Halos isang dekada nang tumutulong ang pamilya Hales sa maliit na komunidad ng Barrio Nueve. Nakapag-donate na sila ng ilang daang libong piso sa mga eskwelahan, charities, at pati sa mga simbahan. Madalas din silang magbigay ng parte sa piling mga proyekto ng barangay na ikinatuwa ng mga tao, lalo na ng mga opisyal. Dahil sa malaking kontribusyon na ibinibigay ng mga Hales sa baryo, napakataas ng tingin ng buong bayan sa kanila.
Kaya naman nang kausapin ni Dyrroth ang mga taong nagkakagulo sa labas ng mansyon ay agad niyang napawi ang galit ng mga ito kay Ruthie.
Ito ang unang beses na nasilayan ng mga tao ang nag-iisang anak ni Argon Hales. They were astounded by Dyrroth's powerful presence and tall stature. Ni hindi umalma ang mga ito kahit kaunti sa pakiusap niya. They listened to him as if his words are the law. Ruthie can't help but feel bitter about it.
"Hindi 'to patas..." she murmured to herself while watching them from her bedroom window.
Dahil lang sa anak siya ng katulong ay walang naniniwala sa kaniya. Walang may gustong pakinggan ang panig niya na siya namang katotohanan. Mas gusto pa ng mga ito makinig sa mga maruruming tsismis tungkol sa kaniya.
"Ruthie, anak, aalis na raw yung mga tao," nakangiting balita ni Kiara na kapapasok lang ng kwarto. "Ang rinig ko, nag-alok daw si Sir Dyrroth ng tulong sa mga pamilya ng nawalan."
Matamlay siyang humarap sa ina at saka pilit na ngumiti. May hindi mawaring lungkot at dismaya sa mga mata niya.
"Iba talaga ang nagagawa ng pera," aniya.
Bumuntong-hininga ito. "Magpasalamat na lang tayo tumulong si Sir Dyrroth at nadaan sa mapayapang paraan. Kasi kung hindi sila umalis ay tatawag talaga ako ng mga pulis."
Hindi siya sumagot at ibinalik ang tingin sa labas. Nakita niyang nagsilakad na paalis ang mga taong gustong manakit sa kaniya kanina. Mahina siyang nag-iling ng ulo habang masama ang tingin sa mga ito.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng ina.
Tumango siya habang nakatingin pa rin sa malayo, tila may malalim na iniisip.
"Gusto mo ba dito na ako matulog kasama mo sa kwarto ngayong gabi?" nag-aalalang saad nito.
A chill went down her spine. Namumuti ang mukha niyang humarap sa ina at mabilis na nag-iling ng ulo.
"Hi-Hindi na! Mas gusto kong matulog mag-isa."
Kumunot ang noo nito sa kakaibang reaksyon niya. Medyo napalakas ang boses niya.
"Sigurado ka? Namumutla ka nga e."
"A-Ayos lang ako. Doon ka na lang sa kwarto mo, Ma."
Kiara stared at her suspiciously. "Sigurado ka ba talaga?"
Mabilis siyang tumango. "Opo. Huwag ka na masyadong mag-alala. Naayos na naman ni Dy ang problema ko."
"O, sige... Pero kung magbago ang isip mo puntahan mo ako sa kwarto ko."
She faked a smile. "Opo, Ma. Sige na, magpahinga ka na sa kwarto mo. Gusto ko na rin matulog."
"O s'ya. Magpahinga ka na, Ruthie. Sabihan mo na lang ako kung may kailangan ka."
Umalis na ang nanay niya at naiwan na siyang mag-isa. Yinakap niya ang sarili at saka sumilip muli sa labas. Lumakas ang kabog sa dibdib niya nang makitang papasok na si Dyrroth sa mansyon.
Kinakabahan siyang umupo sa higaan niya at inalala ang naging pag-uusap nila ng binata kanina.
Tinanggap niya ang singsing nito kapalit ng tulong at proteksyon nito. Pero hindi lang iyon ang napag-usapan nila. Bilang patunay na tutupad siya sa usapan, ibibigay niya ang sarili rito ngayong gabi.
She remembered Dyrroth's words a couple of nights ago.
"I will demand your body, your soul... and I will have you surrender your heart to me..."
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at itinukod ang noo sa mga tuhod niyang yakap niya. Tama ba itong ginawa niya? Tama lang ba na sumang-ayon siya sa gusto ni Dyrroth?
Napaigtad siya sa tatlong mahihinang katok na narinig. Dahan-dahan siyang tumayo at lumakad papuntang pinto. Malalim siyang huminga para humugot ng lakas ng loob bago ito binuksan.
Sumikdo ang puso niya nang tumama ang hinala niya. Dyrroth is smiling at her with his hands in his pocket. Narito na ito para singilin siya.
"They're gone," anito.
Linunok niya ang laway na kanina pa namumuo sa nerbyos tapos ay mahinang tumango.
"N-Nakita ko nga."
Yumuko siya. Hindi siya makatingin ng diretso rito.
"Can I come in?"
Lumabi siya at saka binuksan ng mas malaki ang pinto.
"P-Pasok ka."
"Lock the door," anito sa malamig nitong boses pagkaupo sa kama niya.
Palihim niyang kinuyom ang mga palad at tahimik na sinunod ang utos nito.
“Come here, Ruthie... Sit beside me."
She swallowed again. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya nang tumabi na siya rito. Tapos ay muling naglaro sa kaniyang ala-ala ang nangyari sa kanila sa jacuzzi. Nag-init ang mukha niya sa isipang iyon.
“Ruthie..."
Tumayo ang mga balahibo niya sa katawan nang haplusin nito ang buhok niya at sandaling idinikit ang mukha sa bandang batok niya.
"You smell good. Kakaligo mo lang ba?"
She can feel his hot breath on her neck. Para siyang yelong nanigas sa kinauupuan dahil sa ginawa nito. Napansin naman nito iyon tapos ay mahina itong tumawa at inakbayan siya.
"Masyado ka namang tense. Relax a little."
She cleared her throat and fought her nervousness.
“Ma-may nagbuhos kasi ng maruming tubig kanina..." nauutal niyang sagot. “Ka-Kaya naligo ako ngayong gabi p-pag-uwi ko."
“Hmm... Okay..."
Patuloy nitong pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok niya habang napakalapit ng mukha sa ulo niya. Nakadagdag ito sa nerbyos niya.
"Uhm..." Naglakas loob siyang humarap dito kahit tila ay aatakihin na siya sa puso sa sobrang kaba. "M-Magse... Mag-se-s*x ba tayo ngayon? As in... ngayong gabi... na ba natin gagawin?"
Segundo itong natulala sa mukha niyang pulang-pula na sa hiya tapos ay tumawa. She looked at him perplexedly. Anong nakakatawa sa tanong niya? Or does teasing her that entertaining to him?
"Of course. Why do you think I'm here?"
Her chest throbbed louder. "Hi-Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang? O-o kaya, bu-bukas. Bukas na lang." Nakipagtawaran siya. "Kasi ang daming nangyari sa akin ngayong araw. Baka... alam mo na, hindi ko magawa. Uhm, wa-wala ako sa mood."
Nakangiti lang ang binatang mariing nakatitig sa kaniya. Nanatili itong ganoon ng maraming segundo bago sumagot.
"Maliit na bagay," anito. "We'll do your favorite foreplay to set you in the mood. I promise, you'll be horny in no time."
Lalong nagkulay kamatis ang buong mukha niya sa sinabi nito. Parang may ipo-ipo ngayon sa loob ng ulo niya at hindi siya makapag-isip ng maayos. Wala siyang masabing palusot o dahilan para kumontra pa rito.
"Hu-Huwag ka ngang magsalita ng ganyan," ang tanging nasabi niya.
"Why? Boyfriend mo na ako ngayon at magiging asawa na rin kita. This is normal for couples."
"A-Alam mo namang hindi ako sanay..." Nagbaba siya ng tingin at mariing kumapit sa dulo ng tela ng suot niyang pajama. “Dy, pwede bang dahan-dahanin lang natin? H'wag tayo masyadong magmadali sa mga ganitong bagay."
Maingat nitong hinaplos ang pisngi niya at pinagtama ang mga mata nila.
"No," he replied firmly. "You gave me your word, Ruthie. You're mine now. I won't let you get away tonight. Not this time."
Her heart skipped a beat from his intense gaze. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang matinding pagnanasa sa kaniya.
“So, Ruthie, you can't say no to me tonight. Kahit anong gawin natin ngayong gabi... dito sa kwarto mo... Got it?"
Pagkasabi niyon ay inalapat nito ang labi at mabilis na inihiga siya sa kama. Nagulat siya sa ginawa nito. Itutulak sana niya ang binata ngunit biglang nagbago ang isip niya.
May kasunduan sila at tinupad nito ang hiling niya. She needs to honor their deal too.
Ipinikit na lang niya ang mga mata upang maibsan ang takot na nararamdaman kahit na kaunti. Hinayaan niya ang sarili na unti-unting sumuko sa tawag ng laman.
Hindi na siya pumalag pa at buo ang loob na ipinaubaya ang kaniyang katawan sa lalaking ngayon ay nobyo na niya.