3

2372 Words
Napakurap-kurap ako at mabilis pa sa alas-kwatrong dumungaw sa bintana. Nakita ko si Azura nakapamewang habang nakatingala sakin. Napakamot naman ako sa ulo ng makita ko siyang may dalang espada na gawa sa kahoy. "Ano?"tanong ko ulit at napairap naman siya. "Bilisan mo na dyan. Sinugod ang kaharian natin ng mga panget."sigaw niya. Napatango-tango naman ako dahil dun. Wala namang bago eh. Palagi naman. Mabilis akong nagbihis ng isang bestidang puti hanggang talampakan. Like in Greek mythology ang peg. May suot din akong tiara sa ulo na gawa sa sanga ng kahoy at pinalibutan ito ng tuyong dahon at bulaklak. Maganda naman siya eh kahit tuyo na. Nakalugay ang hanggang pwet kong buhok na medyo may kulot sa dulo. Basa pa ito pero paki ko. Hawak ko ang laylayan ng saya ko habang bumaba ng hagdan at ang isa kong kamay ay nakahawak sa railing. Nakita ko ang isa kong kuya galing sa kusina habang umiinom ng tubig. Walang damit pang-itaas. Pawisan ito. Lantad ang putok nitong abs. Eww! Napalingon ito sakin nang marinig ang mga yapak ko at kita ko ang pagtaas ng kilay nito ng makita ang ayos ko. Inirapan ko siya ng tudo-tudo. Nakuha pa talaga ng panget kong kuya magjogging. Hmmp! Well, sa totoo lang maganda naman talaga katawan niya eh. May maliit na gym kasi sa bahay namin dun sa manila. Pinagawa yun ni Kuya Azrael noong tudo training pa siya. Tumakbo ako papuntang pinto pero agad din napahinto ng magsalita siya. Napanguso ako dahil dun at lumingon sa kanya. "At saan ka na naman pupunta huh?"Kunot noong tanong nito sakin. Napakamot naman ako sa hintuturo ko. "Sa kaharian namin. Sige na kuya aalis na ako. Sinugod ang kaharian namin ng mga panget."sagot ko at ready to go na. "Hephep! Sinong nagsabi pwede kang umalis huh? At pwede bang magpalit ka ng ibang damit?Gaya-gayasa Greek eh. Well, sa tagal ng panahon palagi naman. But still change your f***ing dress now."umiigting ang panga nitong utos sakin. Umirap ako ng palihim. "Ano ba naman yan kuya Adrianus. Ayoko nga. Ganda ko kaya dito."nakanguso kong sagot at yumuko pa ako para kita ang kasuotan ko. "Yun nga.Arrgh! Just stay away from maniacs okay? Umuwi ka ng maaga kundi sunugin ko yang kaharian niyo."mahinahon nitong turan sakin. Nakangiti naman akong tumango sa kanya at nagflying kiss bago lumabas ng bahay. Nakita ko si Azura sa harap ng gate namin na gawa sa kawayan habang nakabusangot ang mukha. "Nakakainis talaga yang kuya Adrianus mo. Ginulo ba naman buhok ko? Pasalamat siya gwapo siya at nakalantad ang pandesal niya. Naku lang talaga."sabi nito pagdating ko sa harap niya. Sinirado ko naman ang gate namin at tumabi sa kanya. "Asus! Ligawan mo na kasi. Pero wag inday. Baka lumaki ulo nun. Alam mo namang sanay na sanay yun kapag hinahabol ng mga babae. Kaya pabebe lang at tarayan mo siya."daldal ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad. Napapalingon samin ang iba dahil sa kasuotan namin. Kada weekend naman nila kami makikita ng ganito pero hindi pa ata sila nasanay. Di ko nalang pinansin. Sanay na ang dyosa niyong tinitigan ng mga tao. Kaluka talaga ang pagiging dyosa noh? "Che! Bakit ko naman siya liligawan? Porket krass ko siya liligawan ko na? Hmmp! Yaw ko nga. Bala siya. Tara na. Nandon na alagad ni bruha. Dali."usal nito at hinila ako. Napatakbo kami papunta sa kakahuyan habang hawak ang laylayan ng kasuotan ko. Nasa kakahuyan ang kaharian namin. Nagsiliparan naman ang mga ibon na nagpapahinga sa mga puno dahil sa pagtakbo namin. Pasikot-sikot ang dinaan namin hanggang sa dumaan kasi sa isang tulay na pakurbang gawa sa kahoy. May nakapulupot ditong mga baging na may berdeng dahon at puting bulaklak. Hawak-hawak ko parin ang aking saya hanggang dumating kami sa aming kaharian. Charot! Pero totoo dumating na kami sa aming teritoryo. Real Goddess mode ang dyosa niyo. Sumalubong sakin ang mga panget na dala-dala ang mga sibat at espada na gawa ng kahoy. Pinamuunan ni Tatiana the bruha. "Nandito na si Dyosa Selene at Azura ang mandirigma. Magbigay galang."anunsiyo ng isa naming kakampi. Napatigil naman ang iba at napalingon samin lalong-lalo na ang grupo ni Tatiana. Kita ko kung paano umawang ang mga labi ng kanyang alalay ng makita ako. Naks! Ganda ko talaga. Nagsiyukuan ang mga kasama namin. Who you kayong lahat. Tumabi ako kay Athena na masama ang tingin kay Tatiana. Humarap ako kay Titiana na ngayon ay nakataas ang kilay nito sakin. Nakatutok din ang espada sa leeg ko. Bilang isang dyosa ng aming kaharian, seryoso ko siyang tinignan. "Anong dahilan upang sumugod ka dito Tatiana?"seryosong tanong ko sa kanya. Char! Serious mode talaga si ako.ahehehehe. "Kukunin ko ang dapat sakin, Selene." mataray niyong sagot. Napataas naman ang kilay ko dun. "Walang sayo, Tatiana. Sa amin ang teritoryo na ito. Lahat ng nasa teritoryo namin ay samin. Yan lang ba talaga ang dahilan mo? Wala bang ibang dahilan dyan sa kukuti mo? Kung ako sayo Tatiana, tumigil ka na. Wag kanang lulusob sa kaharian namin. Hindi ka naman namin inaano."usal ko sa kanya. Tumaas ang kilay nito sakin at ngumisi. Ngising may pinapahiwatig. Nakakainis talaga ang babaeng to'. "Sige."pumalakpak naman tenga ko sa sagot niya. "Pero may kondisyon."dugtong nito. "Ano?"determinado kong tanong. Kahit anong kondisyon yan susundin at gagawin para sa kaharian namin. Wew. "Magpapakasal ka."napanganga naman ako sa sinabi niya. "Para alam kong walang aagaw sa aking iniirog na si Adonis. Mapanatag ang aking dibdib at kaluluwa kapag ika'y nagkikipag-isang-dibdib. Si Adonis ay akin lamang. Gagawin ko ang lahat upang siya'y maging akin kagaya ng aking sinabi. Magpapakasal ka. Humanap ka ng magiging kaibayak mo at alam kong ito din ang kagustuhan ng ibang kampo. Ang mapakasal ka sa madaling panahon. Masyado kang mang-aagaw ng pansin."malandi nitong dugtong at tumingin pa kay Adonis na ngayon ay nakangiwi ang labi. Napakurap-kurap ako ng ilang beses. "Ano na, Selene? Di mo kaya? Mahinang dyosa ka p--." "Sige, papayag ako. Yun lang pala ang kondisyon mo. Magpapakasal ako tulad ng iyong sinabi basta't wag na wag ka ng aapak sa aming teritoryo."putol ko sa nakakainis niyang monologue. Bahala na. Dyosa naman ako. I'm sure makakahanap ako ng magiging irog ko. Hay naku ang lalim talaga ng salita namin. Buti't di dinugo ilong ko. "Makakaasa ka bastat magpapakaisang-dibdib ka. Aalis na kami."paalam nito samin at binaba ang espadang nakatutok sa leeg. Nang mawala sila sa harapan ko ay don pa ako napabuga ng hangin. Susme naman. Magagalit nito si Cha Eun Woo sakin. Napatampal ako sa noo ko. "Paano na yan, Selene. Saan ka hahanap ng maiirog mo?" nag-alalang tanong ni Azura. Naibaba ko naman ang kamay ko at napacross-arms. "Bahala na. Ako na dun."sagot ko nalang. Totoo naman. Ako na bahala. Dyosa ako eh. "Nakakainis talaga ang babaeng yun."sabi naman ng katabi ko na si Athena. "Sinabi mo pa."sagot ko at sumimangot. "Ikaw naman kasi bat ba kasi ang ganda-ganda mo."naiinis nitong turan. Malawak naman ang ngiti kong humarap sa kanya kaya napairap siya. "So? Inamin mong dyosa ako?"nakakaloko kong tanong sa kanya. Nag-crossarms siya at umirap ulit sakin. "May sinabi ba ako? Tsk."masungit nitong turan. Sungit talaga nito kahit kailan. Inangkla ko nalang ang braso ko sa kanya. "Asus! Aminin mo kasing dyosa ako. Totoong dyosa. Hindi lang dito sa Mt. Selthenastia kundi pati na rin sa mundo ng mga tao."sinusundot-sundot ko pa tagiliran niya. Ang Mt.Selthenastia ay galing sa name naming tatlong dyosa. Yes! Tatlo lang kami namumuno sa Mt.Selthenastia and all girls. Kaming tatlo lang kasi ang may name na kinuha sa 12 Greek Gods and Goddesses sa Mt. Olympus. "Tsk." "Sige na kase. Amin-amin din kasi paminsan-minsan." "Oo na. Oo na. Ikaw ang sipi ni Aphrodite. Maihahintulad ang iyong ganda bilang isang dyosa. Dyosa ng kagandahan. Ano? Masaya ka na? Lumaki na ulo mo?" medyo may bahid na irita ang boses niyo kaya natawa ako. "Humble po akong dyosa, Athena. And yeah! Happy. Very very."natatawa kong sagot. Umirap naman siya. "Kaya nga gusto ni Tatiana na makasal ka dahil takot siyang maagawan. Alam mo namang may gusto si Adonis sayo at hindi lang siya ang may gusto sayo. Lahat ata ng single na lalaki dito sa baryo–bayan natin.That's why, some other girls are insecure for your beauty. They want you into in a relationship para mapanatag ang loob nila and all boys will never into you na."sabat naman ni Azura. "Ganun pala yun? Kaya pala galit na galit sakin ang mga br*ha. Kaya pala gusto nila akong magkaroon ng boylet in true."napahawak pa ako sa baba at napatango-tango. Kaya pala. Naku! Di ko naman inagaw mga lalaki nila eh. As what I said, I already have a boyfriend s***h husband but di pa yun sapat para maniwala sila. Siguro ito na rin ang tamang oras para magkaroon ng real boyfriend kahit dito sa mundo ng fantasia. "Oo,Selene. Kaya hanap na tayo ng irog mo. Malay mo mabawas-bawasan ang galit at pagkakainsecure nila sayo. Para din manahimik na si Tatiana. Naiinis na ako sa babaeng yun. Sarap itapon sa itim na dagat."natatawang usal ni Azura. "Saan at sino naman ang magiging irog ni Selene?" Napanguso naman ako. Oo nga pala. Hindi naman pwedeng papuntahin ko dito si Cha Eun Woo ng madalian. Paano na career niya? Para pa naman yun sa future namin. Hhaayy. Sabihin niyong OA kami at laro lang ito pero naging bahagi na talaga ito sa buong buhay namin. Napapamahal na kami dito. Para na din itong buhay at routine namin. Libangan namin ito pag wala kaming trabaho o ginawa. Malaking impact ito sa buhay namin. It's already part of our life na you know. "Maghahanap na ba tayo kung sino ang magiging iniirog mo simula ngayon?"malokong tanong ni Azura habang may nakakaasar na ngiti sa labi. Umirap ako sa kanya. "Oo ngayong oras tayo mag-hahanap ng magiging irog ni Selene." sang-ayon naman ni Athena. "Immortal o mortal?" Mag-usap ang mga to parang wala ako sa harap nila. Grabe ah. Di ba nila kita ang dyosa? "Kahit anong uri ang mahalaga'y mapakasal si Selene." bagong dating na si Hestia. Nakangiti ito samin at tumabi kay Athena. Napanguso naman ako. Kasal na kaya ako kay honeybunch. Hmmp. Hestia ang ikatlong dyosa. "Sangayon ako dyan. Tayo ang bahala sa palamuti Hestia." masayang sabi ni Azura. Napapalakpak naman si Hestia at tumili. Napatakip naman ako sa tenga. Jusko bakit may mga kaibigan akong kagaya nila? "Maraming bulaklak at baging. Fairytale ang theme okay?" "Okay na okay." "Gwapo o Panget?" "Kahit sino basta mukhang tao pa rin." "Matangkad o pandak?" "Matangkad. Wag yung pandak. Magmumukhang yaya si Selene." "Sige. Yan muna ang tipo natin sa soon-to-be-irog ni Selene." "Ako bahala sa mga tanglaw." "Anong tanglaw Athena?"napaepal na ako. Tanglaw? Bakit gabi ba ang pag-iisang-dibdib namin ng magiging iniirog ko? "Tama ang yung narinig, Selene. Mamayang alas-otso ka dapat mapakasal sa lalong madaling panahon. Alam mo naman si Tatiana diba?"usal ni Athena. "Ano? Arrghh."naiinis kong sambit. Leletchonin ko talaga ang babaeng yun. Makikita niya. "Oo nga." "Kailangan nating madaliin ang paghahanap ng magiging irog ni Selene." "Sige. Pagkatapos ay mag dedesinyo tayo sa kasal nila. Hihingi tayo ng tulong mula sa Mt. Faylinn." Mt.Faylinn ay kampo ng mga diwata kuno.Nandon ang mga pekeng fairies at elves. Makapeke parang di peke din ang samin. Hehehehe. Nakakainis talaga. Namomorblema na tuloy ako. Saan nga ba ako mag-hahanap ng magiging irog ko? Ayaw ko naman sa kauri kong nilalang at sa ibang kampo. Sawa na ako sa mga mukha nila.Mabahagingdyosa ako'y lundo na. "Maglakad-lakad muna ako. Nastrestress beauty ko kakaisip kung saan ako mag-hahanap ng magiging irog ko." busangot kong sabi. Napatawa naman sila pero hinayaan ko nalang at iniwan sila. "Tutulong kami sa paghahanap uuyy."rinig ko pang sigaw ni Azura. Ngumuso nalang ako. Edi maghanap din sila basta ako ambot lang. Hhaayyss. Marami akong nakasalubong na kaedad ko at mas bata sakin. Kagaya ko din ang kasuotan nila.Iba-iba nga lang ang desinyo at ayos nito. May kita ang pusod at likod. May dibdib lang ang natakpan habang ang puting saya ay may slice sa gilid. Ang ganda nga ng dating eh. May dala-dala silang pana at palaso. Ang mga lalaki naman ay walang damit pang itaas. Pang-ibaba lang at kulay puting tila. May bitbit na sibat at espada. Mukhang maghuhusay sila. Who you kayong lahat, kami ay magagaling sa archery at espadahan. Inggit kayo?Gawa kayo ng sarili niyong kampo. Lahat kami ay nakapaa lang. Ayos lang naman dahil puro damo ang inaapakan namin. Hindi rin kami masyadong madami. Nahahati sa anim na kampo kase.Galing noh? Parang real. "Magandang tanghali sa iyo dyosa Selene." bati nila sakin. Ngumiti ako sa kanila at tumango. Chos. Inggit kayo. Nakarating ako sa tree house namin. Tatlo sila at gawa sa kawayan. Maraming baging na may bulaklak at halaman ang nakabitay sa mga sanga ng kahoy. Meron din sa tree house namin waring isang kurtina. Ang ganda nga tignan eh. Parang nasa fantasy world lang. Marami ding paru-paro ang lumilipad. Ganito kaalaga ang kaharian namin. Mainggit kayo. Sa haba ng nilakaran ko ay narating ng mga paa ko ang harden ni Hestia. Siya ang naging leader sa pag-aalaga ng ibat-ibang bulaklak. Ang ganda. Napangitiakong nagsimulang humangin ng mabini. Napapikit akong dinama ito and I inhale. Ilang minuto akong ganun bago dinilat ang mga mata at nagsimulang maglakad papalapit sa mga bulaklak. Maraming nagliparang mga paru-paro dito. Lumapit ako sa pumpom ng mga rosas at inamoy ito. Grabe ang sarap ng amoy. Gusto ko tuloy pumitas at kainin ang isang talulot nito. Di naman siguro magagalit si Hestia. Humahagikhik ako pinutol ang isang rosas.Isa lang dapat eh pero naging lima. Ano naman problema dun? Dyosa naman ako eh. No worries. Inamoy -amoy ko ito at akmang tatalikod ng may nahagip ang mga mata ko sa anuhan. Tumayo ako ng tuwid habang hawak ang mga rosas sa harap. Sinusuri ko silang lahat habang nakatuon ang mga tingin sakin. May nanlaki ang mga mata,nakaawang ang labi at walang emosiyon nakatitig sakin. Medyo malayo ang mga ito sa akin. Napatitig naman ako sa isang yun. Ang lalaking wala kahit ano mang mababakas na emosiyon sa mukha. Tinitigan ko ang mukha niya. Patagal ng patagal ay may naalala ako. Pamilyar siya. Napasinghap ako at nanlaki ang mga matang makilala kung sino ito. "Ikaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD