama at mga kapatid! Tiyak na matutuwa sila kapag nalaman nilang — may paparating na bagong prinsipe sa kanilang hanay at magmumula pa ito sa iyo!" mungkahi nito. "Sinasabi na nga ba!—" galit na sambit ni Lerzia. "—Isa ka rin sa mga kukumbinsi sa akin upang babaan ang aking sarili! Hindi mangyayari 'yon, Cally. 'Wag kang umasa!" "Ngunit hindi ko nais — hindi ko nais na  lumaki ang bata na watak ang kaniyang mga magulang at ang mga avun niya ay galit sa kaniyang ama!" paliwanag naman ni Cally. "At sinong may sabi sa 'yong magiging magulang tayo ng batang ito? Tingin mo ba'y pakakasal ako sa isang hora? HINDI!" irita lalong sabi ni Lerzia. At labis na nagulat at nasaktan si Cally sa kaniyang mga narinig, napatalikod tuloy siya at pilit pinigilan ang tuluyang pagpatak ng kaniyang mga luha. Nang walang ano-ano ay bigla siyang sinaksak sa likuran ni Lerzia! "AGHHH!" "Patawad ngunit hindi maaaring malaman ng aking ama ang tungkol sa atin... Ipaubaya mo nalang sa akin ang bata!" bulong ni regium. "L-Lerzia... Bakit?" nangangatog na sambit ni Cally. AT MULI PA SIYANG SINAKSAK! Hinagkan siya ni Lerzia at saka siya tumaob nang na wala nang buhay!— "Magiging sagabal ka lang sa akin, Cally... kaya mabuti pang magpahinga ka na lang." saad ni Lerzia. "Ako nang bahala sa ATING anak!" "Ngayon, tignan naman natin kung anong magagawa ko sa 'yo." sambit nito at kinuha naman ang sapolar na may sagisag at dali-dali nang tumakas! Nagtungo siya sa Derrohny at doon ay nakilala na s'ya ng iba pang Derronian. "Flaio?!" pagdating niya at halatang nagulat ang mga apram na sina Guzma at Sebani. "Regium Lerzia?!" gulat na sambit ni Guzma, "kung ganoon ay alam na niya, panginoon?" tanong ito. "Sapolar ba iyang hawak mo? Bakit may dala kang ganiyan?" pagtataka ng hari. "Mahabang salaysayin, flaio. Ngunit — may maaari ba akong pagtaguan nito dito? Kaya bang mahubay ng sapolar kahit malayo ito sa Goltus?" nababahalang tanong ni Lerzia. "Halika, sumunod ka sa akin!" tugon ni Balrak at silang dalawa ay agad na nagtungo sa ibang panig ng Derrohny upang hanapan ng paglalagyan ang ninakaw na sapolar. ... Kinaumagahan Nasa tuktok na bahagi ng Goltus si Roman, kasama ang mga kawal na sina Emprido, Capaste, Lawag at Rano. "Nagawang pakawalan ng kung sino man ang may gawa nito ang tagapagbantay ng hiyas." nababahalang sabi ng amang hari nang hawakan ang naiwang tali ng Cereva. "Paano iyon magagawa n-ni regium Lerzia 'gayung dambuhala at napaka bagsik ng Cereva?" tanong naman ni Emprido. "Hindi maganda ang aking pakiramdam... Tila may iba pang binabalak na gawin si Lerzia ngayon na tuluyan na niya kaming nilisan." saad ni Roman at lumakad papasok sa guhong kulungan ng nawawalang nilalang. "Saan kaya dinala ng aking anak ang Cereva?" tanong nito sa sarili. Matapos ang kanilang pagsisiyasat sa nangyari kung paano nga ba talagang nanakaw ng regium ang hiyas ng dilim ay bumaba na rin sila at isa-isang pinuntahan ni Roman ang lima pa niyang anak. Una siyang nagtungo sa silid ni Xelcis... "Xelcis?" pagtawag niya. "Ama?! Ikaw pala! Anong sa atin?" pagsalubong ni Xelcis at agad na pinapasok ang ama. Si Roman ay tila may pag-aalinlangan sa mga mata at hindi ito sumasagot, pagkatapos ay bahagya itong huminga ng malalim at saka ibinuka ang kaliwang palad. Lumutang mula roon ang hiyas ng apoy— "—Ipinagkakatiwala ko na sa 'yo ang pangangalaga sa hiyas ng apoy." sambit nito na ipinagtaka ni Xelcis! "Pakaingatan mo ito, anak — 'gaya nang kung paano ito pinangalagaan ng mga kalahi mong Pyron!" pakiusap nito. "B-bakit ama?" naguguluhang tanong ni Xelcis habang ipinagkakaloob sa kaniya ng ama ang hiyas. Sumalin sa palad ng regium ang hiyas at kaniya na itong pag-aari! "Bitbitin mo sa 'yo ang ningas ng katapangan at alab ng kapangyarihan!" bilin ni Roman at tinapik sa balikat ang anak. "Iingatan ko ito ama. Gagamitin ito upang maipagtanggol ang ating kaharian at matulungan si Axus sa kaniyang pamumuno!" panunumpa ni Xelcis habang dalawang palad na hawak ang kulay pulang hiyas. Ngiti ang isinukli sa kaniya ng ama at lumisan na rin ito patungo naman sa susunod na anak... kay Verdem. Nakita ng amang hari ang regium sa silid rin nito habang tumutugtog ng plawta at nakaupo sa pasimano ng bintana. "Verdem?" pagpasok niya. "Amang hari!" bati ng regium at agad na bumaba sa kinalalagyan upang magbigay-galang. "Tignan mo ang iyong sarili, Verdem—"  nakangiting sabi ni Roman sa kaniya at hinawakan s'ya sa mukha, "ka'y kisig mo na! Malaki ka na!" "May sarili nang pag-iisip at isa nang mahusay na regium!" dagdag nito. Ngumiti naman si Verdem at ibinaba ang mata dahil nahiya sa mga papuri ng ama. "Dahil d'yan ay makaka-tiyak akong mapapangalaagan mo — ang hiyas ng tubig!" sambit ni Roman at inilabas naman ang luntiang hiyas! "Ama? — A-ano ito?" gulat rin na tanong ni Verdem. "Tanggapin mo ang hiyas ng mga diwata, anak!" utos ni Roman. "Ano'ng mayroon ama?" at ,ay pag-aalinlangan na iniabot ni Verdem ang kaniyang palad kaya sumalin na nga rin sa kaniya ang hiyas ng tubig! "Pangalagaan mo iyan, Verdem. Mahalaga iyan kaya kahit na anong mangyari ay huwag mong pababayaan!" ito naman ang pakiusap ng ama. "Makakaasa ka, ama. M-maraming salamat!" nakangiting sagot ni Verdem. At lumisan na rin ang amang hari upang nagtungo sa susunod pa, kay Adro. Ito naman ay nasa tabing dagat  at mag-isang nagsasanay. "Adro?!" pagtawag n'ya. "Salutem, ama!" bati ni Adro na nakasuot ng gayak pang-ensayo at pawis na pawis. "Mas humuhusay ka pa ah? Ipagpatuloy mo iyan!" nakangiting sabi ni Roman at mabilis nang ibinuka ang kaniyang kanang palad. Lumutang naman ngayon ang hiyas ng lupa! "Heto, tanggapin mo Adro. Maging isa ka rin sa magtatanggol sa ating daigdig!" pag-aabot nito sa hiyas. May pagtataka ring ngumiti si Adro 'gaya ng mga nauna sa kaniya, ngunit hindi s'ya nagdalawang-isip na kuhanin ang ibinibigay ng ama. "Bakit ama?" tanong niya nang mapasa-kamay ang hiyas. "Nais kong galingan mo pa, anak. Maging mahusay kang regium!" tanging sagot ni Roman at iniwan rin agad ang anak. Ngumiti lang si Adro at naisip ang kakatuwang kinikilos ng kanilang ama. ... Sa silid ni Sype... "Ano't kakaiba ang saya sa mga ngiting iyan?" pagpasok ni Roman ay nilapitan agad niya ang anak. "Ama?! Salutem! Ano'ng — iyong ginagawa rito?" medyo gulat na salubong ni Sype. "Hinahanap kita, dahil may kailangan tayong pag-usapan." sagot ng ama at itong regium ay biglang namutla at kinabahan!— "A-anong ating pag-uusapan, ama?" tanong nito. "Halika, maupo tayo!" sagot ni Roman at hawak ang kamay ng anak nang sila'y maupo sa tapat ng lamesa. "Wala ka bang gustong sabihin sa akin, anak?" tanong naman niya. "P-po? Ano pong?—" kinakabahang tanong ng regium. "Biro lamang! Ako ang may nais sabihin sa 'yo, aking Sype." nakangiting sagot ng amang hari at dito ay bahagyang naibsan ang kabang nadarama nitong si Sype. "Ipigkakatiwala ko sa 'yo ang hiyas ng hangin—" pahayag pa ni Roman at binitawan ang kamay ng anak saka inilabas ang asul na hiyas! "Ito ang hiyas na minsang pinangalagaan ng iyong yumaong inang reyna. Hangad ko na maging katulad ka niya, Sype — isang huwaran at hindi makasariling pinuno." Nagulat rin si Sype at hindi nakapag-salita. Hanggang sa ipinasa na sa kaniya ng ama ang hiyas! "Mahalaga na rin ang gagampanan mo dito sa ating daigdig, anak. Ngayon na hawak mo na ang isa sa mga hiyas ng Majezenty ay hawak mo na rin ang kinabukasan nating lahat — maki-isa ka sa mga kapatid mo at magtulong tulong kayo upang mapanatili ang kaayusan rito." pakiusap rin ni Roman. "Umasa ka, ama! Umasa kang gagamitin ko ang hiyas na ito para sa ikabubuti ng lahat!" nakangiting pangako ni Sype at tumayo. "Darating ang panahon na katulad ni Axus — ikaw ay magiging isa ring pinuno kaya husayan sana Sype? Sapagkat hinihintay ka lang ng Falcodep!" saad ng amang at hinawakan sa balikat ang anak. "Ngunit maiwan na muna kita — isang mapagpalang umaga, Sype!" paalam rin nito at tinapik na sa ulo si Sype. "Hintay, ama!" pagpigil naman ng regium at dali-daling niyakap ang ama! "Kahit hindi ko nakilala ang aking ina ay masaya pa rin ako dahil ikaw naman ang aking naging ama." bulong nito habang mahigpit na nakayakap. "Nakatutuwa namang malaman iyan, anak... Kung gano'n ay nais ko ring malaman mo na masaya ako na ikaw ang isa sa aking naging mga anak! Kayo ng iyong mga kapatid! Mga mahuhusay at natatanging regium!" matamis na sambit ni Roman at pinisot naman ang ilong ni Sype bago tuluyang lumakad labas ng silid. At para sa huling bahagi ng kaniyang layunin ay nagtungo na siya sa tanggapan ng bagong hari, kay Axus! "Kumusta ang bagong hari?" pagpasok n'ya sa bulwagan. "Salutem, ama!" nakangiting bati ni Axus na tila may mga binabasa. "Halika, Axus. Mayroon akong mahalagang sasabihin sa iyo!" sabi ng ama at pinatayo ang kaniyang bunso habang hawak ito sa kamay. "Masaya ako na makitang ikaw ang nasa aking katayuan ngayon. Humahanga ako sa iyo ng labis, Axus! Tunay na karapat dapat ka!" puri nito na may kasamang ngiti. "Ngunit may kulang pa sa iyong tungkulin..." "Ama?!" Axus "Iyon ay ang pangalagaan ang pinaka mahalagang bagay na kailangang taglayin at PAGKA-INGATAN ng isang hari ng Goltus!" sagot ni Roman at inilabas na ang natitira niyang hiyas— Ang hiyas ng liwanag! "Ito ang hiyas ng ating lahi, paka-ingatan mo ito, Axus. Ayusin mo ang mga nasira at pagbukludin ang mga nagkalayo. Nawa'y kung sino ka ngayon — ay s'ya paring maging ikaw sa hinaharap. 'Wag kang magbabago aking bunso." pakiusap ng ama nang ipasa n'ya sa anak ang hiyas. "Huwag mo ring pababayaan ang iyong mga kapatid kahit na ikaw pa ang nakababata sa inyong lahat. Pangalagaan mo ang iyong mga nasasakupan, ang ating mundo at kaharian. Dasal ko na magawa mong magkaisa ang lahat, Axus!" Ngumiti ang bagong hari at pinagmasdan ang kaniyang hiyas... "Pangakong ako ay magiging makatarungan at mapagpalayang pinuno, ama. Isang hari na maglilingkod sa aking bayan! Kaya't magtiwala kang matutupad ang iyong mga winika, mahal na ama!" panunumpa nito at isinara na ang palad. "Maraming salamat, ama! Salamat!" At nagyakap rin silang mag-ama nang napaka higpit! ... (Sa Derrohny) Nakalagay sa isang mahiwagang kawa ang sapolar na tinangay ni Lerzia, binabantayan ito ng Cereva at binasbasan n'ya ng mahika upang patuloy itong mabuhay. "Malaking bagay na hindi nawasak ang batong iyan. Sa tulog n'yan at ng hiyas na hawak mo ay magagawa mong suportahan ang sanggol na nabubuo pa lamang sa loob." sambit ni Balrak. "Mainam talagang dito ko naisip na dalhin ang sapolar dahil hindi maaaring malaman sa Goltus na mayroon akong naka-niig na kung sinong babae." sabi naman ni Lerzia at nagsimula silang maglakad. "Gamit din ng hiyas ng dilim ay magagawa nating ibangon itong lugmok nating kaharian, unti-unti ay maisasa-ayos natin ang bawat panig nito!" Balrak "Mahusay iyang sinabi mo, flaio. Aasikasuhin natin 'yan ngunit sa ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano bang gagawin ko sa batang ilalabas ng sapolar na iyan." nababahalang tugon ng regium. "Bakit tila may pag-aagam-agam ka riyan? Hindi ba't napaka gandang biyaya kapag dumating na iyang anak mo?" tanong ng hari. "Maaari mo s'yang hasain upang maging katulad mo na mahusay at magagamit mo rin laban sa iyong ama at mga kapatid." Napaisip bigla si Lerzia at tama, may kabuluhan ang sinabi ng kaniyang flaio. May pakikinabangan s'ya sa batang paparating! At dumating sina Tomzo at Grayda... "Panginoon!" pagbibigay-galang ng mga ito. "Sandali? — Tomzo, Grayda?!" gulat na sambit ni Lerzia at tumingin kay Balrak. At mabilis nang niyakap ng regium ang mga mabubuti at tapat na tagapag lingkod! "Natutuwa akong makita kayong muli! Anong ginagawa n'yo rito sa Derrohny?" takang tanong nito. "Silang dalawa ay matagal nang kaanib ng Derrohny at tapat na naglilingkod sa akin." masayang sagot ni Balrak at muli s'yang nilingon ng apo. "Kaya kahit rito ay makikita at makakasama mo kami, aking alaga!" sabik na sabi ni Tomzo. "Napaka husay! Nakatutuwa naman!" sambit ni Lerzia na kitang kita sa mga mata ang labis na galak. "Ngunit sandali — nangangahulugan ba itong... hindi kayo tunay na nagpapasakop sa aking kapatid?" tanong nito. "Oo naman! Dahil para sa amin ay ikaw lang ang dapat na maging hari kaysa kay Axus!" sagot naman ni Grayda. "Simula nang ilayo ka ni Roman sa aking anak ay inutusan ko na ang dalawang ito upang sila ang magbantay at kumalinga sa 'yo, na hindi ko naman pinanghihinayangan dahil tignan mo na kung sino ka  nila hinubog ngayon! Isang matapang at hindi nagpapasindak na regium!" puri ni Balrak. "Ngunit totoo, masaya akong makita kayong muli!" nakangiting sambit ni Lerzia at muli pang niyakap sina Tomzo at Grayda. "Bakit hindi tayo magsalo-salo sa isang pananghalian upang mas makapag-usap kayong tatlo?" alok ni Balrak na hindi tinanggihan ng tatlo. Kaya naman agad siyang nagpahanda ng makakain upang silang lahat, kasama ng dalawa pa niyang apram ay magkaroon nga ng sandali upang magsama-sama! "Ngayong narito ka na sa kandili ng iyong flaio ay ano ang susunod mong gagawin pagkatapos mong lisanin at itakwa ang iyong mga kapatid?" tanong ni Tomzo. "Hindi ko nakakalimutan ang aking nais — at iyon ay ang maipakita ko sa kanilang lahat ang aking galing. Na ako ang pinaka mahusay at mapahiya ko ang aking ama." sagot ni Lerzia at tumingin kay Balrak. "Tulungan mo akong maka-ganti at mapabagsak ang aking mga kapatid, flaio! Kailangang makita nila kung ano pinakawalan nila! Patutunayan ko sa kanilang lahat ang aking sarili — at nais ko na magsisi sila!" pakiusap nito. "Sabihin mo lang kung ano ang iyong nais at nakahanda ang buong hukbo ng Derrohny para sa 'yo, aking apo!" matamis sagot ni Balrak. "Hindi ko pa rin nalilimutan ang pagpapahiyang ginawa nila sa akin — ang sama-sama nilang pagtutulungan laban sa akin... Mga wala silang kwentang kadugo!" ngitngit pa ng regium at uminom ng alak. "Makikita nilang lahat ang tunay Lerzia, isang mahusay at hindi na nagpapa-aping sorsero!" sumpa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD