Kabanata 72: Paghahanap

1283 Words
Nang walang masaktang ang halimaw ay agad itong pumihit at hinarap na naman ang mga sorsero!— "HAGGHHH!" mabilis na tinaga ni Lerzia ang halimaw at napa-ungol ito nang pagka-lakas lakas! "Lerzia!" pagtawag ni Axus na kitang nag-aalala. "Ayos ka lang mahal na hari?!" pagsama ni Lerzia sa mga kapatid. "Tila naliligaw lang rito ang nilalang na iyan! Hayaan n'yong kami na ang humawak!" pagkukusa ni Capaste at pinangunahan na ang mga regium. Bago palang kikilos silang mga kawal ay muli na namang umatake itong dambuhalang toro at sinalasa sila! Lahat sila, maging ang mga regium ay nasaktan ay napa-subsob sa lupa... "Apmevento!" daing ni Lerzia at agad na bumangon. Dagli ring bumangon si Axus at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang sandata. "Ayos ka lang?!" tanong niya sa kapatid. "Oo... mag-iingat ka Axus! Mabagsik ang nilalang na iyan!" pagpapaalala ni Lerzia. At sinugod na nga ni Axus ang halimaw! Pinuntirya niya ito sa sungay upang ito'y putulin at hindi na magamit pa upang makapanakit pero tumalbog lang ang kaniyang espada!— "Aghhh!" daing niya at napa-atras. "Matigas ang isang ito!" sabi ni Adro na naka bangon na rin. "Tulungan natin ang hari!" aya ni Xelcis at agad nilang dinaluhan si Axus. Lahat sila ay nakipag-buno na rin sa dambuhala habang itong si Lerzia ay pinanood nalang sila. "Sige... paslangin na sana kayo ng nilalang na 'yan." sabi nito sa isipan. "Talagang maghahangad ka ng masama para sa iyong mga kapatid?" biglang tinig ni Fellian sa isipan ni Lerzia— Napalingon agad itong regium at tinignan ang paligid— Hanggang sa makita n'ya ang paglitaw ni Fellian! Dumating ito at nagkubli sa isang puno. "Fellian!?" gulat niyang sambit. AT PINAG-SUSUWAG NA NAMANG MULI NG HALIMAW SINA AXUS! Nang kikilos na si Fellian ay mabilis siyang hinarangan ni Lerzia ng isang salamangka! Pagkatapos ay nilingon nito ang mga kaptid na halatang kinakabahan na at pawis na pawis pa! "Hindi ako papayag na ikaw ang sisira sa lahat ng binabalak ko!" sabi nito sa kaniyang isip. Maya-maya ay niragasa na naman ng halimaw sila Axus saka ito dali-daling tumakbo papalayo! Ito ang nakitang pagkakataon ni Lerzia kaya mabilis siyang naglaho at isinama ni Fellian! "Xelcis!" agad na iniabot ng hari ang kaniyang kamay sa kapatid at ito'y tinulungang makatayo. "Nasaan si Lerzia!?" tanong naman ni Verdem nang makita agad wala na ang kanilang panganay! Inilayo ni Lerzia si Fellian at dinala ito sa ibang dako ng kagubatan, doon ay sabay silang lumitaw at nagka-salagan pa ng mga espada! "Ikaw na naman?! Ano'ng binabalak mo? Ang ispulong ako? Hindi mo magagawa iyon dahil bago ka pa maka-kilos ay uunahan na kita!" galit na tanong ni Lerzia na hindi hindi na maikubli ang kabugnutan. "Bakit ba ayaw mo akong tigilan! Para kang anino na buntot nang buntot sa akin! Sabihin mo nga Fellian, ano ba'ng mapapala mo sa ginagawa mong pagsubaybay at pakikialam sa aking mga gawain?!" pag-ngingitngit nito. "Hindi ako papayag na saliwain mo ang iyong mga kalahi. Tungkulin kong pangalagaan ang mga taga-Goltus at kahit sa 'yo pa ay handa kong ipaglaban ang aking mga sorsero!" tugon ni Fellian. "Nagpapaka-bayani ka sa isang kahariang hindi ka na tinatanggap!" bulyaw naman ni Lerzia, "Huwag kang hibang Fellian, huwag mo akong pakialaman kung hindi mo ibig na pati ako may makalaban!" "Inuulit ko — handa kong ipaglaban ang mga sorsero laban sa mga Derronian... NA 'GAYA MO!" patuloy na paglaban nitong isa, "hindi ka masama Lerzia, naniniwala akong hindi mo kayang talikuran ang tunay mong pinagmulan at nabubulagan ka lang sa iyong galit!" "SANCTE!" sigaw muli ni Lerzia, "wala nang puwang upang usigin mo na naman ang aking kalooban. Wala na akong panahon kaya kailangan na kitang tapusin!" Muli na namang naglaban ang dalawa at nagtagisan ng galing sa pakikipag-espadahan! Pababang umatake si Lerzia at naiilag agad ni Fellian ang hita niya kaya hindi s'ya nasugatan. Iginalaw muli ni Lerzia ang sandata at naharang ito ng kaniyang katapat! "Batid ko ang lahat ng ikinikilos mo Lerzia. Hindi ka magwawagi sa akin!" pang-yayamot nitong si Fellian. "D'yan ka nagkakamali!" sagot ni Lerzia at binigyan ng matatalim na tingin ang sinaunang sorsero. At biglang nitong pinaghiwalay ang gamit na espada at ginawa itong dalawang punyal! "HAGGGH!" at nasugatan na si Fellian! Naaptras ito at naramdaman ang tama sa tagiliran!— "Ano!? Bakit natigilan ka? Hindi ba't bidang bida ka kanina? Nasaan ang tapang mo, Fellian!?" pang-uuyam ni Lerzia. "Hindi ang 'gaya mo ang makakapanakit sa 'kin." sagot ni Fellian at napaghilom agad ang sugat! Sa pagkakatong ito ay Lerzia naman ang nagulat at nanlaki pa ang mga mata! Mabilis na naglaho ang dugo sa damit ni Fellian at naghanda siya upang sugurin muli ang regium— Nang kikilos na siya ay dito na siya hinarangan ni Lerzia gamit ang enerhiya ng hiyas ng dilim! "Hanggang d'yan ka nalang!" saad nito na kitang pagod na ring makipag-laban. "Hindi ka maaaring maka-sagabal sa aking mga layunin! Kung si Sype nga na aking kapatid ay nagawa kong alisin, ikaw pa kaya!?" palalo nitong sabi at inilabas pa ang hiyas ng hangin! "Ginagawaran kita ng isang orasyon..." pagsasalita na ni Lerzia. "AGHHH!—" "...hindi ka makikita ng aking mga kapatid hangga't nasa ilalim ka ng aking kapangyarihan! Hindi ka na pwedeng makiaalam pa dahil simula ngayon ay wala nang makakahanap pa sa iyo!!" "AAAAAAGGHHHH!" paghiyaw ni Fellian at unti-unti na siyang kinain ng itim na salamangka! Si Lerzia ay napangiti at labis na namangha nang makita niyang nagtagumpay ang ginawa n'ya! Si Fellian ay bigla nang nawala matapos mabalutan ng kaniyang salamangka! Naiwan na siyang nakatayo sa kagubatang narating nila at agad niyang pinulot ang ibinabang punyal. Nagpagpag siya ng kasuotan at saka tumakbo upang balikan na agad ang mga kapatid. Nang magbalik s'ya ay nakita n'yang nagpupulong na sila Axus at ang mga kawal. "Mahal na hari!?" pagtawag niya. "Mm? Lerzia — saan ka nanggaling?" tanong ni Axus. "Oo nga Lerzia, saan ka nanggaling?" pagtabi ni Verdem sa hari. "Bakit hindi ka makasagot?" "S-sinundan ko ang umatake sa atin... Ngunit hindi ko s'ya nahuli." sagot ni Lerzia at tumungo na tila napaka among cerapal. "S-si Sype?! N-natagpuan na ba?" tanong nito, pero walang sumagot at si Axus ay umiling lang sa kaniya. "Marahil ay ginalingan mo ang pagtatago sa kaniya?" pasaring na naman ni Verdem. "Iniisip mo ba talagang ako papaslang sa ating kapatid?" tanong na ni Lerzia. "Ano ba'ng kailangan kong gawin upang maniwala kayong lahat na wala akong kinalaman sa pagkawala ni Sype!" "Tumigil na kayo! Nagsisimula na naman kayong dalawa!" pag-gitna ng hari sa mga kapatid. "Tumatakbo ang sandali, hangga't hindi natin natatagpuan si Sype ay mas lumiliit ang pagkakataon na mahanap pa nga natin s'ya nang buhay!" ani nito at natahimik nga ang dalawa. "Axus..." paglapit ni Adro. "...magtutungo kami ni Xelcis sa Saghara. Magbabaka-sakali kaming naroon si Sype." pagpaalam nito. "Sige! Susunod ako sa inyo, mag-iingat kayo!" pagpayag ng hari. Nang lilisan na si Adro ay tinawag s'ya ni Lerzia... "Sandali! — Nais kong sumama, tutulong ako sa paghahanap." pagbubukas-palad nito. Hindi sumagot si Adro pero nakita ni Lerzia na tinanguan s'ya ni Xelcis. Yumuko na s'ya kay Axus at tinitigan naman nang masama si Verdem bago sumunod sa mga paalis na kapatid. "Hindi maganda ang pakikitungo mo kay Lerzia." malamig na sabi ni Axus kay Verdem. "Hindi talaga gaganda ang tunguhan namin dahil traydor s'ya." sagot nitong isa, "nararamdaman kong may binabalak s'yang masama at hindi ako naniniwala sa ipinapakita n'ya ngayon, Axus!" "Payapain mo muna ang iyong sarili, Verdem. Isantabi mo muna ang kutob mo sa kaniya at pagtuunan natin ng pansin ang paghahanap kay Sype... hindi makakatulong na nagbabangayan kayo sa gitna ng ating ginagawa." payo ng hari at tinapik sa balikat si Verdem.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD