8

2268 Words
"So you finally came," nakangiting bungad ng bestfriend ni Ruthie nang papalapit na siya sa pinto ng kwarto nito. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa kaniya. "Sorry, ang daming inutos ni mama. Ngayon lang ako natapos." "That's fine. Come in." Malawak nitong binuksan ang pinto tapos ay tumuloy na rin siya sa loob. Linibot niya ang kaniyang mga mata para hanapin ang pwepwestohan nila. "Nasaan na yung wines? Saan ba tayo?" Sinarado nito ang pinto tapos ay tumuro sa itaas. Umawang ang labi niya nang mapagtanto kung ano ang ibig nitong sabihin. Dalawang palapag ang kwarto ni Dyrroth. Dito sa ibaba nakalagay lahat ng pangangailangan nito, habang sa itaas naman ay may personal itong jacuzzi. Madalas siyang maligo doon dati. "Sandali, wala akong extra na damit na dala. Dapat sinabi mo agad." "Edi hubarin mo yung suot mo para hindi mabasa. Or I can lend you a shirt." Sinimangutan niya ito. "Babalik ako sa kwarto. Kukuha lang ako ng damit." Hinawakan siya nito sa braso bago pa siya makahakbang papuntang pinto. "H'wag na. It's not like it is your first time, right?" Napakurap-kurap siya sa rito. Totoo iyon. Maraming beses na siyang nagtampisaw sa jacuzzi ng binata. Pero sobrang tagal na noong huling naligo sila roon ng sabay. Ilang taon na ang nakalipas kaya nakakailang na ngayon. Marami nang nagbago sa mga katawan nila at hindi na sila mga bata. Mahirap hindi malagyan ng malisya lalo na kung may makaalam. Tsismis na naman ito kapag nagkataon. "Di-dito na lang tayo sa kwarto mo uminom," marahan niyang binawi ang braso rito. "Ako naman maglilinis pagkatapos." "Nah... Let's go up. Please?" pilit nito na may kasamang pagpungay ng mga mata. "I've prepared something for you. I promised to make you forget, didn't I? Trust me on this." Bumuntong-hininga siya. Paano siya makakatanggi kung magmamakaawa ito ng ganito sa kaniya? "Si-sige na nga. Sandali lang naman e." Lumapad ang ngiti nito. "I won't disappoint you!" "Oo na." Iginiya siya nito pataas sa paikot na hagdan na nasa sulok ng kwarto. Pagkarating sa itaas ay nanlaki ang mga mata niya sa eleganteng disensyo at pagkakaayos ng bilog na lamesa ilang hakbang mula sa jacuzzi. Agad niya itong linapitan at inusisa. May maliliit na kandila sa gilid na may mabangong amoy mula sa usok nito. Mukhang masarap din ang pasta at grilled salmon na nakahanda. At halatang mamahalin yung wine. "Do you like it?" tanong ni Dyrroth mula sa likuran niya. Hindi agad siya nakasagot. Bakit parang date itong pinuntahan ko? "Is there a problem, Ruthie?" tanong nito sa malalim na boses. Mahina siyang napasinghap nang maramdaman ang mga kamay nitong humawak sa kaniyang bewang. Naiilang siya na humarap dito. "Uhm... Dy?" Hindi siya makatingin ng diretso rito. "Yes?" "Pa-parang nasobrahan ka naman ng handa." "Hindi mo nagustuhan?" "Hindi naman. Pero hindi mo naman kailangan na mag-abala ng ganito. Alam mo naman kung gaano ka-malisyoso ang mga tao. Lalo na si Aling Rosa. Baka kung anong isipin sa'tin." Tumahimik ito ng ilang segundo tapos ay unti-unting nabura ang saya sa mukha. "Why? You can have a friendly date with Carlos..." His jaw clenched. "... but not me?" Hindi agad siya nakasagot sa pahayag nito. Akala ba niya tutulungan siya nito na makalimot sa nangyari kay Carlos? Why is he bringing up that name now? And why is he comparing himself with a dead guy? "Right. Because we're different," dugtong nito. "Unlike me, you don't want him to be just your friend. You want him to be your boyfriend." Inilapit nito ang mukha na tila sinisilip ang kaluluwa niya mula sa kaniyang mga mata. "Tama ako, hindi ba?" She was lost for words. His face is grimacing at her like she has done something very despicable to him. Ganito rin kadilim ang ekspresyon nito noong sinabi niyang lalabas siya kasama si Carlos. Bigla siyang nakaramdam ng pamilyaridad sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. Parang nakita na niya ang ganitong klaseng ekspresyon kung saan. Hanggang sa sumagi sa isipan niya iyong mga mata ng halimaw na nanlilisik sa kaniya noong gabing namatay si Carlos. Kakaibang kilabot ang biglang bumalot sa buong katawan niya at tumayo ang lahat ng balahibo niya. "Nevermind. I don't want to hear your answer," wika ng binata na pumutol sa malalim niyang iniisip. Lumakad ito papuntang lamesa na inihanda nito habang siya ay naiwan na nakatulala sa direksyon na tinayuan nito kanina. Pagkatapos ay umupo na ito at naghandang kumain. Maya-maya ay bumuntong-hininga ito at walang buhay ang mga matang tumingin sa kaniya. "Masamang pinaghihintay ang pagkain, Ruthie. Get over here," he said in a commanding tone. Lumunok siya at dahan-dahan na humarap dito. "Dyrroth, galit ka ba?" may pag-iingat niyang tanong. Ngumiti ito, halatang pilit. "Of course not. Why would I? Come, sit." Tumuro ito sa bakanteng silya na kaharap nito ng upo. "Baka lumamig na ng sobra yung pagkain." Sumunod na siya rito. Tinitigan niya ang pagkain ng ilang saglit tapos ay sa mukha na ng binata na abala sa pagkain. Tumikhim siya para agawin ang atensyon nito. "Dyrroth?" mahina niyang tawag. Tumingin ito sa kaniya. "Magsabi ka sa akin ng totoo. Nagtatampo ka ba lumabas ako kasama si Carlos? Naaalala ko sobrang tutol ka doon noong una. Masama pa rin ba ang loob mo sa akin dahil doon?" Pabagsak nitong ibinaba ang tinidor at kutsilyo saka diretsong tumingin sa kaniya. "Yes, you're right. I'm still pissed about it! Kung pinigilan sana kita at hindi kayo natuloy, hindi ka malalagay sa ganitong sitwasyon. Hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi s'ya nagka-interes sa'yo! And you wouldn't blame yourself for what happened to him!" Inabot nito ang kamay niyang nasa lamesa at mahinang pinisil. Lumambot na ang tingin nito sa kaniya. "I hate seeing you sad or cry, Ruthie. Especially if it's because of some guy I don't even know. I hate it! Sana maintindihan mo kung saan ako nanggagaling." Matamlay siyang nagbaba ng tingin. May punto ito. Pero nangyari na iyon at wala na silang magagawa ngayon kahit anong isip nila sa mga bagay na dapat o hindi dapat nilang ginawa. It's too late for that. "I... I'm sorry, Dy... Alam kong walang may gusto na mangyari 'to, at lalong hindi ko 'to kasalanan. Sorry kung pinag-aalala kita. Hindi ko gustong madamay ka." "Don't be sorry and let us not talk about him anymore. Dinala kita rito para makalimutan yung nangyari. And I love doing you a favor so don't worry about me. Gusto ko lang na maging ayos ka." "Tama ka... Salamat at sorry ulit." Bumuntong-hininga ito. "I said don't be sorry. Let's just forget everything for now and enjoy this night. I want to see you smile again." Mahina siyang tumango. "Okay..." Nagpatuloy na silang kumain at nag-usap tungkol sa ibang mga bagay upang mabaling ang isipan niya mula sa lungkot. Kinwentohan siya ni Dyrroth ng ilang mga bagay tungkol sa nakaraan ng baryo nila at mga kakaibang kaganapan noon. Namamangha siya rito dahil kung magkwento ito ay akala mo naroon ito nang mga panahong iyon sa sobrang detalye ng mga sinabi nito. Pero salamat sa mga istoryang iyon nakalimot siya pansamantala. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. "Should I have prepared more?" tanong nito nang makitang simot ang pinggan niya. Pinunasan niya ang bibig gamit ang napkin habang iniiling ang ulo. "Hindi ako makapaniwalang ikaw ang nagluto nito. Sobrang sarap. Ang talented mo talaga sa lahat ng bagay," puri niya rito. Matamis itong ngumiti sa kaniya. "I'm glad to hear that. But we're just starting. Let's do what you really came here for. Let's drink." "Mabuti pa nga," tumatango niyang sagot. Tumayo ito at nag-umpisang maghubad hanggang sa boxer shorts na lang ang natira. Kinuha nito iyong bote ng wine sa lamesa at lumakad papuntang jacuzzi. Napatingin siya sa suot niya. Maghuhubad din ba siya? "What are you still doing there? Come, join me," nakangiti nitong aya. "O-oo susunod na ako." Tumayo na rin siya at may pag-aalangan na naghubad ng pang-itaas. Buti na lang nakatalikod na si Dyrroth kaya hindi siya masyadong nailang na magbawas ng suot. Malalim siyang huminga tapos ay sinunod na ring hubarin ang kaniyang pantalon hanggang sa naka-bra at panty na lang siya. "You're blushing," tukso ng binata nang lumusong na rin siya sa tubig at tumabi dito. "Sye-syempre." Pasimple niyang tinatakpan ang dibdib niya. "Nakakakonsyus kaya." Ngumisi ito at lalong umusog sa tabi niya. "Why? There's nothing to be ashamed of," anito sabay tingin sa katawan niya na may kakaibang kislap sa mga mata. Lalo tuloy nag-init ang pisngi niya. Tinakpan niya ang mukha nito gamit ang dalawang palad niya. "H'wag ka nga tumingin ng ganyan! Kapag hindi ka tumigil aalis ako!" Tinawanan lang siya ni Dyrroth at marahang inalis ang kamay niya sa mukha nito. "Yes, I'm sorry. I'm just kidding," nakangisi nitong sabi tapos ay inabotan siya nito ng wineglass. "Here. Let's drink. Forget about everything for a moment, and enjoy my company." She stared at the wineglass for a couple of seconds. Dyrroth is right. She needs to get her mind off what happened today. A little distraction won't harm her, right? Dyrroth poured her wine and they started drinking. Hindi siya pala-inom kaya mahina ang tolerance niya sa mga alak. Alam iyon ng kaibigan pero salin pa rin ito ng salin sa wineglass niya hanggang sa mag-umpisa na siyang mahilo. Matapos ang isang oras, kung anu-anong bagay ang biglang lumalabas sa bibig niya. Hindi na siya makapag-isip ng maayos dahil sa kalasingan. "Dy, minsan naman magdamit ka ng maayos kapag papasok ako sa kwarto mo," wala sa sariling reklamo niya rito. Tumawa ito. "What? Where did that come from? I thought we were talking about your most embarrassing moments?" She pouted like a child. The alcohol have taken over her mind. "Nagbago na isip ko. Change topic. Basta sundin mo na lang ako." Mariin siya nitong tinitigan sa mukha. "Hmm? Why?" May makahulugang ngiti ang pumipisil sa labi nito. "Anong why?" She frowned at him. "Sye-syempre babae pa rin ako. Hindi ka dapat palakad-lakad ng ganoon itsura mo. Paano kapag may ibang nakakita sa'yo?" "Wala namang ibang makakakita sa'kin ng gano'n kasi ikaw lang ang nakakapasok sa kwarto ko." "Kahit na!" He chuckled. "Hindi ko alam na ganito ka pala kapag lasing. I should ask you to drink with me more often." "Hindi ako lasing. Saka hindi naman mahirap yung pinapagawa ko a?" "Bakit ba? Don't I look good? I'm not ashamed to flaunt my muscles to you." "Hindi 'yon yung point!" "Then... Is it because it turns you on?" "A-ano? Anong pinagsasabi mo d'yan? Ewan ko sa'yo. Change topic na pala ulit." He laughed, completely entertained by her unusual behavior. "Why are you angry? Don't you like what you see?" anito sa malambing na tono tapos ay mayabang na tumuro sa katawan. Hindi niya napigilang tignan ang matitikas nitong balikat, dibdib at tiyan. She swallowed upon thinking how hot Dyrroth's body is. She can never get used to it. "Hi-hindi... Hindi naman sa ganoon... Sa tingin ko maganda ang katawan mo," halos pabulong niyang sagot. Ngumiti ito tapos ay mas pinaliit ang distansya nila. "Ruthie, may itatanong ako sa'yo. Be honest with me, okay?" Naiilang siyang tumingin sa mukha nito saka tipid na tumango. "You said... you like what you see... but it bothers you, right?" Tumango-tango ulit siya rito. She is currently not in her right mind, and Dyrroth knows that. "Are you attracted to me?" Inilapit nito ang bibig sa tenga niya. "Do you see me as a man?" Napakurap-kurap siya sa hindi nitong inaasahang tanong. "H-ha?" Nag-iwas siya ng tingin. "E-ewan ko... Tulad ng sinabi ko, maganda kang lalaki, pero kasi..." "Kasi?" "Nagagwapuhan ako sa'yo, pero, para na kasi kitang kapatid? Gets mo?" "But I'm not your brother. So... do you think we can try to see each other differently?" Bahagyang umawang ang labi niya sa suhestiyon nito. "E-e-wan ko. Hindi ko alam. Hi-hindi ko naiintindihan," utal niyang sagot. Nagwawala ang puso niya sa loob ng kaniyang dibdib ngayon sa hindi niya mawaring dahilan. "Ano ang ewan mo? Was I not clear enough?" Ang totoo ay alam niya kung ano ang tinutukoy nito ngunit para sa kaniya, imposible ang gusto nito. They practically grew up together. How can she possibly think of him that way? "D-dy, s-sa tingin ko tama na muna 'to. Lasing na tayo pareho." "Hindi ba yun yung point kaya tayo nandito ngayon? To get drunk?" "Pe-pero kasi hindi na maganda ang pakiramdam ko," palusot niya. Ipinadulas nito ang mga daliri sa kaniyang balikat pababa sa braso niya na nagpadaloy ng kakaibang kuryente sa buong katawan niya. Although her mind is denying it, her body is being more honest than she thinks. Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti at pagkasabik sa kaibuturan niya. "Hindi maganda ang pakiramdam mo? Are you sure it's not something else?" he said in his sultry voice. Ruthie can't help but notice Dyrroth's wet lips, how soft they look, and how tempting they are. Agad niyang inalis ang tingin dito nang mapagtanto ang direksyon na pinupuntahan ng malikot niyang imahinasyon. Hindi siya makapaniwalang naisip niya na halikan ang binata. Mukhang lasing na talaga siya. "Hi-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo kasi nahihilo na ako... Gu-gusto ko nang umalis." "No. If words are not enough, should I show you?" Her face flushed even more. Kinakabahan siyang tumingin sa mga mata nito. "Dy, a-no ba 'tong mga sinasabi mo sa'kin ngayon?" Pinag-isang dangkal nito ang pagitan ng mukha nila. "Ruthie, you're not a kid anymore. You know exactly what I mean," saad nito bago tuluyang pinaglapit ang mga katawan nila kasabay ng kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD