2

2900 Words
Nagising ako dahil sa sinag ng araw.I grabbed my favorite pillow na may mukha pa ni Cha Eun Woo at sinubsob ang mukha ko dun.Inaantok pa ang dyosa niyo. Gusto pa niyang matulog. Ang aga-aga sinisira na ni araw tulog ko. Hhmmpp. Tumalukbong ako at muling pumikit. Ayos lang naman dahil walang pasok ang mahal niyong dyosa. It's weekend! Yepie. "Gising na, dyosa. Gising na pinakamagandang dyosa.Gising na ang nag-iisang dyosa." Di ko mapigilang mapangiti dahil sa narinig ko. Nawala antok ko dahil dun.Hehehehehe. Napadilat ang mga mata ko at umayos ng higa. Niyakap ko ng mahigpit ang unan at humagikhik. Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa mesa at inopen. Mukha ni Cha Eun Woo ang bumungad sakin. Haayy! Ang gwapo niya talaga. Ako patay sa kanya. Ako baliw sa kanya. Ako asawa niya. Ako dyosa. Ahehehehe. Ganda talaga ng gising ko. Nakakahiya naman. Bumangon ako sa kama kahit sabog ang buhok at yakap parin ang unan. Hinalikan ko muna ang mukha ni Cha Eun Woo sa screen bago ko pinatong ulit sa mesa. Tumingin ako sa harapan ko at sumalubong sakin ang nakangiti na si Cha Eun Woo. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong sulok ng kwarto. Halos mapuno ng poster ni Cha Eun Woo ang pader. Bakit ba? Asawa ko siya eh. Kaya ayos lang. hehehehe. Nakangiti akong pumunta sa harap niya at nagpacute sa harap. Hayaan niyo ns ako. Malay niyo lalong mainlove si Cha Eun Woo sakin. Achecheche. Palagi ko naman tong ginagawa kapag gigising ako sa umaga at bago matulog. "Good morning, honeybunch ko. Musta gising mo? Ako? Ganda ng gising ko dahil sayo. Hehehehe. I love you, honeybunch ko. Mwah."malambing kong kausap sa poster niya at hinalikan sa pisngi. Ang sweet ko noh? I know right. I'm Goddess kaya. Achecheche. Someday Cha Eun Woo mamemeet din kita in person. I'm so excited talaga to happened. Nagflying kiss ako kay Cha Eun Woo bago tinungo ang bintana habang kumakanta. Bakit ba ang saya ko eh. Hinawi ko ang puting kurtina at sumilip sa labas yakap-yakap ang unan. Napangiti akong makita ang kapit-bahay namin na busy sa pagwawalis sa bakuran nila. May naglalakad din at nagjojogging. May mga bata din na nagsisimula ng maglaro. Kay aga-aga laro agad. Hay sabagay! Wala namang pasok. Napapikit akong dumampi ang mabining hangin sa aking mukha. Ang sarap naman. Kaya gusto ko dito sa probinsiya eh. Kung pwede lang dito magstay forever, gagawin ko. Kaso nga lang sa manila ako nag-aaral at doon din kami nag-stastay. Kada weekend kami bumibisita sa probinsiya. Yan ang routine namin at ito ang bahay namin noon. Ayos lang naman dahil kagustuhan namin to'. Nakakamiss din kasi dito. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito. Sariwang-sariwa di tulad doon sa Manila. Maraming amoy. Hmmp. Dumilat ako kasabay ang paghinga ko ng malalim at mas lumapit sa bintana. May gagawin kasi ako. Hehehehehe.. Luminga-linga muna ako sa mga tao. Busy parin sila. Huminga muna ako bago binuka ang bibig. "Aaahhhh ahhhahh... Aaahhhh ahhhahh..Aaaahh aahhaahh..." Ginaya ko yung nasa Enchanted. Alam niyo yung movie? Baka kasi may lumapit sakin na mga ibon o daga. Malay niyo naman at tutulungan nila ako sa anumang gawain dito sa bahay. Pero ewan kahit niisa wala talagang lumapit sakin. Maganda naman boses ko. Mas maganda pa nga sa bida ng Enchanted. Hay naku. Pinagpatuloy ko ang ginawa ko. Bakit ba? Ayos lang naman dahil nga maganda boses ko at dyosa ako. Ang isang dyosa na kagaya ko malaya kung ano ang kanyang gagawin. Nakita kong napapatingin ang mga tao sakin kaya lalo akong ginalingan. Inayos ko talaga ang pagkanta nito. Hehehehehe. Sabi ko sa inyo eh. Maganda boses ko kita niyo napapatulala talaga sila sakin habang nakatingala sa bintana? Napapatigil pa sa ginagawa nila.Ako na talaga. "SELENEDIANA APHRODITE D. MAKAPILING. HINDI KA BA TITIGIL DYAN HUH? ILANG ULIT MO NA YAN GINAGAWA?SABOG NA TENGA KO SA TINIS NG BOSES MO. BUMABA KA DITO NGAYON DIN." Napasimangot akong marinig ang sigaw ni Mama mula sa baba. Full name talaga mama? Pero ayos lang maganda naman name ko tulad ko. Panira talaga ng moment si mama kahit kailan. Napakamot ako sa ulo habang naglalakad papuntang kama at inayos ito. Minamadali ko talaga baka lalabas na naman ang sungay ni Mama. Mahirap na. May lahi pa naman yun ni Maleficent at baka gawin akong kambing nun. Hindi pwede yun. Isa akong dyosa at hindi kambing. Mawawala ang nag-iisang dyosa sa mundo ng mga tao kapag mangyari yun. Kawawa si honeybunch ko. Mawawalan ng magandang asawa. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang hagdan. Tumingin ako sa baba at nakita ang mudra ko nasa dulo ng hagdan habang nagtaas-baba ang kilay sakin. Ayos na ayos ang damit nito at may dalang shoulder bag. Saan na naman kaya ito pupunta? Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway. Umirap siya sakin pero nakangiti din. Patalon-talon akong bumaba sa hagdan at lumanding sa harap niya habang malawak ang ngiti. "Good morning, mother earth! Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Magalang kong tanong at yumuko sa kanya. Ginaya ko yung mga movie kung paano sila humarap sa hari o reyna. Royal blood naman kami eh. No worries. hehehehe. Sshhh kayo. Ako lang ang nakakaalam. "Ito. Gawin mo lahat yan. May pupuntahan ako at pagkatapos mo yan gawin, pwede ka nang maglakwatcha. Paalam ka sa mga kuya mo. Sige na, babye." my mama says handing me a sheet of paper. Nakanguso naman akong tinanggap ito at ang paghalik niya sa pisngi ko. Sabi ko sa inyo eh. Marami akong gagawin. Nalilito talaga ako super kung anak ba talaga ako ni Mama o katulong? Ano sa tingin niyo?Ang ganda ko naman para maging katulong. Dyosa ako hindi katulong, hhmpp. lapastangan to'. Malaking kasalasan ito para sa mga tao. Ang gawing katulong ang isang dyosa ay malaki ang parusa. Binasa ko ang listahan. Ito lang naman ang nakalagay: 1.Clean the kitchen and put all the dishes away. 2. Clean our rooms. 3. Wash all the clothes 4. Vacuum the floor. 5. Dust the house and outside the house. 6. Change our curtains. Yan lang naman. Ang kunti lang noh pero ang bibigat. Nasan ba kasi ang mga kuya kong pinaglihi ni Dora? Bwesit sila porket ako lang ang dyosang anak ni Mama, ganun-ganun sila? Di tutulong? Susme. My beauty is in danger. I need justice pero ayos lang makakalabas naman ako sa lungga pagkatapos nito. I'm sure naghihintay nayun sila sakin. "Ma, pasulubong ko ah. Don't forget."mabilis kong sabi ng makita ko siyang papalabas na ng bahay. Lumingon naman ito sakin at umirap. Sunget ng Mama ko noh? "Oo na. Oo na. Mukha ni Cha Eun Woo. May plano kabang punuin ang kwarto mo ng poster niya? Naku. Geh. Bye nalang." Nang makaalis si mama, napamewang ako habang inilibot ang tingin sa loob ng bahay namin. Maganda at matibay pa naman bahay namin dito sa probinsiya kahit medyo maluma na. May nakasabit na ibat-ibang painting sa dingding. Hindi ko alam kung ano ang mga yan. Maluma kasi ang dating at wala akong planong alamin ang mga ito. Hindi rin masyadong malaki o maliit ang bahay yung sakto lang. Nasaan ba ang dalawa kong kuya? Bwesit mga yun. Perks of being one daughter. Bakit ba kasi ako lang ang babaeng anak ni Mama?Sakin tuloy bagsak lahat ng gawain sa bahay. Pasalamat ang mga panget na yun, cute ako. Ay hindi, dyosa ako. Dyosa. Lagot talaga sila sakin. Ipapatapon ko talaga sila sa bermuda triangle. Well, makapaglinis na nga lang para makapunta sa aming kaharian. Ginawa kong messy bun ang buhok ko bago I start my chores. Cleaning the kitchen first and ate the piece of bacon. Ano ba yan, dami ng huhugasin. I'm sure ang mga kuya kong panget ang may kagagawan nito. Ang lalaki na nila tapos ganito ka burara? Hay naku. Masusuntok ko talaga sila. Kinagat ko ang bacon and I cleaned all the dishes and put them away while singing my favorite song. Napapasayaw din ako. Bakit ba? Para naman maganahan ako sa trabaho ko. Tamad pa naman ako. Kinuskos ko din ang lalabo namin yung tipong mahihiya ang mga dumi sa sobrang kintab nito. After polishing the kitchen I cleaned also our sala.Hindi naman kami mayaman, yung may sapat na pera lang. Makakain tatlong beses sa isang araw at napapa-aral ni Mama at ni Kuya. Wala na akong papa. Matagal na po siyang patay sa gyera. Army kasi papa ko po at sumunod sa yapak ang pinakamatanda naming kapatid kay Papa. Si kuya Azrail. Apat kaming magkakapatid at ako lang po ang dyosa sa apat. Ang dalawa kong kuya ay nag-aaral pa. Pareho po silang college students. Si kuya Acheros ay 4th year college na at ang kinuha niyang course is engineer. Siya na magaling sa math.Si kuya Adrianus naman nasa 2nd year college na at ang course na kinuha niya is Business Management. Sila na. At ako? Senior High School na ako no'. Grade 12-ABM. Yeah, I love counting money. Accountacy gusto ko pero gusto ko din ang fine arts sa college. I love drawing kaya. Sa public ako nag-aaral habang ang mga kuya ko sa sikat na school. Di ko nga alam kung bakit sila nakapasok dun. Eh ang mahal-mahal ng tuition dun at pinakasikat kaya yun tapos pinakamalaking school sa buong Pilipinas. Tinanong ko pa ang dalawa kong kuya kung bakit sila nakapasok. Alam niyo kung ano ang sagot nila?Ito lang naman. "Brain, baby girl. Brain. Para saan ang talino namin kung di namin gagamitin?" Yabang talaga. So much for them. Balik tayo sa gawain ko. Inarrange ko ang mga upuan. Sinisigurado ko din na walang alikabok ang naiwan dito. Ganyan ako kasipag na dyosa. Kaya ang swerte ni Cha Eun Woo dahil may asawa siyang masipag, mabait, mapagmahal, sweet, medyo may laman din naman ang utak at dyosa. Pack na pack. Pinalitan ko din ang mga kurtina sa sala. Yellow to white curtains with flowers and butterflies pa. Inilagay ko ito sa basket at binitbit papuntang itaas. I cleaned our rooms quickly as possible, organizing the clothes into files. At inilagay ko din sa washing machine ang mga dirty clothes while waiting the clothes to be finished in the washer, nag-vacuum din ako sa sahig. Haggard na ako. Haggard na dyosa niyo. Susme. After how many years natapos ko na rin lahat pati labas tapos ko ng walisan. Pabagsak akong umupo sa couch namin habang nakabuka ang mga braso at lantang gulay ang katawan sumandal sa couch. Ubos na energy ko mga beh. Super haggard na dyosa niyo. Ilang minuto ako nakipagtitigan sa kisame bago naisipang tumayo. Maliligo ang dyosa niyo. Lagkit ko na kaya baka di tatabi si Cha Eun Woo sakin kahit sa panaginip lang kami nagkatabi sa kama. Cuddle each other. Hehehehe. Bago ako lumabas sa kwarto habang dala-dala ang towel ko ay tumingin muna ako sa mahal kong phone. Wala namang bago. Gwapo parin si Cha Eun Woo. Walang text o tawag. Ilang oras din akong nakipagdate sa tubig at nag-concert sa Cr. Lumabas ako at dumiretso agad sa kwarto ko. Kinuha ko agad ang phone ko at umupo sa dulo ng kama habang pinahiran ang basa kong buhok.Nakatapis parin ako. Mamaya na ako magbihis. Di naman lalayas mga damit ko eh. Kaya nilang maghintay. Ngiti-ngiti akong binuksan ang sss ko pero agad itong napawi ng makita ang pinakaunang post sa news feeds ko. Ang ahas. Pangalan ni Medusa ang bumungad sakin. Medusa S. Moreno updated their profile picture. 3h.? Happy Monthsary my loves. Thank you for your gifts and surprise. I'm totally shock with your surprise.I love you. hartharthart -with Nicholas Raven Valles. Halos masuka ako nang mabasa ko ang caption niya. Naging sila pala ng ahas at uwak. Paano nangyari yun? Di bale, wala naman akong paki. Queen Bee love King of Varsity. Pwe. King of Varsity, utot niya mabaho sa school lang naman namin yan. Napataas ang kilay ko makita ang pic nila. Ito lang naman. Ang lawak ng ngiti ni Medusa habang ang mukha nito naging coloring book sa sobrang kapal ng make up at may dalang bouquet of roses at teddy bear with heart shape sa gitna ng damit. Nakaakbay si Nicholas sa kanya at may ngiti din sa labi. Hay naku. Siya ang kumuha ng pic nila. Di wow. Di naman ako bitter. Ayaw ko talaga sa kanila. Nakakainis kasi sila. Basta naiinis ako. Bully ang mga yan sakin. Madaming nagreact kadalasan is heart and wow. Marami din ang nagcomment at nagshare.Sila na paymos. Binuksan ko ang comment box at halos itapon ang phone ko sa nabasa. Mga panget na toh. Pinatong ko ang isang towel sa ulo at nagngitngit ang ngipin kong binasa ang mga ito. Previous Comments... Almarie Salazar Selenediana Aphrodite D. Makapiling ganito dapat. Hindi yung feeling may jowa at alam naman natin di totoo. 2 hours ago likes reply 67 Jimjim kyut ako Selenediana Aphrodite D. Makapiling ang sweet noh? Totoo siya hindi panaginip. 2 hours ago likes reply 80 Ikaw lhang sahpat nah Selenediana Aphrodite D. Makapiling ang nag-iisang single sa classroom. #walangjowa #dyosakuno #feelingasawaniChaEunWoo 1 hour ago likes reply 200 Maria Josie Damidami Selenediana Aphrodite D. Makapiling dapat ganito hindi yung edit-edit lang. 1 hour ago likes reply 250 Nakabusangot ako dahil dun. Mga pakialamera talaga kahit kailan tong mga palaka nato'. Kaya pala ang dami ng notifs ko. Menention ba daw ako?! Mga palaka na toh ipakiss ko kaya to kay Princess Fiona? Malay niyo magiging pure na tao ang mga ito. Francesca WP Selenediana Aphrodite D. Makapiling hanap ka ng totoong boylet mo. Ilampaso mo sila. 1 hour ago likes reply 20 Annie Velasquez Maganda naman talaga si Selenediana Aphrodite D. Makapiling. She is replica one of a Greek Goddess like her name Aphrodite. What's wrong with no boyfriend by the way? Ayos nga yun eh. Walang sakit sa ulo at heart. Duh! No boyfriend No problem. By the way, Hi miss Selene! Ganda mo pala in person. I hope we will become friends. 1 hour ago likes reply 900 Napangiti naman ako dun pero agad din nawala. Daniela Makataye Ewww...Duh. Mas hamak na mas maganda si Medusa sa kanya. 1 hour ago likes reply 300 Yanachuchu Kim Selenediana Aphrodite D. Makapiling wake up, gurl. Dapat ganito. Ss nga pala sa inyo Medusa S. Moreno. Ang gwapo ng jowa niyo po. 45 minutes ago likes reply 300 Hannah Montana Medusa S. Moreno bagay po kayo. Sanaol gwapo jowa. 45 minutes ago likes reply 100 Medusa S. Moreno Thank you guys. Bagay talaga kami. I know right? 40 minutes ago likes reply 450 Janelle Ligalig Selenediana Aphrodite D. Makapiling maiinggit ka. Hanap ka ng real. 40 minutes ago likes reply 79 Medusa S. Moreno Tigilan niyo na si Selene. Wala naman siyang ginawa eh. 38 minutes ago likes reply 350 Hannah Montana Bait mo talaga idol. Love you. Naol. 37 minutes ago likes reply 100 Maria Josie Damidami Baka iiyak na yan. 37 minutes ago likes reply 200 Sarap talaga nilang itapon sa bermuda triangle. Naku, naku, naku lang. Plastic talaga tong si Medusa. Ahas talaga. Ahas! Bubuyog. Paki ba nila huh? Para saan naman yang gwapo na yan kung babaero?Kasungot talaga. Sarap magcomment ng Walamporeber pero wag na kilala ko ang mga panget na yan. Baka rakrakan ako ng mga yan. Dadami na naman bashers ko. Talo pa naman ang artista dahil sa dami ng bashers ko .Inggit kasi sila sa beauty ko pero wala pakels ako. Hmmp. Ursula Perez Mas madaming gwapo at maganda sa CIS. 37 minutes ago likes reply 600 Napataas naman kilay ko dun. CIS? Ano yun? Parang pamilyar. Saan ko nga ba yun narinig? Binasa ko ulit mga comment nila. Malay niyo malalaman ko kung ano ang CIS. Hannah Montana Ursula Perez omg! Agree ako sayo gurl. kkyyaaahh. Ang daming papabols dun. Sayang ngalang di tayo makapasok dun. Ang mahal kasi. huhuhuhu 36 minutes ago likes reply 300 Ursula Perez Hannah Montana yah. tamang abang lang malapit sa gate ang mga peg namin. Malapit lang kasi school namin sa CIS. 35 minutes ago likes reply 300 Jimjim kyut ako Hannah Montana oo nga eh. Wwaahh. Gusto ko pa naman dun. Ang daming gwapo lalo na yung may-ari ng school. 35 minutes ago likes reply 250 Hannah Montana Ursula Perez really? Pwede pala yun? Wow. sanaol malapit lang. Malayo kasi samin. Inggit ako. huhuhu. 34 minutes ago likes reply 100 Medusa S. Moreno Kita niyo na in person yung owner? Kyyyaahhh 34 minutes ago likes reply 400 Jimjim kyut ako Hindi pa po but sabi ng taga-CIS ang pogi- pogi daw po. Mala-dyos po daw. Perfect na perfect. Kaso nga lang daw hate niya cameras and medias at mailap sa tao. Paminsan-minsan kasi siya bumibisita dun.May mga kaibigan kasi siya dun na nag-aaral pa. 34 minutes ago likes reply 600 Ursula Perez Yah true. Kahit kami palaging tumatambay malapit sa gate nila. Di namin siya nakita in person. He hate crowded places. Yan ang alam namin. Siya pa naman inaabangan namin. Haayss. 32 minutes ago likes reply 300 Medusa S. Moreno Try kong pumunta dyan. Mag-aabang din ako. Megod! I can't wait. 31 minutes ago likes reply 230 Ang lalandi talaga. Tignan niyo. Kumikiringking na naman ang ahas. "SELENE! Hhooyyy babae! Bumaba ka na dyan. Nilulusob kampo natin ng mga Titan." Halos mabitawan ko ang phone ko dahil sa sigaw na yun. Ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD