Kabanata 23: Pagsibol ng kapangyarihan

3242 Words
Sa mundo ng mga mortal Si Axus ay naalimpungatan sa dami ng mga kumikiliti sa kaniyang mukha. Nang dumilat s'ya ay nakita niya ang napakarami at nag-gagandahang kulay ng mga paru-paro na tila mga bahaghari sa taglay nilang kulay! "Wow!!" pagka-mangha ni Axus at agad s'yang bumangon. "Axus... Axus?!" pagpasok ni Naeso sa silid at laking gulat n'ya nang makita ang pamangkin na kasama ang napakaraming mga paru-paro! "Saan nanggaling ang mga iyan?" agad n'yang nilapitan ang bata at pinagmasdan ang mga paru-paro. "Ang gaganda nila, aye!!" manghang sambit ni Axus. "Nagmula sa Majezenty ang mga iyan!" saad ni Naeso na may maliit na ngiti sa mga labi. "Po?? Galing sila sa—" "Marahil ay padala sila ng iyong mga magulang upang tignan ang iyong kalagayan!" sambit ni Naeso at pinadapo ang isang paruparo sa kaniyang daliri. "Maayos ang aming kalagayan rito kaibigan, ikumusta mo na lamang ako kay Kaxandra at Roman!" sabi ng binata at agad na kumawala ang paru paro sa kaniya. Bigla na ring nagliparan ang mga paruparo papalayo at dumaan sila sa bukas na bintana ng silid nina Axus. "Hala, umalis na sila, aye!" paghabol ni Axus. "Wag kang mag-aalala, hindi ito ang unang pagkakataon na makikita mo sila." nakangiting sabi ng binata at napatitig sa kaniya ang kaniyang pamangkin. "Dadalawin ka nilang muli — sigurado iyan!" (Derrohny) "Ano na ang balita ukol sa susi na iyan! Ka'y tagal mo nang namamalagi sa Goltus ngunit hanggang ngayon ay wala kang bitbit na kahit ano!" iritang bulyaw ni Balrak kay Tomzo. "Paumanhin, panginoon. Ngunit sadyang mailap ang susing ito! Ni hindi ko nakikitang suot ito ng hari! Tila napaka higpit ng kanilang pagbabantay sa lagusan dahil naroon nga sa kabilang mundo sina Axus!" buwelta naman nitong si Tomzo. "Wala akong pakiaalam! Ikaw ang inatasan kong humanap sa susi dahil tiwala akong magagawa mo ito kaagad! Ano't hanggang ngayon ay wala?! WALA KANG SILBI!" "Patawad, panginoon..." pagtungo ni Tomzo. "Umalis ka sa harapan ko... Ayokong makita ang pagmumukha mo!" Nagbigay galang muna si Tomzo at dali daling umalis dahil sa takot. "Habang tumatagal ay lalo lamang nabibigyan ng pagkakataon ang Axus na ito na lumaki at magkaisip." pagbibigay opinyon ni Guzma. "May mga taon nang lumipas kaya't lubha na akong naiinip at nagngingitngit — ang susi lamang ng Ayralum ay makakatulong sa akin upang mapaslang iyang Axus na iyan! ARGHH!" daing ni Balrak at inihataw sa lupa ang bitbit n'yang tungkod. ... Nagtatakbuhan sa loob ng palengke ang mga bata dahil naglalaro sila ng taya-tayaan, kabilang sa kanila sina Axus at Lawag na tuwang-tuwa at mga pawis na pawis na. "Hoy! May mga nangunguha daw ng bata, wag kayong magpakalat kalat!" sabi ng isang ale na nakikipag-tsismisan sa di kalayuan sa pwesto nina Mildred. "Ay oo, mars! 'Yung anak ng kapitbahay ko, nako! Muntik nang makuha, buti mabilis na nakatakbo!" "Naka-van daw 'di ba? White van?" "Anong pinag-uusapan ng mga 'yon?" tanong ni Naeso kay Mildred. "May nangunguha daw bata — nakasakay sa van, ewan ba!" sagot ni Mildred na hindi naman gaanong naniniwala dahil mga tsismosa ang nag-uusap usap. "Hoy, Naeso! Ikaw din Mildred! 'Yung mga anak n'yo ha! Bantayan n'yo! Talamak ngayon ang bentahan ng organs! Nako, pag 'yang sina — Axus at Lawag ay nakuha, nako! Iyak kayong dalawa!" sambit ni Ivy, isa sa mga nakikipag-tsismisan kanina. "Totoo ba yan, Ivy! Kayo, puro kayo tsismis ha!" prankang tanong ni Mildred. "Ay bahala kayo! Ikaw, papa Naeso! Bantayan mo 'yang anak mo ha! Nako!! Magiging nanay pa naman ako n'yan!" sambit ni Ivy kay Naeso na may kasama pang paghaplos sa balikat nito. "Hoy, Ivy! Ikaw, hindi ka lang tsismosa, talandi ka pa!" pabirong sambit ni Mildred. "Tseee! Bahala nga kayo d'yan!"at irita nang umalis si Ivy. "Ingat ka d'yan, baka ikaw ang ma-kidnap!" bilin ni Naeso at kumindat lang sa kaniya si Ivy. "'Yang si Ivy talaga, may kakatihan din ang katawan! Palibhasa'y walang lalaki sa buhay, puro anak lang." ani ni Mildred at tinawag ang kaniyang anak. "Lawag! Dalhin mo nga muna itong bayad ng renta kay Aling Celly, d'yan sa may bukana, dali! Baka sabihin 'di tayo nagbabayad." utos nito at inabot ang naka-plastic na mga pera sa bata. "Okay po 'nay! Ahm, 'nay pahingi namang pambili ng palamig oh! Uhaw na kami ni Axus eh!" paghirit ni Lawag. "Nako! Ayan, puro kayo takbo eh!" sabi ni Mildred at inabutan ng bente ang anak, "ayan oh, hati kayo, 'yang bayad ha, 'wag mong kalimutan!" bilin n'ya. "Sige po, 'nay, salamat!" nakangiting nagpaalam si Lawag at dali-daling tumakbo papunta kay Axus. "Hoy, taympers kami ni Axus! Bibili lang kami d'yan!" paalam ni Lawag sa mga kalaro nila. "Ha? Saan tayo pupunta?" tanong naman ni Axus. "Bibili tayong palamig, tara, dali!" aya ni Lawag at hindi s'ya tinanggihan ni Axus, nagmamadali pa itong tumayo at magkasabay silang naglakad. Dumaan muna sila sa sinasabing Aling Celly ng kaniyang ina at ibinigay dito ang bayad para sa renta, pagkatapos ay lumabas na sila ng palengke upang pumunta sa malapit na tindahan ng mga palamig. Habang naglalakad sa tabing kalsada ay nag-uusap ang dalawang bata... "Oy, Axus! Isa ka palang prinsipe! Paano na 'yan pag nasa Majezenty na tayo, edi 'di mo na ako papansinin?" tanong ni Lawag kay Axus. "Ha? Bakit naman mangyayari 'yon? Eh — parang magkapatid na nga tayo eh!" sagot Axus at inakbayan agad si Lawag. "Edi ba, magkaiba tayo ng katayuan sa Goltus sabi ni kuya Naeso? S'yempre di ka papayagang makihalubilo sa mga katulad ko — na magiging kawal lang someday." "Sira!! Anong kawal lang? Wag mong ni-lang-lang ang pagiging kawal. Hindi ba ang trabaho ng kawal ay pangalagaan ang mga kamahalan n'ya? Oh, eh 'di hindi rin pangkaraniwan ang magiging trabaho mo kasi kung wala ka, hindi na magiging ligtas ang mga prinsipe!" paliwanag ni Axus. "Oo nga 'no?!" "Saka wag kang mag-alala d'yan, pag nasa Majezenty na tayo, wala pa ring magbabago! Magiging magkadikit pa rin tayo! Ikaw kaya ang the best na partner at kaibigan! At kapatid!" pagngiti ni Axus. "Sabi mo yan ha!!" masayang paninigurado ni Lawag. "Oo naman!" Ang hindi nila ay papalapit na pala sila sa isang van na sakay ang mga nandudukot nga sa mga bata! Nang mapatapat sila sa sasakyan ay bigla nang bumukas ang pinto nito at bumaba ang tatlong lalaki! Natigilan tuloy sila dahil nakaharang ito sa kanila. "Saan kayo pupunta?" tanong ng isang naka-sumbrero. "D-d'yan lang po..." kinakabahang sagot ni Lawag at napatingin na kay Axus. "Sumama kayo sa amin, marami kaming candy!" aya ng isa pang lalaki. "Ahh, hindi na po, may bibilhin din po kasi kami eh..." pagtanggi ni Lawag. Nagkatinginan naman ang mga lalaki at tila ba hudyat nila iyon para kuhanin sina Axus at Lawag— "Tara na!" sabi ng isang lalaki at dadamputin na nga ang dalawang bata! "Lawag!!" mabilis na hinawakan ni Axus ang kasama at sa kakatwang pagkakataon ay bigla silang naglahong dalawa! "Hala?! Sa'n napunta 'yon?" pagkagulat ng mga lalaki. "Multo ata 'yon eh?" sabi ng isa. "Anong multo eh umaga naman ngayon?!" "Hoy, ayon yung mga nangunguha ng bata!!" sigaw ng isang ale. "Tara na nga! Mahuhuli pa tayo dito!" aya ng isa sa tatlong nagtangka kina Axus, sumakay kaagad sila sa van at humarurot na tila ba wala lang nangyari. Lumitaw naman sa burol na pinag-eensayuhan nila ang dalawang bata at pareho pa silang nakapikit... "Hala!" pagkagulat ni Lawag nang makitang nasa ibang lugar na sila, "naglaho tayo? Naglaho tayo!!" "Paano tayo napunta dito?" pagkagulat din ni Axus. "Naglaho tayo! Ang galing! Hahahaha!" pagtatalon ni Lawag. "Ha? Paano?!" Axus "Oo nga, sino ba satin ang gumawa nito?" tanong ni Lawag, "teka — hinawakan mo ako, 'di ba? Baka ikaw?!" "La? Hahahaha!" pagtawa naman ni Axus. "Try mo nga ulit, dali!" sabi ni Lawag at lumayo kaagad kay Axus, "subukan mo ulit maglaho, bilis!" "Bakit ako? Okay, sige nga!" pag-payag din ni Axus at pumikit kaagad. Maya-maya pa ay muli s'yang naglaho at nawala sa harapan ni Lawag! "OH! HAHAHAHA! Ikaw nga Axus!" paghalakhak ni Lawag at muling nagtatalon sa tuwa. "Hala ang galing!" manghang sabi ni Axus na lumitaw sa likuran ng kaibigan. "Ang galing!! May kapangyarihan ka, ibig sabihin sorsero ka nga?! Edi totoo ang mga sinasabi ni kuya Naeso!!" pagtatanto ni Lawag at nagtatatalon silang dalawa ni Axus. ... Sa palengke... Biglang lumitaw sa loob ng palengke ang dalawang bata kaya't nanlaki tuloy ang mga mata ni Mildred at agad silang nilapitan. "P-paano n'yo nagawa 'yon ha?!" pag-uusisa nito. "'Nay si Axus! May kapangyarihan s'yang maglaho!" masayang bulong ni Lawag sa kaniyang ina. Napatingin si Mildred kay Axus at ngumiti lang ang mga mata nito. "Ay diyos ko... 'Yung bayad sa renta, naibigay mo ba?" "Oo naman, 'nay!" "Hay, kayong mga bata talaga, kung ano-anong ginagawa n'yo!" agad na hinila ni Mildred sina Lawag at pinapasok ito sa tindahan nila upang linawin pa ang mga bagay na nakita nya. "Totoo ba, Axus?! May kapangyarihan ka?!" pag-uusisa ni Mildred. "Ahm, parang gano'n nga po." mahinang sagot ni Axus. "Anong pinag-uusapan n'yo ha!" dumating naman si Naeso na may bitbit na mga sako ng kamoteng kahoy. "Aye! Hindi ka maniniwala!" pagsalubong sa kaniya ni Axus, "nagawa kong maglaho!" pasigaw na sambit ng bata. "Totoo ba?" tanong tuloy ni Naeso at pumasok na rin sa loob. "Opo, kuya! Kasama n'ya po ako nong may magtangkang kumidnap sa amin!" sagot ni Lawag. "Ano?! May kukuha sa inyo?!" pagkagulat ni Mildred. "Opo, 'nay. Naka-sakay sila sa van tapos huhulihin na nila dapat kami, buti nalang at nahawakan ako ni Axus kaya magkasama kaming naglaho." kwento ng bata. Napatingin nalang si Mildred kay Naeso at naisip... "Oh ganito, wag' mong ipagsasabi sa kahit na kanino ang kakayahan mong 'yan, maliwanag?" mahinang sabi ni Naeso sa pamangkin. "Po?! Bakit naman po?!" "Dahil — hindi 'yan kakayahan ng ordinaryong tao, Axus. Nag-uumpisa nang magising ang taal mong kapangyarihan bilang isang regium!" paliwanag ni Naeso. "Re-regium?" Axus "Basta! Mangako ka! Kayo ni Lawag! Wala kayong pagsasabihan nito, bukod sa amin ni Mildred, maliwanag?" "Okay po, sige." sagot ni Axus. "Mainam kung gano'n! Saka sa susunod ay mag-ingat kayo, tignan nyo't muntikan na pala kayong makuha ng mga masasamang loob." sambit ni Naeso at lumabas nang muli para ayusin ang mga bitbit n'ya kaninang kamote. "Axus, magaling ang ginawa mo. Salamat at niligtas mo ang anak ko!" pasasalamat ni Mildred, "pero mag-iingat kayo sa susunod ha!" Nagtabi naman si Axus at Lawag at masayang silang nagkulitan at nagplano ng mga gagawin nila para alamin pa ang mga kayang gawin ni Axus. Sadyang pilyo ang dalawang ito, tsk! Kinagabihan... Mahimbing nang natutulog si Axus, ngunit biglang nagising ang kaniyang diwa nang makita n'ya ang kaniyang paligid. Siya ay nasa isang upuang bato kung saan sila madalas naglalaro ni Lawag, sa 'di n'ya malamang dahilan ay bigla nalang s'yang naroon. Maya-maya pa ay dumating ang isang magandang babae, nakasuot ito ng mahabang damit na kulay puti at may kakaibang mga disenyo. Nang magkalapit na sila ay agad silang nagyakap at nag-kumustuhan. Sa napaka bilis na sandali ay marami agad ang kanilang napag-usapan na wari bang nangulila sila at kilalang kilala nila ang isa't-isa? Kita ang tuwa sa mga mata ni Axus habang pinagmamasdan n'ya ang magandang babae na ito na magsalita, hindi n'ya rin batid kung ano ba ang tunay na nangyayari basta't masaya s'ya lamang na kasama n'ya ito. Hanggang sa nagising nalang s'ya at nakita ang liwanag sa labas, umaga na naman at sa madaling salita ay napanaginipan n'yang muli ang babae na kaniyang sinasabi kay aye Naeso. "Aye! Napanaginipan ko naman s'ya!" sabi agad n'ya. "Ha? Sinong s'ya"? tanong ni Naeso. "Yung magandang babae na sinasabi ko sa'yo! Napanaginipan ko na naman s'ya!" nakangiting sagot ni Axus. "Ewan ko sa 'yong bata ka! Hahahaha." sabi ni Naeso at nag-ayos na ng sarili. "Sinasabi n'ya ang pangalan n'ya, aye. Pero bakit pag nagigising ako ay hindi ko na ulit maalala kung sino s'ya?" pagtataka ng bata. "Nako, Axus! 'Wag mo nang isipin 'yan, marahil kaya lagi mo s'yang napapangarap ay dahil lagi mo s'yang iniisip." "Po? Eh hindi ko naman po s'ya kilala kaya bakit ko s'ya laging iisipin?" "Hindi ko alam sa 'yo! Hahahaha, ang gawin mo ay tumayo na riyan, at tayo'y mag-aagahan na!" aya ni Naeso. "Okay aye! Gutom na rin ako eh!" Nang pababa na si Naeso ay napatigil s'ya sa may hagdanan at inalala ang mga sinabi ng pamangkin... "Sino nga kaya ang sinasabi nito?" tanong n'ya sa kaniyang sarili na waring nakukutuban na ang nilalang na tinutukoy ng bata. Matapos nilang mag-agahan ay pumunta kaagad sila sa palengke ang sinimulan na naman ang isang araw ng pagtitinda, 'gaya lang ng dati. Sa ganoong gawain na umikot ang buhay nilang apat kaya hindi kataka-takang nakabisado na ni Naeso ang mundong ito ng mga mortal. Si Axus ay naka upo lang sa loob ng tindahan nila at pinagmamasdan ang mga gulay sa harapan n'ya, at sa hindi mawaring dahilan ay bigla n'yang napagalaw ang isang repolyo gamit lang ang kaniyang isip!— "Hala!" biglang nawala ang antok n'ya at napa tindig. "Nagawa ko ba 'yon?" tanong niya sa sarili. Muli n'yang sinubukan ang kakayahang iyon at bigla nang nahulog sa kinalalagyan ng mga ito ang napakaraming repolyo! "Ayyy!!" sigaw ng ilang mamimili. Napalabas tuloy agad si Axus at s'ya ang dumampot sa mga napagalaw n'yang gulay, kunwari na lamang ay naitulak n'ya raw ito kaya't nagsipag-hulugan. "Ano ba 'yan iho, mag-iingat ka!" sabi ng isang babae na napadaan. Nakangiting lang si Axus habang dinadampot ang mga repolyo, hanggang sa dumating na si Mildred at nakitang inihahanay nito ang mga gulay. "Oh, Axus?! Anong nangyari?" "Ahh — wala po, hehe!" nakangiting bungad ni Axus, "nasaan po si Lawag?" "Nand'yan lang, nakikipaglaro." "Ay sige po — pupuntahan ko lang s'ya." paalam ng bata. "Sige, nand'yan lang s'ya sa malapit." Mildred At dali-daling tumakbo si Axus patungo sa hinahanap n'ya para sabihin dito ang bago n'yang nadiskubre! "Lawag, Lawag!!!" humahangos n'yang paglapit. "Oh? Anong nangyari sa'yo?! Bakit ka tumatakbo?" natatawang tanong ni Lawag. "May ipapakita ako sa'yo!!" nasasabik na sagot ni Axus at pinasama na sa kaniya si Lawag dahil magtutungo sila sa isang tagong lugar kung saan n'ya maaaring ipakita ang bago n'yang kakayahan! Nakarating sila sa burol kung saan sila nagsasanay... "Ano bang ginagawa natin dito? Ba't mo ako dinala dito?" nagtatakang tanong nitong isa. "Basta, d'yan ka lang!" sagot ni Axus at tiningala ang matayog na puno ng buko na malapit sa kanila. Itinaas n'ya ang kamay n'ya sa mga bunga ng puno at maya-maya pa ay napagalaw at napitas n'ya ang isang bunga! Lumulutang itong bumaba patungo sa kanila at sa palad ni Axus tumapat. Nang mahawakan na ng bata ang buko at humarap s'ya kay Lawag... "Wow?!" hindi makapaniwalang sambit ni Lawag. "Hoy, ayos ka lang?" natatawang tanong ni Axus. "Oo?! OO! HAHAHAHA!" paghalakhak ni Lawag, "ang galing! May iba ka pa palang kapangyarihan?! Wowww!!" "Magaling, aking ykam!" boses ng isang lalaki. Napalingon ang dalawang bata at nakita nila si Naeso! "Aye?!" "Magaling Axus! Mahusay!" puri ni Naeso at lumapit na sa dalawa. "N-nakita n'yo 'yon kuya?? Ang galing ni Axus!" natutuwang sabi ni Lawag. "Unti-unti nang nahihinog ang kapangyarihan mo, Axus." nakangiting sambit ni Naeso at kinuha ang bukong hawak ng bata. "Kaya naman mamaya n'yo na kainin ito — pagkatapos ng ating pagsasanay!" at inabutan na niya ng tig-isang arnis ang dalawa! Nagkatinginan na naman sina Axus at Lawag nang may kasamang mga ngiti, at walang ano-ano ay magkasabay nilang sinugod si Naeso at muli na naman silang nag-sanay! ... Lumipas pa ang maraming araw at puro ang babaeng sinasabi ni Axus ang kaniyang napapanaginipan, lagi silang magkasama nito at. At dahil d'yan kaya nahiwagaan na rin ni Naeso kung sino ba ang babaeng dumadalaw sa panaginip ng kaniyang pamangkin. Isang hating gabi, kagagaling lang ng binata sa supplier nila ng gulay at pauwi na s'ya nang biglang nakita n'ya ang isang babae at tila may bitbit itong isang paslit! Pumasok ito sa bahay nila at takang taka s'ya kung ano ang gagawin nito sa loob. Ang ginawa n'ya ang nag-tago s'ya at hinintay na lumabas muli ang babae. Hindi nag-tagal ang nakita n'yang babae, lumabas rin ito pagkatapos ng maikling sandali at nagtungo sa labasan ng eskinita. Dito na dali-daling pumasok sa bahay nila si Naeso at tinignan ang mga kasama n'ya, sina Mildred at Naeso ay mahimbing naman na natutulog at nang tignan n'ya si Axus ay nakilala n'ya ang damit na suot nito — ang damit na iyon ang nakita n'yang suot ng batang dala no'ng babae na pumasok sa kanila. Nangangahulugang si Axus ang bibit kanina noong babae! Sa pagkahiwaga ay muling lumabas si Naeso at tinugpa ang bakas ng babae na kaniyang nakita kanina, hanggang sa nakarating s'ya sa eskinita kung saan nagbubukas ang lagusan ng Majezenty. "Sandali!" pagtawag n'ya sa babae na akma nang papasok sa lagusan. "—Kaxandra?!" At humarap na ang babae — si Kaxandra, s'ya nga! "Aking kapatid!!" agad na niyakap ni Naeso ang misteryosong babae na ngayon ay batid na n'ya kung sino. Hindi na nila napigilan ang pagtangis, bumugso na ang kanilang mga damdamin sa pagkikitang muli pagkatapos ng napaka habang panahon na hindi sila nagkita! "Napaka sayo ko, 'pagkat nayakap na kitang muli!" tumatangis na sabi ni Naeso at hindi talaga bumibitaw sa katapid. "Gano'n din ako! Masayang masaya na ako na akap-akap kita ngayon, Naeso!" pagtangis rin ni Kaxandra. "Ngunit paano? — paano ka nakakarating dito? Gaano katagal ka nang gumaling?" tanong ni Naeso at kumawala na sa pagkakayakap nilang magkapatid. "Hindi pa ako tuluyang gumagaling, aking kapatid... Pang tulong lakas lang ang ipinagkaloob sa akin ng mga hiyas, ngunit hindi pa rin nawawala ang aking sumpa." sagot ni Kaxandra at dama sa kaniyang tinig ang lungkot at pagkabahala dahil patuloy pa ring nabubuhay sa katawan n'ya ang sumpang dulot ni Balrak. "Matagal na kitang dinadalaw dito — at si Axus! Nais kong — k-kahit papaano ay makilala n'ya ako dahil tila hindi na magtatagal pa ang aking buhay... Hindi ko nais na hindi ako makilala ng aking nag-iisang anak." "Shhh, wag mong sabihin 'yan! Makikilala ka pa ni Axus! Tiyak iyan!" sambit ni Naeso at hinaplos ang mukha ng kaniyang kapatid, "tayo na lamang ang natitirang buhay, Kaxandra. Wala na ang ating bunsong kapatid at ama — kaya pakiusap... Magpaka tatag ka! Para sa iyong anak — at para na rin sa akin." pakiusap nito. "Magkakasama pa tayong muli sa Majezenty, hindi ba?!" Tumango nalang si Kaxandra at hinaplos rin ang mukha ng kaniyang kapatid... "Ngunit, hindi pala panaginip ang lahat? Totoo ang mga sinasabi ni Axus? Totoo kang bumibisita sa kaniya?" pagtatanto ni Naeso. "Oo, totoo ang lahat ng mga sinasabi n'ya. Ngunit sinasabi lang ng kaniyang isip na panaginip iyon..." saad ni Kaxandra, "totoong nakakasama n'ya ako at totoong nagkakausap kami." Ngumiti ng napaka tamis si Naeso at hinagkan ang kapatid sa noo nito at saka muling niyakap ng napaka higpit. "Napaka saya ko talagang nayakap na kitang muli, Kaxandra. Mag-iingat ka pabalik sa Majezenty, ha?" "Oo, salve. Ikaw din — ingatan mo ang aking anak at pakiusap, wag mong sasabihin sa kaniyang ang pagkikita nating ito." Kaxandra "Makakaasa ka!" -------------------- SALVE - Kapatid --------------------   At binuksan na ni Kaxandra ang lagusan... "Paalam, hanggang sa muli... Aking reyna." paalam ni Naeso. Hinawakan ni Kaxandra nang mahigpit ang kamay ng kaniyang kapatid at hinagkan ito sa pisngi, "paalam, pinaka mamahal kong Naeso!" "Mag-iingat ka, Kaxandra!" huling nasambit ni Naeso at pumasok na nga sa lagusan si Kaxandra. Napangiti ang binata at tiningala ang mga bituin sa kalangitan... "Salamat Zanaa... Salamat at pinagtagpo mo kaming muli ng aking kapatid kahit sa mundong ito lang." Umuwi s'yang masaya at nakangiti, ngunit hindi n'ya namalayan na madaling araw na pala at napatagal ang kaniyang pananatili sa labas. Nang makapasok s'ya sa bahay ay agad n'yang kinandado ang pintuan at nagulat sa kaniya si Mildred, na nagising para uminom ng tubig. "Naeso?" takang tanong nito, "kakauwi mo lang?" "Mildred! Nakakatuwa!" masayang sagot sa kaniya ni Naeso, "nagkita kami ng aking kapatid, si Kaxandra! Nagtungo s'ya rito at dinalaw ang kaniyang anak!" "Oh? Talaga? Kung gano'n ay masaya ako para sa'yo! Kumusta? Anong napag-usapan ninyo?" tanong ni Mildred. "Ayos naman! Ayos!" hindi mawala ang mga ngiti sa labi ng binata. "Masaya ako para sa'yo!" sambit ni Mildred at tinapik sa balikat si Naeso saka muling pumasok sa kwarto upang matulog. Pumasok na rin sa kanilang silid si Naeso at pag-tabi n'ya kay Axus ay hinagkan n'ya ito sa ulo... "Tiyak na bukas na ay sasabihin mo na naman na napanaginipan mo ang iyong ina. Damhan ad vesperum, Axus!" bigkas niya at saka na rin natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD