Kabanata 63: Panganib sa mga Jezam

1941 Words
--------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang mga Dalmar ay lahi ng mga vescatur o kanibal, hindi sila kumakain ng ibang pagkain bukod sa lamang loob ng majezan! Sila ay matataas na nilalang, kalahating majezan at kalahating unggoy, kaya mabibilis silang gumalaw at makukunat ang mga balat, kaya mahirap silang tamaan o patayin. Nakakatakot ang kanilang wangis at hindi sila nakakapagsalita ng salitang majez, mayroon silang sariling paraan upang makipag-talastasan sa isa't isa. At, ang kanilang uri ay malimit matatagpuan sa mga liblib at masukal na kagubatan kagaya nalang ng hindi gaanong ganap na kagubatan ng Celestia. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Bigla nalang nagmulat ang mga mata ni Neroz at siya'y nasa ibang panig na ng kalupaan, nang igalaw n'ya pa ang kaniyang kamay ay napag-alaman niyang nakagapos pala siya at isa nang bihag! Nilingon niya ang kaniyang paligid at nagulat s'ya nang makita ang mga kasamahan na nakagapos na rin at pare-pareho silang mga bihag! "Sundarava, ano ito—" nayayamot niyang tanong habang pilit kumakawala. At saka niya nakita ang maraming Dalmar na naghahanda para sa gagawing pagluluto sa kanila!— "HOY MGA MABABAHONG VESCATUR! ANO ITO!? ANO'NG GAGAWIN N'YO SA AMIN!? KAKAININ?? HINDI KAMI PAGKAIN!! WALA KAYONG MAKUKUHA SA AKIN, HINDI AKO MASARAP, PAKAWALAN N'YO AKO!!!" pagsisi-sigaw niya at nagising ang mga kasa-pangkat n'ya dahil sa lakas ng kaniyang tinig. "A-anong?!" pagmulat ni Adan at nagulat din nang makitang bihag na silang lahat! "SUNDARAVA!" pagwawala niya at ganu'n din ng iba pa nilang kasama pero tila magagaling mag-gapos ang mga Dalmar na ito dahil hindi sila makawala! "Apmevento, paano tayo napunta rito!?" tanong niya. "Ama! Nakuha rin pala kayong lahat? Ang akala ko'y kami lang nina Pando!" saad ni Neroz. "Binitag nila kami sa — sa loob ng kweba! Doon kami nagpang-abot lahat pero nagawa nila kaming madakip — at — at makuha ang nakalap naming mga ginto!" hinihingal na salaysay ni Adan. "Kailangan nating makaalis dito, hindi tayo pwedeng maging panlaman sikmura ng mga cerapal na 'yan!" tugon ni Neroz at nilingon ang abalang mga nilalang. "Mahal na Zanaa, ayaw ko pa pong ma-ihaw ng buhay, pakiusap... Iligtas n'yo kami, WAAHHH!" pag-ngawa naman ni Pando na pawis na pawis na agad at kabang kaba sa kung ano ang maaari nilang kahantungan. "Mga vescatur... Parang awa n'yo na... Hindi ako masarap, baka malason kayo kung kakainin n'yo ako! Pakiusap — palayain nyo na kami!" patuloy n'yang pagkuha sa pansin sa mga Dalmar hanggang sa lapitan s'ya ng isa at amuyin. Halos mamatay-matay s'ya sa amoy ng hininga nito at sa baho ng mga buhok sa katawan. "Bluhh — bluhh... Kaibigan, naliligo ka ba?! Iba na ang amoy mo eh!" tanong nya dito. At bigla siyang sinapak ng Dalmar! "Aray ko, HUHUHUHU!" pagngawa na naman Pando. "Psst, 'wag kang mag-iiyak d'yan. Gumawa tayo ng paraan upang makatakas!" pagsutsot ni Almer dahil nagbubuo na ng gagawin ang kanilang mga kasama upang maisahan ang mga nilalang. Pilit tinanggal ni Neroz ang gapos niya at buti nalang ay may naka-suksok siyang patalim sa likuran, nagawa n'ya itong maabot at makapigil-hininga pa nang unti-unti niyang putulin ang napaka tibay na nakatali sa kaniya. "AGHHH!" daing n'ya nang matanggal na ang nakatali sa kamay, sunod ay mabilis niyang tinanggal naman ang mga gapos sa paa at saka palihim nang kumilos upang pakawalan pa ang kaniyang mga kasama. Habang abala silang nagtutulungan ay tila nag-uusap na din ang mga Dalmar at pinagpapasyahan kung sino ang unang isasalang!— Maya-maya lang ay itinuro na ng mga ito sa Pando at wari bang siya na ang iluluto! "HOY NEROZ!! BILISAN N'YO! KUKUHANIN NA NILA AKO, WAAHHHH!" pagpalahaw na ni Pando nang lapitan s'ya ng mga nilalang. Sina Adan at ang iba pang nakalaya ay nanatili sa kanilang kinalalagyan upang hindi mapansin ng mga Dalmar na hindi na sila nakagapos, tanging si Neroz lang ang palihim muli na gumalaw upang isagawa ang naisip niyang gagawin. "TULONG! TULUNGAN N'YO AKO WAAHHHH!" pag-iyak ni Pando habang kaharap na ang mga nilalang. Nang kinakalagan ng mga vescatur si Pando ay palihim nang tinapatan ni Neroz ang mga ito, gumamit s'ya ng pangtaklob sa kaniyang kamay upang mahawakan ang paglulutuan na may kumukulo nang tubig, at nang makalagan na nga si Pando ay dito na niya buong lakas na binuhat at ibinuhos sa mga nilalang ang nakakapasong sabaw! "WAHHHH WAHHH WAHHH!" pag-atungal ng lahat ng Dalmar na napaso at agad na mga nagkulasan! Si Pando ay hindi nasaktan dahil nakaharang nga kaniya ang mga vescatur at sa mga ito lahat natapon ang kumukulong tubig. Nang magkagulo na ang mga nilalang ay dito na rin nagtakbuhan ang lahat ng mandirigma dahil nagalit nila ang mga ito at agad rin silang hinabol ng iba upang tugisin! Galit na galit ang mga nilalang at halos buong tribo ata ang tumugis kina Neroz! Napapasok sila pinakaloob ng kagubatan kakatakas at nagkahiwa-hiwalay pa silang muli! "Ayaw ko pang mamatay, mahal na Zanaa!! Tulungan n'yo kami!!" pagsamo ni Pando. Ang bawat Dalmar ay sa mga puno tumutulay habang ang ilan ay sumasabit-sabit sa mga baging at pilit hinahablot ang mga mandirigma. "Ama!! Saan tayo patutungo?!" sigaw ni Neroz habang tumatakbo. "HINDI KO TIYAK, BASTA WALANG TITIGIL SA PAGTAKBO!" sagot naman ni Adan. Biglang naharang ng isang Dalmar sila Neroz at napatigil sila— Mabilis na hahablutin sana ng nilalang ang mga binata pero nakayuko agad si Neroz at sinuntok nito ang nilalang — pero hindi naman ito nasaktan dahil matigas nga ang balat, si Neroz pa talaga ang sumakit ang kamao. "HRAGGHH!" at dinaklot ng isang Dalmar si Pando! "Pando!!" sigaw ni Almer at dali-daling kumilos, sinugod n'ya at nilalang at sinaksak ito gamit ang kaniyang sibat! "WRAGGGGGH!" pag-atungal na naman ng nasugatang vescatur. Nabitawan nito si Pando at nilingon ang sumaksak sa kaniya. "Almer, takbo na!!" tensyunadong utos ni Neroz at binato ng malaking bato ang sinaksak na Dalmar ng kaibigan. "HOY DITO!" pagpukaw n'ya sa pansin nito. Nang lalo nilang magalit ang mga Dalmar ay muli silang nagtakbuhan habang pilit inaasinta ng kani-kanilang pana ang mga ito. Dahil sa paglaban na rin nila ay nabagalan sa pagkilos ang mga vescatur at nahirapan na silang hulihin. Kumakaripas pa rin sa pagtakbo ang mga mandirigma hanggang sa makarating sila sa hangganan ng isla — isang napaka tarik na bangin at ang babagsakan ay ang napaka lalim at tubig! Dali-dali silang huminto at nag-isip ng gagawin— "Pinuno!! Wala na tayong pupuntahan!" hinihingal na sabi ni Elessar. "Bakit hindi tayo tumalon?!" tanong ni Pando at agad siyang binatukan ni Almer. "Jatos ka ba!? Nakikita mo ba kung gaano 'yan kalalim?!" tanong nito. ----------------------------------- JATOS - Ulol o  may sira ang ulo ----------------------------------- "Pinuno, nariyan na sila!!" sabi naman ni Alitho at napalingon silang lahat. "Ama, anong gagawin natin!?" tanong ni Neroz na umiigting na ang pakiramdam. "Wala na tayong magagawa — TATALON TAYO!" pasya ni pinunong Adan. "Haaaaaa!?" pagkagulat ni Pando. "Pagbilang ko'ng tatlo, sabay-sabay tayong tatalon!" utos ng pinuno, "ISA!" "Sandali lang pinuno!" "DALAWA!" "HARGGGHHH!!" at nariyan na ang mga Dalmar! "TATLO!" BIGLANG MAY DRAGON ANG MULA SA HIMPAPAWID AY BUMUGA NG APOY AT ITO ANG GUMULO SA PLANO NG MGA JEZAM! "AGHHHH!" daing ni Adan at agad na yumuko. Sa mga paparating na Dalmar tumama ang apoy, sila na naman ang nasaktan dahil sila ang sumalo sa init at sila ang napaso! "HAAAGHHHH!!" pagwawala ng mga ito at hindi na natuloy pa sa pagdakip sa mga mandirigma. "Sandali?!! Sila Neroz!? Nasaan sila!!!" gulat na tanong ni Adan nang makitang sila nalang nina Elessar, Alitho at Andres ang nakatayo. SINA NEROZ, PANDO, ALMER AT ISTALAM ANG TANGING TUMALON! "APMEVENTO! Tumalon na sila pinuno!" sabi ni Elessar nang tignan ang katubigan. "SUNDARAVA!" pagkadismaya ni Adan at agad na nag-isip ng gagawin. "Nagkalapnos-lapnos na ang balat ng mga Dalmar, hindi na nila tayo pinansin." sabi ni Andres na pinapanood mag-iyakan ang mga vescatur. "Hindi natin pwedeng pabayaan ang aking anak! Tayo na, hanapin natin sila!" aya naman ni Adan. Sinamantala nila ang pagkakataon na hindi magkanda-mayaw ang mga Dalmar at mabilis na silang bumaba sa katarikang narating nila. Mabuti at mabilis nilang natagpuan ang mga naiwan nilang gamit, pati na rin ang mga nakuhang ginto sa kanila. Nang matiyak na wala na silang ibang naiwan pa ay kumilos na sila upang simulang hanapin ang mga tumalon. "Sa tagal-tagal nating dumarayo rito ay ngayon lang tayo napahamak ng ganito!" hinaing ni Elessar, "akala ko kanina ay katapusan ko na!" "Marami talaga ang mga Dalmar dito — marahil ay naubusan na sila ng makain kaya tayo ang pinagdiskitahan!" sagot ni Adan habang tinatanaw ang kanilang patutunguhan. "Salamat nalang kamo sa dragon! Hindi tayo tuluyang naging pananghalian ng mga vescatur na iyon!" pasasalamat nitong si Elessar. "Pinuno, ayon sila Neroz!" biglang sabi ni Alitho at itinuro ang hangganan ng kagubatan. Dali-dali silang lahat na tumakbo at pinuntahan sa dalampasigan ang mga umaahon nilang kasama! "Neroz!! Anak!!" pagkalapit ni Adan. "Salamat kay Zanaa at ligtas ka! Ligtas kayong lahat! Akala ko'y kung napaano na kayo!" pasasalamat nito at agad na niyakap ang anak. "Mga walanghiya kayo, hinayaan n'yo kaming tumalon!" dismayadong sabi ni Pando at binatukan s'ya ni Elessar. "Ang sabihin mo'y takot ka lang kaya ka nagmamadali kang tumakas! HAHAHAHA!" pangangantyaw nito. "Nag-alala ako sa inyo, ama! Akala ko'y nakuha na kayo ng mga Dalmar." sabi naman ni Neroz. "Hindi! Heto nga kami at ligtas!" sagot ng ama, "kaya ngayon ay aalis na tayo rito, bago pa may kung anong mangyari sa atin!" utos nito at pingpupulot na ang mga kagamitan nila. Masaya na silang nagsama-sama at nang lalakad na upang lumisan ay hinarang na naman sila ngunit ng mga Derronian na — at sa pamumuno ni Sebani! "Mga Derronian!? Ano'ng ibig sabihin nito!?" gulat na tanong ni Adan at nanguna agad sa mga kasama. "Kailangan ninyong sumama sa amin!" sagot ni Sebani. "At bakit naman?!" tanong ni Neroz. "Mahal na Zanaa, ano na naman ito? Kakalaya lang namin, mabibihag rin pala kami agad?!" dismasyado at pagod nang hinaing ni Pando. "Sige, kuhanin sila!" utos ng Derronian at pinakilos na ang mga kasama nito upang dakpin ang lahat ng mandirigma. Ngunit hindi sasama sina Adan kaya nang makalapit sa kanila ang mga Derronian ay kanila itong nilabanan! "APMEVENTO!" sigaw ni Sebani. ... (Sa Derrohny) Tahimik sa punong bulwagan nang lumitaw na ang mga sorsero galing sa Goltus! Nagulat na naman ang lahat ng Derronian at sila'y mga naghanda — pati si Balrak, na napatayo sa kinauupuan at natigil ang pag-inom. "Salutem!" nakangising bati ni Verdem. "Bakit na naman kayo naparito mga regium, ano na namang kailangan ninyo!" galit na tanong ni Balrak. "Napaka init naman ng pagtanggap mo sa amin, hindi pa kami nagsasalita'y tila nais mo na kaming umalis?" tanong ni Adro. "Iharap n'yo sa amin si Lerzia! Mayroon kaming nais itanong sa kaniya!" utos naman ni Verdem. "At ano na namang kailangang n'yo sa aking apo?!" tanong ng hari. "Iharap mo nalang s'ya nang nagkakaalaman tayo rito! Nasaan ba siya!?" pa-bulyaw na tugon ni Verdem. Si Guzma ay agad na binulungan ng hari upang ipatawag na nga si Lerzia... Sa muog tanggulan... "Sapat na ba ang bilang ng ating hukbo?" tanong ni Lerzia sa katabing kawal. "Sa ngayon ay masabi kong malakas na ang ating hukbo, kaunting panahon pa at makakayanan na nating makipagdigma muli!" sagot ng Derronian at napangiti ng pagka-laki laki si Lerzia. "Mainam kung gano'n — nalalalapit na rin ang unti-unting paniningil ko sa utang ng aking mga kapatid sa akin!" sabi nito sa isipan. "Lerzia! Lerzia!" humahangos na pagdating ni Guzma, "narito ang iyong mga kapatid at hinahanap ka nila!" ulat nito. "At ano na naman ang kailangan nila!?" iritang tanong ni Lerzia at sumunod naman agad sa apram upang harapin na ang mga kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD