Kabanata 15: Ang kinahantungan ng digmaan

2380 Words
Patuloy pa rin ang labanan sa tabing dagat! Nahawakan ni Kaxandra ang espada ni Hanze at itinapon n'ya ito palayo. Susugurin n'ya pa sana ito pero agad s'yang inatake nito ng napakalakas na enerhiya. "Aghh!" napataob s'ya pero hindi s'ya nasaktan dahil nabalutan s'ya ng panangga. Nagdatingan bigla ang mga kawal-Goltian at sila ang nilabanan ni Hanze. Kahit walang sandata ay nagagawang makalamang ng prinsipe dahil sa taglay n'yang mga hiyas. Hindi nya pinatagal ang laban at pinaslang na ang mga kumakalaban sa kan'ya! "HAGHH!" pinatamaan ni Hanze ng malakas na salamangka ang natitirang kawal. "HANZE!!" sigaw ni Kaxandra at agad na bumangon at tinakbo ang kinatatayuan ng kalaban. AT SINAKSAK N'YA ITO SA LIKURAN! "AGHHHH!!" pag-hiyaw ni Hanze "Kabayaran 'yan sa lahat ng mga buhay na kinuha n'yo..." bulong ni Kaxandra. "Walanghiya k—" agad na humarap si Hanze at tangkang sasakalin si Kaxandra pero nakapag labas ito ng isa pang patalim at sinasak naman s'ya sa dibdib! "AGHHHH!" napaluhod na sa buhangin si Hanze habang nakalabas parin ang apat na hiyas sa kaniyang kaliwang palad. Marami ng dugo ang lumabas sa kaniya dahil sa natamo n'yang dalawang saksak— "Apmevento ka!—" nanghihina n'yang daing. "Paalam, prinsipe Hanze." sambit ni Kaxandra at inilabas ang hiyas ng liwanag. Dahan-dahan nang tumaob si Hanze at lumipat ang mga hiyas na hawak n'ya sa palad ni Kaxandra! Hanggang sa bumagsak na si Hanze nang dilat ang mga mata— "Maligayang paglalakbay patungong Hefru." saad ni Kaxandra at agad nang nilisan ang bangkay ng prinsipe. Samantala, naglalaban parin sina Roman at Helad. May ilan nang mga sugat si Roman pero hindi s'ya sumusuko, at hangga't maaari ay hindi s'ya sinusugatan si Helad. Nagsalubong ang kanilang mga sandata at pareho nila itong itinaas— "Isang karangalan na ang ako ang papaslang sa'yo, Haring Roman!" saad ng prinsesa. "HAAAAGHHHH!" laking gulat ni Roman nang humahangos na dumating si Bella at sinaksak nito si Helad! "AGHHH!" napasigaw ang Derronian at agad na nanghina— "Bella?!" tinabihan kaagad ni Roman si Bella. "Ano, Helad? Nasaan ang yabang mo?" pawisang tanong ni Bella. "Walanghiya ka..." daing ni Helad habang hawak ang nagdurugo n'yang sugat. "Bakit mo ginawa iyon?" pabulong na tanong ni Roman kay Bella pero hindi ito sumagot, tinitigan lang s'ya at saka lumapit kay Helad. "Sa akala mo'y matatalo mo ako?—" nanlalambot na daing ni Helad nang malapitan s'ya ni Bella. Ngumisi lang naman si Bella at hinawakan s'ya sa balikat — AT SAKA MULING SINAKSAK! "AAAAAGHHHHH!" Dagling nilapitan ni Roman ang dalawang ito at nang makatabi s'ya kay Bella ay bumagsak na si Helad— "Bakit mo ginawa iyon?" tanong muli ng hari. Muli pang sasaksakin ni Bella si Helad pero inawat na s'ya— "Tama na, Bella. Talo na s'ya... Napaslang mo na sya." saad ni Roman. "Ako ang karapat-dapat na pumaslang sa walanghiyang 'yan." malamig na sambit ni Bella habang pareho nilang pinagmamasdan ang hindi na humihingang si Helad. "Mahal na hari — ang Goltus, sinasalakay din ng mga Derronian!" dumating ang isang sisne at inulat ang mga nagaganap sa kaharian ng mga sorsero. "Apmevento—" ... (Sa Goltus) Magulo na sa palasyo at marami ang mga sugatan sa panig nina Dumagat habang mga Derronian ay patuloy paring winawasak ang paligid! Nagtagpo sila sa punong bulwagan at tila doon na magaganap ang katapusan ng laban. "Kaunti na lamang kayong natitira Dumagat, sumuko na kayo!" utos ni Sebani. Naghanda ang mga kasama n'yang Derronian para paputukan ang mga kawal sa kabilang panig— "NGAYON NA!" hudyat nito at nagsimula na ngang patamaan ng mga kawal n'ya sina Dumagat! Napuno ng usok ang bulwagan at tumigil na sa pagpapaputok ang mga Derronian. "Baka nakakalimutan n'yong nasa teritoryo ko kayo?!" laking gulat ng lahat nang magpakita si Roman! Dumating ito at hinarang ang mga palapit na bala sa mga kawal n'ya gamit ang raejin kaya naman walang nasaktan ni isa kina Dumagat! "Apmevento!" tanging nasambit ni Sebani at napapaatras na s'ya kasama ang mga kawal n'ya. "Kaya pala hindi kita nakita sa digmaan kanina dahil narito ka! Lapastangan!" taas noong sabi ni Roman habang nasa likod ang napakarami n'yang kawal. "Apram — dehado na tayo..." bulong ng isang Derronian kay Sebani. "Paano n'yo nais matapos ang laban na ito?" tanong ni Roman. "Apmevento ka!!" ngitngit ni Sebani at maya-maya lang ay umatras na ang panig n'ya! "MABUHAY SI HARING ROMAN!" sigaw agad ni Dumagat. "MABUHAY!!!" "Kamahalan, salamat dahil dumating kayo! Ang akala namin ay matatalo na kami ng mga cerapal na 'yon!" pabirong saad ni Dumagat. "Walang anuman — sabi ko naman sa inyo, hindi ko kayo pababayaan." pagngiti ni Roman. "Ano nang lagay sa digmaan, mahal na hari?" tanong ng isang kawal-Goltian. ... (Sa pinag-ganapan ng malaking digmaan) "Hanze?! Helad?! Nasaan kayo?!!" pagtawag ni Balrak sa pangalan ng kaniyang mga anak. Tuloy parin ang digmaan pero kakaunti nalang ang natitirang nakatayo. Patuloy na tinatawag ni Balrak ang kaniyang mga anak habang pinapaslang n'ya ang mga nalapit sa kaniyang kalaban. Nang mapaslang n'ya ang isang Pyron at matumba ito ay nagulat s'ya nang maaninag ang tila nakahigang si Helad. "Helad?! Helad?!" agad n'yang nilapitan ang nakahiga at laking gulat n'ya na ang anak n'ya nga ito! Duguan at wala nang buhay— "Helad?! Gumising ka! — Helad, HELAAAAAD!" pagsigaw ni Balrak at talagang bumuhos ang kaniyang luha. Napuno pa s'ya lalo ng pighati ng dalhin sa kan'ya ng isa n'yang kawal ang bangkay naman ni Hanze! "Hanze?! HANZE?!!" nangangatog n'yang hinawakan ang anak hanggang sa maibaba ito. Sabay n'yang inakap ang dalawa at talagang umapaw na ang sama sa kaniyang damdamin at sumigaw s'ya ng paglakas-lakas! Paulit ulit na tinatawag ang pangalan ng mga anak... Sinusubukan silang gisingin pero wala na talaga silang mga buhay... "HANZE, HELAD!! MGA ANAK KO..." pagluluksa ni Balrak at hawak-hawak ang mga kamay ng magkapatid. "MAGBABAYAD ANG SINUMANG PUMASLANG SA INYO, ISINUSUMPA KO!!! WAAAAAAAAAAHHHHHHH!!" Dinig sa kabuuan ng dalampasigan ang panaghoy ni Balrak. Ang mga natitirang kawal ni Roman ay nagtipon-tipon na at nakita nila ang kinahantungan ng digmaan — pati na ni Balrak. Sina Kaxandra at Bella ang nanguna sa mga kawal at magkakasama nilang tinanaw ang pagtangis ng Derronian sa kabilang panig— "Tayo na... Tapos na ang labang ito." aya ni Kaxandra sa mga kasama n'ya at tumalikod na nga sila, saka nagmartsa pabalik sa kanilang mga tahanan. ... (Goltus) Nakasuot parin ng baluti n'yang pandigma si Haring Roman at kinakausap ang ilan sa mga kawal ukol sa naganap na gulo doon. "Mahal na hari..." kinalabit ni Dumagat si Roman at kapwa silang tumanaw sa mga dumarating. Walang iba kundi sina Kaxandra at ang lahat ng kawal na sumabak sa digmaan! "Kaxandra?!" sinalubong ni Roman ang prinsesa at agad itong niyakap. "Masaya akong ligtas ka!" sambit n'ya dito, "gano'n din sa inyo. Salamat at sama-sama pa rin kayong nakabalik rito!" pagbaling n'ya ang tingin sa mga kawal. "Nagawa natin, Roman — napuksa natin ang mga Derronian!" masayang balita ni Kaxandra. "Tunay ba?—" may pag-aalinlangan sa kaniyang tono ng hari. "Tunay ang sinabi ni Kaxandra, mahal na hari... dahil tayo ang nag-wagi sa digmaan!" pagsali ni Bella sa usapan ng dalawa. Ngumiti naman si Roman at saka s'ya nilapitan ni Bella, inilabas nito ang hiyas ng hangin at isinauli na sa kanya. "Maraming salamat sa proteksyong iginawad mo sa akin, mahal na hari!" sambit ni Bella nang ibalik n'ya ang hiyas. Pagkatapos ay magkahawak-kamay na naglakad patungo sa gitna sina Roman at Kaxandra, at ang mga kawal naman pati ang iba pa ay nagtipon sa magkabilang gilid ng bulwagan. "Nagtagumpay tayo! Napuksa natin ang mga Derronian!" proklama ni Roman sa lahat at nagpalakpakan ang mga nakikinig. "Hindi ito mangyayari kung walang pagkakaisang naganap at kung hindi kayo nakiisa — kaya't maraming salamat sa LAHAT! Sa mga kawal na lumaban para makamit natin ang tagumpay na ito! Sa mga kawal ng Goltus, ng lahing Pyron, pati na sa mga Galomian, sa mga Falco, at sa mga nilalang ng Saghara, binabati ko kayo! 'Pagkat nagawa n'yo ang bagay na nais nating lahat at iyon ay ang mapigilan ang tuluyang paghahari ng ating mga kalaban. Magaling! Mahusay! Tunay nga na tayo ay anak ng Majezenty!" "Mahal na hari — NATIN! Ito ay tagumpay n'yo rin bilang aming mahusay na hari!" saad ni Capaste. "LUCSE MATDUM MAJEZENTY!" pagpupugay ni Roman. --------------------------------------------------------- Lucse Matdum Majezenty - "Mabuhay ang Majezenty!" --------------------------------------------------------- "LUCSE MATDUM MAJEZENTY!" paulit ulit na bigkas ng lahat na may kasama pang pag-iingay. Tunay na nabalot ng saya ang buong bulwagan dahil sa magandang balita na nanalo ang kabutihan sa kasamaan! Nang mawala ang ingay ay nagsalita naman si Kaxandra... "Ngayong nakamit na ang katahimikan — marahil ay panahon na rin upang magbalik ang mga hiyas sa tunay nitong tahanan!" pagngiti ng prinsesa. AT INILABAS NITO ANG LIMANG HIYAS NA NASA KANIYANG PANGANGALAGA! Labis na nagulat at natuwa ang lahat nang makitang nasa kamay ni Kaxandra ang mga hiyas na naagaw ng Derrohny mula sa ibang kaharian! Napangiti si Roman at bakas sa kaniyang mga mata ang pagkahiwaga sa kung paano ito napasa-kamay ng kaniyang kasintahan. "Kuhanin mo ang mga hiyas, Roman. Mas higit na magiging ligtas ang mga ito kung nasa pangangalaga ninyong mga sorsero." wika ni Kaxandra at inilapit na ang mga hiyas sa hari. Ngumiting muli si Roman at inabot na ang kaniyang palad. At napasa-kamay na niyang muli ang anim na makapangyarihang hiyas! Kaagad n'yang niyakap si Kaxandra at hinagkan ito sa noo. "Isa itong napaka gandang biyaya! Tunay na hindi magtatagumpay ang kasamaan hangga't may lumalaban para sa kabutihan!" papuri ni Maro. "Salutem, tandang Maro! Ikinatutuwa kong makita kang muli!" pagbati ni Roman sa matanda. Nagdidiwang na ang lahat nang magdatingan ang ilang sisne at mag-ulat ng isang balita... "Paumanhin kung puputulin ko ang napaka sayang sandali ninyo kamahalan. Ngunit may kailangang malaman si prinsesa Kaxandra pati na ang mga Celestian." wika ng isang sisne. Nagtaka si Kaxandra kung kaya't nakinig s'yang maiigi sa dalang ulat ng mga nilalang na bagong dating. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang matapos magsalita ang sisne— "Roman, samahan mo ako sa Celestia, pakiusap—" agad na lumapit pabalik sa hari si Kaxandra at kita sa kaniyang mga mata ang labis na pangamba. "Oo naman — tayo na!" sagot ni Roman at naglaho na kaagad habang hawak ang mga kamay ng prinsesa. "Anong nagaganap, tandang Maro?" pag-uusisa ni Bella. "Hindi ko rin alam, ngunit manalangin tayo na hindi ito masama lalo't nagbubunyi palang tayo sa pagkapanalo ng ating mga lahi." sagot ni Maro at lahat silang mga naiwan ay nabahala dahil ang kanilang saya ay tila panandalian lang. ... (Derrohny) Nakalatag na sa magkabilang kama ang bangkay ng magkapatid na Derronian. Ang mga kawal ay nakahanay na at balot ng katahimikan ang buong palasyo. "Magbabayad ang walanghiyang kumitil sa buhay ng aking mga anak — isinusumpa kong hindi ako titigil hangga't hindi nagbabayad ang may pananagutan sa kaganapang ito." malamig at tulalang saad ni Balrak. Nilapitan n'ya ang kaniyang mga anak at binigyan sila ng tig-isang halik ng pamamaalam... "Pagbabayaran nyo'ng mga sorsero ito — isinusumpa ko... ISINUSUMPA KO!" wika niya at talagang dama sa bigat ng kaniyang tinig ang labis na pagkapoot sa mga kalaban n'yang sorsero. Dumating si Sebani na nakasuot ng itim na roba at nadatnan n'ya ang pagluluksa ng kanilang hari— "Panginoon!" pagbibigay galang nito. "Bakit nagbalik ka? May dala ka na bang ulat?!" tanong ni Balrak habang hawak ang mga kamay ni Hanze. "Oo, panginoon. Batid ko na kung sino ang pumaslang sa inyong mga anak..." sagot ni Sebani. "Sino? — SINO?!!" bulyaw ng hari. "Walang iba kundi si Roman at ang katipan nitong si Kaxandra!" Bumilog ang mga mata ni Balrak sa kaniyang narinig at sya'y natigil sa pagtangis— "Si Kaxandra ang pumaslang kay Hanze at si Roman naman kay Helad." dagdag ni Sebani. "Ang walanghiyang si Roman—" pabulong na sambit ni Balrak, "kung gano'n, na kay Kaxandra ang mga hiyas! Marahil ay hawak na ito ngayon ng mga sorero..." sambit n'ya kaniyang isip. "Hawak nang muli ng mga sorsero ang hiyas..." tila nawawala na sa katinuan ang pag-uugaling ipinakikita ni Balrak. "Magbabayad sila — magbabayad sila mga anak! Buhay ang kanilang inutang — buhay rin ang kanilang ibabayad! ISINUSUMPA KO!!! HAAAAAAAGHHHH!!" muling humiyaw ang hari at lalong tumindi ang mga apoy na nakasindi sa paligid ng Derrohny. Nang matapos ang pamamaalam ng hari ay inilagay na ng mga Derronian sa baga ang labi ng magkapatid. Binalot muna nila ang mga ito sa itim na tela at saka sinindihan at unti-unting pinatupok sa nagngangalit na apoy. Tulala lang at walang ekpresyon na makikita sa pagmumukha ni Balrak, tila ba namanhid na s'ya sa sakit na natamo mula sa biglaang pagkamatay ng kaniyang mga anak at sa pagkatalo ng kaniyang lahi. "Sinong mag-aakala sa tayo pa pala ang madadaig ng mga sorsero." malungkot na saad ni Guzma. Biglang nagbalik ang isang tinig sa isipan ni Balrak... "Lipi kapalit ng kasalanan, humanda ka dahil mas malupit na kapalaran ang iyong matitikman!" tinig ni Fellian. "Parating na ang isang natatanging pinuno na tatapos sa malupit mong panunungkulan. Isang sorsero na may dugo ng dalawang makapangyarihang lahi ang nakatakdang lumupig sa iyo at sa iyong lipi. S'ya ang tutubos sa mga nilalang na inyong nilapastangan, at sa kanyang mga kamay babagsak ang iyong sa matayog na kaharian!" "Sancte!" biglang sambit ni Balrak kaya napatingin sa kaniya ang mga katabi n'yang kawal. "Panginoon?" tanong ni Sebani. "Hindi mangyayari iyon Fellian... HINDI!" saad ni Balrak at nagpunas ng kaniyang luha. ... Dumating naman sa Celestia sina Roman at Kaxandra at nadatnan nila ang guhong palasyo! "Apmevento — ano'ng nangyari dito?!" pagkahabag ni Kaxandra. "Ama?! Naeso?! Nasaan kayo?!! Nandito na ako?!! Ama? Nasaan kayo?!" Nagmulat ang mga mata ni Naeso at napansin n'yang wala nang mga kalaban sa paligid, s'ya ay nasa silid parin ng kanilang ama at hindi namalayang tapos na pala ang digmaan. Dahan dahan syang bumangon at nakita nalang ang damit ng isang sanggol na may dugo!— Dinampot nya ito at pinagmasdan... Labis syang nanlumo sa pagkakakilala sa damit — dahil ito ang damit ng kaniyang bunsong kapatid noong harangin sila ng mga Derronian !"Nasaan si Evdan?!" nangangatog n'yang tanong sa sarili, "nasaan si Evdan?!!" "Naeso?!!" saktong dumating si Kaxandra at agad silang nagyakap. "Nasaan ang ating ama? Nakita mo ba s'ya Naeso?!" tanong ng prinsesa. "Hindi — hindi na kami nagkita kagabi pa..." balisang sagot ni Naeso. "Si Evdan? Nasaan si Evdan?? Nasaan ang ating kapatid?!" Hindi sumasagot si Naeso, hanggang sa iabot nalang nito ang hawak na damit ng sanggol. Bumilis kaagad ang t***k ng puso ni Kaxandra nang hawakan ang damit— "Hindi — hindi..." at unti unting pumatak ang luha ng prinsesa, "HINDI!!!!" Niyakap nalang s'yang muli ni Naeso upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay dugo lang ito ni Fellian dahil si Fellian ang tinamaan ng patalim, hindi ang sanggol na si Evdan. Sa isang iglap ang nawala ang saya sa mga mata ni Kaxandra dahil akala nya'y nagtagumpay sila — 'yon pala'y patikim lang iyon dahil katulad ng Derrohny, ang kanila ring lahi ay bumagsak— Isa-isa nang nakuha ang lahat ng bangkay ng mga kawal-Celestian at kasama sa kanila ang haring si Kasacop. kaya't dito na tuluyang bumuhos ang luha ng magkapatid na Celestian at pinagluksaan nila ang bangkay ng kanilang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD