Kabanata 62: Kasawian ni Sype

1519 Words
Sa tanggapan ng Goltus... Ang magkakapatid na regium at mayroong pinagpupulungan. "Iba ang pakiramdam ko sa naganap kay Emprido..." pagsasalita ng hari na naka-upo sa gitnang pwesto. "...nakakatiyak ako na hindi s'ya basta nahulog nalang sa balkonahe." "Nasabi mo nga sa akin, ngunit sino nga kaya ang maaaring gumawa o nagtulak sa kaniya?" tugon ni Adro. "May nakita akong sulat — sulat ni Emprido at sinasabi n'ya do'n na batid na niya kung sino ang pumaslang sa ating ama!" pagsasalysay ni Axus. "Tunay ba Axus? Kung ganu'n ay sino?! Anong nakasulat?" tanong kaagad ni Verdem. "'Yun pa — hindi n'ya naisulat dahil tila may gumulo sa kaniya!" sagot ng hari at nagkatinginan sina Adro, Verdem at Xelcis na mga nakaupo sa magkabilang harap nito. "Tila nahuhulaan ko kung sino ang gagawa nito." dagdag ni Axus. "Maaaring ang pumaslang sa kaniya at kay ama ay iisa! Mukhang hinaharangan n'ya ang katotohanan —  tila hindi n'ya nais maibulalas ni Emprido ang kaniyang pagkakakilanlan dahil kilala natin s'ya!" sapantaha ni Axus. "Kung gano'n, iisang salarin lang kaya hinahanap natin?" pagtatagni ni Xelcis sa mga maaaring pangyayari. "'Yan ang palagay ko!" tugon sa kaniya ni Verdem, "may katuturan ang lahat ng sinabi ni Axus, maaaring ang pumaslang kina ama at guro ay iisang nilalang lang!" "Kilala nga kaya natin s'ya? Masyado niyang pinangangalaagan ang kaniyang sarili eh!" sambit ni Adro. "Si Lerzia!?" bigkas ni Verdem at napatingin agad sa kaniya si Axus. "S-si Lerzia? M-maaari nga kaya?" tanong ni Adro. "Hindi." sagot ng hari na alam namang hindi ang kapatid nila ang may sala, "hindi magagawa ni Lerzia iyon!" "Isa lang ang paraan para malaman natin." sambit ni Verdem, "ang puntahan s'ya sa palasyong sinisilungan n'ya at kausapin!" Biglang nabahala si Axus dahil masyadong mainit ang dugo nitong si Verdem kay Lerzia, kung s'ya lang kasi ang tatanungin ay hind s'ya maniniwalang kayang saktan ni Lerzia ang kanilang ama. Kahit naman suwail ito ay may bahagi pa rin sa isipan niya ang nagtitiwalang hindi makakagawa ng labis na kasaaman ang kapatid, lalo na ang pagpaslang kanilang amang hari. "Ano'ng hakbang Axus?" tanong ni Xelcis. "Kung ano ang magpapagaan sa kalooban ninyong dalawa — sige, binibigyan ko kayo ng pahintulot na kumilos, basta't huwag kayong lalagpas sa hangganan." sagot ng hari at tumayo na. Tumalikod ito at tumayo na rin na rin ang ibang regium upang sabay-sabay na silang lumabas ng tanggapan. Nang naglalakad na sila habang kasunod ang mga kawal at hora ay nasalubong nila ang kapatid na si Sype, tumatangis ito at dali-daling niyakap si Axus. Nagulat at nagkatinginan nalang ang magkakapatid dahil kakaiba ang salubong na ito ni Sype sa kanila. "Ano'ng nangyari Sype?! Bakit ka tumatangis?" tanong ng hari at iniharap sa kaniya ang kapatid. "Kailangan ko ng masasandalan ngayon, Axus... Kailangang kita!" tanging sagot ni Sype at niyakap nang muli si Axus. Hindi na umimik pa ang hari at hinawakan nalang ang ulo ng kapatid habang tinatapik ang likod nito upang mapatahan dahil kakaiba talaga ang pagtangis nito. Matapos ang pagtatagpo nila sa pasilyo ay sinamahan ni Axus si Sype sa silid nito at doon silang dalawa nag-usap. "Sype, ano bang nangyari? Bakit kayo nagkahiwalay?" tanong ni Axus sa kapatid na luhaan pa rin. "A-ang sabi n'ya h-hindi na daw n'ya ako mahal... At hindi n'ya daw t-talaga a-ako minahal." pagsa-salaysay naman ni Sype na bahagyang nahihirapan magsalita dahil sa pag-singhot. "Pinaglaruan n'ya lang ako, Axus! Nais n'yang kuhanin ang aking tiwala upang mapagnakawan ako, 'yun ang p-pakay n'ya kaya — kaya p-pinaibig n'ya ako, pinahulog n'ya ako sa mga — sa mga matatamis n'yang salita na p-puro kasinungalingan pala!!" galit nitong sabi. "Shh... Payapain mo ang iyong sarili... Narito lang ako para sa 'yo." tugon ni Axus at hinaplos muli ang balikat ng kapatid hanggang sa muli na naman itong sumandal sa kaniya. "Napaka sakit Axus... Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang magtiwala pagkatapos nito. Lubhang nadurog ang aking puso... Minahal ko nang lubos si Neroz!" patuloy pagdadamdam ni Sype. Dama ng hari ang bigat sa mga binibitawang salita ng kapatid ngunit wala siyang magawa upang mapatahan o mapagaan man lang ang nararamdaman nito dahil tila lubha ngang malaki ang sugat na ginawa rito ng mandirigma. "Iiyak mo lang 'yan Sype... Iiyak mo hanggang sa wala nang matira. Pagkatapos ay unti-unti mong buuin ang iyong sarili, kalimutan mo ang mandirigmang ito at magsimula ka nang mas matatag!" pagpapalakas nalang niya sa kalooban ng kapatid. "Ngunit paano kung hindi ganiyan ang mangyar? Paano kung hindi ko makalimutan si Neroz? Araw-araw ko s'yang maalala Axus, marami kaming pinagsamahan. Marami kaming alaala na ayaw kong kalimutan!" malamig na tanong ni Sype. "Pero kailangan mong subukan. Kailangan mong subukan! Huwag mong sasabihing hindi mo kaya dahil kaya mo! Naniniwala ako sa 'yo, Sype... Makakaya mo 'to!" at hinawakan ni Axus sa kamay ang kapatid. "May tiwala ako sa 'yo, Sype. Batid kong malalagpasan mo rin ito!" sabi niya at tinapik tapik muli nito. ... (Sa punong bulwagan) "Kumusta si Sype?! Ano'ng napag-usapan n'yo?" tanong ni Verdem. "Ang mandirigma... si Neroz. S'ya ang dahilan kaya nagkakaganiyan ang ating kapatid!" may inis na sagot ni Axus. "Si Neroz!?? Pambihira! Sinasabi ko na eh, wala namang magandang maidudulot 'yan sa kay Sype. Sana noon pa kasi ay sumunod na sakin 'yang kapatid natin, na nakinig nalang s'ya kay ama. Tignan mo ngayon, tsk tsk!" dismayadong saloobin nitong si Verdem. "Ano ka ba, Verdem — hindi ngayon ang pagkakataon upang ipaalala mo 'yan. May pinagdadaanan si Sype at ang kailangan n'ya ngayon ay tayo, ang mga kapatid n'ya! Tayo, higit sa lahat ang dapat unang iintindi at uunawa sa kaniya." tugon naman ni Axus. "Ano pa nga ba... Pero 'wag kong makikita 'yang Neroz na 'yan at baka mapaslang ko na s'ya. Noon pa'y pinalalayo ko na s'ya kay Sype tapos ngayon ay paiiyakin n'ya? Heh!" saad ni Verdem na hindi man aminin ay naaawa din sa kapatid at nais mapagaan ang dinadala nito. "Huwag mo munang isipin 'yan, kayo — kumusta ang balak n'yo ni Adro, nakarating na ba kayo sa Derrohny? Anong sabi ni Lerzia?" tanong ng hari. "Ngayong palang kami lilisan Axus, may tinatapos kasi na gawain si Adro at gelliu Bella, pero natitiyak kong sa mga oras na ito ay tapos na sila. Sa bukana nalang kami ng Goltus magkikitang dalawa." sagot ni Verdem. "Kung gano'n ay mag-iingat kayo, velaca. At pakiusap — huwag n'yong daanin sa init ng ulo ang anumang mapag-uusapan. Manatili kayong mahinahon upang magkaroon kayo ng pagkaka-intindihan." bilin ni Axus at hinawakan sa balikat ang kapatid. "Noon pa lamang ay hindi na kami nagkaka-intindihan, Axus." Verdem "Verdem?—" "Biro lang! Ngunit sige, sa abot ng aking makakakaya ay sisikapin kong hindi magkaroon muli ng kaguluhan sa panig ng sorsero at mga Derronian." pagtalima ni Verdem at binigyan ng nakakalokong ngiti ang hari. "Mahusay, mag-iingat kayo!" bilin muli ni Axus at nagpaalam na rin dahil lalabas na ng bulwagan. Si Verdem ay sumulong na nga rin at kinita ang kapatid na si Adro sa may labasan, nang makarating s'ya doon ay naroroon na ito s'ya na ang hinihintay. "Narito ka na pala!? Balak pa naman kitang sunduin sa iyong silid." pagngiti n'ya. "Hindi na kailangan, velaca. Hindi na rin makapaghintay ang aking mga kamay na muling harapin iyang Lerzia na 'yan!" sabik na sagot ni Adro na ganap ang suot na baluti. "Maghinay-hinay ka, kapatid. Ibinilin ng ating hari na wala dapat magsasakitan kaya—" pagputol ni Verdem sa sabik ng kapatid. "Tsk! Hayaan mo na, hindi naman malalaman ni Axus eh!" pagpipilit nito. "Mga regium?! Saan kayo patutungo?!" pagsali ni apram Capaste sa kanilang usapan. "Sa kuta ng tinik sa ating mga dibdib!" sagot ni Adro , "sa Derrohny." "Aba — kung ganoon ay hayaan n'yong samahan namin kayo?!" pagskukusa ng kawal. "Hindi na kailangan, Capaste. Kaya na naman ito ni Adro." pagtanggi naman ng nakatatandang regium. "Ngunit tungkulin naming pangalagaan kayo!?" tugon ni Capaste na may nakakaloko ring ngiti. "Tsss, sige. Bahala kayong tumakbo pag nagkagipitan." pagpayag na ni Verdem at may halo pang pangangantyaw. At mabilis nang kumapit sa kanilang magkapatid sina Capaste at Rano upang sumama nga sa magaganap na pagbisita sa bumabangon nang kaharian ng Derrohny! ... (Sa isla ng Celestia) Lumipas na ang isang araw at kasalukuyan pa ring nangangalap ang pangkat ng mga mandirigma. Si Neroz ay labis nang nangunguilala at nasasabik makita't makasama ang kaniyang regium Sype, ngunit hindi n'ya batid ay nasira na pala silang dalawa ni Lerzia!— "Kaibigan, anong ginagawa natin dito?!" tanong ni Pando habang naglalakad sila sa masukal na bahagi ng kagubatan. "Huwag ka na lamang maingay dahil naiinis ako sa boses mo!" sagot ni Neroz na s'yang nangunguna. "Sa pupuntahan natin ay ayaw ko ring mag-iingay ka ng ganiyan, itikom ang iyong bunganga o di kaya'y iiwan ka namin ni Almer!" pananakot nito. "Bakit, saan ba tayo pupunta?!" tanong ni Pando. At nang malapit na sila sa patutunguhang kaharian ay bigla silang hinarang ng mga nakakatakot na vescatur!! "AAAHHHHH!! MGA DALMAR!!" pagsisigaw ni Pando ngunit bago pa silang tatlo makatakbo ay agad na silang nadakip ng mga nilalang na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD