15

2225 Words
“Ano ba, Dyrroth! Umalis ka nga sa ibabaw ko!" Sinubukan ni Ruthie na itulak ang binata ngunit hinuli nito ang parehong pulsuhan niya at idiniin sa ibabaw ng kama. Ang tuhod naman nito ay pumagitna sa dalawang hita niya. “Dyrroth!" Hindi ito nagpatinag sa pagpupumiglas niya habang matalim na nakatitig sa mukha niya. “I followed you. I saw what happened earlier," may diin nitong sabi. Nagsalubong ang kilay niya rito. “Bakit mo ako sinusundan? Akala ko ba hindi mo ako guguluhin?!" Inilapit nito ang mukha sa kaniya. “Yes, I said that I won't talk to you, or show myself. Pero wala akong sinabi na hindi kita susundan." “Pilosopo! So, ano? Stalker ka na rin ngayon?" “I only did that because I'm worried for you!" Bahagyang tumaas ang boses nito habang ang mga mata ay may galit na mariing nakatitig sa kaniya. “Madaling araw na pero lumabas ka mag-isa. Umakyat ka pa doon sa bakod sa likod para hindi ka makita ni Ernesto! And for what? You went all through that trouble just to have yourself killed by those people?!" Hindi nakasagot si Ruthie sa sinabi nito. Naglaro muli sa ala-ala niya kung paano siya tignan ng mga tao kanina. “Hin... Hindi ganoon 'yon. Nasabi lang 'yon ng mama ni Carlos dahil sa galit... Hindi talaga nila ako sasaktan..." “Do you really believe that?" Binitiwan na siya ng binata at umupo sa gilid ng kama na nakatalikod sa kaniya. Nakababa ang balikat nito at nakatago ang mukha kaya hindi niya alam kung anong klaseng ekspresyon ang mayroon ito. “Ruthie, push me away all you want, but I will stay a part of your life..." saad nito sa malungkot na tono. “You don't have to talk to me, you don't have to see me, but I will always watch you from the dark, from the shadows... from afar..." “Siraulo ka ba? Sino ka para gawin 'yon?" Tumingala ito habang nakatalikod pa rin sa kaniya. “Lagi mo kasing linalagay ang sarili mo sa kapahamakan. You're so careless... Wala akong balak na guluhin ka katulad ng ipinangako ko sa'yo, pero... iba na yung kanina, Ruthie. Kung pinagpatuloy nila ang balak nila sa'yo... I swear on my life, I will annihilate them." Napalunok si Ruthie sa sinabi nito. She knows that he is only exaggerating, but that is still a scary thing to say. Gaano ba kalalim ang nararamdaman nito sa kaniya para hindi magdalawang-isip na magsabi ng ganoon? But it makes her wonder. Will Dyrroth really kill for her? Tumikhim siya bago nagsalita. “Hindi mo ako kailangan protektahan," pagmamatigas niya. Tumingin na ito sa kaniya na may nag-aalalang ekspresyon. “You don't know this world like I do." Marahas siyang bumuga ng hangin. “Sa tingin ko, dapat protektahan ko ang sarili ko sa'yo hindi sa ibang tao. Ikaw ang pinakamalaking panganib sa buhay ko ngayon." “I beg to disagree. Those people threatened your life. What I did was give you pleasure, whether you want to admit it or not." Pleasure?! Ang kapal... Hindi makapaniwalang nanlaki ang mata niya rito. “For your information, hindi ako nasarapan o nasiyahan sa ginawa mo sa'kin." Tinaasan siya nito ng kilay na halatang hindi naniniwala sa kaniya. Ang tingin nito ay may halong pang-aasar at bahagya pang nakataas ang noo. Nakaramdam tuloy siya ng hiya na lalong dumagdag sa init ng ulo niya. “Sa-saka, hindi iyon ang point!" mabilis niyang sabi. “Mali ka pa rin. Kapag naiisip ko 'yon, naiinis talaga ako sa'yo!" Bumuntong-hininga ito. “I still don't understand why you are still so angry about that. Hindi nga natin natapos kasi tinulugan mo na ako." Bumuka ang bibig niya at napatanga rito habang mabagal na iniiling ang ulo. “Grabe... Wala na talaga akong masabi sa'yo," aniya. Bumuga ito ng hangin at seryosong tumingin sa mukha niya. “Fine. Sige, magalit ka. But I won't apologize for it. I loved what happened to us that night. As a matter of fact, I think about it every second of the day." Naningkit ang mga mata niya sa huling sinabi nito. Ang bastos talaga! “Alam mo, Dyrroth, hindi ko talaga maintindihan kung paano tumatakbo 'yang isip mo. Ang sabi mo mahal mo ako pero wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Wala naman tayong relasyon pero kung maka-asta ka sa'kin ngayong gabi parang pinagtaksilan kita kasi may mabuting tao na nag-alok sa akin na ihatid ako pauwi." Nagkibit-balikat ito. “Hindi ba ako pwedeng maging possessive sa taong mahal ko?" “Hindi! Kasi hindi ako bagay. Hindi mo ako pagmamay-ari. Saka sumosobra ka na e. Bukod sa pambabastos mo sa'kin, sinusundan mo pa ako. Kaya paano kita gugustuhin? Ginagawa mo ang lahat ng bagay na ayaw ko. Wala kang respeto sa'kin, Dyrroth. At sa tingin ko, hindi mo ako tunay na mahal dahil sarili mo lang ang mahal mo. Selfish kang tao. Kaya hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magiging girlfriend mo." Gumalaw-galaw ang panga nitong masama ang tingin sa kaniya. “Who do you think made me this way?" Umawang ang labi niya at sarkastikong tumawa. “Wow! So ako pa pala ang may kasalanan ganyan ka?! Paano nangyari 'yon? Ako ba nagturo sa'yo na tratuhin mo ako ng ganito?" Hindi agad ito nakasagot na may hindi mawaring ekspresyon sa mukha. He looks troubled and annoyed. “You..." anitong tila may gusto na sabihin ngunit hindi maituloy. Dyrroth pressed his lips for a couple of seconds and then shook his head slowly. “I wish you would remember everything..." Pinagkrus niya ang mga braso at tinaasan ito ng kilay. “Remember ang ano?" Bumuntong-hininga ito tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata. “I gave everything to you, Ruthie. I gave you my life, my body, my heart... my soul... I followed your every command like a mindless servant. I obeyed you without question. I treated you like a queen. I worshipped you, Ruthielle... Everything I have, I gave it to you because you swore that you'd love me forever... But you lied... and you broke my heart... I wasn't like this in the beginning. I... wasn't this kind of person... but you came and messed me up." Iniiling niya ang ulo at nakabuka ang bibig na hindi makapaniwala sa sinasabi nito. “Nagda-drugs ka ba?" Suminghal ito at mahinang tumawa. “Drugs and alcohol don't affect me in any way. Kahit araw-araw pa ako gumamit." Iniling niya ang ulo at puno ng panunuya na tinitigan ito. “Hindi ko alam kung bakit nakikinig pa rin ako sa mga kwentong barbero mo." “Because even though you hate me now, you still love my company. You need me." She snorted. “Pwede ba? Nag-a-assume ka na naman. Last time I checked, minolestiya mo ako noong maiwan tayong dalawa na walang ibang kasama. So bakit naman gugustuhin ko ang presensya mo dito sa kwarto ko? Ayaw ko ngang makita yung mukha mo e." “I doubt it," he confidently said. “Yung nangyari sa'yo kanina, hindi biro 'yon. That is traumatizing. Alam kong nanginginig pa rin iyang mga daliri mo dahil sa takot. You need someone to be there for you and calm you. And unfortunately, Ruthie, you have no one right now but me." “So sinasabi mo bang kaya mo ako pinuntahan dito para i-comfort mo ko?" “Uh, yes?" Sinimangutan niya ito at tinirikan ng mata. “Hindi bale na lang. Narinig ko na yang comfort na modus mo na 'yan. Naghahanap ka lang ng excuse para mamanyak na naman ako." “What?" Pigil itong tumawa na animo'y nagbibiro siya. “Ang babaw naman ng tingin mo sa'kin. You think I'm only after your body?" Linakihan niya ito ng mata. “Hindi ba?" “Of course not," mabilis nitong sagot. “Wala akong pake kung kumulubot at lumaylay na ang lahat ng balat mo sa katawan. Kahit na maging tuyong ubas ka pa." May kakaibang kislap ang mga mata nitong tumingin sa ibabang parte ng katawan niya. “I will still make love with you day and night." Ruthie could not help but blush in embarrassment. Binato niya ang unan na malapit sa kaniya sa mukha nito na eksperto naman nitong sinapo. “Ang bastos mo!" Nginitian lang siya nito at kalmadong ibinaba ang unan. “I'm just stating facts, Ruthie. Makikipag-s*x ako sa'yo kahit magtransform ka pa sa kung ano mang anyo." “A-ano?! I-ikaw—" Namumula ang mukha ni Ruthie sa inis. Paanong napunta na naman sa s*x ang pag-uusap nila? Hanggang ngayon ay hindi niya mawari na ganito ang tunay na ugali ni Dyrroth sa tagal niyang nakasama ito. Malapit na niyang isipin na baka hindi ang kaibigan ang kaharap at may ibang tao na kamukha nito na nagpapanggap bilang Dyrroth. His personality literally turned three hundred sixty degrees overnight. From the polite, sweet, and caring friend, he became a possessive, obsessed, creepy, and perverted stalker. Nasaan na ang bestfriend niya? Saan nito dinala at tinago? She wanted to ask but that sounded so silly. “Kilala kita, Ruthie. You need me tonight. Why don't we forget about what happened at my jacuzzi? Kahit ngayong gabi lang. Tapos bukas pwede ka na ulit magalit sa'kin." Ruthie gave him a deadpan look. Sumusuko na ako sa kakaibang logic ang mayroon ang taong 'to. “Bumalik ka na lang doon sa lungga mo, pwede?" walang gana niyang sagot. “What do you want from me? Ano bang pwede kong gawin para maging okay na tayo ulit?" Saglit siyang nag-isip. Bahagya niyang kagat ang ibabang labi nang mapagtanto kung ano ba talaga ang gusto niya. “Ibalik mo ang bestfriend ko..." Napakurap-kurap ito sa kaniya. “Ano?" Lumabi siya at saka naluluhang tumingin ng diretso rito. “Alam mo ba kung bakit talaga ako nagagalit? Hindi ko kailangan ng boyfriend, Dy. Ang kailangan ko yung bestfriend ko na napagsasabihan ko ng mga problema ko. Yung masasandalan ko at yung makakabiruan ko... Ikaw na lang ang nag-iisang kaibigan ko, pero dahil sa ginawa mo... nawala 'yon... Hindi na ulit kita kayang tignan katulad ng dati... Naiintindihan mo na ba ngayon bakit ako sobrang nagalit sa ginawa mo? May importanteng bagay na inalis mo sa buhay ko..." Kunot ang noo nitong mariing nakatitig sa kaniya. “Can't I be both?" sagot nito. She slightly shook her head. “Hindi, kasi ang weird noon... Para na kitang kapatid, Dy. At katulad ng sinabi ko... hindi boyfriend ang hanap ko." “That's so unfair. E ano yung paglabas mo kay Carlos? If he asked, you would agree to date him, wouldn't you?" “Iba si Carlos, Dy... At saka wala na s'ya kaya huwag mo na siya idamay sa ating dalawa." “Are you telling me that I never have a chance with you? Because I'm your family? You see me as your brother?" Iniling nito ang ulo at mahinang tumawa. “That's... that's just unfair... I call it bullshit. Kapag si Carlos na kakikilala mo pa lang magpapaligaw ka, pero ako na kasama mo buong buhay mo walang chance?" “Hindi 'yon bullshit, Dyrroth. Hindi mo kasi ako naiintindihan." “Ikaw ang hindi nakakaintindi. You have no idea of the truth, of how I really feel... I feel stupid for letting you betray me over and over again. You just don't know it, because you don't remember. Pero kahit na ilang beses na akong nasaktan dahil sa'yo... I... I still hopelessly cling to you like an idiot." Hindi na siya sumagot pa. Nagsasabi na naman kasi ito ng mga bagay na hindi niya maintindihan. Kung magsalita ito ay parang may ginawa siyang napakalaking kasalanan at pagtataksil dito. Tapos ay may nabanggit pa ito na nakaraan daw nila na hindi niya maalala? Is it one of his riddles? Or is he just out of his mind? Muling namayani ang katahimikan. Mamaya-maya ay lumambot ang mga mata nito at umusog ng upo palapit sa kaniya. “Ruthie..." halos pabulong nitong tawag sa kaniya. Nag-aalangan siyang tumingin dito. “A-ano?" “... Mahal na mahal kita." Hindi agad nakasagot si Ruthie. Narinig na niya ang mga salitang iyon mula sa bibig nito ng ilang ulit pero palagi pa rin itong gumugulat sa kaniya. It made her heart flutter for a moment. Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin. “A-alam ko. Sinabi mo na 'yan." “No... you don't know it. You have no idea how much I want you. If I lose you, I will die... And just thinking about you in the arms of another man... I feel like going crazy. So, can you blame me if I act this way?" Kinagat niya ang labi at tumingin sa ibang direksyon. Hindi niya ito kayang harapin dahil hindi niya kayang tanggapin sa ngayon ang mga sinabi nito. “Gusto ko na munang mapag-isa, Dyrroth... Pakiusap... Kung gusto mo talagang i-comfort ako, bigyan mo ako ng kapayapaan at space. Gusto ko na ring matulog at magpahinga." Mabigat ang buntong-hininga na pinakawalan nito. “All right. I'm leaving you alone. Pero katulad ng sinabi ko, hahanapin mo rin ako. I'm going to wait for you, Ruthie. Kahit gaano pa katagal abutin. Time isn't a problem for me. And when that happens, I will demand your body, your soul... and I will have you surrender your heart to me..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD