2

1578 Words
Napakamot si Ruthie sa kaniyang pisngi. Kahit na may pagyayabang sa tono niya, medyo nahihiya pa rin siyang aminin kay Dyrroth na may nag-aya sa kaniya na lumabas. Ngayon lang kasi ulit may nagka-interes sa kaniyang lalaki. Hindi siya sigurado kung paano dapat ang magiging reaksyon niya. Mas maganda siguro kung naging babae si Dyrroth para mas komportable akong magkwento ng mga ganitong bagay, she thought. "Hehe..." she smiled shyly. "Kinakabahan nga ako kasi dalawa lang kami mamaya. Ayoko mag-assume pero sa tingin mo more than friends ang gusto niya?" Bukod sa madilim nitong ekspresyon, nakita niyang gumalaw-galaw ang panga nito. "You shouldn't trust him so easily. Malay mo pinagtitripan ka lang," anito. "Hindi no!" agad niyang depensa. "Hindi kami ganoon ka-close pero schoolmate ko s'ya since elementary. Sikat s'ya sa school kasi sobrang bait n'ya. Tapos sobrang gwapo rin!" Pabagsak nitong ibinaba ang kutsara at tinidor. Nagkrus ang braso nito tapos ay hinarap ang katawan sa kaniya. "If that's true, bakit ka n'ya aayain lumabas?" Napakurap-kurap siya sa pagtataka. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Bakit aayain ng isang campus crush ang nababalitang sinumpang babae na lumabas?" Umawang ang labi niya. "Ang harsh mo naman! Malay mo kasi mabait lang talaga s'ya. Saka maganda naman ako a! Dati nung wala pa yung mga tsismis na 'yon tungkol sa akin maraming nagkakagusto sa'kin no!" "I know," he replied in low voice. Sobrang seryoso ng mukha nito. Alam niyang hindi ito galit at nag-aalala lang ito pero matanda na siya. Kaya na niya ang sarili. "H'wag ka mag-alala. Ako ang bahala. Kapag nalaman kong pinagtitripan n'ya ako makakatikim s'ya sa'kin! Buburahin ko yung pinagmamalaki n'yang baby face! Saka alam mo namang ngayon lang ulit may lumapit sa akin, 'diba? Malay mo chance ko na 'to para palawakin ulit yung circle of friends ko." Lumipas ang maraming segundo bago ito sumagot. "Am I not enough?" "H-ha?" "Sawa ka na sa akin no?" Natulala siya rito habang nakabuka ang bibig. Muntik na niyang makalimutan ang wirdong ugali ng seloso niyang kaibigan. Baliktad ang ugali nila. Kung siya ay gustong nakikihalubilo sa mga tao, ito naman ay mas gustong mapag-isa. Sa maraming taon niyang pamamalagi sa mansyon ng mga Hales, ni minsan hindi niya ito nakitang lumabas o namasyal. Naka-homeschool din ito simula elementarya hanggang highschool. Hindi niya alam kung ganoon ito kasi hindi ito sanay makipagsosyalan o sadyang ayaw lang talaga nitong kumilala ng mga tao. Pwede ring over-protective lang talaga ang magulang nito. She was never certain. Siya na nga lang ang nanghihinayang sa kagwapuhan ng loner na ito. Dapat i-share nito ang blessing sa buong mundo. Puro siya na lang ang nakakakita. Madalas din itong isip bata. Matanda ito ng ilang buwan sa kaniya pero pakiramdam niya may nakababata siyang kapatid na inaalagaan. At sa tingin niya isa ito sa mga taong hindi basta nakakatanggap ng mga pagbabago. Iyong mga taong palaging may sinusunod na plano. Pero hindi naman pwede iyon. May mga bagay na hindi pwedeng iwasan. Bumuntong-hininga siya. Nagbaba siya ng balikat at sinserong tumingin sa mukha nito. "Dy, h'wag ka mag-isip ng gan'yan. Syempre kahit magkaroon pa ako ng isang daang bagong kaibigan, ikaw pa rin ang pinaka-importante. Ikaw lang ang nag-i-isang bestfriend ko. Hindi ko makakalimutan na ikaw lang yung nag-stay sa tabi ko nung tinalikuran ako ng lahat. Kaya h'wag ka na magtampo, okay? Kung gusto mo, ipapakilala din kita para naman may bago ka na ring mga kaibigan hindi lang ako." Kumunot ang noo nito. "I don't need anyone. I just need you." Napakaseryoso ng mukha nitong nakatitig sa kaniya. Siguro kung ibang tao siya binigyan na niya ng malisya yung ganitong paraan ng pakikipag-usap ni Dyrroth sa kaniya. Pero naiintindihan naman niya ang pinanggagalingan nito. Wala itong naging ibang kaibigan kung hindi siya. Natatakot siguro ito na kapag nagkaroon siya ng ibang mga kaibigan sa labas kakalimutan na niya ito. "Dyrroth," mahinahon niyang sambit sa pangalan nito. "Malaki ang mundo pero maiksi lang ang buhay ng tao. Habang may pagkakataon i-enjoy natin yung kabataan natin. Makipagkilala tayo sa maraming tao. The more the merrier!" "So, I'm no fun?" Tumaas ang pareho niyang kilay. "A-ano?" "Sinasabi mo bang sobrang bored ka na sa'kin kaya kailangan mo ng iba? So, hindi nga ako sapat?" Natameme siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung paanong iyon ang naging konklusyon nito pero hindi iyon ang ibig niyang sabihin. She sighed again. "Mali ka ng pagkakaintindi sa sinabi ko. Ang akin lang naman, mas masaya kapag mas marami kang kaibigan. Saka bakit ka ba sobrang kontra? May mali ba sa sinabi ko? Krimen na ba ngayon ang makipagkaibigan sa maraming tao? Subukan mo kasing lumabas para magets mo yung ibig kong sabihin. Namumuhay kang parang preso rito. Sayang naman. Marami kang pera kaya marami kang lugar na kayang puntahan. Nakakainggit ka kaya." Hindi siya nito sinagot. Tahimik nitong inubos ang pagkain at iniabot sa kaniya ang tray. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto nito na wala pa ring sinasabi. Ganito ito kapag nag-aaway sila o nagkakatampuhan. He gives her cold shoulders. Mabait at masayahing tao si Dyrroth. Palagi itong nakangiti at kalmado sa tuwing magkasama sila. Pero minsan nakakatakot ang ekspresyong ibinibigay nito kapag may naririnig na hindi nagugustuhan. May mga pagkakataon din na nagtatalo sila dahil sa magkaibang mga pananaw sa mga bagay-bagay katulad ng nangyari ngayon. Kakaiba tumakbo ang isip nito. Matagal na silang magkakilala at magkasama pero hindi niya kayang sabihin na kabisado na niya ang buong ugali at pagkatao nito. Lumubog na ang araw. Oras na para makipagkita siya kay Carlos. Muli niyang tinignan ang sarili sa salamin para siguruhing kaaya-aya ang itsura niya. Wow! Bagay pala sa akin maglip tint na pula. Kinakabahan tuloy ako lalo. Ano kaya magiging reaksyon ni Carlos? Malakas siyang bumuga ng hangin tapos ay nagtaas ng noo. I'm confidently beautiful! sigaw niya sa isipan para lumakas ang loob niya. Isinuot na niya ang kaniyang cute na doll shoes at naglakad palabas ng kwarto. Napaigtad siya nang bumungad sa kaniya ang mukha ni Dyrroth pagkabukas ng pinto. "D-dy! Kanina ka pa d'yan?!" "Hindi. Kararating ko lang." "Ah..." She smiled awkwardly. "May kailangan ka ba sa'kin?" Malungkot ang mga mata nitong nakatingin ng diretso sa kaniya. "Uhm... I just want to apologize for earlier. I thought about it and I realized you were right. You should go out and make more friends. I'm sorry I was such an ass. From now on, I'll be here to support you as your good friend. Just let me know if you need anything." Malawak siyang ngumiti dahil sa nakakapukaw ng damdamin nitong mga salita. Hindi naman nito kailangan humingi ng tawad kasi naiintindihan niya ito. Kahit hindi na ako magkaroon ng sobrang daming kaibigan, sapat na si Dyrroth. Mahina at mapaglaro niyang sinuntok ang braso nito. "Sus! Hayaan mo na. Kalimutan na natin 'yon! Ikaw pa ba?" Mahina itong tumawa. "You're always so energetic." Sa wakas ay umaliwalas na ang mukha nito. Hindi siya sanay na nakasimangot ang kaibigan at masyadong seryoso. Ibinida niya ang suot niyang pulang bestida at umikot sa harapan nito. "Ano palang masasabi mo sa itsura ko?" "You look gorgeous." "Ang bilis mo namang sumagot. Parang pilit." "Okay. Then I'll elaborate." Pinag-isang hakbang nito ang pagitan nila tapos ay mariin siyang tinitigan. Maingat nitong inangat ang kanang kamay at hinimas ang buhok niya. "Your silky black hair looks more elegant now that you curled it. The waves look natural and it suits your red dress." Inilipat nito ang atensyon sa mukha niya. Humawak naman ito sa baba niya at pinakatitigan ang kaniyang mga labi. "Even without this red tint, your natural pink lips are very kissable and alluring. But I must say, it has become a dozen more times tempting now that it is red. And your almond eyes, they are bea-" "Tama na!" Pinutol na niya ang iba pa nitong mga sasabihin bago pa siya tuluyang atakihin sa puso. Nagbabagang parang uling ang mukha niya sa sobrang hiya sa mga salitang binitiwan nito. Umatras siya ng ilang hakbang. "So-sobrang bolero mo talaga!" "Hmm?" He tilted his head. "I'm just stating facts." Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya alam na ganoon pala siya sa paningin ng binata. "Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi ka pa nakakakita ng ibang babae sa malapitan. Try mo kasing lumabas dito sa palasyo mo." Matamis itong ngumiti. "I doubt it." "Hmph! Sige na, aalis na ako. Thank you sa compliment mo kahit medyo OA. Nabawasan yung kaba ko." "Sure. Enjoy your night with him." "Syempre! Ikaw na nagsabi. Maganda ako kaya magugustuhan n'ya ako," biro niya. "It might be the last..." pabulong nitong dugtong. "Ha?" Inosente itong ngumiti. "Nothing. Call me if you need anything." Malapad siyang ngumiti. "Okay. Wish me luck! Bye, Dy!" Tinalikuran na niya ito at naglakad paalis. Paglabas niya ng gate, bigla siyang nakaramdam ng masama. Pakiramdam niya may nagmamasid sa kaniya. Lumingon siya sa mansyon at dumako ang mata niya sa isa sa mga bintana sa ikatlong palapag kung nasaan ang silid ni Dyrroth. Sumikdo ang puso niya nang may makita siyang aninong nakatayo at tila nakatingin sa kaniya. Kahit malayo, kitang-kita ang mga nanlilisik nitong pulang mata. Ngunit matapos niyang kumurap, bigla itong nawala. Lumingon-lingon siya sa paligid sa kakaibang kilabot na bumalot sa buong katawan niya. Ngunit walang ibang tao sa paligid kung hindi siya lang. Malakas niyang iniling ang ulo. Siguradong guni-guni lang niya iyon. Malalim siyang huminga at tumuloy na sa pupuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD