Pagbubukas ng Majezenty

1483 Words
Maro's POV Salutem! Ako si Maro, isang matandang Saghar, sinaunang nilalang na dati pang namumuhay dito sa aming daigdig. Halina kayo't aking ikukwento ang kasaysayan at hiwaga ng aming mundo. Sa isang malayong lupain na hiwalay sa mundo ng mga mortal, ay may pambihira at kakaibang mundong matatagpuan. Mundong tahanan at kanlungan ng mga kakaiba at makapangyarihang nilalang. Ito ang Majezenty! Nilalang ng mga pangunahin naming bantay (o mga diyos), sila ay sina Zanaa, na siyang kinikilala namin bilang pangunahing bantay at ang pinaka makapangyarihan sa lahat; si Devon, na sya namang bantay ng ibabang mundo at; si Comba, isang mapaglaro at tusong bantay na syang lumiligid ligid sa buong Majezenty. Sila ang makapangyarihang nilalang na naunang naka-apak sa aming daigdig at sila rin ang naglalang sa tinatawag na namin ngayon na mundo. Binubuo ang Majezenty ng mga kaharian na pinangangalagaan ng magkakaibang lahi. Ang mga mamamayan nito ay nagbubuklod upang mapanatili ang kapayapaan, kasama na ang anim na mga makapangyarihang hiyas na mula kay Zanaa. Ang mga hiyas na ito ang silang nagpapanatili sa balanse ng aming daigdig at sila'y nasa pag-iingat ng mga mahuhusay at pinagpalang sorsero. Ngunit tunay ngang walang perpekto, sapagkat kagaya sa iba — ang aming mundo ay mayroon ding kaguluhan at hindi pagkakaunawan. May nagaganap ring mga digmaan — nang dahil sa pagnanais na makamtaman ang kapangyarihan... (Sa kagubatan) Payapang nangunguha ng makakain ang mga maliliit at nakatutuwang nilalang na kung tawagin ay "Saghar". Ang lahat ay tahimik hanggang sa dumating ang hindi inaasahang kaaway... "Tila nasisiyahan kayo sa biyayang handog ng kagubatang ito?" wika ng ginoo. "Ipagpaumanhin mo, ngunit kumakalap lang kami ng maipang lalamang tiyan!" pakikipag usap ko sa bagong dating. "Apmevento — wala kayong karapatang kuhanin ang anumang naririto!" bulyaw ng ginoo at nagpakawala sya ng malakas na enerhiya mula sa tungkod nyang dala. Kaming lahat ng aking kasama ay talagang nasindak lalo pa't kilala ko na kung sino ang malupit na majezan na ito— MAJEZAN - mamamayan ng Majezenty (lalaki o babae) "Sancte, Maximo!" Mabuti at dumating ang aming tagapag ligtas! At nakasuot ito ng napaka tibay na baluting pandigma. Si Fellian. "Ano't ginugulo mo ang mga Saghar na ito? Hindi ka naman nila pinakikielaman?!" galit na tanong nito sa gumambala sa amin. "Ikinatutuwa ko'ng makaharap ka, Fellian." sagot ni Maximo sa kanya. "Layuan mo ang aking mga mamamayan kung hindi mo nais ng gulo!" pagbabanta ni Fellian sa kaniya. "At sa akala mo'y matatakot mo ako? Tignan nalang natin kung sinong mas mahusay sa ating dalawa!" panghahamon ni Maximo sa aming tagapag tanggol. Lubha kaming nabahala sapagkat kilalang tuso iyang si Maximo, ngunit nakatitiyak naman akong wala syang panama sa aming sinaunang hari na si Fellian. "Maro, sige na — umalis na kayo ng iyong mga kasama!" utos sa amin ni Fellian. "Maraming salamat sa iyong tulong, Fellian. Ngayon din ay aalis kami!" pasasalamat ko sa kanya at agad kong nilipon ang mga kasama ko... "Tayo na! Magbalik na tayo sa ating kaharian!" At kagaya ng utos ni Fellian, nilisan nga namin ang kaniyang kagubatan upang makaligtas sa anumang lagim na dala ni Maximo. "Maximo, ang ambisyosong sorsero!" wika ni Fellian nang silang dalawa nalang ng ginoo ang naiwan sa kagubatan. "Baka akala mo'y tapos na ako sa'yo? Nakakalimutan mo na atang may sala ka pa sa akin?" sambit ni Maximo habang lumalapit kay Fellian. "Kailanman ay hindi ako nakagawa ng pagkakasala sa 'iyo. Ikaw lamang at ang iyong mapaghangad na kalooban ang naniniwalang may kamalian nga ako!" "Wag ka nang magkaila, Fellian. Batid mong kaya ako nagkakaganito ay dahil mas pinaburan mo ang aking kaaway!" ngitngit ni Maximo. "Ginawa ko lang ang nararapat. Bakit ba hindi mo matanggap na hindi ka magiging hari?" "LAPASTANGAN!!!" sigaw ni Maximo at sinugod na niya si Fellian. Nagtagisan sila ng husay sa paggamit ng sandata at liksi ng katawan sa mabilisang pag-galaw. Nagkaharap sila nang pareho nilang iharang ang kanilang mga armas sa isa't isa... "Ibigay mo sa akin ang mga hiyas kung hindi mo nais na paslangin kita?!" galit na utos ni Maximo. "Sancte, Maximo! Kahit kailan talaga'y ganid ka sa kapangyarihan! Hindi mo ito makukuha hangga't hindi ka nagtitino!" sagot naman ni Fellian at inatake sya ng malakas na enerhiya. Nagkalayo sila at muling nag-tapatan... "Hindi maiibsan ng pakikipag laban mo sa akin ang iyong galit — bakit hindi mo isipin ang magpakabuti. Baka sakaling doon mo matanggap ang iyong pagkakamali." mungkahi ni Fellian sa kalaban. At nasugatan niya sa balikat si Maximo! Dahilan upang matigil ang kanilang labanan. "AGHHH!! Apmevento!!" daing nito nang mahaplos ang dugo sa kaniyang balikat. "Wag mo na akong tangkaing labanan, sorsero. Hindi mo ako kakayanin, lalong hindi mo ako mapapaslang!" wika ni Fellian sa kaniyang kalaban. "Babalikan kita, Fellian. Hindi pa dito nagtatapos ang ating laban!" pagbabanta ni Maximo at agad na naglaho. Tumakas na sya at naiwang nababahala si Fellian, batid kasi nito na hindi titigil si Maximo hangga't hindi nito nakukuha ang nais nya. Ngunit pansamantala ay tumahimik ang aming lupain, kahit papano'y napuksa nya ang banta sa aming kapayapaan. Hanggang kailan ito mananatili? Walang kasiguraduhan — lalo't si Maximo ay isang mapaghangad na nilalang, at hindi mamamatay ang ningas ng apoy hangga't mayroong patuloy na nagsisindi rito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang magkakapatid na bibida at aabangan natin sa pag-usad ng kwento. LERZIA (Ler-zha) - ang panganay. S'ya ang sorsero na may dugong Derronian at kalauna'y muling magbabangon sa lumubog na kaharian ng Derrohny. Mayroon syang labis na inggit at galit sa kaniyang bunsong kapatid na si Axus, ito ang magiging dahilan ng paghantong nila sa walang katapusang digmaan sa Majezenty — sa pamumuno rin nilang dalawa. VERDEM - ang ikalawa at laging kaaway ni Lerzia. Isa s'yang sorsero na makalokohan at babaero ngunit may matapang at matigas na kalooban na hindi nagpapalinlang. Maabilidad s'ya at mahusay sa paggamit ng sandata, at ang salungat sa kaniyang hari ay kaaway rin niya. Si Verdem ay isang makarismang prinsipe, tanyag s'ya pagdating sa mga babae at ito ang palaging ugat ng sularin niya at ng kaniyang mga kapatid. S'ya kasi ay maloko kaya't isa itong sanhi ng kaguluhan sa pagitan ng iba't ibang babae na dumudulog sa kanilang kaharian. XELCIS (Kel-sis) - ang sumunod kay Verdem. Isa s'yang matapang na sorsero, walang kinatatakutan at mahusay sa anumang laban. Si Xelcis ay patas at hindi balimbing, may paninindigan s'ya na mahirap mabago ngunit kaloobang hindi sin-tigas ng bato, sadyang marunong lang s'yang tumanaw ng utang na loob. SYPE (Say-pi) - ang natatanging sorsero na malayo ang ugali sa kaniyang mga kapatid, lalaki s'ya ngunit may pusong babae. S'ya ang pang-apat sa kanilang magkakapatid at s'ya lang ang namumukod-tanging mahihinhin at malambot, kaya marami rin ang nangangamba para sa kaniya dahil tila hindi s'ya magiging katulad ng kaniyang ama na matapang at palaban. Hindi n'ya gustong maging hari kailanman, ang nais lang n'ya ay makahanap ng lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Ngunit paano ang mga ambisyon n'ya, 'gayung tila madadamay s'ya sa galit at mga plano ni Lerzia? ADRO - ang sorsero na medyo may kahambugan. Mahilig s'yang mangaso at sanay sa dumi ng labas, kahit prinsipe at ipinagbabawal na s'ya ay madungisan ay hindi pa rin s'ya nagpapa-awat. Kaya n'yang mamuhay kasama ang mga mababang majezan at hindi s'ya pihikan pagdating sa mga nakaka-salamuha. S'ya lang sa kanilang anim ang walang pakundangang gumamit ng kapangyarihan, naniniwala kasi s'ya na mas bibilis ang laban o mga gawain kung gagamitan ito ng salamangka. AXUS (Ak-sus) - ang bunso at ang bata sa propesiya na s'yang magwawakas sa kasamaan ng mga Derronian at ang magdadala ng kapayapaan sa buong Majezenty. S'ya ay lalaki sa mundo ng mga mortal nang may busilak na kalooban at pambihirang katapangan. Lahat ay gagawin n'ya alalang-alang sa kaniyang ipinaglalaban kaya't sa pagdating n'ya sa tunay niyang mundo ay mas makikita ang maganda niyang kalooban. Isa s'yang mahusay at patas na pinuno ng mga sorsero, matapang at sa kanilang magkakapatid ay s'ya ang pinaka mahusay pagdating sa labanan, mapa-mahika man o sandata. Iba pa: FELLIAN - dating bantay ngunit isinumpa kaya naging mababang nilalang nalang ngunit imortal. Malaki ang gagampanan n'ya sa buhay ng bawat prinsipe lalo't nagtataglay s'ya ng malakas na kapangyarihan kung kaya't nagagawa n'yang makita ang nakalipas, ang nangyayari at ang mangyayari pa lamang. S'ya ang "mata" ng mga sorsero. COMBA - ang isa mga bantay ng Majezenty at magsisilbing tinik sa dibdib ng bawat mabubuting nilalang. Hangad n'ya ang kaloobang wasakin ang mundo na kaniyang kinabibilangan kaya't gagawa s'ya ng mga hakbang upang manatili ang digmaan sa Majezenty at ihantong ito sa tuluyang pagkakasira ng mga namumuno at kanilang kaharian. EVDAN - ang nawawalang tagapagmana ng kaharian ng Celestia, at ang magiging kasintahan ni Sype. Makikilala s'ya sa pangalangang NEROZ at lalaki sa mababang uri ng mga nilalang, na may pilyong pag-uugali ngunit tapang at husay sa pakikipaglaban! Makikilala natin sila sa pagtutuloy ng istorya. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD