Kabanata 71: Nawawala si Sype

1313 Words
"Batid kong nawawala si Sype—" sambit pa ni Lerzia at napatingin sina Axus sa kaniya. "IKAW!!?" tugon ni Verdem at dali-daling sinunggaban ang kapatid! "Verdem! Verdem!" pag-awat naman agad ni Axus nang sakalin na ni Verdem si Lerzia. "Anong ginagawa mo sa kaniya?!" galit pang tanong ni Verdem nang hilahin na siya ni Xelcis at ilayo sa kanilang kuya. "Mga regium, huminahon kayo! Hindi n'yo kailangang magkagulo!" pag-gitna ni Capaste sa magkakapatid. "Wala akong ginagawa kay Sype, Verdem! WALA!" naluhang bulyaw ni Lerzia. "Kaya nga ako naparito dahil may nais akong iulat sa inyo na isang bagay!" dagdag nito at muling lumapit kina Axus pero agad siyang tinutukan nina Verdem at Adro ng kanilang mga sandata! "Batid ko ang nangyari sa kaniya." sambit pa ni Lerzia at tinitigan s'ya nang maiigi ni Axus sa mga mata. "Ibaba n'yo ang inyong mga sandata!" utos nito. "Anong nangyari sa ating kapatid, mag salita ka!" tanong nito kay Lerzia. "May nakasagupa s'yang nilalang! — H-hindi ko batid kung s'ya ba ay sorsero o pangkaraniwang nilalang lang ngunit magaling s'ya!" sagot ni Lerzia na damang may takot sa tinig. "Mahusay sa paggamit ng sandata at nagtataglay ng kakaibang mahika ang nilalang! Nadaig n'ya ang ating kapatid at doon ako sumaklolo. Sinubukan ko s'yang labanan pero — hindi ko rin sya kinaya!" kwento nito. "At ano ang nangyari kay Sype?" tanong ni Xelcis. "Napaslang s'ya—" ngatog na tugon ni Lerzia at pumatak pa ang luha. "—pinaslang s'ya ng majezan na pareho naming nakasagupa!" At kinabahan na ng husto sina Xelcis at nagkatinginan — habang itong si Axus ay tuwid pa rin ang tingin kay Lerzia at hindi umiimik. "Wala na ang ating kapatid... Pinaslang na s'ya!" pagpapaawa ng muka ni Lerzia. Nakadagdag pa na may mga sinadya siyang ipakita na mga sugat sa katawan upang mas maging kapani-paniwala ang kaniyang mga arte. "Wala na si Sype?!" nangangatog na tanong ni Xelcis kina Verdem. "Hindi ako naniniwala sa 'yo." biglang sambit ni Axus at napatingin sa kaniya ang mga kapatid. "Axus?!" "Hindi ako naniniwalang nadaig kayo. May hiyas kayo — hindi kayo maaaring mapaslang!" hindi kumbinsidong dagdag ni Axus at dito na naman muling nagka-igtingan! "Isa lang ang ibig sabihin nito..." sambit ni Adro at tinutukan muli si Lerzia ng kaniyang sandata. "Nagsisinungaling ka!" Sinunggaban na naman ni Verdem ang kapatid at ito'y sinakal! "Hindi!! Hindi ako nagsisinungaling! Tunay ngang wala na si Sype!" pagpilit nitong si Lerzia na kitang kinakabahan dahil mukhang handa siyang paslangin ng dalawang kapatid. "Makapangyarihan ang aming nakasagupa at walang laban ang aming mga hiyas sa kaniya!" sabi pa nito. "Sancte!!" sambit ni Axus at inawat na naman nina Xelcis at Adro si Verdem. "Saan ito nangyari? Dalhin mo kami do'n ngayon din!" utos nito. "Sandali, ladra? Magtitiwala ba tayo sa traydor na 'yan?" pagkagulat ni Verdem, "nakakatiyak ba tayo na totoo ang mga sinasabi n'ya o baka naman gawa-gawa n'ya lamang dahil ang totoo..." at lumakad ito palapit na naman sa lumuluhang kapatid. "...ay sya ang pumaslang kay Sype at ang umagaw sa hiyas nito!" "Hindi malabo — nagawa n'ya nga tayong pagtaksilan, pasalangin pa kaya?" bintang rin ni Adro. "TAMA NA!" pagsigaw na ni Axus, "tumigil na kayo, hindi pa nga natin tiyak kung ano talaga ang nangyari kay Sype ay nagtatalo na kayo!" sabi nito. "Tama si Axus." pagsasalita na ni Xelcis. "Matuto kayong mahiya, sa harapan pa talaga ng hari kayo umaasta ng ganiyan?" sermon nito at napahiya sina Adro at Verdem kaya ibinaba na ang kanilang mga sandata. "Masama ang kutob ko sa kaniya..." pa-saring pa ni Verdem. "Ang kailangan nating gawin ngayon ay tuntunin ang kinaroroonan ni Sype pati na ng majezan na sinasabi ni Lerzia na umagaw sa kaniyang hiyas!" saad ng hari. "Sumasang-ayon ako — ano, tayo na?" tanong ni Lerzia at nagpunas ng mga luha. "Tayo na, mga kawal?!" pagtawag ni Axus at agad na siyang naglakad, kasunod si Xelcis at Adro. Si Verdem ay lumapit kay Lerzia at ito'y binulungan... "Kung ito ay isang patibong — sinasabi ko sa 'yo... Umayos ka! Kundi ay ako mismo ang makakalaban mo!" pagbabanta nito at saka sumunod sa mga kapatid. ... Nakarating ang mga regium sa kagubatan kung saan nakatirik ang lagusan ng Ayralum, magkakasamang naglalakad ang mga sorsero habang si Lerzia ay nagpapahuli upang pakiramdaman ang igagalaw ng mga kasama. Lumuhod si Axus at hinawakan ang lupa... "May naganap na labanan rito." sabi niya nang maramdaman ang nakaraan. "Dito nga kaya napaslang si Sype?" tanong ni Verdem. "Hindi!" sagot nito at tumayo, "hindi pa ako naniniwalang wala na nga siya. Buhay pa si Sype! Nararamdaman ko." at lumakad itong muli saka sinundan ng mga kawal. "Oh — bakit nananatili ka riyan?!" tanong ni Adro kay Lerzia, "may binabalak ka bang gawin ha!?" "Wala!" mariing tugon nitong isa, "tinitignan ko ang paligid dahil baka narito lang ang — nakalaban namin ni Sype." "Mukha kang kinakabahan? May tinatago ka ba?" pag-uusisa pa ni Adro dahil nakita ang mga bukol bukol na pawis sa balat ng kapatid. "Tantanan mo nga ako, Adro! Hanapin nalang natin si Sype!" saad ni Lerzia at dali-dali nang sumunod kina Axus. "Ano'ng pinag-usapan n'yo?" tanong ni Verdem. "Wala naman... Inuusisa ko lang s'ya." sagot ni Adro. "May kakaiba sa kaniya — at hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa biglaan niyang pagsulpot... Kailangan natin s'yang bantayan." saloobin pa ni Verdem. "Oo velaca... 'Yan din ang aking gagawin!" Adro Sina Axus na nauuna ay humahanap na ng mga palatandaan o kahit ano na maaaring makapagtuturo sa kanila sa tunay na nangyari kay Sype o kung nasaan nga ba ito. Habang abala sila ay biglang nagpakita ang asong lobo na si Vappo at dahil sa kaniya kaya natakot ang lahat! Nagsipag-handaan ang mga kawal at itinaas ang kanilang mga sandata sa nilalang!— "Sandali!?" pangunguna ni Axus at nakilala si Vappo. "Hindi ba't siya ang kaibigan ng ating kapatid!?" tanong nito kay Xelcis at dito na nagdatingan ang iba pang regium na nahuli sa pagsunod. Biglang nagngitngit at umungot itong si Vappo nang makita si Lerzia at pumuwesto ito na tila susunggaban ang mga sorsero! "Sandali — kaibigan?" tangkang lalapitan ni Axus ang nilalang pero maging s'ya ay inambaan nito! "Kamahalan!" dali-daling tinabihan nina Capaste ang kanilang hari. "S'ya si Vappo... Ka-uri nina Yanni at Furra." lahad nito. "Aba'y kakaiba rin pala itong Vappo na 'to? May ugali!" sambit ni Verdem na tangka ring lalapitan ang lobo. "Huwag Verdem! — Mukhang hindi s'ya nagpapa-amo sa iba." pagpigil ni Axus nang tangkang sasaktan ng kapatid si Vappo. Galit lang ang nilalang na nakatingin kay Lerzia at si Adro ang lubhang naka-pansin sa bagay na ito. Maya-maya lang ang umatras na si Vappo at dali-daling tumakbo palayo. "Sayang — maaari sana nating malaman sa kaniya kung nasaan si Sype." panghihinayang ni Xelcis. "Bakit ba ganiyan ang sinasabi ninyo? Si Sype ay wala na nga! Pinaslang na siya!" sabat ni Lerzia. "Ngunit nasaan ang labi niya?!" tanong ni Axus, "hindi ba't narito tayo dahil sabi mo'y dito s'ya napaslang?" At hindi na naman naka-imik ang traydor... "Hindi ako maniniwalang napaslang na nga si Sype hangga't wala akong nakikitang labi niya. May puwang sa puso ko ang nag-sasabing buhay pa s'ya!" naiiyak nang sabi ni Axus at lumakad nalang muli dahil hindi n'ya nais makita ng mga kapatid ang pagpatak ng kaniyang mga luha. "Kabahan ka na... Dahil wala dito sa amin ang naniniwala sa kasinungalingan mo!" pang-uuyam na naman ni Verdem at muling nagngitngit si Lerzia. "Ka'y hihirap n'yong utuin, mga apmevento!" sabi nito at inilabas ang hiyas ng dilim. Tangka nang aatakihin ni Lerzia ang mga kapatid, NGUNIT biglang dumating ang halimaw na kaniyang nakasagupa noong nakaraan! "AXUS!!" sigaw ni Verdem at mabilis na itinulak ang hari dahil galit na galit silang susawagin dapat ng nilalang! "Apmevento! Ano'ng nilalang iyan!?" gulat na tanong ni Axus matapos maka-ilag sa tangkang pagsunggab sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD