7

1671 Words
Magkatabi si Ruthie at Dyrroth na nakaupo sa kama habang humahagulgol na ikinukwento ng dalaga ang malagim na nangyari kay Carlos. Sinabi niya ang lahat ng detalyeng alam niya at sa tingin niya ay totoo. Lalong-lalo na iyong tungkol sa halimaw na kaniyang nakita. "Calm down... Everything is going to be all right," malambot na sabi ng kaibigan na hinahaplos ang likuran niya. Nababahala na siguro ito sa kanina pa niyang pag-iyak. Pero masisisi ba nito siya? Kahit sino matro-trauma kapag nakita ang mga nakita niya. Tapos kung makatingin pa sa kaniya iyong imbestigador, animo'y nasisiraan na siya ng bait. Pati rin ang kaniyang ina. Paano na lang kung makarating pa sa ibang tao ang pinagsasabi niya kung sakaling ipagkalat ito ni Rosa? Baka palayasin na talaga siya dito sa baryo at tratuhing salot. "Nakakainis kasi! Walang naniniwala sa'kin. Alam ko talagang hindi ako nananaginip lang. Nakita ko talaga 'yon!" kanina pa niyang protesta. "I know. I believe you." Tiningala niya si Dyrroth at mariing pinakatitigan ang mukha nito ng dalawa niyang namamagang mata. "Talaga?" "Yes." "Hmph! Sinasabi mo lang 'yan para pagaanin yung loob ko e." "No. I really believe you. I swear," sagot nito sa seryosong tono. Ngumuso siya. May kaunti pa ring pagdududa sa pagtitig niya sa mukha nito. "Bakit ka naniniwala sa'kin ng ganun-ganun lang? Hindi ka lang ba magtatanong?" Malumanay itong ngumiti tapos ay dahan-dahang hinaplos ang nakalugay niyang buhok. "Because you're not a liar." Sumikdo ang puso niya sa sagot nito. Bahagyang gumaan ang kaniyang loob, dahilan para tumigil siya sa pag-iyak. Nagbaba siya ng tingin tapos ay nagpunas ng luha. Inaamin niyang natuwa siya narinig na iyon. At least may isang taong hindi baliw ang tingin sa akin ngayon. "Besides," Dyrroth continued. "May mga kwentong aswang na talaga dito sa baryo natin noon pa. Kumunot ang noo niya at nagtatakang ibinalik ang tingin sa mukha nito. "Mga kwentong aswang? Talaga? Tulad ng ano? Saka saan mo naman narinig?" "Sa mga katulong. Saka sa mga lumang libro at journals sa library. Anyway, do you want to hear it?" Mabilis siyang tumango. Seryoso ang mukha niyang nag-aabang sa kwento nitong tila hindi na makapaghintay na marinig. Dyrroth smiled at her cute expression. "Ang sabi doon sa kwento, may dalawang bampira na linikha para sa isa't isa. Maraming dekada silang namuhay ng masaya at mapayapa bilang mag-asawa, malayo sa kabihasnan at ingay ng mga tao. Pero isang araw, biglang nagkaroon ng pagbabago ng pananaw sa buhay iyong babaeng bampira. She wanted to become a mortal, live like a normal person, and travel to different places. She wanted to leave the world she was born into, and change her fate." Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang koneksyon sa babaeng bampira sa kwento ni Dyrroth. Pareho sila ng gustong gawin sa buhay. Lalo tuloy niyang itinuon ang atensyon sa mga sinasabi ng binata na parang batang nakikinig ng bedtime story. "The husband was angry. He thought that she wanted to leave him. So he locked her up in their mansion, deep in the forest. He guarded all the doors and windows like a lunatic scared of being left behind by his other half." "Pero ba't gusto maging tao nung babaeng bampira?" biglang singit niya. Nagkibit-balikat balikat ito. "I don't know. It was never really explained why. Maybe she got tired of their life..." "Hindi na ba n'ya mahal yung asawa n'ya?" Ruthie saw an indescribable pain in Dyrroth's eyes. She flinched when he looked at her. She thought she saw him glaring at her for a second. But no, Dyrroth had never glared at her like that before. It must be her imagination. "I'm not sure... maybe..." anitong mariing nakatitig sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin. "Ah, o-okay... Tapos, ano nang nangyari?" Ilang segundo ang pinalipas nito bago nagpatuloy. "After that, the female vampire prayed to the demon that created them to lift her curse. She prayed to walk under the sun without turning into ashes, and then she prayed to quench her thirst for human blood. Surprisingly, the demon answered her and granted her wish, but with conditions. She has to make an offering of one hundred souls and give up her powers and immortality. And she did it." "Sandali, ibig sabihin ba noon pumatay s'ya ng isang daang tao para maging tao?" "Yes. And then the two vampires fought. Her husband was against her decision from the beginning. He was deeply hurt, and he felt betrayed by his soulmate. But more than that, he was afraid. His wife leaves him in the dark while she walks under the light. Kahit kailan hindi sumagi sa isip niya na darating yung araw na magkakahiwalay sila. So he prayed to the same demon that cursed them to be vampires. He wished to walk under the same sun as her while keeping his supernatural powers and immortality." "Ano namang naging kapalit noon?" "His bloodlust was tripled. Kung dati, natitiis niyang hindi uminom ng dugo ng tao ng hanggang isang taon, ngayon, hindi na s'ya tatagal ng tatlong buwan. Sinadya iyon ng demonyo para mas maraming maialay na kaluluwa sa kaniya sa isang taon." Napalunok siya sa sinabi nito. Kung totoo itong kinekwento sa kaniya ngayon ni Dyrroth, malaki ang posibilidad na yung nakita niyang pumatay kay Carlos ay yung lalaking bampira sa kwento. "Pagkatapos, ano'ng nangyari sa kanilang mag-asawa?" she asked. "Because the husband couldn't bear the thought of losing his wife, he performed a forbidden ritual. Pinatay niya ang bampirang katawan ng asawa niya. Tapos kumuha siya ng isang birhen at isinalin ang espiritu ng asawa niya sa sinapupunan nito. His wife was born again. But as a human this time. And then the husband watched over her and took care of her." Kumunot ang noo niya. "So, naging magulang s'ya ng asawa n'ya?" Tumawa ang kaibigan. "No. They had human servants in their mansion. One of them stood as her parent while the husband transformed his body into a kid to match his wife's age." "E ano'ng ending? Nakuha ba nung babaeng bampira yung gusto n'ya?" "Wala nang nakakaalam kung ano nang nangyari sa kanila pagkatapos." Humaba ang nguso niya. "Ganon? Bitin naman..." Maraming segundo siyang tumahimik at malalim na nag-isip. "Why do you look sad?" anito. She sighed. "Naisip ko lang. Kung mahal nung lalaking bampira yung asawa n'ya, dapat sinamahan na lang niya siya na maging tao para libutin yung mundo. Hindi ba mas maganda 'yon? Wala nang masasaktang tao, pareho pa silang nag-eenjoy sana." Napakurap-kurap ito sa kaniya bago sumagot. "Because the guy hates humans. And he doesn't want anything to do with the outside world." "Mas importante ba iyon kesa ang makasama ng masaya ang asawa n'ya? Ang selfish n'ya." "Well, yung babaeng bampira ang unang nagtaksil. She planned to abandon her husband. Wasn't she the selfish one? Besides, they were not humans in the first place. They were monsters, created to suck blood, kill, and offer human souls to the demon who made them." "Ma-may point ka nga..." "I guess they just have different views of the world and their place in it. That's why they ended in that situation." Bumuntong-hininga ulit siya. Hindi niya alam kung bakit, pero sobrang apektado siya sa kakaibang istorya nitong mag-asawang bampira. "Kung ganoon, sana ayos lang yung babae. Sana hayaan pa rin s'ya ng asawa n'ya na makita ang ibang mukha ng mundo. Saka sana maging masaya rin yung lalaking bampira kahit anong maging desisyon ng asawa n'ya sa bago nitong buhay." "Maybe. Who knows. But there is one thing I am sure of." Pinakatitigan siya ng binata. "He will never let her go. So wherever they are now, they are still together." Sa hindi malamang kadahilanan, nanindig ang mga balahibo niya. Anong klaseng pag-iisip ba ang mayroon ang bampirang iyon? Hindi na iyon pag-ibig kung na-oobsess s'ya ng ganoon sa asawa niya, she mumbles in her mind. "A-ang intense ng kwento mo, Dy. Pero salamat kasi nabaling ang isipan ko sa ibang bagay kahit sandali." "Do you feel better?" Bahagya siyang ngumiti at mabagal na tumango. "Medyo... Pero baka mamaya iiyak na naman ako kapag mag-isa na lang ako dito." "Huh? Why?" "Syempre... Sobrang lagim nung sinapit ni Carlos. Hindi naman 'to madaling kalimutan. Tumawag pa s'ya sa'kin bago s'ya mamatay pero... wala man lang akong nagawa para tulungan s'ya..." Umakbay ito sa kaniya at isinandal ang ulo niya sa balikat nito. "Ruthie, you know you can always come to me, right?" malambing nitong saad. "Nasa kwarto lang naman ako kapag kailangan mo ng makakausap." "Thank you..." "I'll help you forget this nightmare." Suminghot siya at matamlay ang mga matang tiningala ito. "Paano?" Humimas ito sa buhok niya. "Come to my room tonight. I'll sneak in a few bottles of wine. Let's get drunk." She frowned. "Hindi pwede." "Why not?" "Baka pagalitan ako ni mama kapag nalaman n'yang uminom na naman ako. Naaalala mo yung first time na ginawa natin 'yon, 'diba? Puro sermon ang inabot ko." "Hindi 'yan," he insisted. "You are an adult now. You were only sixteen back then, kaya ka napagalitan. Pwede na yan ngayon. Trust me." She snorted. "Kapag pinagalitan ako ni mama sasabihin ko pinilit mo ko. Ikaw ang ituturo ko." Ngumisi ito. "Sure." Ilang segundo niya itong tinitigan sa mata tapos ay hindi na rin niyang napigilang matawa. "Loko-loko ka talaga, Dy. Hindi ko alam kung good o bad influence ka sa'kin e." Tumawa rin ito. "I'm just trying to help a damsel in distress. And as you said, what are friends for?" "Wow, friend ko pala si prince charming?" "Yeah, you just realized that now? She chuckled. "Ewan ko sa'yo." "So, you'll go, right? In my room tonight? Nginitian niya ito tapos ay malalim na huminga. "Oo. Salamat talaga, Dyrroth... Ang dami ko nang utang na loob sa'yo. Mabuti na lang may katulad mo sa buhay ko..." Hinigpitan nito ang akbay sa balikat niya at nakangiting pinaglapit ang mukha nila. "I feel the same. And it's my pleasure to help you. I'll always be here for you, Ruthie... Always..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD