“Bitawan n'yo ako! Ano bang kailangan n'yo sa'kin?!"
Panay ang piglas ni Ruthie sa apat na lalaking hawak ang mga paa at kamay niya. Ngunit kahit anong sigaw at kiwal niya ay ayaw siyang pakawalan ng mga ito.
“Anong gagawin natin dito?" anang lalaking may kulay ang buhok sa tatlo nitong kaibigan.
“Kailangan mo pa bang itanong 'yan?" nakangising sagot ng lalaking naka-itim na t-shirt.
Nagtinginan ang apat tapos ay malagkit at malaswa ang mga matang pinasadahan ng tingin ang katawan niya. Tila iisa ang tumatakbo sa isip ng mga ito.
The guy in the red sando smirked. Inilapit nito ang mukha sa kaniya.
“Alam mo, Ruthie. Kung hindi lang dahil sa mga tsismis sa'yo, linigawan na kita nung first year pa lang tayo."
Ruthie's blood ran cold when she realized what they wanted to do.
“Hinding hindi ako papatol sa'yo! Bitiwan n'yo ako!" galit niyang sigaw. “Subukan n'yong may gawin sa'kin isusumbong ko kayo sa mga pulis!"
Pinagtawanan lang siya ng mga ito. Kahit anong pakiusap at pagbabanta niya ay tila walang epekto. These men are not afraid to hurt her because they are confident that nobody in the town, even the police, will side with her.
Muntik na siyang mawalan ng pag-asa nang sumagi sa isipan niya ang ina at si Dyrroth. Nagkaroon siya bigla ng panibagong tapang sa isipang hindi siya nag-iisa. Hindi totoong walang maniniwala sa kaniya dahil may mga taong nagmamahal sa kaniya.
She will not let these disgusting people do what they want with her without a fight!
Nang maramdaman niyang tila lumuwag ang hawak sa isang paa niya ay agad niyang sinipa ng malakas ang maitim na lalaking nasa ibabaw niya na luluwagan na sana ang sinturon na suot.
She kicked him in the crotch with all her might. Napasigaw ito ng malakas. Nagulat ang iba nitong mga kasama kaya't lumuwag din ang hawak ng mga ito sa isa pa niyang paa at dalawang kamay. Pagkatapos ay kinagat niya ang braso ng lalaking nakaberde na may hawak sa kamay niya.
She kicked and punched to free herself until she was able to stand. The men were caught by surprise and was stunned for a moment.
Ano bang inaakala ng mga ito? Na hindi niya kayang lumaban at wala siyang gagawin kundi ang umiyak at magmakaawa? She is not that weak!
She used that opportunity to ran as fast as she could until she entered a dark cave. Hindi naman tumigil ang mga lalaki na humabol sa kaniya. Sinundan siya ng mga ito papasok sa kweba.
“RUTHIE!" galit na sigaw ng lalaking sinipa niya sa singit. “Lumabas ka, Ruthie!"
Takip-takip niya ang bibig at nanginginig sa takot habang nakatago sa isang sulok ng kweba. Ginagawa niya ang lahat para kontrolin ang kaniyang sarili na huwag gumawa ng kahit anong ingay.
Ruthie closed her eyes and waited for the guys to leave, but they didn't. A few moments later, she felt a hand grabbed her neck.
“Nandito ka lang pala!"
The blonde haired guy immediately pinned her to the ground and strangled her. Sinusubukan niya na kalmutin at paluin ang dalawang kamay nitong nakasakal sa kaniya, ngunit sadyang ayaw nitong magpatinag.
“Kahit ano'ng gawin namin sa'yo, kahit patayin ka pa namin, walang makikiramay sa'yo," anitong nakangiti pa. “Walang may pakialam sa'yo, Ruthie. Kayo huwag ka nang magmatigas. Saka kung tutuusin, wala 'to sa lahat ng ginawa mo. Dapat lang sa'yo na parusahan!"
Malapit na siyang maubusan ng hininga at nagdidilim na ang paningin niya.
“Huwag kang mag-alala, Ruthie. Kami na ang bahala sa katawan mo kapag namatay ka na. Personal kong aalagaan 'tong katawan mo habang mainit pa. Kahit patay ka na siguradong masasarapan ka pa rin," patuloy nito na walang awang pumipiga sa lalamunan niya. Malawak itong ngumiti tapos ay inilapit ang mukha sa kaniya. “Ako na rin ang maghuhukay ng paglilibingan namin sa'yo kapag malamig ka na."
Ruthie stares at the guy's eyes as she lose her consciousness. What she saw was pure evil.
Sinasabi nang buong bayan na isa siyang masamang tao, diablo, at mangkukulam. Pero ano itong ginagawa sa kaniya ng mga lalaking ito? Hindi ba't sila ang mga tunay na masasama at mamamatay tao?
Ito na ba ang katapusan ko? Ganito ba magtatapos ang lahat sa'kin?
Pakiramdam niya ay pinagkaitan siya ng hustisya ng lahat ng taong nasa paligid niya. Gusto niyang sumigaw, umiyak, at ilabas ang lahat ng sama ng loob na matagal niyang kinimkim, ngunit tuluyan nang dumilim ang paningin niya...
Do you want to have children with me?
I do, my dearest wife. You'd make a wonderful mother. I'm sure.
So... you're okay if we have a child?
Of course. But we both know that's impossible. We can't reproduce.
I know that. I mean, why don't we create another vampire? Let's adopt a child and make it like us.
But, Ruthielle, that's...
That's what? Wrong?
We're talking about an innocent child.
I don't care. Dyrroth, If you really love me... you will do it for me...
Another weird dream...
Mabagal na iminulat ni Ruthie ang kaniyang mga mata at inilibot ng tingin ang paligid. Kumunot ang noo niya nang makitang nasa loob siya ng isang madilim na kuweba.
“A-ano—"
Bigla siyang napadaing sa hapdi na gumapang sa leeg niya. Napahawak siya rito at hinimas-himas hanggang sa may mapagtanto. Nanlamig ang buong katawan niya na tila binuhusan ng malamig na tubig ng biglang bumalik sa kaniyang ala-ala ang mga nangyari kanina.
Puno nang pagtataka siyang lumingon-lingon sa paligid.
The cave is dark, but her eyes already adjusted so she could see a little. Nasaan na ang lalaking gustong pumatay sa kaniya kanina?
Nanginginig pa ang mga tuhod niya ngunit pinilit niyang tumayo. Maingat siyang lumakad habang kinakapa ang bawat madaanan. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay may kakaibang bagay siyang natapakan. Napatigil siya sa kinatatayuan at minasdan ang bagay na nasa ibaba niya.
A-ano 'to? Hindi ko masyadong makita.
“s**t! Natakasan na yata tayo."
“Hayaan mo na lang. Tara bumalik na tayo. Sayang lang oras natin."
Mariing itinakip ni Ruthie ang dalawang kamay nang marinig ang boses ng mga lalaking humahabol sa kaniya. Umupo siya at nanalangin na sana ay hindi siya makita ng mga ito.
“Nasaan na pala si Johnny? Nauna pumasok yung tukmol na 'yon 'diba?"
“Hindi ko alam. Baka lumabas na?"
“s**t! Tara na nga!"
Natulos si Ruthie sa pinupwestuhsn nang matapatan siya ng ilaw mula sa flashlight na bitbit ng isa sa mga lalaki. Nagulat din ang mga ito nang makita siya.
“Tangina. Nandito ka lang pala, Ruthie? Lalabas na sana kami e."
Agad siyang tumayo at tatakbo na sana nang madapa siya. Tinignan niya ang bagay na tumisod sa kaniya na inilawan din ng tatlo. Pare-parehong namilog ang mga mata nila nang makitang isa itong duguang katawan ng tao.
“Jo-johnny?" nangangatal na sabi ng lalaking may hawak na flashlight.
Lumapit ang mga ito at pinakatitigan ang bangkay na nasa harapan nila.
“A-anong ginawa mo?!" sigaw ng lalaking itim ang balat. “Anong ginawa mo kay Johnny?!"
Malakas niyang iniling ang ulo at naluluhang tumingin sa tatlo.
“Wala akong ginawa! Hindi ako ang may kagagawan nito!"
“Hindi kami naniniwala sa'yo! Ganitong ganito ang ginawa mo kay Carlos! Totoo ang mga tsismis sa'yo! Dapat ka talagang patayin o sunugin ng buhay!"
“Mamamatay tao ka!" dugtong ng lalaking naka-pulang sando.
Mariin niyang pinikit ang mga mata at yinakap ang sarili nang makitang susugurin siya ng mga ito. Ngunit imbis na kaniyang sigaw ang umalingawngaw sa buong kweba ay ang mga hiyaw nito ang narinig niya. May kung anong bagay o halimaw ang umaatake sa mga ito.
Nang buksan niyang muli ang mga mata, wala na ang tatlong lalaki sa harapan niya. Luminga-linga siya sa paligid habang winawari kung ano ang nangyari.
Nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa kaniyang katawan. Liningon niya ang duguang bangkay na nasa harapan niya. Narito ba sa loob ng kwebang ito ang halimaw na nakita niyang pumatay kay Carlos?
Bago pa siya tuluyang lamunin ng takot ay tumayo na siya at dali-daling naglakad papuntang bukanan ng kweba. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan na siyang makalabas.