Kabanata 1: Ang Simula

1860 Words
(Sa Goltus) GOLTUS - tahanan ng mga sorsero at sorsera. Nagbukas ang pintuan sa punong bulwagan at pumasok ang isang dalaga. Tumayo agad sa kinauupan n'yang trono ang hari ng palasyo, si Roman; ang tinutukoy ni Maximo na kaniyang mahigpit na kaaway. Ang dumating ay si Kaxandra, ang katipan ng hari at ang prinsesa ng Celestia. Agad itong lumapit kay Roman at siya'y hinagkan sa labi — 'di alintana ang dami ng mga nilalang sa paligid. "Kumusta ang iyong umaga, aking mahal?" pabulong na tanong ni Roman. "Nakatutuwa! Lalo na't nasilayan na kita." sagot naman ni Kaxandra na may nakabibighaning ngiti. Magka-hawak kamay silang bumaba mula sa trono at naglakad habang magkatitigan. Hanggang sa dumating ang heneral na sorsero mula sa hanay ng mga kawal-Goltian, si Capaste at may dala itong ulat para sa hari. "Salutem, haring Roman! Paumahin kung nagambala ko ang inyong sandali ngunit may nais akong iulat..." pagbibigay galang ni Capaste sa dalawang nakatataas. "Apram Capaste, ano'ng ulat ito na hindi kayang maghintay?" tanong ni Roman. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- APRAM - wikang majezan na ang ibig sabihin ay "heneral" --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "May nakapasok sa lagayan ng mga hiyas at tinatangka nitong nakawin ang mga kapangyarihang nasa ating pangangalaga." ulat ni Capaste at agad na nag-iba ang pakiramdam ng hari, may hangin ring bumulong sa kaniya kung kaya't lalo syang nabahala— "Maiwan na muna kita rito, Kaxandra. Mag-tutungo lang ako sa kamara ng mga hiyas!" paalam ni Roman sa mangingibig. "Mag-iingat ka, Roman. Maghihintay ako rito!" sagot ni Kaxandra. "Tayo na, Capaste. Ating harapin ang pangahas na pumuslit sa aking kaharian!" pagtawag ni Roman sa kaniyang kawal. Agad silang lumabas ng bulwagan at nagtungo sa kinalalagyan ng mga hiyas. ... (Sa kamara) Kasunod ang iba pang kawal ay nagmamadaling pinasok nina Roman ang kamara at nadatnan nila rito ang dalawang nilalang na nakasuot ng itim na roba. "Sancte!" boses ng hari at natigilan ang dalawang nakatapat sa lagayan ng mga hiyas. ------------------------------------- SANCTE - nangangahulugang "tigil" ------------------------------------ "Lumantad kayong dalawa na nagtatago sa kasuotang iyan!" utos ni Roman habang ang isa ay nakaabot na ang kamay sa mga hiyas. Dahan dahang humarap ang isa at nakilala ng lahat kung sino ito— "Helad?!" sambit ng hari... "Salutem, aking hari! Nasaan ang aking anak?!" tanong ni Helad. Si Helad ang prinsesa ni Balrak, hari ng Derrohny; ang kahariang kaaway ng Goltus at banta sa kapayapan ng nakararami. Tiyak na ngayon ni Roman kung sino ang kasama nito — ang kaniyang ama, malamang! "Lumayo kayo ng iyong ama sa mga hiyas..." mahinahong utos ni Roman sa dalawa. "Ngunit hindi mo pa sinasagot ang aking katanungan... NASAAN SI LERZIA?! NASAAN ANG ATING ANAK?!" pabulyaw na tanong ni Helad. "Hindi mo s'ya makikita kailanman, Helad. Hindi ako papayag na mahawa s'ya ng kasamaan mula sa inyo!" sagot ni Roman at napukaw nya ang pandinig ng nakatalikod paring nilalang. "Ganyan mo ba kakausapin ang ama ng iyong dating iniibig?" tanong ni Balrak nang sya'y lumantad sa mga sorsero. "Lumayo ka sa mga hiyas... Binabalaan kita!" utos sa kaniya ni Roman. "At sa akala mo'y matatakot mo ako, Roman?" may pagmamataas na tanong ni Balrak, "hindi mo maaaring utusan ang HARI ng Derrohny!" "Kinikilala kitang hari, kaya bilang hari din ay pinakiuusapan kitang layuan ang mga hiyas at lisanin na ang aking kaharian NGAYON DIN!" may diin na wika ni Roman. "Ibigay mo sa akin si Lerzia at aalis kami dito ng aking ama." pagsingit ni Helad sa usapan ng dalawa. "Wala kang anak na makukuha dito, Helad. Hindi ko ipauubaya sa inyong mga masasama ang kinabukasan ng AKING anak!" Roman. "Apmevento — at sa tingin mo'y aalis kami nang hindi ko nakukuha ang aking nais?" pagpipilit ni Helad. Nagkatinginan ang mag-ama at hudyat ito upang atakihin nila ang hari at ang mga kasama nito!— Agad na pinatamaan ni Balrak ng malakas na enerhiya sina Roman pero nakalaban agad ang hari ng Goltus, sa pamamagitan ng pagpapakawala rin ng enerhiya mula sa kaniyang hawak na sandata. Nagsalpukan ang kanilang mga salamangka at lumikha ito ng malakas na liwanag! ✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨ "Hindi ko nais ng gulo, ngunit hindi rin ako mangingiming puksain kayong dalawa kung hindi kayo aalis!" wika ni Roman sa mga kalaban nya habang nakikipagtunggali. "Natutuwa akong hindi na lumawig pa ang mayroon sa inyo ng aking anak. Sapagkat palalo ka — at hambog!" panunuya naman ni Balrak. "Ibigay mo sa akin si Lerzia, Roman!! Akin na ang aking anak!" sigaw ni Helad sa hari ng Goltus. "Hindi mo makukuha ang aking anak, Helad, lumayas na kayo dito!" pakiusap ni Roman habang umiigting ang laban sa pagitan nila ni Balrak. (Naglalabang eneriya ng dilim at liwanag) "Pagkakataon ko nang magantihan ka sa idinulot mong pasakit sa aking anak!" wika ni Balrak sa hari. "—lumayas na kayo sa aking kaharian!!!" sigaw ni Roman at tinodo na niya ang kapangyarihan ng sandatang hawak nya hanggang sa tuluyan nang madaig si Balrak! "AGHHH!!" daing nito at agad na hinawakan si Helad saka sila naglaho... "Mga lapastangan..." wika ni Roman at agad tinungo ang lagayan ng mga hiyas. "HINDI MAAARI—" sambit nya nang makitang kulang ito! ... Kinahapunan... Nag-aaliw ang isang paslit sa pasilyo ng timog na bahagi ng palasyo at binabantayan sya ng mga hora. ---------------------------- HORA - babaeng katulong ---------------------------- "Mga hora, iwan n'yo muna kami ng aking anak..." utos ni Roman sa mga katulong. Yumuko muna ang mga hora bilang tanda ng paggalang at saka paatras na sumulong para iwan na ang mag-ama. "Anak... Lerzia?" pagtawag ni Roman sa paslit nang sya'y umupo sa malapit na upuang bato. "Ama!!!" nang makita sya ng bata ay nagtatalon ito sa galak at agad syang nilapitan at niyakap. "Tila totoo nga ang sinabi ng iyong mga hora, anak? Nagagawa mo na ngang bumigkas ng ilang mga salita!" masayang sabi ni Roman kay Lerzia. Sadyang nakatutuwa ang paslit na ito dahil sa taglay na kakulitan at bata pa lamang ay kita na ang kagandahang lalaki. "Ama, ama..." paulit ulit na bigkas ni Lerzia habang hinahaplos ng ama ang kaniyang buhok. "Oo, ako nga ang iyong ama!" nakangiting sambit sa kanya ni Roman, "at mahal na mahal kita!!" dagdag nito at hinagkan sya sa noo. "Eroam inconvanse — aking prinsipe..." may kaunting luha sa mga mata si Roman nang bigkasin iyon dahil naiisip nya si Helad at ang kagustuhan nitong maangkin ang kaniyang pinaka mamahal. ---------------------------------- Eroam inconvanse - "Mahal kita!" [EROYAM] ang bigkas ---------------------------------- "Hindi ako papayag na may magpapahiwalay sa ating dalawa. Walang makapag hihiwalay sa atin! — pangako iyan." naluluhang sambit ni Roman sa wala pang muang niyang anak. "Ama — ama..." "Halika, Lerzia. Ako na muna ang magpapatulog sa iyo!" saad ng hari at kinarga  ang anak saka sila naglakad patungo sa kaniyang silid. Itinabi nya si Lerzia sa kaniya at buong pagmamahal nya itong inawitan upang makatulog, isang hele na kay tamis pakinggan at malumanay sa tainga ng sinumang makakarinig. Sadyang may nakakaakit na tinig ang amang hari ng Goltus. Nang makatulog si Lerzia ay hinagkan syang muli ni Roman at saka tumayo at inutusan ang isang kawal na ipatawag ang mga hora ng kaniyang anak upang bantayan muna ito. ... (Sa silid tanggapan) Kausap ni Roman ang kaniyang matapat na kaibigan at isa ring mahusay na tagapayo at kanang kamay, si Emprido. Tanging silang dalawa lamang kaya't malaya silang maglabas ng kani-kanilang saloobin hinggil sa nangyaring pagpuslit ng mga Derronian sa Goltus at sa mga kaganapan na rin sa hari at sa kaniyang pag-ibig, si Kaxandra. Mayroon silang bote ng baval o alak sa lamesa at payapa lang na nag-iinuman habang nag-uusap. Minungkahi ni Emprido na lumapit sila kay Fellian, ang sinaunang hari ng mga sorsero dahil ito ang tiyak niyang makatutulong sa suliraning kinaharap ngayon ng palasyo. Lalo pa't naagaw na ng mga Derronian ang hiyas ng dilim... ... Nang sumapit ang umaga ay lumabas ng kaharian si Roman, nakasuot sya ng roba at kasama si Emprido, pati na ang ilang kawal ng Goltus sa pamumuno ni Capaste. Nagtungo sila sa kagubatan kung saan nila matatagpuan si Fellian. May kaalaman kasi ito sa mahusay na pagpapayo lalo't sya ang dating tagapangalaga ng mga hiyas at sya ang nilalapitan ng lahat ng sorsero dahil may kapangyarihan syang makita ang lahat. "Fellian? Fellian?!" pag tawag ni Roman habang nasa gitna sila ng kagubatan. "Fellian, kung naririnig mo ako ay magpakita ka! May nais akong isangguni sa iyo!" At nakita ni Emprido ang isang pulang pusa na tumalon mula sa puno na malapit sa kinaroroonan nila, agad itong humarap sa kanila at lumantad bilang si Fellian. "Roman?!" "Salutem, Fellian! Mabuti at dininig mo ako!" pasasalamat ng hari. "Batid ko kung bakit kayo narito — halikayo may nais rin akong ipakita!" anyaya ni Fellian upang isama niya ang mga sorsero patungo sa kaniyang tahanan, sa gitna parin ng kagubatan. Nang marating nila ang tahanan ni Fellian ay inutusan muna ni Roman ang mga kasama nya na mag manman sa paligid, kasama na si Emprido upang silang dalawa lang ni Fellian ang makaalam ng kanilang pag-uusapan. Ang tahanan ni Fellian ay isang payak na kubol lang, na nakatindig sa kalupaan. May mga mabababa itong poste na nagsisilbing sabitan ng mga kagamitan at mayroon ding mga malalaking bato sa paligid upang hindi ito agad malapitan ng sinumang magtatangka dahil aakalain lang itong mga simpleng bato na sila palang nagkukubli sa tinutuluyan niya. Mayroon ding iba't ibang halimaw na lumiligid sa parteng ito ng kagubatan at ayon kay Fellian ay mga kaibigan at bantay n'ya ito upang mapanatiling lihim ang kaniyang kinaroroonan. Pinakita n'ya kay Roman ang kawa kung saan n'ya sinisilip ang mga bagay bagay at laking pag kamangha ni Roman sa taglay nitong kapangyarihan. "Nakikita ko na ang mangyayari..." wika ni Fellian habang binabasbasan ang kawa. "Fellian — nag-tungo sa Goltus sina Balrak — at nananakaw nila ang hiyas ng dilim!" ulat kaagad ni Roman at napatingin sa kaniya si Fellian. "Ngayong may taglay na silang kapangyarihan ay may kutob ako na gagamitin nila ito upang angkinin ang ibang lupain dito sa Majezenty." saad ni Fellian at ipinakita sa hari ang mga magaganap. Nakita ni Roman sa kawa ang paghahari ni Balrak sa mga lupaing karatig nila, tila ba nag-pupugay ito dahil nakamtan na ang pagkilala ng lahat para sa kanya. Ganon din ay namalas n'ya ang gulo ng kanilang daigdig at ang dami ng mapapaslang, dulot ng gagawing pananakop ng mga Derronian. Lubhang nabahala si Roman nang maglaho ang mga imahe at napa-buntong hininga s'ya... "Nakaharap ko si Maximo kailan lang — at may pagnanais pa rin s'ya sa mga hiyas, at sa iyong posisyon." ulat naman ni Fellian sa hari. "Si Maximo? Ang traydor kong pinsan?" pagkagulat ni Roman dahil matagal tagal na rin simula nang huli silang magkita nito. "Hindi titigil ang mga masamang loob hangga't hindi nila nakukuha ang kanilang mga ninanais..." talinhaga ni Fellian. "Kung gano'n, anong mainam na gawin, Fellian? Paano ko mapapanatili ang kapayapaan bilang hari ng Goltus?" nababahalang tanong ni Roman. "Bakit hindi natin ipamahagi ang mga hiyas sa bawat kaharian?" patanong na sagot ni Fellian. "Ang mga hiyas?" "Iyon ang naiisip kong mabisang paraan upang mapangalaagan ang mga ito — at upang matulungan na rin ang lahat na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga kaaway na Derronian." "Nakahanda akong dumalo sa anumang laban na kakaharapin ng ibang kaharian, Fellian. Dahil iyon ang sinumpaan ng aming mga lahi! Ang pagpapanatili ng magandang ugnayan at pagtutulungan sa oras ng digmaan." saad ni Roman. "Ngunit hindi maaaring palagi ka nalang susulpot sa kanilang mga laban. Kailangan ipamalas ng ibang kaharian ang ipagtanggol ang kanilang teritoryo nang naaayon sa kanilang pamamaraan." pagsalungat naman ni Fellian. "—at mangyayari iyon kung ipapamahagi natin ang mga hiyas sa kanila?" pagtatanto ni Roman at medyo naliwanagan sa ibig ipakahulugan ng kaniyang kausap. "S'yang tunay..." "At mailalayo rin natin ang mga ito mula kay Maximo..." dugsong ni Roman. "Magagamit rin ng ibang kaharian ang kapangyarihan ng mga hiyas upang pag-yamanin ang kanilang mga lahi't pag-aari." nakatulalang sambit ng hari. "Mayroon na akong pagpapasya!" ika niya at napatingin sa kaniya si Emprido at ang mga kawal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD