3

1634 Words
Mahigpit na nakakapit si Ruthie sa strap ng kaniyang sling bag habang papalapit sa peryahan. Nagpapawis ang mga palad niya sa sobrang kaba. Ano kayang magiging reaksyon ni Carlos kapag nakita siya nito sa pulang bestida na suot niya? Sana hindi lang siya basta binobola ni Dyrroth. Sana nga ay totoo na bumagay sa kaniya ang porma niya ngayon. Lagi kasi siyang nakapusod, nakapantalon at t-shirt. Sobrang boring niyang tignan at hindi pala-ayos sa eskwela o sa bahay. Ngayon lang siya nagmake-up at nagbihis ng maganda para mag-iwan ng magandang impresyon kay Carlos. "Ruthie? Ikaw ba 'yan?" Tiningala niya ang matangkad na lalaking biglang sumulpot sa gilid niya. Biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang makitang si Carlos pala iyon. Nakaputing polo at pantalon ang binata na bagay na bagay dito. "Hu-huy! Carlos! Kanina ka pa ba naghihintay?" Naka-awang ang labi nitong tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nanlalaki ang mga mata nitong tila hindi makapaniwala. "Wow! Ikaw nga! Muntik na kitang hindi makilala! Mas lalo kang gumanda!" Pasimple niyang kinagat ang labi habang nagpipigil ng ngiti. "Sus! Hindi naman masyado... So, kanina ka pa naghihintay?" Malawak itong ngumiti na nagpalabas ng malalim nitong dimples. Ngayon nakita na rin niya ang salarin ng pagkahumaling ng mga babae rito sa eskwela. "Medyo," sagot nito. “Excited kasi ako kaya maaga ako pumunta. Tara, pasok na tayo? Bumili na ako ng ticket nating dalawa." Tumango siya sabay ngiti. "Sige, tara na." Habang papasok sila sa loob, nagniningning ang mga mata niya sa magagarbo at makukulay na dekorasyon at mga ilaw. Nakagat niya ang labi sa sobrang pagkasabik na nararamdaman. Ngayon lang siya nakapunta sa ganitong klaseng lugar. Naririnig niya ang mga hiyawan at malakas na tawanan ng mga tao sa loob na lalong nagpasabik sa kaniya. "May gusto ka ba munang puntahan?" tanong nito pagkalagpas nila sa entrance. Umiling siya habang may hindi maitagong saya sa mukha. Pakiramdam niya bumalik siya sa pagkabata. "Kahit saan mauna ayos lang. Basta gusto ko malibot lahat." Ngumisi ito na halatang naaaliw sa reaksyon niya. "Dahil mukhang first time mo rito, sisiguraduhin kong hindi mo 'to makakalimutan." Lumabi siya at matamis na ngumiti. Totoo palang mabait si Carlos. Walang yabang at mukhang maginoo. Ang swerte ng magiging girlfriend niya, saad niya sa isipan. Naglibot-libot muna sila sa paligid habang nagkekwentuhan para mas lalo pa nilang makilala ang isa't isa. Ang dami nilang nasabing bagay tungkol sa kanilang mga sarili. Kulang na lang ay magsabihan na sila ng kani-kaniyang mga sikreto. Natuklasan niya na marami silang pagkakapareha na lalong nagpagaan ng loob nila sa isa't isa. Wala pang isang oras silang nagkukwentuhan ay para na silang matagal na magkakilala. Higit sa lahat, nakumpirma niya ang maling hinala ni Dyrroth na niloloko lang siya ni Carlos. Ramdam niya ang sinseridad nito at ang malinis nitong intensyon. Matapos nilang maglibot ay linibre siya nito ng ice cream at popcorn. Nagpahinga ang dalawa saglit tapos dumiretso na kung nasaan ang mga rides at sinubukang sakyan ang lahat ng iyon. “Ayos ka lang?" tumatawang tanong ni Carlos pagkababa nila ng mini roller coaster. “Para akong masusuka," aniyang tila matutumba habang naglalakad. Mabuti na lang at nakahawak si Carlos sa bewang niya para alalayan siya. “Grabe yung tili ko sa mini roller coaster saka sa horror train. Nakakahiya sana hindi masyadong labas yung ngala-ngala ko. Ang pangit ng itsura ko nun sigurado." Tumawa lalo ang binata. “Wala namang nakakita ako lang." Sinimangutan niya ito tapos ay hindi rin napigilang matawa sa sarili. Hindi niya akalaing magiging komportable siya agad kay Carlos. Sa isang oras at kalahati nilang magkasama, nagkapalagayan na sila kaagad ng loob. Wala na silang nararamdamang ilang. Hindi rin naman kasi ito mahirap pakisamahan. Palabiro ito at makulit. Walang minuto na hindi siya nakangiti. Nangangalay na nga iyong panga niya kakatawa. Umupo sila sa isang bakanteng bangko upang ipahinga ang kanilang mga binti. Ilang segundo siya nitong tinitigan tapos ay nagsalita. "Buti naman nag-e-enjoy ka." Malambot siyang ngumiti na may kaunting lungkot sa mga mata. "Ngayon lang kasi ako nakapasyal sa ganitong lugar. Hindi kasi ako palalabas. Ikaw? Nag-e-enjoy ka ba?" "Ikaw ba kapag naka-date mo yung crush mo hindi ka ba sasaya?" Naramdaman niyang nag-init bigla ang pisngi niya. Tama ba yung kaniyang narinig? Crush? Sino, ako? Crush ako ni Carlos?! "Ha?" Kunwari ay hindi niya narinig ang sinabi nito. Matamis lang itong nakangiti habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi siya nito sinagot o inulit ang kaninang sinabi. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumuro ito sa malayo. "Tara, sakay naman tayo 'don," anito. Sinundan niya ng tingin ang direksyon ng hintuturo nito at napadpad ang mga mata niya sa malaking ferris wheel. Umaliwalas ang mukha niya at malugod na tumango-tango. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at tumungo na roon. Hindi masyadong mahaba yung pila sa ticket booth kaya nakasakay agad sila. "Carlos, salamat kasi hindi ka natakot makipagkaibigan sa'kin. Tapos dinala mo ko dito sa peryahan at linibre pa. Sobrang saya ko talaga! Hindi ko 'to makakalimutan," nakangiti at diretso niyang sabi habang magkaharap sila ng upo. Mula iyon sa puso niya. Siguradong magiging isa ang gabing ito sa mga pinakamasasayang ala-ala niya sa buhay, kahit ano pa ang kahinatnan nilang dalawa sa huli. Mabagal nitong iniling ang ulo. "Ako nga ang dapat magpasalamat kasi sumama ka sa akin. Akala ko nga tatanggihan mo ako kasi mukha kang loner at ayaw magpa-istorbo. Lagi kang nasa sulok at tahimik lang. Medyo nagdalawang-isip ako nuong una baka kasi ayaw mong makipagkaibigan. Kaya laking gulat ko nung nagreply ka sa text ko." Mahina siyang tumawa saka nag-iling ng ulo. "Akala mo lang loner ako pero hindi 'yon totoo. Iniiwasan lang talaga ako ng mga tao. Hindi mo ba alam yung tsismis tungkol sa akin?" Nagkibit-balikat ito. "Alam ko. Kaso hindi naman ako naniniwala sa gano'n." May malungkot na ngiti ang pumisil sa mga labi niya. "Buti ka pa..." "H'wag mo na lang sila masyadong isipin. Siguro kasi medyo liblib yung ibang parte ng baryo natin kaya marami pa ring mapamahiing tao." Malalim siyang huminga. Sana lahat ng tao katulad ni Carlos mag-isip. Natutuwa siya kasi kahit na alam nito ang kaniyang baho ay pinili pa rin nitong ayain siya na lumabas at makipag-kaibigan. Sigurado na pag-u-usapan ang binata ng mga tao pagkatapos nitong pagpasyal nila nang magkasama pero mukhang wala itong pakialam. Basta ang mahalaga ay masaya silang lumabas ngayong gabi. Nakakataba ng puso ang lakas ng loob nito. Lalo tuloy itong gumagwapo sa paningin niya. Err... Maaga pa para ma-fall, Ruthie! Walang magandang dulot ang pagiging marupok! she battled with herself in her mind. Paulit-ulit niyang pinagalitan ang sarili sa isipan. Alam niyang nagkakaganito lang siya dahil sobrang tagal na nang makaramdam ulit siya ng ganito at may nagpakita ng interes. "Ruthie, tumingin ka sa labas." Naputol ang malalim niyang iniisip. Tumuro si Carlos sa labas ng bintana na agad naman niyang sinilip. Halos malaglag ang panga niya sa sobrang pagkamangha sa ganda ng tanawin mula sa itaas. "Wow! Tignan mo, Carlos! Ang cute ng mga tao o! Parang mga langgam! Yun! Tignan mo yun! Doon tayo bumili ng ice cream kanina! Ayun si manong o!" Para siyang bata na ngayon lang nakalabas ng bahay. Tinatawanan lang siya ni Carlos habang pinapanood siya na walang tigil sa pagtuturo. Ito na yatang ferris wheel ang pinakapaborito niyang sinakyan nila dito sa perya. Namimilog ang mga mata niya habang inuukit sa isipan ang maliwanag at makulay na tanawin sa ibaba. Napakasigla ng buong paligid at tila walang katapusan ang kasiyahan ng mga tao. Mataas na sa langit ang bilog na buwan ngunit buhay na buhay pa rin ang gabi. Mapakla siyang ngumiti sa biglang naisip. Lalo niyang napagtanto kung gaano kaliit at kadilim ang kaniyang mundo. Ang daming magagandang bagay sa mundo na nalalagpasan niya. Kung hindi siya sumama kay Carlos, baka hindi niya ito nakita o naranasan. Balang araw aalis siya sa lugar na ito kasama ang kaniyang ina. Umisang sakay pa sila sa ferris wheel dahil sa pangungulit niya. Pagkatapos ay tumambay na sila sa isang sulok para magpahinga at patuloy na magkwentuhan. Iyong kalahating oras nilang pagdadaldalan ay parang limang minuto lamang. Totoo palang umiiksi ang oras kapag nagsasaya. "Iuuwi na kita. Gabi na. Baka magalit na yung mama mo," sabi ni Carlos matapos tumingin sa relo nito sa kamay. Tumingin siya sa kaniyang cellphone para tignan din kung anong oras na. "Ay, oo nga no! Ang bilis ng oras. Hindi ko namalayan..." "Oo nga e. Nakakabitin." Humaba ang nguso niya. "Sinabi mo pa!" Ugh... Ayoko pang umuwi... "Hayaan mo, may perya ulit sila sa susunod na biyernes. Kung gusto mo punta ulit tayo dito." Nagkislapan ang mga mata niya rito. "Talaga?!" "Oo, lilibre ulit kita." "Sige! Thank you, Carlos! Ang bait mo pala talaga sa personal!" Bahagyang namula ang mga pisngi ng binata. Tila nahihiya itong humimas sa batok. "Uhm... Pwede ba kitang tawagan mamaya?" Biglang bumilis ang t***k ng puso niya sa tono ng pagkakasabi nito at sa binibigay nitong ekspresyon sa mukha. Naisip niya ang posibilidad na baka higit pa sa kaibigan ang nais ng binata sa kaniya. Umamin pa nga itong crush siya nito. Kinabahan siya pero nakaramdam din siya ng sabik. Bakit hindi? Mukha namang mabuti siyang tao. "Magtext ka muna bago ka tumawag," sagot niya sa kalmadong boses para naman hindi masyadong halata na sobrang gusto rin niya ang suhestiyon nito. Kahit nagwawala na talaga siya sa kaniyang isipan sa sobrang kilig. "Okay, sige, itetext kita kapag tatawag na ako. Uhm... pwede rin ba tayong mag-picture?" Mabilis siyang tumango. "Sure!" Inilabas nito ang cellphone at itinapat ang lens ng camera sa kanilang dalawa. Umusog silang dalawa palapit sa isa't isa. Pagkatapos ay nag-peace sign siya habang malawak ito na ngumiti. Bago nito kinuha iyong litrato ay pasimple itong umakbay sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD