Ruthie is staring blankly outside her window when Kiara knocks on the door.
"Ruthie? Gising ka na ba?"
Bumuntong-hininga siya at lumingon sa pinto.
"Bukas 'yan, Ma." Walang kasing tamlay ang boses niya.
Binuksan ng ina ang pinto tapos ay bahagyang isinilip ang ulo.
"Ikaw ulit ang mamamalengke. Masakit daw iyong mga tuhod ni Rosa."
Mahina siyang tumango. "Okay, magbibihis lang ako."
Kumunot ang noo nito na sinusuri ang kabuuan niya. Pagkakuwan ay tuluyan na itong pumasok sa kwarto niya at lumapit.
"May sakit ka ba? Bakit parang nanghihina ka?"
Malungkot ang mukha niyang tumitig sa mukha nito. Gusto niyang sabihin dito ang lahat ng nangyari sa kanila ni Dyrroth at ang nangyari sa kaniya sa burol ni Carlos. Pero sa ugali nito, baka may gawin itong ikapapahamak nila.
Kapag nalaman nito ang tungkol sa sitwasyon nila ng binata at ang mga masasakit na salitang sinabi sa kaniya ng ina ni Carlos, siguradong susugurin nito ang dalawa. Magkakaroon ng gulo at lalong lalaki ang problema. Ilang beses pa naman siya nitong pinagalitan at binalaan sa pakikipaglapit niya sa anak ng amo nila. Pinagbawalan din siyang pumunta sa burol pero sadyang matigas ang ulo niya. Nagsisisi tuloy siya ngayon. Dapat pala ay nakinig siya rito.
Ang tagal nang nagtatrabaho rito ng nanay niya, bago pa siya ipanganak. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pagkatanggal nito ng trabaho dito sa mansyon. Kaya pa naman niya. Sasarilihin na lang niya ito.
Pinilit niyang ngumiti, at saka mabagal na iniling ang ulo.
"Puyat lang ako..."
Kiara sighed and then patted her shoulders. Puno ng awa itong tumingin sa mukha niya.
"Hayaan mo, anak. Lilipas din iyang lungkot mo. Marami ka pang makikilala na tao maliban kay Carlos."
"Alam ko po."
"O sige, maiwan na kita at maglilinis pa ako. Iyong listahan ng bibilhin at saka iyong pera kunin mo na lang kay Rosa."
"Sige po, susunod na rin kaagad ako."
Iniwan na siya ng ina at nagpatuloy na sa iba pa nitong gawain. Siya naman ay mabilis na naligo at naghanda ng malaking eco bag na paglalagyan ng mga grocery. Pagkakuha niya ng listahan ng bibilhin sa napakataray na si Rosa ay agad na siyang umalis papuntang palengke.
Saglit na tiningala ni Ruthie ang kalangitan nang makababa na siya ng dyip. Dapat ay mataas na ang araw ngunit makulimlim pa rin ang langit.
She sighed. "Uulan ba? Hindi pa naman ako nakapagdala ng payong," pabulong niyang reklamo.
Binilisan niya ang lakad at nagmadaling pumunta sa tindahan ng karne at mga isda kung saan siya suki.
"Magandang umaga po!" masigla niyang bati sa ale na abala sa dami ng bumibili. "Nariyan na po ba yung order ko sa inyo noong isang araw?"
Inabot ng tindera ang sukli sa isa pang bumibili tapos ay tumingin sa kaniya.
"Wala. Sa iba ka na lang bumili," may pagkamasungit nitong sabi.
Napakurap-kurap siya rito at natahimik ng ilang segundo. Hinintay niyang pagbentahan nito ang isa pang bumibili bago siya sumingit ulit.
"Pe-pero palagi akong bumibili dito sa inyo noon, saka bayad na po 'yon."
Bumuntong-hininga ito tapos ay may dinukot sa lagayan nito ng pera.
"O, heto. Kunin mo," anitong taas ang isang kilay sa kaniya.
Agad niyang kinuha ang inaabot nito. Kumunot ang noo niya nang makitang ibinalik nito ang ibinayad niya noong isang araw para sa dalawang kilo ng bituka at karne ng baboy at dugo ng manok.
Malalim siyang huminga tapos ay sinuri ang iba pang tinda nito.
"Isda at manok na lang po ang bibilhin ko ngayon. Saka kuhanin po ninyo itong pera. Ituloy n'yo pa rin yung order. Kukunin ko na lang po ulit sa sa susunod na araw katulad ng dati."
Pumamewang ito at naniningkit ang mga matang tumingin sa kaniya.
"Hindi na. Sa iba ka na lang bumili. Ayokong malasin ang tindahan ko kaya huwag ka nang bumalik dito."
Umawang ang labi niyang nagulat sa sinabi nito.
"A-anong sinabi n'yo?"
The woman snorted. "Lumayo ka sa tindahan ko hindi kita pagbebentahan, mangkukulam."
Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata niya rito.
"Ti-tinawag mo ba akong mangkukulam?"
Puno ng panunuya na tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Pati ang ibang mga bumibili ay napalingon sa kaniya. Lahat sila ay masama ang tingin.
"Hindi ka na welcome dito sa baryo natin pagkatapos ng lahat ng ginawa mo. Dapat nga ay palayasin ka na rito kasi mamamatay tao ka," anitong matalas ang mga mata sa kaniya.
Biglang kumulo ang dugo niya at hindi niya napigilang mapagtaasan ito ng boses.
"Hindi ko alam kung anong tsismis ang narinig n'yo, pero walang katotohanan iyang mga binibintang ninyo sa akin!"
Nagdilim lalo ang mukha ng tindera na may kinuha sa ilalim ng lamesa nito. Maya-maya ay lumapit itong may bitbit na timba na may lamang maruming tubig, mga dugo, at pinaglinisan ng mga isda.
"Iyong nanay ng lalaking biniktima mo noong nakaraan, kumare ko 'yon. At iyong si Carlos, inaanak ko," nanggigigil nitong sabi sabay biglang buhos sa kaniya ng laman ng balde.
The people gasped loudly and everyone that was passing by stopped to watch. Nanigas siya sa kinatatayuan at hindi makapagsalita sa gulat sa ginawa ng ale sa kaniya.
"Huwag ka nang magpapakita rito!" sigaw nito.
Ruthie looked around and saw everyone looking at her. Nanlamig ang buong katawan niya at gusto niyang masuka. Bukod sa mabahong bagay na ibinuhos sa kaniya ng babae, nanlilisik ang tingin ng lahat ng naroon sa kaniya.
Bigla niyang naalala ang mga nangyari noong gabing bumisita siya sa lamay ni Carlos. Ang tingin ng mga tao ngayon ay pareho noong gabing iyon. These people are without a doubt thinking of hurting her.
Wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak at tumakbo paalis. Gusto na niyang umuwi kaagad ngunit walang kahit anong sasakyan ang gustong isakay siya dahil sa napakabaho at malansang amoy niya. At kapag nakikilala siya ay agad siyang tinataboy na may kasama pang masasakit na salita katulad ng demonyo, salot, aswang, mamamatay tao at mangkukulam.
Wala siyang pagpipilian kung hindi ang maglakad pauwi kahit may kalayuan. Pero hindi rin iyon naging madali. May ilang grupo ng mga bata ang hinagisan siya ng maliliit na bato nang dumaan siya sa tapat ng ilang kabahayan. Kaya kumaripas na naman siya ng takbo hanggang sa makalayo. Upang makaiwas sa ibang tao at sa gulo, sa masukal na gubat siya dumaan.
Sobrang sama ngayon ng loob ni Ruthie. Pakiramdam niya ay lumulubog ang buong katawan niya sa isang malalim na kumunoy at wala siyang makapitan. Parang gusto niyang magsisigaw sa sobrang galit at inis. Wala naman siyang ginawang masama, pero bakit parang pinaparusahan siya? She doesn't deserve to be treated that way.
Habang tinatahak niya ang gubat ay may nadaanan siyang maliit na batis. Awang-awa siyang napatingin sa kaniyang katawan na dugyot na dugyot at napakadungis. Pinakalma niya ang kaniyang kalooban at tumigil sa malakas na paghagulgol.
Linibot niya ng tingin ang paligid at nasigurong walang ibang tao maliban sa kaniya. Napagdesisyunan niyang tumigil muna saglit at maligo.
Hindi niya hinubad ang suot at diretsong lumusong sa tubig na hanggang dibdib niya. Maigi niyang hinugasan ang buhok at kinuskusan ang balat para kahit papaano ay mabawasan ang malansang amoy na kumapit sa kaniya. Maya-maya ay umahon na rin siya. Ngunit hindi pa siya nakakaalis ay may grupo ng apat na kalalakihan ang biglang dumating. Nagtataka silang nagtinginan sa isa't isa pagkakita sa kaniya.
"Ruthie?" sabi ng lalaki na nakapulang sando. "Anong ginagawa mo rito?"
Mariin niyang tinitigan ang apat hanggang sa makilala niya ang mga ito. Mga naging kaklase niya ito noong highschool. Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagmamadaling umalis nang habulin siya ng apat at hawakan siya sa braso ng isa.
"Sandali, saan ka pupunta?" nakangiting sabi ng isa na may kulay blonde ang buhok. Ito rin ang nakakapit sa braso niya.
"Oo nga, Ruthie. Tara, sasamahan ka naming maligo," sabi naman ng isa na tila uling na ang kulay ng balat.
Marahas niyang iniling ang ulo at pilit na ngumiti.
"Hi-hindi na. Salamat na lang. Tapos na akong maligo."
"Ganoon ba? Edi kami na lang ang samahan mo," nakangising sabi ng lalaki na nakaitim na t-shirt.
Kinilabutan siya sa kakaibang tingin ng apat sa kaniya. Malagkit ang mga titig nitong pinasadahan ang basa niyang katawan.
"Hi-hindi pwede. Ka-kailangan ko nang u-umuwi."
Pilit niyang binabawi ang braso mula sa lalaking may kulay ang buhok ngunit ayaw nitong bumitaw.
"Oy, Ruthie. Totoo ba yung mga tsismis sa'yo?" biglang tanong ng lalaking nakapula na tila naaaliw sa kaniya. "Ikaw daw ang pumatay kay Carlos?"
Malakas niyang iniling ang ulo. "Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Carlos!" She glares at the guy holding her arms. "Bitawan mo nga ako!"
Ayaw nitong makinig kaya sinipa niya ng malakas ang binti nito. Dahil doon ay binitiwan siya nito at agad siyang kumaripas ng takbo. Napabulalas ng tawa ang tatlo sa kaibigan nilang napasigaw sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatadyak niya rito. Pagkatapos ay hinabol na rin siya kaagad ng mga ito na tila ay nagkakatuwaan.
"Ruthie! Sandali!"
"Gusto lang namin makipagkaibigan!"
"Ruthie!"
Hindi niya pinansin ang mga ito at patuloy siyang tumakbo. Unfortunately, she could not outrun them. Natalisod siya sa ugat ng puno at nadapa. The black skinned guy pinned her to the ground while the others held her hands and feet.