Kabanata 14: Malaking digmaan sa Majezenty

2978 Words
Kumalat na ang dilim at tuloy-tuloy ang sagupaan sa tabing dagat. Ang mga lampara at iba't ibang kulay ng salamangka ang nagbibigay liwanag sa buong dalampasigan at gumuguhit sa kalangitan. Marami na ang nakahandusay sa buhangin at marami na rin ang sugatan, pero hindi pa humihinto ang napaka gulong labanan. Nagkatagpo na sina Roman at Balrak!— "Hindi ko inaasahan ang gagawin mong ito. Talaga ngang mahusay kang pinuno, Roman." papuri ni Balrak na nakatayo sa di kalayuan. Dahan-dahan s'yang humakbang upang makalapit pa sa sorsero. "Wala na kayong magugulo pa dahil ngayong gabi ay matatapos na ang paghahari-harian mo dito sa Majezenty." saad naman ni Roman na pawisan na at bahagya nang hinahinigal dahil sa mga nauna n'yang nakalaban. "Nais mo kaming talunin? — nais mo kaming talunin upang malaya mong mapagharian ang ating daigdig!" pagkontra ni Balrak. "Hindi ako katulad mong ganid sa kapangyarihan — at lalong hindi ko ipakilala ang aking sarili bilang isang 'panginoon', di 'gaya mo — nagmamataas!" panunuya ni Roman at talagang nainsulto si Balrak sa mga winika n'yang 'yon. "Apmevento ka!" at kumilos na nga ang hari ng Derrohny! ... Tuloy-tuloy rin ang mga pagsabog sa Celestia at walang humpay ang ingay, lahat ay kumikilos at lahat ay nakikipaglaban. May ilan nang mga sugat si Kasacop at nanlalambot na rin s'ya dahil pa rin sa hindi sapat na pahinga mula sa nauna n'yang laban, sa Galomia. Akma s'yang sasaksakin ng isang Derronian mula sa kaniyang likod nang biglang dumating si Fellian! Nakasuot ito ng baluting pandigma na may kulay ng ginto at pula. Agad nitong inatake ang mga nakapalibot na kalaban sa hari at saka n'ya tinawag ang kaniyang sandata, ang Ybaz. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang Ybaz na isang baton na nagagawang maging espada o sibat. Makapangyarihan ito at nagtataglay ng kakayahang maglaho at magbalik sa kanyang tagapangalaga. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Fellian — narito ka?" tanong ni Kasacop nang magka-talikuran sila ng sorsero. "Marami pang kalaban — mag-iingat ka!" saad nitong Fellian at magkasama silang dalawa na nakipag-laban sa mga Derronian, pati na sa mga halimaw na kasama nito. Ang prinsipeng si Naeso ay nagmamadaling tinungo ang silid ng kaniyang ama dahil naroon pa ang isa n'yang kapatid, ang sanggol na si Evdan. "Tayo na, kailangan kitang ilayo sa gulo rito." bulong niya sa kapatid at binuhat na ito. "Sancte, Celestian! Anong ginagawa mo rito?!" sa kamalasan ay dumating pa nga si Guzma at hinarang s'ya! "Ikaw ang dapat kong tanungin n'yan — anong ginagawa n'yo sa aming tahanan!" galit na tanong ni Naeso nang sya'y humarap. "Tila itatakas mo ang sanggol na iyan? Bakit? — anong meron sa kaniya?" nakangisi namang tanong ni Guzma. "Hangal ka ba? Malamang ay ililigtas ko ang aking kapatid laban sa inyo!" maangas na sagot ng prinsipe. "Kung gano'n — isa palang dugong bughaw ang batang iyan?! Tamang tama — kapag napaslang ko kayo ay wala nang matitira pang tagapag-mana ang Celestia." paninindak nitong si Guzma. "Tignan natin—" Naeso "Mga Darqas!!" agad na tinawag ni Guzma ang kaniyang mga kasama. Ang mga mababagsik na halimaw sa Derrohny, ang mga Darqa! --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang Darqa ay uri ng halimaw na inalaagan at pinararami sa kaharian ng Derrohny. Mabisa silang mga mandirigma na magagamit sa oras ng digmaan dahil sila ay nagtataglay ng pambihirang lakas at mayroong makukunat na balat kaya mahirap silang paslangin o sugatan. Kakaiba rin ang wangis at laki ng mga ito kung kaya't marami ang natatakot at nangingilag sa kanila. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Tignan natin ang hangganan mo, prinsipe!" pag-aangas ni Guzma habang pinalilibutan ng mga kasama n'ya si Naeso. "Paano ka lalaban, Naeso? Kakayanin mo ba ang aming mga alagad?" ... Sa tabing dagat... Tanaw ni Roman ang kinaroroonan ni Kaxandra at nakikita n'yang marami-rami ang sinasagupa nito, hindi tuloy s'ya mawalan ng kaba dahil nalalagay sa peligro ang buhay nito at ng kanilang anak. Hanggang sa masugatan nga si Kaxandra sa kaniyang binti!— "AGHHH—" daing ng prinsesa at naalintana ang kaniyang paggalaw. Hindi n'ya tuloy napansin ang isang Derronian na akma na syang tatagain!— "KAXANDRA!" napasigaw ni Roman at agad na naglaho at lumitaw sa harap ng dalaga. S'ya at humarang sa sandata ng Derronian at pinaslang niya kaagad ito! "Maraming salamat, Roman..." saad ni Kaxandra at napahawak s'ya sa balikat ng hari. "Hindi ba't sinabi ko sayo'ng mag-iingat ka! Talasan mo ang iyong pakiramdam!" pagpapa-alala ni Roman na may tonong nagagalit. "Oo, wag ka nang mangamba, hindi na ito mauulit pa!" pagpapakalma ni Kaxandra sa kaniya at hinaplos ang kaniyang mukha. "Wag kang lumayo sa tabi k—" bibilinan palang sana ni Roman ang kaniyang katipan pero hindi na s'ya nakatapos sa pagsasalita dahil— "Hanze?!" natanaw ni Kaxandra ang isa sa kanilang matinik na kalaban. Tinakasan n'ya si Roman at agad na tinakbo ang kinaroroonan ni Hanze. "Kaxandra, mag-iingat ka!!" sigaw ni Roman at nag-aalala nalang na tinanaw ang kaniyang kasintahan. "HAAAGH!" pinaslang ni Hanze ang mga kaharap n'yang kawal mula sa Goltus. "HANZE!" tinig ni Kaxandra. Dahan-dahang humarap si Hanze at nasilayan n'ya ang prinsesa ng Celestia! "—Kaxandra?!" nakangisi nitong bati, "napakaganda mo sa iyong kasuotan!" ... (Bella laban kay Helad) Naitaob ni Helad si Bella at naagaw ang sandata nito— "Tapos ka na Bella!" sigaw n'ya at isasaksak na sa kalaban ang isang punyal! "HAGHHH!" ngunit laking gulat ni Helad nang atakihin s'ya ni Bella ng isang malakas na enerhiyang hangin! "AGGGHHH!!" napaatras ang Derronian at napasubsob sa buhangin, "apmevento — paano n'ya nagawa 'yon?" pagtataka nito. "Hindi mo ako basta-basta mapapaslang, Helad..." nakangising bumangon si Bella at dinampot ang kaniyang sandata. "Anong hiwaga ang bumabalot sa'yo, bruha?!" tanong ni Helad at tumayo. At inilabas ni Bella ang hiyas ng hangin! Biglang umihip ng kakaiba ang hangin sa buong dalampasigan, waring ipinadarama nito sa lahat ang pakiramdam ng tagapangalaga ng hiyas! "Apmevento — paano mo nahawakan iyan!" laking pagkagulat ng prinsesang masama. "Hindi mo na malalaman ang sagot — dahil mamamatay ka na!" maangas na sagot ni Bella at itinapat na sa kaniyang kalaban ang hiyas ng hangin! Aatake na sana s'ya nang biglang may pumalo sa kaniyang ulo kaya't nawalan kaagad s'ya ng malay!— "Hahhh — ang akala ko'y katapusan ko na..." lumuwag ang dibdib ni Helad nang mapataob ang kaniyang Bella. "Nasaktan ka ba mahal na prinsesa?" pagdating ni Grayda; ang Derronian na nagpapanggap bilang isang hora sa kaharian ng Goltus. "Grayda? Anong ginagawa mo rito? Nasaan ang aking anak?!" tanong kaagad ni Helad. "Iyon nga ang aking sadya, kamahalan — kasalukuyan nang nagkakagulo sa Goltus. Magandang pagkakataon ito upang makuha ninyo ang inyong anak!" sagot nitong Grayda. "Magaling, kung gano'n samahan mo ako — babawiin ko na ang aking anak!" aya ni Helad. Lalakad na sana sila nang biglang lumitaw si Roman sa kanilang harapan! Dahil sa kanya kaya mabilis na tumalikod si Grayda upang hindi s'ya makilala ng hari. "Saan kayo patutungo?" tanong ni Roman. "Grayda — umalis ka na, ikaw na ang kumuha sa aking anak. Bilis!" bulong ni Helad sa kasama n'ya. Agad namang tumakbo papalayo si Grayda at hindi na nagsalita pa. "At saan pupunta ang duwag mong kasama?" "Hindi mo na kailangang malaman — bakit ka naparito Roman? Anong kailangan mo?" tanong ni Helad. "Kailangan ko ng kapayapaan — maibibigay mo ba sa akin iyon?" sagot ni Roman. "Sayang tayo Roman — sayang!" saad ni Helad, "kung nakuntento ka lang sa'kin, 'di sana'y hindi tayo aabot sa ganito." "Hanggang kailan mo ba ibabaling sa akin ang sisi, Helad? Talaga nga bang ako may mali sa ating dalawa?" tanong ni Roman. "SANCTE! Ubos na ang lahat ng natitira kong pagmamahal sa'yo, Roman. Tamang tama na ikaw ang lumapit sa akin dahil nais kong ako na ang pumaslang sa'yo!" galit na bulyaw ni Helad. "Kung 'yan ang nais mo — hindi na kita aatrasan pa!" buo na ang loob ni Roman na kalabanin ang prinsesa kung kaya't nag-tass noo na siya! Hanggang sa sumugod na nga si Helad at silang dalawa ang nagpatayan! ... (Sa Goltus) Sumisiklab rin ang digmaan sa tahanan ng mga sorsero, mabuti na lamang at narito ang iba't ibang lahi ng majezan kung kaya't nagagawa nilang depensahan ang palasyo. May kapangyarihang taglay ang mga diwata ng Saghara kaya mas lamang sila kung ikukumpara sa hukho ng Derrohny, gano'n din ang mga babaylan ng Falcodep, sila ang naaatasang pumuksa sa lahat ng kalabang papasok. Ang mga Pyron at Galomian naman ang nagbabantay at nagtatanggol sa bawat panig ng kaharian, lalo na sa trono ng hari. Sila ngayon ang mga mandirigmang Goltian na nakikipaglaban para sa kanilang teritoryo! "Dumagat — tignan mo ang kaharian ng Celestia, tila may hindi rin nagaganap na maganda roon!" pagturo ng isang kawal-Pyron sa karatig na kaharian. Tinanaw nga ni Dumagat ang Celestia mula sa balkonahe at naaninag n'ya ang mga pagsabog roon— "Mukhang balak ubusin ng mga Derronian ang lahat ng lahi ngayong gabi..." pangamba ni Dumagat, "...hindi sila dapat magtagumpay!" "Nariyan na ang mga Derronian!" sigaw ng isang diwata. Samantala, patuloy paring nakikipaglaban sina Fellian at Kasacop sa mga Derronian at kita na sa hari ng Celestia ang pagod dahil sa walang humpay na pagdating ng mga kalaban. Nanlalambot na ito at may iilang sugat!— "Kasacop — nais mo bang itakas na kita rito?!" tanong ni Fellian. "Hindi — ipaglalaban ko ang trono ng Celestia!" pagtanggi naman ni Kasacop. "Nakakabahala na ang iyong lagay — maaari ka nilang madaig kung hindi ka muna titigil sa pakikipaglaban!" "Tabi!—" sigaw ni Kasacop at inalis sa kaniyang harapan si Fellian dahil may Derronian sa likod nito. Hindi na tuloy pinansin ni Fellian si Kasacop dahil wala rin naman itong balak mag-paawat, tumuloy na lang s'ya sa laban. At sa kalagitnaan ng bakbakan ay nangyari na nga ang pinangangambahan— "AGHHH!" Nasugatan na si Kasacop! At sa maikling sandali ay muli pa itong nagtamo ng mga saksak sa katawan! "HAAAGHHH!!" agad na inatake ni Fellian ang mga kalaban na malapit sa hari pero hindi n'ya agad ito nalapitan dahil dumating na si Guzma! "Aghhh—" pagdaing ni Kasacop habang nakatungo at bumabawi ng lakas. Muling kinalaban ni Fellian ang mga Derronian at nakita n'yang si Guzma at Kasacop na ang naglalaban. At habang s'ya nga ay nakikipaglaban ay dito na unti-unting natalo si Kasacop! Nakalamang sa laban si Guzma dahil marami s'yang isinamang kawal, ginawa n'ya iyon upang mahirapan si Kasacop na labanan s'ya dahil mas marami, mas mahihirapan ang paggalaw ng kalaban. Iyon ang naging dahilan upang makalamang s'ya at masugatan ng husto ang hari. Hanggang sa nasaksak na nga ni Guzma si Kasacop! "AGHHH!—" "Kasacop!!!" napasigaw na si Fellian at nagpakawala s'ya ng malakas na enerhiya kung kaya't nagkaroon ng pagsabog sa buong bulwagan! Pagkatapos ay mabilis s'yang naglaho at isinama si Kasacop upang kanila nang lisanin ang punong bulwagan! "Apmevento, nakatakas pa sila!" napupuwing na sabi ni Guzma. ... Habang si Kaxandra ay nakikipaglaban, bigla s'yang nakaramdam ng tila kirot sa kaniyang dibdib at pansamantala syang napatigil— Sa kakatwang dahilan ay bigla n'yang naalala ang kaniyang ama at siya ay naluha. "Ama..." sambit n'ya. "Tila may hindi magandang nangyayari sa aking ama..." "HAGHHH!!" tinig ni Hanze na mula sa likod ay akma na s'yang aatakihin, mabuti at agad s'yang nakagulong at mabilis na nakabangon. "Bakit parang may bumabagabag sa iyo mahal kong prinsesa?" nakangising tanong ng kalaban. Hindi sumagot si Kaxandra, bagkus ay sinugod niya si Hanze at muli silang naglaban. "Magdahan-dahan ka, Kaxandra — tila ngitngit na ngitngit kang talunin ako?!" nang-iinsultong tanong nitong si Hanze. May kakaiba sa pakiramdam ni Kaxandra na hindi n'ya maipaliwanag kung bakit tila gustong gusto na niyang paslangin ang kalaban n'ya ngayon. Para ba'ng s'ya nga ay nagngingitngit. Maya-maya pa ay hindi na s'ya nakapagpigil— "HAGHHH!" inatake na niya ng malakas na salamangka si Hanze at napasubsob ito sa buhangin! "Kay hirap n'yong ubusing mga Derronian!" ngitngit ng prinsesa habang nakatapat ang hiyas sa "mga Derronian, "MGA PESTE!" "Heh — hawak mo pala kung gano'n ang hiyas ng liwanag?" ngumising muli si Hanze at tumayo. "Itong hiyas na ito ang gagamitin ko upang ubusin kayo ng mapamuksa mong lahi!" galit na bulyaw ni Kaxandra. "Iyon ay kung magagawa mo?" tanong ni Hanze at inilabas naman ang apat n'yang hiyas! Bumilog ang mga mata ni Kaxandra at biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang malamang na na kay Hanze ang mga hiyas — mukhang dehado na sya ngayon— "Ano Kaxandra? Anong laban ng hiyas mo sa apat na kapangyarihan ko? WALA! Kaya katulad ng iyong lahi ay babagsak ka na rin ngayong gabi!" paninindak ni Hanze. "A-ang ang aking lahi?" naguluhan sa tinuran ni Hanze si Kaxandra at tinanaw n'ya sa malayo ang kanilang lupain. "APMEVENTO — ANONG IBIG MONG IPAKAHULUGAN?!" galit n'yang tanong nang maaninag ang tila nagkakagulong Celestia. "Hindi mo pa pala batid? Nilulusob din ng iba naming kawal ang kaharian n'yo at ng mga sorsero! AHAHAHAHA!" sagot ni Hanze at humalaklak nang pagkalakas lakas! "Matatapang lang kayo Kaxandra ngunit wala kayong pag-iisip! Sa akala nyo ba'y kikilos kami ng walang inihandang patibong? Ngayong gabi ay maghahari na ang Derrohny sa lahat ng lupain dito sa Majezenty! HAHAHAHA!" "Kamalasan... Kailangan itong malaman ni Roman." nasambit ni Kaxandra sa kaniyang isipan. ... Samantala... Lumitaw si Fellian sa kaitasaang bahagi ng Celestia. Tangan n'ya sa kaniyang mga bisig si Kasacop, na naghahabol na ng hininga— "Kumapit ka Kasacop — gagamutin kita!" pakiusap n'ya sa hari. "H-Hindi na, Fellian... Wag na..." saad ni Kasacop na may mahina nang tinig, "ito na ang aking wakas... Dito na matatapos ang aking laban—" "H-hanapin mo n-nalang ang aking mga anak... At sabihin mo sa kanilang mahal — na mahal na mahal ko sila—" "Kasacop..." "Isang karangalan ang makasama kang lumaban, kaibigan..." huling nasambit ng hari at tinapik pa ang balikat ni Fellian hanggang sa tuluyan na nga s'yang mawalan ng buhay— Nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso si Fellian at hinaplos n'ya ang mukha ni Kasacop... "Wag kang mag-alala, makakarating ang iyong mensahe." malamig n'yang sabi rito at inilapag na niya sa sahig ang bangkay ng hari. Tumayo s'ya at tumanaw mula sa balkonahe habang nakataas ang kaniyang mga kamay, maya-maya pa ay may mga nagdatingang ibon at tumapat sila sa kinaroroonan nilang dalawa. "Bantayan n'yo s'ya, mga kaibigan. May gagawin lamang ako." utos ni Fellian sa mga ibon na nakadapo sa pasimano. "Magpahinga ka na, Kasacop. Tapos na ang iyong laban." pamamaalam n'ya sa hari ng Celestia at saka s'ya tuluyang umalis para tulungan parin ang mga kapanalig n'ya na puksain ang pwersa ng Derrohny. Nilibot n'ya ang buong kaharian hanggang sa magawi s'ya sa silid kung nasaan si Naeso at nadatnan n'ya itong wala nang ulirat!— "Ngayon ay tiyak nang walang matitirang pinuno ang mga Celestian!" saad ni Guzma at akmang sasaksakin ang sanggol! NGUNIT BIGLANG MAY TUMAMA SA KANIYANG MALAKAS NA ENERHIYA! Agad na pumasok sa silid si Fellian at nakipaglaban sa mga kawal na nasa paligid at mabilis n'ya itong naubos. "Ikaw na naman!!" galit na bumangon si Guzma. "Sa akala mo'y magtatagumpay kayo? Hindi, Guzma! HINDI!" matapang na pagharap sa kaniya ni Fellian at agad na dinampot ang bata saka naglaho! "Tigil!!!" mabilis na inihagis ng Derronian ang isang patalim  at tila napasama ito sa paglalaho ng sorsero. "Heh — akala mo'y maiisahan mo ako?!" ani nito dahil sa ang ibinato n'yang patalim ay nagtataglay pala ng lason. Hindi n'ya lang tiyak kung sino sa dalawa nina Fellian at Evdan ang tinamaan pero natuwa rin s'ya dahil paniguradong may na isa sa mga tumakas ang tinamaan at malalason! Nakarating si Fellian sa isang malayong kagubatan, sa tahanan ng lahing Jezam. "May kalaban!!" sigaw ng isang majezan at nagkulasan sila dahil sa pagdating ni Fellian. "Sandali... Kung hindi ako nagkakamali — isa kang sorsero..." paglapit ng pinuno ng mga Jezam, si Adan. "—Fellian? Ang sinaunang sorsero ng Majezenty? Magbigay galang kayo mga kasama!" saad nito nang makilala n'ya si Fellian. "Sancte — hindi na kailangan Adan dahil wala na tayong panahon!" pag-awat sa kanila ni Fellian nang akma na siyang luluhuran ng mga Jezam. "Panahon? Bakit — anong nagaganap, sinunang hari?" tanong nitong si Adan. "Heto — tanggapin mo ang batang ito. Alagaan mo s'ya at palakihin sa iyong pagmamahal, Adan. S'ya ang prinsipe ng Celestia!" pag-abot ni Fellian sa sanggol sa hawak n'ya. "Ang anak ni haring Kasacop?—" pagtataka ng mandirigma nang kuhanin n'ya ang bata. "Oo, ikaw na ang bahala sa kaniya — wag mong hayaang matuklasan ng lahat na buhay ang batang iyan." bilin ni Fellian sa kaniya. "Bakit? Sa anong kadahilanan?" "Saka ko na ipaliliwanag sa'yo ang mga bagay. Ngunit sa ngayon — ikaw na ang bahala kay Evdan. Maaasahan ba kita, Adan?" tanong ng sorsero. "Oo! Oo naman! Tatanggapin ko itong isang magandang handog — kay kisig na bata!" nakangiting pinagmasdan ni Adan ang natutulog na sanggol. "Magaling!" sambit ni Fellian, "kung gano'n, paalam!" at lumisan na. Agad na naglapitan ang mga kasamahan ni Adan at pinagmasdan ang batang dinala sa kanila... "Hindi maaaring mawala ang prinsipe ng ng Celestia, lalo't may malaki syang gagampanan para sa hinaharap ng Majezenty. S'ya ang isa sa pagmumulan ng mahusay na pinunong sa kinabukasan ay ilalalang." wika ni Fellian nang lingunin n'ya ang sanggol na ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga ibang nilalang. Ngumiti s'ya at saka tinanggal ang nakatarak na punyal sa kaniyang balikat, at tuluyan nang naglaho. "Kay gandang bata? Ano't dito sya dinala ng sorserong iyon?" pagtataka ng isang matanda na kaanib ni Adan. "Tila alam n'ya na nais mo ng isang anak, pinunong Adan, tignan mo't binigyan ka n'ya ng isa!" masayang sabi naman ng kaibigan ni Adan, si Talos. "'Yan din ang aking iniisip—" pagngiti ni Adan, "—kay tagal ko nang nagnanais magkaroon ng isang anak na lalaki, at heto na s'ya!" nagagalak nitong sabi at lumakad patungo sa malaking bato kung saan s'ya ay tumayo at ipinakita sa lahat ang batang hawak n'ya. "Kaya mga kasama, may bago sa ating pangkat! Simula ngayon ay kikilananin n'yo ang batang ito bilang aking anak. Isang anak na magiging mahusay katulad ng kaniyang ama!" proklama ni Adan sa lahat. "Sandali, Adan. Narinig ko ang sabi ng sorsero kanina na hindi dapat malaman ng lahat ng buhay ang batang iyan, anong gagawin natin? Malay ba natin kung may dala pa lang kapahamakan ang sanggol na 'yan?" nangangambang tanong ng isa. "Hindi s'ya magdadala ng anumang kapahamakan sa atin, bagkus ay magiging isa s'yang mahusay na mandirigma na mamumuhay kasama natin!" sagot naman ni Adan, "susundin ko ang sinabi ng sorsero — itatago natin ang batang ito! Kaya — simula rin ngayon ay kikilanin nyo na s'ya hindi bilang si Evdan, kundi bilang Neroz!" "Neroz? Na ang ibig sabihin ay makisig?" tanong ni Talos. "Oo, hindi ba't kay ganda? Walang nang makakakilala sa kaniya!" pagngiti ni Adan sa lahat. Natuwa naman ang kaniyang mga kasama at tinanggap na ang bata dahil sa may bago na sa kanilang lahi, at isa pa itong Celestian kaya't hindi na sila makapaghintay na lumaki ito dahil tiyak na may taal itong husay sa pangangaso! "Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan, Neroz!" sambit ni Adan sa nahihimbing na sanggol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD